This is a work of fiction. Any names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photo copying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.
Plagiarism is a crime.
This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatically errors, wrong spellings and whatsoever errors.
Warning: There are chapters with mature scene. Read at your own risk.
Prologue
"Young adult? Teen fiction? Ano ba mas maganda? Erotic?"
Based on this data, mas marami talagang reads ang erotic novel. I did try on writing it. Sinubukan ko rin magsulat ng ****** kaya lang dumadating talaga ako sa punto na napapatanong ako sa sarili ko. Ito ba ang dahilan bakit ako nabigyan ng ganitong kakayahan? All of my characters, my story represents a little bit of me. And, I admit that, that's one of the reason why I am having a hard time writing a story. Baka kasi, sabihin nila na ako ang character. Kapag malandi ang character... malandi rin ako? Kapag matapang... kapag maldita... ganun din ako!? It's really confusing. Kaya ngayon hanggang chapter 3 lang ako.
My insecurities didn't even help me in writing a story. Mas nauuna ko pang natatapos basahin ang story ng iba kaysa tapusin ang story ko. And, everytime that happens. Wala akong ibang maramdaman kundi selos. I feel envy towards them. Matalino sila, magaling, maayos magsulat, maganda ang plot, maraming fans, maraming reads, pinagkakaguluhan. And... while me, I haven't reached anything those beyond. Pakiramdam ko hindi ako enough. My insecurities piled up even more. That led me to stop writing and hate writing. Where in fact, writing has nothing to do with these.
Tamad siguro ako.
At kapag naman iniisip ko na tamad ako, mas lalo akong nagiging tamad.
Hindi ko na alam ang iisipin ko! Even my favorite author. She's not helping me anymore. Kasi imbes na makatapos ako ng kwento, basa lang ako ng basa ng story niya which is kind of frustrating for me... it didn't motivates me anymore, but unmotivate me instead. I know she has nothing to do with my worries and insecurities...
Hindi ko alam kung bobo lang ba ako mag-isip ng plot o hindi ako ganoon ka-creative. Ugh!
My choices in life aren't really impressive as well.
When my parents died. Naiwan sakin ang lahat ng ari-arian nila. I don't know how to run the small business they built so... I let my relatives run the business. Bata pa lang ako nun pero dahil legal na naman, inaprubahan din ng korte. Our house in Quezon City is too big for me. And everytime I spend time in there, I always get reminded of them so I sold it... and bought a condo unit instead. I still have money left. May lupa pang hindi nabebenta...
I am now 26 and I still feel so helpless and useless. I don't know what to do with my life. My only escape is writing... which is I'm not even good at. Alam kong may pera pa kaso hanggang kailan ako kayang suportahan nun? I need to at least get a job and the job that I have in mind is writing a book. Pero wala akong matapos-tapos kahit isa!
Tumayo na ako para makapagpahinga ang utak ko. Ilang oras na akong nag-iisip ng magandang outline para sa story pero hanggang ngayon wala akong magustuhan kahit isa. My standards for a story got too high. My ideas are all dumb and cringey. I really need someone to at least help me but then... I'm not in good terms with my cousin. They all find me weird at isa pa, an introvert like me doesn't know how to entertain them.
I got a friend, though. Kaso nakikipagpatentero sa buhay niya. She's too busy and hard working. Halos ayaw ring makipag-usap sakin, tuwing nagsisimula na ako sa salitang "plot" "outline" "story" binababaan na ako ng tawag. I already offered her money to help me with ideas pero ayaw niya. I respect that side of her kasi mag-iinarte pa ba ako? She's the only friend I have.
I did a little stretching while thinking of more interesting story.
"Try ko kaya fantasy? Marvel style?" I did nod with myself. Pilit pinapaniwala sa sarili na may ikakapiga pa ako sa utak na meron ako kahit na... alam kong 2 percent nalang.
"Oh! Paano kung iyong mga aswang nalang? Maiinlove ang babae tapos malalaman niya aswang pala ang lalaki?" I clapped my hands with excitement. Mabilis akong naupo at binuksan ang laptop handa na akong isulat ang idea na meron ako but then as I started the prologue, wala akong maisulat! "Romance? Paano kung... may bed scene na tapos mahahati bigla ang katawan nung lalaki? E, horror na 'yon?"
