English
NovelToon NovelToon

Behind You

CHAPTER 1 : START

Umiiyak ang isang bata habang hawak ang litrato ng isang taong kasalukuyang inililibing lulan ng isang itim na kabaong. Itinatago ng ulan ang kanyang luha at tila ba nadagdagan pa ang bigat sa kalooban kada maiisip nyang wala na syang kasama sa buhay.

Nagpakawala ng dalawampu't isang bala ang mga lalaking nakasuot ng uniporme sa di kalayuan.

Walang shang alam kung para saan yon, ang alam lang nya ay nagbuwis ng buhay ang kanyang ama para sa mga taong hindi naman karapat dapat na mailigtas ang buhay.

Awa at pagkadismaya ang naririnig nya sa mga taong nakiramay..

"bakit pa kase siya pumasok sa pagmimilitar? Edi sana buhay pa sha?" sabi ng isang ginang.

"magkano kaya yung makukuha ng anak nya?" sabi pa ng isa.

May isang sundalong lumapit sa kanya at nag abot ng bandilang nakatupi.

"eto, itago mo. Pag malulungkot ka, tignan mo lang tong medalya na to. Sagisag to ng kabayanihan ng papa mo."

Sabi ng lalaking naka uniporme na lumuhod sa harap nya..

Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa litrato..

Nakita nyang may humintong van sa di kalayuan kung saan bumaba ang mga iniligtas ng kanyang ama sa isang kidnapper at suicide bomber.

Isang anak ng milyonaryo, artista, Heneral, doktor, senador at isang bias na principal.

Nagbigay lang ang mga ito ng perang nakasobre na parang ayaw nyang tanggapin. Halos mabasag na ang salamin ng picture frame sa sobrang higpit ng hawak nya dito.

Pero alam nyang kakaylanganin nya yon balang araw kaya naman tinanggap nya yon at nagpasalamat.

Nakita nya ang mga batang tumatawa sa di kalayuan habang nagkukwentuhan. Nabuo ang galit sa dibdib nya. "anong karapatan nilang tumawa samantalang nawala yung papa ko ng dahil sa kanila" sabi nya sa isip nya.

Natapos ang libing at naiwan sya sa libingan.

Tuloy parin ang ulan. "papa, pangako. Hindi sila magiging masaya." sambit ng bata saka naglakad palayo.

Nawala ang kanyang ina isang buwan na ang nakakaraan ng dahil sa maling pamamaraan ng mga doktor sa pag opera dito. Kaya naman ulila na sya at wala nang ibang mapupuntahang pamilya.

Umuwi siya sa kanila at nagpalit.

Itinaob nya lahat ng litrato ng kanyang magulang.

Kaylangan nyang maging matatag at mabuhay para makapag higanti.

12 years later...

"Guys! Tara na may pasok pa tayo kay Miss Henrietta. Pag tayo na late na naman ha." Sabi ni Jessica sa mga kasama habang nag aayos ng gamit.

"ugh! Wait lang so mainit kaya. Saka may 30 minutes pa ano ka ba." sabi ni Tamara(Tammy) habang nag aayos ng make up.

"Tara na Jessica una na tayo pabayaan na natin yang kakambal kong napaka arte." sabi naman ni Samara(Sammy) habang nag aayos ng cap.

"Ewan ko ba sa inyong mga babae, kuntodo make up pa kayo. Tatakbo talaga ko pag nabura yung mga mukha nyo e." Kerwin

"tara na!! Ambabagal nyo pa! Bahala kayo una na ko." inis na sabi naman ni Hecarim saka hinila yung girlfriend na si Heaven.

Walang nagawa yung iba pa kundi sumunod na.

Pag dating nila sa class room ay marami nang mga estudyante ang nakaupo.

"Hoy Betty la panget, lumayas ka nga jan. Jan kami uupo." sabi ni Tamara sa kaklase nilang may malaking salamin.

Yumuko ito saka naman umalis dahil sa takot.

Sakto namang pumasok ang kanilang guro na si Henrietta at nag umpisa na itong mag turo..

"Values and Psychology pa naman yung tinuturo ni ma'am pero parang mawawalan ako ng "Values" dahil sobrang sexy nya." Bulong ni Kerwin kay Jessica.

