English
NovelToon NovelToon

Lexus Academy

Prologue

Kelan nga ba naging maayos ang buhay ko?

kelan ba ako pinagmalaki ng mga taong nasa paligid ko?

kelan ba nila ako hindi kinumpara?

pagod na pagod na ako sa buhay ko lahat na lang ng gagawin ko ehh mali para sa kanila...

Sam's POV

nandito na ako sa tapat ng bahay namin ayokong pang pumasok dahil tsak na bubungangaan nanaman ako ng nanay ko

kaya umupo na lang muna ako sa tapat ng pinto at tinakpan ang mukha ko hay biruin mo natatakot akong pumasok ng bahay kasi alam kong insulto nanaman ang aabutin ko

Klak...

nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto kaya dali dali akong tumayo saktong pag tayo ko nung pagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang kulubot ang mukha ng nanay ko

kaya napayuko ako alam kong masama akong tao pero pag dating sa nanay ko ehh bumabaluktot ako kahit pa hindi ganon kaganda ang trato niya sa akin

"ohh" gulat akong napatingin sa kamay niya nung bigla niyang inabot ang isang envelope

kinuha ko iyon ng may nagtatakang tingin anong meron dito tinignan ko muna siya bago ko buksan ang envelope

Nanlaki ang mata ko nung mabasa ko ang pangalan ko na iniimbitahan ng isang paaralan na nag ngangalang LEXUS UNIVERSITY hindi pamilyar sa akin ang university na iyon pero parang expensive lalo nat ang ganda ng pagkakagawa ng invitation.

"P-Papayagan niyo po ba akong mag aral rito?"maingat kong tanong

ngumisi naman siya at tumawa

"bakit hindi kung ayon lang ang tanging paraan para mawala ka"nakangisi niyang sagot

napayuko naman ako alam kong sa panahon na tohh unti unti na akong nadudurog pero di ako umiiyak

"Mag empake ka na dahil bukas ay may susundo daw sayo galing sa paaralan na yan"sabi niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mata

"B-Bukas agad?"tanong ko

"wala ka bang narinig?"tanong niya kaya dali dali na aking pumunta sa kwarto ko

Kumuha ako ng bag at nilagay ang mga kailangan kong dalihin para bukas...Gabi na nung matapos ako sa pag iimpake kaya bumaba na ako at kumain

K I N A B U K A S A N

nasa harap na ng bahay namin ang van na sinasabi ni mama isa lang itong simpleng van na kulay itim

Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang Apat na student na bagot na bagot gulat akong napatingin sa kanila ang gaganda nila walang halong biro amputi pa ng balat 2lalaki at 2 babae ang nasa loob

"U-uhh magandang umaga"bati ko at ngumiti

Ngumiti naman yung tatlo pero yung isa na wala man lang reaksyon ang mukha, mukhang snobber pero di ko na din pinansin

"Hello dear ahmm what's your name?"tanong ng babaeng medyo maikli ang buhok na may pag ka brown ang buhok

"samantha "sagot ko at ngumiti

"Zenaida you can also call me ida"ngumiti siya at nakipag shake hands

"Ako naman si arabella bella na lang for short" sabi ng babaeng maputi at mahaba ang pilik mata

"Kylan"sabi nung lalaking bumati sa akin kanina ang gwapo niya... nakipag shake hands naman ako sa kanya at ngumiti

Sandali pa kaming natahimik ng nagsalita si ida

"And this is Kaiser Lexus"pag papakilala niya doon sa lalaking walang kibo

Nakanguso naman akong tumango di ba talaga namamansin yung kaiser na yon ohh wala lang sa mood?

"HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" biglang tumawa si bella kaya naman taka akong tumingin sa kanya

"ganyan talaga siya sam HAHAHAHAAHAH" nagtataka pa rin akong tumingin sa kanya

"h-huh?"taka kong tanong pero ngumiti lang siya nahagip naman ng mata ko ang ang talim ng titig ni kaiser kay bella

Nanahimik na lang ako at di pinansin ang mga bagay...

