English
NovelToon NovelToon

Wildest Dream (Tagalog)

Prologue

"Dazai got the highest score."

Niyukom ko ang kamay ng marinig silang nagpalakpakan at tuwang-tuwang bumati sa kanya dahil siya na naman ang nanguna. Samantalang ako ay naiinis sa sarili dahil nalamangan niya ulit ako sa maraming pagkakataon.

"Pangalawa si Perez," Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako ang tinawag. Nag angat ako ng tingin at lumingon sa bandang likod ko, kitang-kita na naguusap silang dalawa, parehas may mga ngiti sa labi.

Akala ko ako na ang susunod na tatawagin dahil ayun ang palaging nangyayari.

Nanlulumo akong napayuko sa kinauupuan. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng guro sa harap dahil pakiramdam ko nawalan ako ng pandinig sa narinig. Inayos ko naman ang pag rereview at pag memorized pero bakit nalamangan niya padin ako? Pati nadin si Perez.

Napansin kong nagsitayuan na ang mga kaklase ko at isa-isa nang lumabas ng classroom. Hanggang ako nalang ang natira.

Bagsak ang balikat kong tumayo, inaayos ang mga gamit bago sinuot ang bag.

"Mas mataas na naman ako sa'yo, ayan lang ba ang kaya mo? Walang bago diba." Napalingon ako sa likuran at nakita siya. Hindi ko napansin na meron pa palang tao dito bukod sa akin. Masyadong malalim ang iniisip ko dahil hindi ko nagawang malamangan siya.

"Chamba mo lang 'yun." Nag-umpisa akong maglakad para makauwi na dahil meron pang quiz na kailangan aralin para bukas. Magpupuyat siguro ako para hindi ako magkamali at maperfect din ang quiz, matataasan ko din siya.

"Really? That's what you always said " huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, ganoon din ang ginawa niya. Sumalubong sa akin ang nakangisi niyang mukha, ang mga matang parang natutuwa palagi pag naiinis ako.

Dazai Flores. Simula Kinder, Elementary at hanggang Highschool hindi na ata mawala wala ang kompetisyon sa pagitan naming dalawa. Pinanganak ata kaming dalawa bilang magkalaban o ako lang talaga ang may tingin sa kanya ay isang kalaban na perwisyo sa buhay ko.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Chamba lang 'yun! Chamba! Naintindihan mo? Matatalo din kita."

"Kailan ko ba unang narinig 'yan? Noong kinder pa tayo? Hanggang ngayon 'yan chamba parin 'yun para say'o? Minamaliit mo talaga ako? Kailan ba mangyayari 'yan!"

Gusto niya talagang iniinis ako. Ang yabang talaga! Akala mo naman siya ang pinakamatalino sa mundo, e, minsan ang tanga-tanga niya nga.

Taas noong tinitigan ko siya at bahagyang lumapit sa kanya. "Hindi pa naman mangyayari 'yun but I'm very sure malalampasan din kita."

"Pfft, that's your second famous line."

Nang gigigil akong sabunutan siya pero pinili ko nalang na ilingan ang mayabang. Hindi pwedeng gawin ko dito ang gusto ko, masira pa ang magandang record ko dahil sa papanakit ng kaklase.

Inismiran ko siya at tinalikuran. Hindi dapat pinapansin ang tulad niyang mayabang, wala akong mapapalang mabuti sa kanya.

Ang kailangan kong gawin ay lampasan siya.

Huminto ako sa paglalakad, kailan ko nga ba siya malalagpasan? Kahit ako napapagod na sa paulit-ulit na pinagsasabi sa kanya, anong bang makukuha ko pag nangyari na iyon? Pride, tama pride kong sobrang matayog. Nakakainis tuwing maiisip na siya nalang palagi ang lamang, hindi ko gustong mananatili nalang palaging pangalawa. Gusto kong mauna. Mauna sa lahat.

Sa isang bagay ko lang siya matatalo. Pagluluto. Doon lang dahil wala siyang talento roon, kung tingin nang lahat sa kanya dito sa school ay almost perfect guy at ideal man, ideal my ***. Mamamatay siya sa gutom pag mag-isa lang siya.

Kung saan ako magaling mas magaling siya sa bagay na iyon, hindi kaya masyado na siyang gifted kumpara sa akin. Ang laki ng lamang niya sa lahat.