"Kadiri ka, liligawan mo si ma'am??" tanong ni Jessica pero sabay silang nagulat ni Kerwin nang may humampas sa mesa sa pinaka harap.

"Ms. Castro, Mr. Montenegro. Baka may mas mahalaga pa kayong pinag uusapan kesa sa lesson natin."

"W-Wala po ma'am." Jessica.

"Sorry po." Kerwin.

"As we proceed, the human behaviour is the most complicated thing in the world. Mas komplikado pa sa mga girlfriends nyong napaka pabebe." sabi ng guro.

Tuloy lang ito sa pagsasalita sa harap nang mag ring ang telepono no Samara.

"Yes Daddy?? Oh yes Daddy uuwi po ko ng maaga--"

*snap

*heels clicks

*phone snatch

"Ms. Del Vallé, nasa klase ka. Teacher mo ko at nagdidiscuss ako sa harap. Kung sasagot ka ng tawag you can excuse yourself. At wala akong pakealam kung sino at ano pa yung posisyon nyo sa lipunan. Nandito ka eskwela para mag aral. Hindi para magpasosyal lang. So--"

Tinapat ng guro ang telepono sa tenga sabay sabing.

"Salute! General Del Vallé. Your daughter is in the middle of the class so if you'll excuse me, I'm going to confiscate your daughter's phone. Bye." sabi nito sabay baba ng tawag.

"Oh my gosh!! That was urgent papa ko yung tumatawag!!" sigaw ni Samara na inawat na ng kapatid.

"Sammy, kasalanan mo so stop being a spoiled brat." Tammy

"I suggest that, you should follow what your sister's advice." sabi ng guro saka sila tinalikuran at nag umpisa nang mag ligpit ng gamit.

"Hala ma'am aalis na po kayo?" tanong ni Seraphine Ramirez na nasa pinaka harap.

Lihim siyang tinitigan ni Kerwin at kinabisa ang bawat detalye ng mukha nito kahit pa nakatagilid.

"Alam kong yung iba sa inyo ay gustong matuto. Pero salamat sa mga taong walang pakealam sa pag aaral na walang respeto at konsiderasyon. Nawalan ako ng ganang turuan kayo." sabi nito saka ipinagpatuloy ang pagkalap ng gamit na nasa mesa.

"kalahati na ng sem, pero puro bagsak parin yung grado ng iba sa inyo. Nasakin ba yung mali? I guess hindi ako yung may problema. Dahil may nakakakuha naman ng matataas dito. Kung lahat kayo or majority ay babagsak. Nasakin yung problema. Pero dahil iilang tao lang talaga yung bagsak sa subject ko. Siguro dapat humanap na sila ng ibang teacher. Adviser nyo ko, pero never kong nakuha yung respeto ninyo kahit pa parang kapatid o barkada nyo nalang ako sa loob o labas ng eskwela. So ganito, tutal naman matitibay kayo hindi ba? Yung mga hindi intresado sa klase ko wag na kayong pumasok bukas. Icocompute ko parin yung grades ninyo at ilalabas ko sa finals lahat ng final grades. Simple. Class dismiss." sabi nito at nagtayuan na lahat.

Nang biglang..

"Oh by the way, may technology subject kayo hindi ba?" Henrietta.

Nahinto ang lahat at napatango.

"yes po." naman ang sagot ng iba.

"Well, I worked as an I.T. specialist before dahil yun naman talaga yung natapos ko. Kumuha lang ako ng ilang subjects na pang psychology para makapag turo kahit pano." sabi nito saka naglabas ng pocket knife. May pinindot ito kaya lumabas ang pinaka blade non.

"naconfiscate ko to sa kabilang section kanina. Hindi ko alam na magagamit pala natin sa experiment today." sabi nito sabay tingin kay Sammy.

Kinalas nito ang takip sa likod ng cellphone saka inalis yung batery nito.

"Alam nyo ba na may flamable content yung batteries ng cellphone?" sabi ng guto kaya nakaagaw ito ng pansin at nabalik sa pagkakaupo ang iba sa mga estudyante.