Maya may lang ay nagsimula ng umalis ang sasakyan sa harap ng bahay namin tumingin ako sa bahay namin at nakita ko sa mama na nakangisi pero alam kong nag alala umakto naman akong nag bababye kahit di niya nakikita

Nakalayo na sa bahay namin ang sasakyan kaya sumandal na lang ako sa upuan at kinuha ang earphone nagpatugtog ako ng "say you won't let go" by james arthur one of my favorite song

Mahigit 3 oras din ang byahe bago kami makarating sa school na sinasabi nila i mean academy

Pagkahinto ng sasakyan bumukas na ang pinto isa isa naman kaming lumabas nag inat muna ako at pinunasan ang mata ko habang pinupunasan ko ang mata ko unti unti itong nanlaki

Gubat?

nasan yung academy?

narinig ko naman ang paghingang malalim ni bella kaya tumingin ako sa kanya.

"A-akala ko ba sa academy ang punta natin?" tanong ko

"Sa academy nga"nakangiting sabi pa niya at tumingin sa gubat

nanlaki naman ang mata ko ng biglang...

**may kay red yung mata ni kaiser na parang...

LASER**?

WHAT THE HELL IS HAPPENING RIGHT NOW?

unti unting nawala yung red na laser sa mata niya at tumitig sa unahan kaya napatingin din ako NANLALAKI nanaman ang mata ko dahil nagkaroon ng isang malaking... PALASYO? sa GUBAT? AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH this can't be happening anong nangyayari

D-diba wala yan kanina? A-anong nangyayari? UGHHHHHHHHHHH

"ahmm sam...binasa mo ba talaga yung nasa envelope?"tanong ni bella

nanlalaki pa rin ang mata kong tumingin sa kanya

B-bakit? A-anong meron doon ang nabasa ko lang ehh Mag T-transfer ako sa Lexus Academy

W-wag mong sabihing meron pang nakalagay sa papel?

SHIT.

School of mythical creature

school of mythical creature

Hanggang ngayon ay gulat na galuta pa rin ako kahit nasa loob na ako ng academy Isang malaking paaralan na kuung saan ehh kakaiba sa ibang paaralan PAARALAN PA NGA BA ITO?

flashback

"A-anong sa envelope m-may iba pa bang nakasulat doon?" gulat pa ring saad ko

"di mo nga nabasa tsk tsk ok mamaya ipapaliwanag ko sayo pero sa ngayon pumasok muna tayo at baka hinahanap na tayo ni Mr. cuan" sabi niya at hinatak ako

End

"Good morning Ms.?"tanong niya oo nga pala di ko pa pala nasasabi ang pangalan ko

"Miller"sagot ko

"Ms miller welcome to Lexus Academy nakangiting sabi niya

"Thank you po"nakangiti ding sagot ko

"So si ms, Arabella De guzman na ang bahala sayo siya na din ang magtuturo ng dorm mo"sagot niya at ngumiti

Dor~WHAT?

"Yeah Dem may sarili kang dorm dahil dito ka mag sstay hanggang matapos ang school year"nakangiti niyang saad

Ibig sabihin hindi ako uuwi kila mama ng isang taon o higit pa

Tumango naman ako kahit gulat pa rin maya maya lang ehh Pumunta na kami sa sinasabing dorm ni bella

Pagkabukas ko ng pinto gulat nanaman ako putcha ang laki ng kwarto ko may king size bed pa at may study room? naglakad naman ako papunta sa cr AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH my dream come true anlaki naman ng biyaya dito pero teka baka naman kailangan bayaran ko yung bang para sa allowance

"Don't worry about it sam libre ang lahat dito"nakangiting sabi ni bella taka naman akong tumingin sa kanya pero binalewala ko na lang din dahil gulat pa rin ako

