English
NovelToon NovelToon

The Nerd Has A Secret

Miena Akira Reind

She has a long beautiful wavy brown hair, a skin like a goddess, well-formed brows, long and thick eyelashes, a dark brown eyes, beautiful pointed nose and thin pinkish lips. Kahit anong katangian ang meron siya hindi parin mababago ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanya na isa siyang 'fatty ugly nerd' tila ba nabubulag ang mga taong nakapaligid sa kanya sa kanyang taglay na katangian. Nawalan na siya ng ganang ilantad ang katangiang meron siya simula noong nangyari ang isang trahedya nagpawakas sa buhay ng mga taong minahal niya at minahal siya. Itinago niya ang kanyang sarili sa maskarang kahit na sino ay hindi maiilantad ang kanyang tunay na katangian at kakayahan. Kakayahan na kahit minsan ay hindi niya maisip na ikasaya ito pero noong natuklasan niya ang magiging susi sa matagal na niyang katanungan. Malalaman na ng lahat? Kung ano at sino ba talaga siya?

Malungkot kong pinanuod ang mga taong dumadaan malapit sa akin dito sa cafeteria habang nakaupo ako sa isang sulok at pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga studyante, bawat ingay ng kanilang mga sapatos ay nadadagdagan ang aking nararamdamang kalungkutan sa aking puso dahilan na walang sino man sa mga iyon ang titigil papunta sa akin.

Maingay ang buong paligid dahil lunch time na bawat studyanteng nakikita ko ay masayang kumakain at nakikipagkuwentuhan sa kani-kanilang mga kaibigan. Ibat ibang klase ng mga studyante ang makikita may seryosong nag aaral habang kumakain, ang iba naman ay abala sa pag kukulitan.

Napadako ang aking paningin sa isang grupo ng mga kababaihan dahil sa kanilang malakas na tili, sila ang grupo ng mga kababaihan na walang ginagawa kundi ang pag papaganda at ang pagkukuwento tungkol sa kani kanilang boyfriend. Hindi ko maiwasang mapangiti ng pagal dahil bawat tawa nila ay siya na mang pait ng aking nararamdaman.

Naisipan kong umalis at pumunta sa silid aklatan mas lalo lamang akong malulungkot kung makikita ko ang ibang taong masaya.

Nagmamadali kong kinuha ang mga libro ko at nilagay ang ibang gamit  sa locker.

Pumasok ako sa library at agad umupo sa paborito kong upuan, nasa pinakadulo ito ng silid, para itong tagong area na hindi mo mapapansin sa isang buong tingin kaya napili ko ang lugar nato dahil walang masyadong studyante ang pumupunta dito dahil ang ilan ay umuupo sa mismong gitna maliban na lamang kung talagang puno ang library ay maokupado ito tuwing exam dahil ginagawa itong tambayan ng ibang studyanteng nag aaral daw pero kuwentuhan lang ang ginawa.

Tiningnan ko ang orasan I still have 30 minutes to read

Tahimik ang buong silid dahil oras pa ng kainan kinuha ko ang reading glass ko sa bag at agad ko naring binuklat ang libro at sinimulan ang pag babasa.

Nakakabingi sa katahimikan ang buong paligid at tanging pintig ng puso ko at lagitik ng orasan lang ang aking narinig.

Huminto ako sa pagbabasa ng mapansin kong biglang huminto ang oras.

'nababaliw na ba ako?'

Did I saw the things stop

Nilakbay ko ang aking paningin sa buong paligid, nakita ko ang orasan sa ibabaw ng pader sa aking harapan na tumigil ito sa pag lagitik.

parang kanina pa lang ay umandar ito

Napabitaw ako sa paghawak sa aking libro dahil sa gulat, lumitaw ito sa hangin. Nagsimulang nagtatambolan ang puso ko sa aking dibdib sa kaba. I tried to flip my book to the next page pero para itong isang bagay na matigas na hindi matitinag na kasing tigas ng bato.

'Its impossible'

Natigilan ako sa pag iisip ng may naramdaman akong hindi pangkaraniwang lamig ng hangin sa aking likuran na nagpapatayo sa balahibo ko, unti unti bumabalot ang malamig na bagay sa buong paligid. Hindi ko mapigilan na mag isip na baka isang multo ang nagpaparamdam sa akin. Nagsimula akong matakot sa aking inisip na baka nga isang multo ang nagpaparamdam sa akin. May abilidad akong makita ang mga bagay na hindi karaniwang makikita ng mga mata ng tao, isa raw ako sa mga taong nabibiyaan ng ganitong regalo galing sa diyos na kahit sa tanang buhay ko ay diko ikinasaya ang pagkakaroon ng third eye.

