"Grant ano ng balak mo ngayon? Tutunganga ka nalang dyan? LAPITAN MO SIYA! SABUNUTAN MO YUNG LUMALANDI SA KANIYA!"
Paano ko gagawin yun kung hindi ko siya kayang lapitan, kung ngayon palang ay unti unti na akong nanghihina ng dahil sa mga nakikita ko.
Si Kyle na may kasamang ibang babae. Paano niya nagawa sakin to.
Pinagtutulak ako ng kaibigan ko kaya nahagip ako ng mga mata ni kyle. Nanlaki naman ang mata nito, hindi niya siguro inaasahan na makita ako.
"Grant anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may lakad kayong magkakaibigan?"
"Oo nga, meron. Nakalimutan ko lang sabihin na dito kami pupunta magkakaibigan pero hindi ko inaasahan na makikita kita dito na may kasamang babae."
Almost pabulong na sabi ko.
"Ahh hi, I'm Candy girlfriend ni Kyle"
Sabat ng mukang pusit na kasama ni kyle, di ko alam na pumapatol pala si Kyle sa pusit.
"We're just having a dinner"
Ahhhhh just a dinner, pero may subuan na nagaganap.
"Ako ba ginagago mo Kyle?"
"Please Grant wag kang mag skandalo dito"
Hinawakan naman niya ang kamay ko ngunit tinabig ko iyon.
"NO KYLE! WHY DID YOU DO THIS TO ME? NILOKO MO AKO! AT PINAGPALIT MOKO SA--
Tinignan ko naman ang babae mula ulo hanggang paa.
"MUKANG PUSIT?"
Hindi ko makapaniwalang sabi.
"HOW COULD YOU SAY THAT TO HER?!"
"NO KYLE! HOW COULD YOU DO THIS TO ME? SINASAKTAN MOKO!"
Pinagtitinginan narin kami ng mga tao na nandito sa resto pero wala akong pakealam dahil galit na ako. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Bakit? Bakit ganto?
"BAKLA!"
Sigaw naman ni pusit.
"WALA KANG PAKE, KASI KAHIT ANONG GAWIN MO KABIT KA LANG!"
Nag umpisa naman ang bulungan sa paligid.
"Kabit naman pala HAHAHA grabe"
"Oo nga hindi naman siya maganda, parang mas mukha pa ngang babae yung bakla"
Pilit naman akong pinipigilan ni Kyle, pero hindi ako magpapatalo.
"TUMIGIL KANA!"
Sigaw nito saka ako sinampal dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Nilapitan naman ako ng mga kaibigan ko at tinulingan tumayo.
Ako. Ako dapat yung pinoprotektahan niya pero mas pinili niyang protektahan yung pusit na yon.
"Mamili ka Kyle, Kung ako pipiliin mo sasama ka sakin at papatawarin pa kita, pag yang babae ang pinili mo papalayain na kita. Kahit masakit para sakin. Kasi Kyle ganto lang ako, bakla man ako, may puso parin ako. Nasasaktan parin ako. Tao parin ako."
Hindi ko na napigilang lumuha. Deserve ko ba talaga toh? Ang masaktan? Ang umiyak sa harap niya at sa maraming tao? Di na yon yung issue eh, ang issue yung nasaktan niya ako.
"Sorry Grant."
Alam ko na sa puntong yon. Na hindi ako yung pipiliin niya, hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis o magagalit. Bakit? Bakit parang mas magandang tumawa nalang?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"OI BESS! BALIW KANA BA?"
"TANGINAAAAAA HAHAHAHAHAHAHA"
Tumatawa ako OO pero lumuluha parin ako sa pait na nararamdaman ko.
Nanlulumo na ako.
At sa muling pagkakataon, kahit hindi ako yung pinili niya, nilapitan niya parin ako. Bakas sa itchura niya ang pag aalala.
"Bitawan mo siya!"
"Babe hayaan mo nalang siya umalis na tayo"
Ang sarap sipain sa mukha ng pusit na yon.
"Sorry Grant, i'm sorry"
Muli nanaman akong lumuha sa mga katagang yon, san siya nag sosorry? Dahil sa hindi ako yung pinili niya o dahil sa ginawa niya sakin? Ang gulo niya.
Tinulungan ako ng mga kaibigan ko. Umuwi kami sa bahay ngunit gusto kong mag inom ngayon kaya nagpabili ako ng alak.
Nahihilo ako dahil sa panlulumo pero mas mabigat yung sama ng loob na dinadala ko.
"Greta kalimutan mo na yung lalaking yon. Walang kwenta yon"
"Oo nga girl, madami pa naman lalaki dyan, di mo siya deserve"
"Ano bang maling nagawa ko? Ano bang wala sakin na meron sa pusit na yon? Dahil ba sa babae siya? Dahil ba sa may dede at p*k* siya? Hindi ko maintindihan"
Wala nang ni isang umimik samin, hanggang sa maubos namin ang isang bote ng alak, magpapabili pa sana ako ngunit hindi na pumayag ang nag iisang babae na nasa grupo namin na mga bakla.
Tulog na ang lahat at kami nalang ni Andrea ang natitirang gising.
Hinawakan niya ang kamay ko habang malungkot na nakatingin sakin.
"Bebs wag ka ng malungkot"
Niyakap ko nalamang siya dahil naiiyak na muli ako.
"Minsan, may mga taong hindi nakikita yung worth ng isang tao. Kahit pa sinabi niyang mahal ka niya, kung hindi ka niya naiintindihan sa ibang bagay mapipilitan yang maghanap ng ibang tao na mas maiintindihan niya. Minsan kasi, hindi nila iniisip yung masasaktan nila, iniisip nila yung sarili lang nila. Yung kahit na alam nilang napapagod na sa kanila yung tao pero alam din nilang mahal parin sila, nag te-take advantage sila to still do the same thing they're doing, maghahanap parin sila ng iba dahil alam nilang mahal mo sila."
Hinagod niya ang likod ko to comfort me more.
"Bebs it's not about loving a person, it's about the way you love them. Dahil hindi naman nababase ang pagmamahal sa itchura eh, nababasa yan sa ugali, sa totoong nararamdaman mo towards that person."
Tumango nalamang ako.
"At bebs, kung hindi talaga para sayo si Kyle at para talaga siya dun sa pusit na yon..."
Pano niya nalaman na pusit tawag ko dun sa kabit ni Kyle? Iba rin tong babaeng toh. Eh wala siya nung naganap yung scene kanina, ikinwento lang sa kaniya yung naganap pero wala naman silang nabanggit na pusit, siguro coincidence lang yon.
"Ipaubaya mo nalang, old stuffs should be given to poor."
Medyo gumagaan na pakiramdam ko ngayon, salamat sa words of wisdom ni Andrea.
Muli kaming nagyakapan at sabay ng natulog.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play