"ok sam umupo ka dito ipapaliwanag ko sayo para maayos"sabi niya at pinaupo ako sa may kama ko umupo din siya sa tabi ko at huminga ng malalim

"sam Alam kong takang taka ka kung bakit ganito ang academy natin iba siya sa mga napasukan mong academy noon right?"tumango naman ako

"Well Ang academy na ito ay para sa mga unatural "nagpaulit ulit naman yon sa utak ko

"A-ANO?" malakas na tanong ko

"It's kinda weird pero yung ang totoo alam kong sa ngayon di ka pa naniniwala pero matatanggap mo din yon YOU ARE NOT A NORMAL HUMAN you are one of us madali namin nahahanap ang mga kagaya natin dahil may amoy tayo na hindi katulad sa mga tao"sabi niya at natulala naman ako H-hindi ako normal na tao?

"What the hell are you saying?" inis na tanong ko imposible yung sinasabi niya

"It's possible sam your a un natural creature who have an abilities..." pahina ng pahinang sabi niya

at ano nga ulit abilities? THE F*CK is wrong with this girl

"Please ok lang kahit hindi ka maniwala ngayon p-pero Your a~" hindi niya na natuloy ang sinasabi biya dahil biglang may kumatok

TOK TOK TOK

sabay kaming napatingin sa pinto pumasok ang tatlong.kasama namin sa van kanina

"sam i know You Don't get it right now but trust me you will understand it soon"sabi ni kylan at nag aalalang ngumiti

Ano bang sinasabi nila anong abilities ano diba it's not existing?

"Nag eexist siya dito..."mahinang sambit ni bella

Napatingin naman ako sa kanya lahat ng nangyari kanina nag proseso sa utak ko at nagkatugma tugma yon

"D-don't tell me..."kinakabahang saad ko

"Yeah i have an ability to read yours and other's mind sam"mahina pang sabi niya kaya naman nanghihina akong napatingin sa tuhod ko

"You should take a rest now mamaya na lang tayo mag usap mukhang pagod ka pa "nag aalalang sambit ni ida at tumango naman ako ng may pag aalinlangan

"M-maiwan ka na namin ipapadala na lang dito yung mga gamit mo"sabi ni bella

Tualala pa rin akong nakaupo sa kama ko at hindi malaman kung ano yung paniniwalaan imposible lahat ng sinabi niya alam kong sa libro lang iyon at pelikula

P-pero paano kung totoo?

Humiga na lang ako sa kama at tulalang tumingin sa kisame maya maya lang may kumatok

TOK TOK TOK

napabangon naman ako para pagbuksan siya ng pinto may babae sa pinto ko na may dalang Box ano naman kaya iyon?

"Ito na po ang mga gamit niyo"nakangiti niyang sabi at umalis na

"salamat"sambit ko pa rin kahit wala na siya

Snobber tss biro lang

Binuksan ko naman ang box at bumungad ang uniform? at meron itong parang pin kaya tinignan ko ang pin

may simbolo ito

ganyan ang simbolo pero maliit lang ito at may naka sulat na dawn napansin ko din to sa soot nila bella kanina may dawn siya hmm ano kaya ang ibig sabihin nun

Di ko na inabala pa ang sarili sa isiping iyon ipapaliwanag naman yata sa akin ni bella iyo mamaya kinuha ko pa ang ibang laman may Uniform ito

,

masyadong maganda ang uniform nila kumpara sa school namin sa dati kong school parang pang grade one kasi ehh hehe di naman sa nang iinsulto pero oarang hanon na nga

sobrang yaman siguro ng school na tohhh sabagay deserve naman yata nila dahil malinis ang lahat ng gamit dito ibig sabihin magaling silang mangalaga

Pagkatapos kong tignan iyo may isa pang box sa loob ng box pag ka bukas ko boots ang nakita ko

isang magandang boits na kulay black medyo mataas siya

grabe talaga ang academy na tohh parang hindi na academy ang ganda talaga nakaka amaze pagakatapos kong tignan yon kinuha ko pa ang iba at nakita ko ang card kulay gold sobrang linaw pwedeng pansalamin nakasulat ang pangalan ko don

para saan naman ang card na iyon?