Biglang sumama ang aking pakiramdam, para akong nahihilo at kinakapos ng hangin. Dumako ang aking mga mata sa taas ng pader kung saan nakalagay ang orasan na kanina'y hindi umandar, tumunog ito na hudyat na mag aalas kuwatro na ng hapon. Nagulat ako sapagkat umaga pa lang noong pumarito ako sa silid aklatan. Sinubukan kong tumayo para makaalis sa aking puwesto pero ayaw gumalaw ang aking mga paa.

Nababaliw naba ako? Juice porsento im fucking scared na po

Ipinikit ko na lamang ang aking mata at pinakiramdaman ko ang buong paligid nararamdaman kong may hindi talagang pangkaraniwan sa aking paligid

' huwag naman po kayong magparamdam sa akin..white lady o multo'

Napamulat ako sa gulat sapagkat may nakita akong isang bulto ng tao sa aking likuran

"s-sino ka?" Hindi ito kagaya ng unang inisip ko na multo, isa itong tao. I can fell the inexplecable aura of that person alam kong iba siya hindi ako magkakamali

unti-unti akong lumingon sa aking likuran pero wala akong nakita.

'hindi talaga ako magkakamali alam na alam ko talagang may nakita akong bulto ng tao' .

mariin kong ipinikit ulit ang aking mga mata at mataimtim kong pinakiramdaman ulit ang tahimik na paligid

' kung sino ka man huwag kang magkakamaling takutin ako'

biglang napadilat ako dahil sa sakit ng aking dibdib para itong napaso agad kong tinanggal ang butones ng uniporme ko, nakita ko ang suot kong kuwentas na ang pendant nito ay singsing dumikit ito sa aking balat para itong baga na dumikit sa aking balat

'Oh shittt ang sakitt'

napakuyum ako ng palad dahil sa hatid nitong hapdi sa aking naramdaman. Umaangat ang aking paningin sa lamesa ng may nakita ako ng isang dalawang pares na sapatos unti unti akong nag angat ng ulo para makita kung sino ang nagmamay-ari pero bigla itong naglaho

" Imposible"

mahina kong bulong sa hangin hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko may nakita akong bulto ng tao at pares ng sapatos, dali dali akong lumingon lingon sa paligid pero walang tao ang makikita, tanging tahimik lamang na paligid ang makikita, maayos ang mga upuan, mesa at iba pang gamit sa silid ni wala akong makitang bagay na kakaiba.

This is crazy

Unti unting nawala ang malamig na hangin na bumabalot kanina sa buong paligid

'parang kilala ko siya'

mas naging mabilis ang pagtibok ang aking puso

"hindi imposible yun"

pinakalma ko ang sarili ko at pinilit kong inalis sa isip ko ang nangyari

Kailangan ko nang umalis

"napakaseryoso mo naman"

bigla akong napalingon sa nagsalita isang magandang babae at nakasuot ito ng uniporme na tulad rin ng akin, napapatitig ako sa kanya 'yung mga mata niya' napatulala ako sa sobrang puti ng balat niya para siyang gawa sa niyebe kulot ang kanyang buhok at matangkad. Sanadali kong nakalimutan ang nangyari lamang kababalaghan sa loob ng aklatan na ito. Umupo ako ng maayos at pinagmasdan siyang pumuwesto sa harap ko at kumuha ng libro sa kanyang bag. Napapatitig ako sa kanya ng may naalala ako bigla

"hi! parang napapansin ko lang ah, palagi kasi kitang nakikitang mag isa. Wala kabang friends or kaklase man lang na kasama..kasi ako wala din akong friends so puwede ba tayong magi-" agad kong kinuha ang mga gamit ko at umalis

"wait! hintayin mo ako"

nagmamadali akong lumabas ng library naaalala kong may klase pa ako, may dalawang klase pa akong papasukan kaya nagmamadali akong tumakbo habang tinitingnan ang aking relo

|splasshhhh|

bigla akong nakaramdam ng malamig sa aking katawan

"WTF!" napamura ako sa gulat

"Hahahahahhahahaahaha"

"Hala!"