Madalas kausap ko lang ang sarili ko. I pitied myself more than others do. Kaso lang... It appears that no one other than myself can understand me better. So...
Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Nag-iisip parin ng malupitan na plot but then nothing came to mind. Uminom na ako ng malamig na tubig. Natulala ako sa kusina at pinilig ang ulo... Minsan talaga nakikita ko nalang ang mga characters ko bigla. And... some of them are really nasty. Well, nakakaturn on naman talaga ang bed scene na sa counter top ng kitchen. Napangiti ako bigla sa iniisip ko, masaya isulat ang ganun. But then... no.
Quality over quantity.
I always watch movies or series and observe on how they're gonna pulled off the plot twist and I always feel fascinated everytime.
Kaya nga sinabi ko na sa sarili ko na gagawa rin ako ng story na tulad ng ginawa nila.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Annalisa at sinilip ang posting na ginawa ko kahapon.
"Oh?" sagot niya sa tawag ko.
"Kamusta? May nahanap ka na bang bedspacer?" masaya kong tanong.
"Meron. Kaibigan ni Kuya, sabi mo lalaki 'di ba?" I feel her disgust even when she's being calm. "Nababaliw ka na ba Natalia? Dahil lang diyan sa isusulat ko kailangan mo pa talaga gawin 'to?" She snapped.
"It's hitting two birds at one stone... 26 na ako, you know. If we worked out then mas maganda rin ang kalabasan ng story, it's a win win. Tsaka my kasama na ako sa condo... baka may katabi na rin sa kama, magkakababy kami tapos magkakapamilya. Araw araw na akong madidiligan," I chuckled.
"Oh? Paano kung bubuntisin ka lang at iiwan? Ang gandang plot twist nun 'no?" pilosopo niyang sabi.
Napaungol ako bigla.
"Mas maganda nga 'yon. Ayun sa data, mas maraming readers ang gusto ang ganyan na plot. It's nice too. I like that,"
"Buang." she's so pissed.
Tumawa ako. "Bibig nito."
"May trabaho pa ako. Tumawag ka nalang mamaya."
"Madaling araw na mamaya, my friend."
"Buang. May amnesia ka ba? Bakit ngayon pa naging big deal sayo ang madaling araw? E, ganung oras naman talaga tayo nag-uusap?"
Ngumuso ako. Init naman ng ulo nito. "So, bukas dadating na 'yon? Anong oras?
"Hindi mo man lang itatanong kun kaya bang magbayad ng upa. Ewan ko sayo, Natalia. Hindi ko na alam anong tumatakbo diyan sa utak mo."
"Galit ka?" Humagikhik ako. "Sige na. Tawag ako mamaya."
"Ulol," sabi niya bago pinatay ang tawag.
Tumawa ako dahil ramdam ko ang sobrang irita sa tono ni Annalisa. That's what I like about her, she's concerned about me.
Dahil tinagurian akong advance mag-isip. Nagsulat na ako ng prologue para sa romance genre na story na balak kong isulat. Dahil dadating na ang magiging katulong ko sa pagtapos ng story. I don't know if this experiment would work out. But if it does, then this will be my first break as a writer.
Dito na umikot ang buhay ko sa loob ng sampung taon simula ng mawala sina Mama at Papa. Sa pagsusulat ko nalang naibubuhos ng lungkot ko at pangungulila. I am so thankful that I was able to discover my skill in writing.
And, tomorrow... I will learn more about myself. As much as possible, mag-s-stick ko a romance genre. I want it to be romantic and wholesome. Excited na akong makita ang magiging kasama ko sa susunod na buwan.
I got a crazy mind... but I didn't thought that... his is crazier.
Chapter 1
Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa pinto ng condo ko. Dalawang araw na pero wala paring bedspacer na dumating. Excited pa naman ako sa isusulat ko pero dahil sa delayed ng pagdating niya nagka temporary author's block tuloy ako.
Tinawagan ko si Annalisa pero cannot be reached daw. Ang sabi niya sakin kahapon baka hindi na raw tutuloy. Nadismaya ako syempre pero hindi pa naman din daw sigurado. Kaya, hindi rin ako sigurado kung alin sa dalawa ang aasahan ko. Tutuloy ba o hindi?