First...

First

mag gagabi na nung magising ako kaya lumabas na ako ng kwarto medyo nagugutom din kasi ako ehh sakto namang nakasalubong ko ang apat kaya sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria

Maraming student doon at nung pumasok kami parang isang segundo lang kung tumahimik sila anong meron bat nanahimik?

"Nasa mataas na rank kasi kami dito kaya nanahimik sila pag pumupunta kami natatakot sila"bulong ni bella kaya nagulat ako

Potek kahit alam ko na yung sa mind reading abilities niya di ko pa rin maiwasan magulat at mangilabot nababasa niya kaya lahat ng kagagahan ko?

"hihihi wag kang mag alala kaya mo naman i private ang dapat i private " sabi niya sabay kindat tsk tsk

'*sino siya bagong member?'

'oo yata kaya ba sila umalis kanina dahil sinundo nila yan?'

'uhumm pero bakit parang di naman siya members ibang iba itsura niya ehh*'

mga bulungang naririnig ko ano ba dapat maging mukha ko? maging mukhang kabayo tss

natawa naman si bella at umiling ngumiti lang ako sa kanya ughhh nakakalimutan ko kasi na may ability pala ang mga kasama ko

umupo kami sa table doon sa gitna mabango naman ang canteen amoy pagkain kaya nga canteen tss

Bigla naman may lumapit sa amin na lalaki mukhang server ng canteen

"Good evening dawn what's your order?"tanong niya kaya naman kinuha ng mga kasama ko ang papel na nakalagay sa table at tinuro ang order nila

"Ikaw sam ano gusto mo?" tanong ni ida

kaya naman tumingin na lang ako at tinuro ang parang palabok at tinuro din ang juice na kulay pink

"naka recober ka na ba sa pinag usapam natin kanina?"tanong ni ida kaya huminga naman ako ng malalim bago sumagot

"Well hindi ko sasabihin ok na talaga ako pero may na gets ako"sabi ko at ngumiti

"Buti naman, uhmm natatakot ka ba sa amin?" tqnong ulit niya kaya natawa ako

"Hindi naman siguro ako sasama pa sa inyo kung natatakot ako diba?" natawa ako sa sagot ko

"oo nga naman,"sabi ni kylan kaya tinignan siya ng masama ni ida napatingin naman ako kay kaiser na naka pikit di ba siya nakatulog kanina?

Ilang oras din naman akong nasa kwarto at tingin ko ehh nasa kwarto din siya pero malay mo may ginagawa, habang nakatingin ako sa kanya unti unti siya dumidilat kaya iniwas ko na ang tingin ko

Maya maya lang ay dumating na din ang inorder namin, masarap naman siya yung nga lang di siya katulad ng mga palabok na nabibili ko kay aling nena pero masarap pati yung juice masarap din ngayon lang ako nakakain ng mga ganong pagkain

"masarap ba?"tanong ni ida kaya naman tumango ako at ngumiti

kakaiba ang pagkain nila dito parang hindi siya kinakain sa realworld

"Mamatay kasi sila kapag kumain sila niyan"sabi ni bella kaya nanlaki naman ang mata ko m-mamamatay? bakit?

"May kasamang kung ano ano ang mga yan gamit ng ibang ability ng mga chef dito"sabi naman ni bella kaya nanlaki ang mata ko huhu

"wag kang matakot di ka naman normal na tao kaya di ka mamamatay"nakangiti ani pa niya pero halatang pinipigilan ang tawa tss

Kumain naman ako ng marami...