"Palpak ka gurl"

"Sayang"

"Hahahha"

basang basa ang aking damit, basa ang aking bag at ang dala kong libro.

'who did this to me?'

umangat ang aking paningin at isa isa kong tiningnan ang mga studyante, pinukulan ko sila ng isang masamang tingin ngunit ngumisi lamang sila, nakatingin sa akin habang tumatawa. Inangat ko ang tingin sa ibabaw at nakita ko ang isang grupo ng kababaihan hawak ang  balde

"sorry" paghingi ng kanilang tawad pero tuno naman ng sarkastiko

"Hindi naman kasi ikaw yung bubuhusan namin sinayang mo pa yung isang balde"

WTF! sinisisi pa talaga ako. Sinubukan kung kontrolin ang galit ko. Nilagpasan ko silang lahat isinantabi ang galit at baka may magawa pa akong labag sa batas sa paaralan na ito.

"Okay ka lang?" napalingon ako sa nag salita nagulat ako dahil siya na naman

"Okay lang ako" hindi ko na alam kung papasok pa ba ako sa klase o hindi na dahil basang basa na ang damit ko

"HAHAHAHAHHAHAAHA"

malakas na tawa ang aking narinig sa buong paligid napadako ang aking paningin sa mga studyanteng nagkukumpulan habang tumatawa tiningnan ko ang pinagtatawanan nila at nakita ko ang ang isang babaeng matabang nerd na basang basa rin ang damit tulad rin ng sakin tumukbo ito habang sinundan ng tingin ng ibang studyante

'fucking students'

"Halika ka may extrang damit ako" alok niya ngunit tiningnan ko lamang siya, ngumiti siya sa akin

"Hindi na uuwi nalang ako" sabay alis ko

nagmamadali akong umalis gusto ko ng makauwi ng bahay

"Bakit ang aga mo naman ngayon?" salubong sa akin ng tita ko saka tumingin sa akin ng nakakunot ang noo

"anong nangyari sayo bakit basa ka?" nagmano ako sa kanya saka ko ipinaliwanag ang nangyari kanina

Pagkarating ng kuwarto ko ay agad akong humiga sa kama at napahilamos ng kamay.

Agad bumalik sa aking isipan ang alaalang nangyari kanina sa library kaya napabalikwas ako ng bangon. Agad akong pumasok sa banyo para mag hilamos para mahimasmasan ang aking sarili.

nagpalit ako ng damit pagkatapos ay Inayos ko ang sarili ko, napatingin ako sa sarili ko sa salamin habang pinagmamasdan ang isang bagay na nakasabit sa aking leeg, hinawakan ko ito at agad bumalik sa aking ala-ala ang nangyari noon

~FLASHBACK~

nakatingin ako sa mama ko

Nakita ko ang kulay pulang bagay sa kanyang bibig

marami itong galos at pasa sa mukha at katawan puno ang kanyang kamay at damit ng pulang likido

Nakakaawa siyang tumingin sa mga mata ko

"Aki" may kinuha siyang bagay sa kanyang bulsa

"Aki ta-tandaan m-mo huwag mong iwala i-itong singsing na ito ibibigay k-ko ito sa iyo at promise m-mo sa akin na pa-palagi mo itong susuotin"

kahit hirap na hirap na siyang magsalita ay pinilit niya paring mag salita ng mabuti. Maliit ang aking daliri kaya kinuha niya ang kanyang kuwentas at nilagay ang isang singsing at isinuot sa akin.

dali dali niyang itinulak ang kama at binuksan nito ang isang sekretong pinto pababa

Tumingin siya sa akin na may mga matang malungkot

"Tandaan mo mahal na mahal kita Aki" yinakap niya ako ng mahigpit at dumikit sa akin ang kulay pulang bagay sa aking damit tiningnan ko ang bagay na iyon at isa itong dugo

" Aki alam kong maguguluhan ka sa aking sasabihin ngayon pero alam ko rin na balang araw ay maiintindihan mo rin ang lahat" pinilit niyang magsalita ng klaro para maiintindihan ko ang bawat binibitawan niyang salita

"Aki hindi kami ang tunay mong mga m-magulang kami ng papa mo" tiningnan ko siya sa mga mata habang seryoso rin siyang tumigin sa akin hinihintay niya kung anong magiging reaksyon ko sa kanyang sinabi

pero

hindi ko siya maiintidihan, nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanya.