"well, 30% ng sunog every year ay nangyayare dahil sa deffective phone chargers or batteries. Overcharging is not an actual excuse nowadays. Hindi tatawaging smart phones yung bagong labas na mga cellphones for nothing. Alam ng mga cellphones ninyo kung kaylan sila hihinto sa pagchacharge. And speaking of new phones, may mga nilabas na phojes ngayon na fixed yung batteries, so pag nasira o nag malfunction yung battery non. Ingat na ingat silang palitan yung mga yon."

"Bakit naman po ma'am?" Tanong ng isang estudyante.

"as I've said before may flamable content yung batteries ng phone. At konting damage lang sa mga yon ay pwedeng mag sanhi ng pagkasunog. Just like this." sabi ni Henrietta saka inaksyunan yung mga estudyante na lumayo kaya sumunod naman ang mga ito.

Nilapag ni Henrietta ang cellphone battery sa mesa saka sinaksak yon ng kutsilyo at lumayo.

Unti unting nasunog yung battery at umusok. Nawala panandalian yung usok nito saka biglang sumabog.

Nagtilian yung ibang estudyante.

"and as of this Case. Wala na tong silbi. Isipin nyo, kayo tong case. At yung battery ay yung mga magulang ninyo na sumusuporta sa inyo. Kung wala sila, wala rin kayo sa eskwelahang to. You're nothing without your father" sabi nito sabay tingin kay Sammy.

"And mother." dagdag nito sabay lapag ng phone na walang battery.

Kinuha nito lahat ng gamit at umalis na.

---

Uwian na nang dumaan muna sa isang café ang magkakaibigan.

Sa Café na yon kasi nagtatrabaho si Seraphine kaya lagi silang pinipilit ni Kerwin pag uwian na sumaglit dito.

"Hindi ko alam kung anong meron sa Café na to at gustong gusto nyo dito. Ang cheap kaya." Sammy.

"Come on Sam. Ang arte mo. Sa starbucks ba ginto yung sineserve? Kape parin naman yon a?" Hecarim

"You know what, Naiinis na talaga ko sa teacher na yun e. Sinira yung phone ko!" Sammy.

"Bakit mo kase sinagot yung tawag." Heaven.

"Malay ko ba kung emergency yon." Sammy.

"Mali ka parin. Dapat nagsorry ka nalang. Or nag excuse bago sagutin yung tawag." Tammy.

"E-Eto na yung order nyo." nahihiyang sabi ni Seraphine saka nilapag yung tray kung san nakalagay yung mga kape.

"Thanks. Ah nga pala eto yung bayad namen. Keep the change." sabi ni Kerwin saka inabutan si Seraphine ng isang libo.

"Pero, wala pang 600 yang order nyo. Uh. S-Susuklian kita." nahihiyang sabi ni Seraphine saka na nakayukong tumalikod.

Kahit pa direktor ng ospital ang ama nito ay tymutulong parin ito sa negosyo ng ina.

Kaya mahiyain ito at tila isang mayuming binibini kung kumilos.

"ah, hindi na talaga. Saka paalis na kami. Hinintay lang talaga namin tong order." Sabi ni Kewin at hinila ang kung sino man yung pinakamalapit sa kanya.

Si Hecarim.

"Uy teka nga!!" sabi ni Hecarim sabay pahabol na dinampot yung kape na nasa on the go cup naman.

Nagsunuran na yung iba pa na natatawa dahil pansin nila ang pamumula ng mukha ni Kerwin pati na rin ang pagiging aligaga nito sa tuwin nalalapit kay Seraphine.

"Base on miss Evergreen's discussion before. Nagpapakita ka ng signs na gusto mo sha." Jessica.

"h-ha!! Hinde a!!" sabi ni Kerwin sabay bitaw kay Hecarim.

Inayos nito ang suot na cap saka umubo ng bahagya.

"U-Uwi na nga ko. Ang corny nyo, bye!" madaling sabi nito saka sumakay na ng motor at mabilis yong pina andar.

"Tang ina" usal nito pagkababa ng helmet saka na pinaharurot yung motor na di na alintana yung trafic lights.

Samantalang isang tao na nagtatago sa isang madilim na eskinita sa di kalayuan ang nakatanaw sa nagkakasiyahang mga kabataan.

"Tss! Magpakasaya na kayo. Dahil nalalabi na bawat oras nyo." sabi nito saka sumilay ang isang nakakakilabot na ngiti sa mga labi nito.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play