Pagkatapos ng gabing yon naging ayos naman ang umaga ko dahil hindi tulad non na na kila mama pa ako di ako makatulog ng maayos dahil lagi niya na lang ako binabato ng kung ano ano pero kahit ganon di ko talaga siya kayang saktan ehh kaya hinahayaan ko na lang

nagbihis na ako ng school uniform nandito na din ang sched ko may mad naman na binigay parang cp yung map nila kasi may map na may compas pa HAHAHAHAHAHAH ang cute

Sinuot ko na ang uniform fit na fit ito sa akin at yung boots ang ganda medyo maputi naman ako kaya bumagay sa kulay ko pagkatapos inayos ko na ang sarili ko nagtali lang ako ng messy bun at lumabas na ng kwarto

Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang may sumabay si bella

"Hi bella"nakangiti kong sabi pero masyado siyang seryoso nanyari dito?

"yung pin mo nasaan?" seryosong tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko ayy oo nga tss kaya pala seryoso siya ganon na pala ka importante ang pin dito

"importante talaga lalo na at iyan ang basehan ng rank mo"mahinahong saad niya kaya tumango ako at hinatak siya

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha sa drower na maliit yung pin pati yung card?

"Bella oo nga pala para saan pala itong card?"tanong ko

ngumiti siya at kinuha ang card

"mmm may sariling mall kasi ang lexus academy so parang iyan ang magiging pera mo kapag bibili ka doon"namamangha naman akong tumingin sa card ko

"T-Talaga? magkano naman ang laman nito?"tanong ko

"Depende kung magkano ang pinadala ng guardian mo"sabi niya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya mukha namang na gets niya yung tingin ko

"Guardian mo yun yung laging nandiyan kapag kailangan mo na talaga ng tulong at nandiyan para sumuporta sa mga kailangan at gusto mong gawin sila din ang magtuturo sayo kung paano mo malulutas ang mga problema mo"sabi niya kaya napatango naman ako ang astig

"mamaya tignan natin kung magkano ang pinadala niya"sabi niya kaya napangiti ako at tumango

"saan ang una mong klase?"Tanong niya

"Technology"sabi ko kaya tumango siya

"Ihahatid na kita kay ms. Vina Mag iingat ka doon dahil alam kong unang pasok mo palang ehh mahirap agad ang ipapagawa lalo na at ang rank mo ay dawn wag ka mag alala kasabay ng sched mo si dev" sabi niya kaya napatango na lang ako

Pagkadating namin sa may tech class ko nagpasalamat ako kay bella tumango lang naman siya at sinabihan ako ng goodluck sabay kindat muntanga amp

Pagkapasok ko ay unti lang naman pala kami mga 12 naghanap naman ako ng upuan at kay dev lang ang walang katabi kaya pumunta ako doon

"Hey sam pwede ba akong umupo dito? kundi mo mamasamain"sabi ko tumingin naman siya ng deretso sa mata ko at tumingin din ako ng inosente sa kanya

umirap lang siya... ibig sabihin ba non pwede? hmmm ok

umupo ako doon at maya maya lang ehh dumating na ang teacher namin sa Tech ano nga ulit ang pangalan niya ms.vani? gaga mali vina pala hehe

"Good morning class"nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya grabe nananakot ba siya?

"Good Morning ms."sagot naman ng lahat

inikot ni ms vina ang mata niya hanggang sa mapunta ito sa amin nagtaas naman siya ng dalawang kilay at ngumiti nanaman ng nakakaloko kaya umiwas ako ng tingin dahil nailang ako mukha kasi siyang multo uhhhh katakot mismaam

"So What's your name miss?"tanong ni ms vina habang nakatingin sa akin

"A-ahh samantha Miller p-po"naiilang na sagot ko

"Nice name ms miller"nakangiting sabi niya kaya napatingin ako sa baba

"Ganon ba talaga siya?"bulong ko kahit alam kong walang sasa~

"Yeah"bulong din ni kaiser kaya nanlaki ang mata ko ngayon ko lang narinig ang boses niya baritono ito na ang sexy ehe kainlab pero mas cute pa rin si ~

"class listen so were talking about the ability to search a mythical creature"

At nag discuss si maam

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play