Paanong nangyaring hindi ko sila tunay na mga magulang kung simula pag mulat ng aking mga mata ay sila ang nandiyan

" tandaan mo mahal na mahal ka ng totoong mga magulang mo at kami rin ng papa mo kahit hindi kami ang totoong mga magulang mo" masakit makitang nasasaktan ang mama ko sa sakit at pagod ng kanyang nararamdaman dahil sa mga sugat niya pero mas masakit marinig ang buong katotohan sa sitwasyong walang kasiguraduhan na mabubuhay pa siya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napahiyaw siya sa sobrang sakit ng kanyang paa nagiging kulay itim na ito.

Tahimik ko lang siyang tiningnan bakas sa kanyang mga mata at katawan ang takot at sakit sa anumang mangyari. Ngumiti siya sa akin para ipakita na okay lang siya

" at tandaan mo, palagi mo itong susuotin ipapangako mo sa akin na iingatan mo ito" habang ipinakita niya sa akin ang ibinigay niyang kuwentas, tumango ako sa kanya

" ito ang magiging susi sa lahat ng mga katanungan mo balang araw" humagulhol siya ng iyak habang ako ay nakatingin lamang sa kanya walang emosyon ang aking ipinapakita nanatiling paulit-ulit sa aking pandinig ang kanyang sinabi ngunit parang ayaw tanggapin ng utak ko ang aking mga nalalaman.  hinawakan ko ang kuwentas

"Argggggg" narinig namin ang lakas ng boses ng papa ko tuno ng boses na namimilipit sa sakit tumingin sa akin ang mama ko at yumakap siya hinalikan ako sa noo at sa muling pagkakataon ay humagolgol siya ng iyak

"Dito ka lang pupuntahan ko lang ang papa mo" dali dali niyang sinara ang pinto at muling itinulak ang kama pabalik sa dati nitong puwesto gulong gulo ang utak ko sa mga nangyayari

nanatili akong nakaupo sa madilim na paligid umaasang may makikita akong liwanag pinilit kong buksan ang pinto pero ayaw nitong magbukas maya maya ay narinig ko ang sigaw ng mama ko at biglang may sumabog na malakas.

Nakita ko ang isang kawawang matanda patawid sa isang kalsada ng nakita kong may paparating na isang malaking truck sigurado akong masasagasaan ang kawawang matanda ipinikit ko na lamang ang aking mga mata umaasang kayang iwasan ng matanda ang paparating na sasakyan. Ngunit matapos ang isang segundo ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa matanda

I sighed of relief

nailigtas ko ang matanda sa kamatayan mabuti nalang talaga at umabot ako.

"Paano mo iyon nagawa?" nagulat ako sa tanong ng matanda sa akin

pero sa halip na dapat magpasalamat siya ay tinanong niya pa kung paano ko siya nasagip 'tsssskk'

Pero alam ko ang ibig niyang sabihin

"Ang alin po?" Pakunwari kong naguguluhan sa kanyang tanong

tumingin siya sa akin ng seryoso bigla naman akong kinakabahan. Nagsisisi akong iniligtas ko pa ang matandang ito. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin habang iniiwas ko ang tingin sa kanya.

"Tumingin ka sa akin iha"  tiningnan  ko siya sa kanyang mga mata nang nakita ko mahiwagang kislap sa kanyang mata, hinawakan niya ang dalawa kong  kamay

"Iha tandaan mo huwag kang basta bastang magtiwala sa ibang tao"

"Bakit naman po?"

"Beacuse they might discover your secret"

natigilan ako saglit sa sinabi niya nakatitig siya sa akin habang seryoso niya itong sinasabi sa akin

"Do I have a secret?" Tumango siya sa akin bilang sagot

'paano niya nalaman?'

" Alam ko dahil nakita ko kung paano mo ako sinagip"

Is he a mind reader?

"Yes" sabay wink niya sa akin

" Mag iingat ka" at naglaho siya na parang bula

~END OF FLASHBACK~

napamulat ako ng mata at diritsong tumingin sa salamin. Nakita ko ang aking mata na naging kulay pulang nagbabaga sa galit ng aking nararamdaman dahil sa nakaraan.

"I am Akira and I have a secret"

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play