Kahit isang beses man lang sa buong buhay ko matalo ko lang siya, ako na siguro ang may pinakamababaw na kaligayahan.

Nakakapagod ang pagiging pangalawa lang, ang trato lang sa iyo ay isang anino ng nangunguna, minsan hindi ka pa mararamdam. Gusto ko rin maranasan na maging una.

"Ano pang tinutunganga mo d'yan? Uuwi na tayo."

Nakita ko siya sa may pinto, hindi ko namalayan na nilagpasan niya na ako. Isa pa na kinaiinisan ko sa kanya ay parehas kaming nakatira sa iisang bahay.

✓ AnnoyingEm26

Dream One

Madiin ang paraan ng paghuhugas ko nang pinggan at dinagdagan pa ang sabon para mas lalong bumula iyon. Sobrang pangit ng araw na ito para sa akin, panibagong araw na nalamangan ako ni Dazai.

Hanggang kailan ko ba kailangan na lagpasan ang isang iyon? Pag natalo ko talaga siya, ipapamukha kong hindi lang siya ang matalino sa mundo, merong mas nakakaangat padin sa kanya. Masyado na siyang mayabang e.

Kinuha ko ang isang plato at iyon naman ang sinabunan. Napalingon ako sa may gilid at nakita siyang kasama ang ibang mga Bata sa may mesa, nakikipaglaro.

Inirapan ko siya ng mapalingon sa direksyon ko. Pati mga bata nasa kanya lahat ng atensyon, lagi nalang nasa kanya! Bakit ba kasi dito pa nila napiling maglaro? Pwede namang sa may sala o sa kwarto na.

Wala tuloy ako katulong sa paghuhugas. Napabuntong hininga ako ng makitang madami pa akong kailangan hugasan, sa dami ba naman namin dito. Na speechless nalang ako.

Lumingon ako sa may wall clock, 8:43 pm na malapit ng mag 9 pm. Hindi pa naman ako nakakapag review para sa unit test sa english at science, ang dami ko pang hugasin!

"Dazai, Pakihatid naman ang mga Bata sa kwarto nila. Malapit ng mag alas nuebe, may pasok pa bukas." Rinig kong utos sa kanya ni mother Elsa. Binilisan ko ang pagkuskus para makapag review na ako.

"Zanne, Tulungan na kita." Bigla kong binagalan ang ginagawa.

"Hindi na po, kaya ko na po ito mother. Patapos narin po ako." Ngumiti ako para mas mukhang kapani-paniwala ang sinabi ko.

"Sige, bilisan mo nadin d'yan para makatulog kana." Tumango lang ako. Nang makitang tinalikuran niya na ako binilisan ko ang paghuhugas.

Bahagya akong nagulat ng may yumakap bigla sa bewang ko. "Good night ate Zanne," Napangiti ako ng makita si Robin.

"Good night din, matulog kana may pasok pa bukas."

"Tulungan nalang muna kita d'yan ate." Umiling-iling ako.

"H'wag na, baka pagalitan pa tayo ni mother Pai dahil binasag mo lahat ng pinggan." Natawa ako ng makitang nakasimangot niya akong tinalikuran.

Anim na taong gulang palang si Robin pero hindi mo iyon mapapansin dahil masyado siyang matangkad para sa edad niya. Makulit itong bata at napakamasayahin.

Naging tahimik ang buong kusina ng mawala na sila. Kanina lang ang ingay-ingay nila at meron pang nagtatakbuhan, ngayon wala na sila. Isa-isa ko ng binanlawan ang mga hugasin, hindi ko alam kung mabagal ba ako sa ginagawa o sadyang marami lang talaga ang kailangan hugasan.

Nagulat ako ng may isang kamay ang umagaw sa hawak kong plato. Nanlaki ang mata ko ng makita sumulpot ng biglaan si Dazai sa tabi ko.

"Ang bagal mong kumilos," Ha! Ako pa ang mabagal ngayon!

"E, sana ikaw nalang ang naghugas!"

"Sino ba ang nag volunteer?" Sasagot pa sana ako pero pinili kong manahimik nalang, palagi mong tandaan Suzanne, wala kang mapapala sa pakikipagtalo sa mayang na iyan!

Hinugasan kong mabuti ang mga pinggan at pinasa iyon sa kanya na pinupunasan niya naman para madaling matuyo at malagay sa cabinet. Paulit-ulit namin iyon ginawa hanggang isang plato nalang ang natira.

Sinara ko ang gripo at inabot sa kanya ang plato, nahinto ako ng mahawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at ganoon din siya.

Nang magsalubong ang paningin namin, parehas kaming bumitaw. Nagulat nalang kami ng mabasag ang plato, sabay kaming napalingon sa pinto ng kusina. Ilan sigundo ata kaming nakatingin doon hanggang walang dumating na mother Pai na galit na galit.

Napabuntong hininga ako, tulog na ata ang isang iyon. Nilingon ko ang nabasag na plato akmang dadamputin ko iyon nang maunahan ako ni Dazai. Walang nagsalita sa amin habang tinatapon niya ang nabasag.

"Matulog kana, ako na tatapos dito." Magsasalita pa sana ako kaso tinuro niya ang pinto sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo niya papunta sa direksyon noon.

Kinuha ko ang tuyong basahan at pinunas sa kamay ko at naglakad palabas ng kusina, bago ko pa isara ang pinto nakita kong inumpisahan niya ng ilagay ang mga baso sa cabinet.

Sinara ko na iyon nang tuluyan, napatingin ako sa kamay na nahawakan niya.

Hindi naman iyon ang unang beses na nahawakan ang kamay ko ah, ba't gulat na gulat ata ako?

Mas malala pa nga pag nasa simbahan kami at kumakanta habang magkahawak kamay.

Nag umpisa akong maglakad papuntang kwarto habang nakatingin sa kamay, siguro hindi ko lang inaahasan iyon kaya nagulat ako. Nang makarating ako sa kwarto nakita ko ang mga bata na natutulog na ng mahimig.

Naupo ako sa kama ko at nilabas ang mga notebook para makapagreview hindi naman madilim sa pwesto ko dahil nasa may bandang bintana ako at nagbibigay linawag doon ang buwan.

Habang nagrereview ako hindi ako makapag concentrate dahil naghihilik ang ilan sa mga bata kaya tiniklop ko sa mukha ang notebook, pagod na pagod ba sila at ang lalakas ng hilik. May contest ata sila na sinalihan. Pinikit ko nalang ang mata, ang sarap ng tulog ko na pakiramdam ko bumagsak ako sa matigas na bagay. Napahawak ako sa noo dahil sumasakit iyon.

Dumilat ako at nakita ang notebook sa sahig, bumagsak nga ako. Naupo ako ng maayos sa lapag habang inaayos ang sariling buhok na nagulo.

Napahikab ako hanggang nanlaki ang mata nang makitang alas kwatro na malapit ng mag alas singko, agad akong napabangon at sinuot ang tsinelas.

Parang pumikit lang ako ng ilang sigundo at pagdilat ko halos ilang oras na ang lumipas, bitin na bitin ang tulog ko.

Hindi pa ako nakakapagsaing, halos takbuhin ko ang daan pababa para bilis na makapunta sa kusina. Pagdating ko ay mukhang may tao na dahil bukas ang ilaw nang buksan ko ang pinto nakita ko si kuya Rae at Dazai na nag uusap sa may mahabang mesa.

"Oh, magandang umaga Zanne." Tumango-tango akong naupo sa tabi ni Dazai habang kamot-kamot ang batok na hiniga ko ang ulo sa mesa.

"Late ka atang nagising, nakapagsaing na nga pala ako," Tinaas ko ang isang kamay.

"Salamat kuya Rae."

"Gusto mo bang magkape?" Umiling lang ako habang pikit ang mga mata, hindi ko na alam kung anong oras ba ako nakatulog.

"Laway ba 'yang nasa mukha mo?" Agad akong napadilat at kinapa kapa ang mukha. Narinig ko silang nagtawanan, sinamaan ko ng tingin ang mayabang na katabi. Malakas talaga topak nito. Walang pakealam itong kumakain ng tinapay sinasawsaw niya pa sa inumin.

"Ang aga-aga mag aasaran na naman kayo." Natatawang saad ni kuya Rae habang humihigop sa kape nito.

"Hindi naman ako ang nauna kuya, paepal lang talaga ang isa d'yan!" Kumuha ako ng tinapay at kinain iyon, medyo mainit pa halatang bagong bili sa malapit na bakery shop dito sa amin.

"Anong oras ka nga pala nakauwi kuya?"

"Mga 11 na ata halos sabay lang kami ni ate mo Aica."

"Nandito si ate Aica?" Halos hindi kasi kami magkasalubong dahil college na si kuya Rae at may trabaho naman si ate Aica, palagi kaming nag kakasalisi kaya sabado't linggo lang kami nagkakasama.

"Oo, kaya maligo kana muna ala mo naman kong gaano katagal 'yun sa banyo diba."

Tumango ako at nag paaalam na babalik sa kwarto.

Pagdating ko sa kwarto nakita ko si ate Aica, nakatalikod ito sa mula sa pwesto ko mukhang inaayos ang mga gamit niya. Hindi gaaanong malayo ang pwesto niya sa kama ko.

"Ate, " Pag tawag ko sa kanyang pansin, huminto siya sa ginagawa at napalingon sa gawi ko. Parehas kaming napangiti sa isa't-isa. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa kamang katabi niya."Ilang araw ka dito ate?"

"Tatlo araw lang, pagtapos babalik din ako pagtapos." Tumango-tango ako habang bumalik naman siya sa ginagawa. Natutuwa ako sa presensya niya dito sa bahay bukod kasi kay Dazai na kasing edaran ko lang, isa si ate sa medyo malalapit sa edad ko kasama si kuya Rae kaya nagkakasundo kaming apat sadyang epal lang si Dazai.

"Oh, Binili ko para sa'yo." Sinalo ang bagay na hinagis niya at binuksan iyon. Isang sketch pad medyo may kakapalan ito.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Naalala kasi kita bigla." Napangiti akong sinuri-suri ang binigay niya, simple lang iyon pero sobrang laking bagay na para akin. Ang ganda nito pag nag umpisa na akong mag drawing. "Hindi kana dapat pang nag abala ate, inipon mo nalang sana ang pinambili mo dito."

"Ano kaba? Mura lang 'yan, e. Tsaka malapit na birthday mo." Napakunot-noo ako, birthday? Agad kong nilingon ang calendar na naka display dito sa loob ng kwarto. March 10 na ngayon.

"Oh, hindi mo naalala." Tumango ako dahilan para matawa siya. Sampong araw nalang pala kaarawan ko na hindi ko man lang napansin.

"Salamat nga pala dito ate." Ngitiian niya lang ako at nag paalam na bababa muna siya. Ilang taon lang ang tanda sa akin ni Ate Aica pero dahil baby face siya nag mumuka siyang Senior High. Maliit na babae din siya na may magandang ngiti mas napagkakamalang mas matanda pa sa kanya ni Kuya Rae na matangkad parehas sila ng mayabang.

Tinitigan ko muna ang binigay niya. Natutuwa talaga ako dahil ramdam kong supportado niya ako sa gusto kong maabot, hindi man kami magkakadugo dito sa bahay pero lahat kami lumaki biglang magkakapatid at pamilya ang turing sa isa't-isa.

Tinago ko iyon sa drawer ko bago inasikaso ang sarili dahil may pasok pa mamaya. Nang matapos akong mag ayos lumabas ako sa kwarto bitbit ang bag habang palabas nakasalubong ko si mother Pai, patay! Nalaman niya bang nakabasag kami ni Dazai? Pati ba naman mga plato bilang niya?

"Good morning mother Pai." Bahagya pa akong yumuko para batiin siya at tumango naman siya at nilagpasan ako, tumango-tango nalang ako dahil mukhang hindi niya pa alam ang pagkabawas ng mga pinggan.

"Suzanne," Mabilis along huminto sa paglalakad at humarap kay mother.

"Oh, " Tinignan ko ang inabot niya. Pera.

"Meron pa po akong—"

"Tanggapin mo." Agad ko kinuha ang pera sa kamay niya dahil pinandilatan niya ako ng mga mata, takot akong mapagalitan. Tinalikuran niya ako ng walang salitang lumalabas sa bibig.

Tinignan ko ang pera na nasa kamay hindi man lang ako nakapag pasalamat.

Nakakatakot talaga ang paraan ng pagtingin ni mother Pai, lalo na pag nag salita pa iyon. Idagdag pa na Istrikta ang hatid niya tuwing tititigan mo. Habang si mother Else naman palaging may ngiti sa labi Napahawak ako sa dibdib dahil sa kabang naramdam.

Kulang nalang mangisay ako.

✓ AnnoyingEm26

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play