Umalis ako ng condo dahil maggo-grocery pa ako. Hindi ako umalis nung nakaraan kasi inaabangan ko ang pagdating niya. May naisulat na nga ako sa first meeting namin e. Kaso, delayed. Kahapon sana aalis na ako para makapaggrocery, e kaso baka biglang dumating kaya inabangan ko. Tapos nauwi lang sa wala...
Pagdating ko sa grocery mall. Dumiretso agad ako sa meat section. Napalingon ako sa gilid ko ng may dumaan na cart. Ngumiti ang babae sakin at nag-excuse me. Kasunod niya ang gwapong lalaki. Napatulala pa ako saglit. Bigla ko tuloy naisip, sana ganyan kagwapo ang kaibigan ng Kuya ni Annalisa kaso... mukhang malabo.
Ang pagsusulat ay nakakapagpajudgemental pala. Bakit kailangang gwapo? Bakit kailangang may abs? Bakit kailangang matangkad? Dapat kahit mabait nalang. Napailing ako sa sarili kong iniisip at siniplatan nalang ang ulo ng baboy sa harap ko.
Bumili ako ng iilang paa ng baboy dahil paborito ko 'yon. Iilang drumsticks at porkchop.
Pagkatapos ko sa grocery, naglakad lang ako pabalik ng condo dahil malapit lang naman. Hindi ko nga lang inaasahan na aabot pala ng tatlong libo ang babayaran ko. Ang mahal na pala ng baboy ngayon? Kaya nga... siguro dadagdagan ko nalang ang paupa ko sa isang kwarto? Hindi na naman siya lugi doon kasi maganda at maayos ang lugar na meron ako. Hindi barado ang CR, maayos ang kusina, may sala, may washing machine, at syempre may magandang babaeng tulad ko...
I shrugged.
Nasa elevator na ako nag-aabang nang biglang may bumangga sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya at dahil nakahoodie siya, hindi ko agad nakita ang mukha at isa pa... sobrang tangkad niya. Nakatingala ako na parang nanonood ng mga ibon sa himpapawid.
Lakas makacherifer nito, ah?
"Sorry," Aniya sabay tingin sakin. Parang nakatingin lang sa isang mortal dito sa lupa. Parang langgam na muntik niyang naapakan. Parang balon rin ang boses niya sa sobrang lalim.
"It's okay," Nagkibit balikat ako.
Nakashorts lang ako at pambahay pa. Oversize shirt at nakapuma slippers pa. Napahawak ako sa buhok ko ng wala sa oras. Naka-bun ako at halatang hindi rin nag-ayos. Kasi, bakit naman ako mag-aayos gayung maggo-grocery lang ako? Isa pa... pasimple kong sinuri ang suot niya. He's wearing a black cotton shorts, black hoodie, white inner shirt at nakarubber shoes. And, a sun kissed skin color. Super attractive.
Tumunog ang elevator at diretso naman akong pumasok. Pumasok din ang matangkad na lalaki at pumwesto sa gitna. Hawak ko parin ang dalawang bag ng grocery ko. Mabigat sa kamay pero ayaw kong umagaw ng eksena at mas lalong ayaw kong ibaba dahil baka akala niya nakikipaglandi ako sa kanya. Inaamin ko na medyo maiksi ang shorts ko ngayon... Ito na ang pinakaweakness ko, sobrang paranoid ako sa maraming bagay.
Hindi paman nakakalampas sa isang floor, huminto ulit iyon at nadadagdagan na naman ang sumasakay. Mas sumisikip. The guy wearing a hoodie move closer to me. Sa sobrang tangkad niya, nangliliit ako sa sarili ko. Literal.
"Sorry." I gently smiled when some of the passengers are touching the wet grocery plastic I'm holding.
Umatras pa ako lalo. Bago pa ako makaatras pa, may humawak na sa balikat ko.
"Wala ng space dito." Aniya.
"Ah. Okay. Sorry." sabi ko at biglang nahiya. Nangangalay na ang kamay ko sa totoo lang pero dahil mas lalong sumikip. Mas lalong wala na akong chance na malapag muna kahit saglit ang dala kong grocery bags.
Nang makarating na ako sa floor ko. Agad akong nag-excuse sa ibang pasahero sa harap. Pangiti-ngiti ako sa kanila habang dumadaan. Bakit ba maraming pasahero ngayon 'tong elevator? Kasi madalas naman, hindi ganit karami.
Napansin kong lumabas din ang lalaki. Naglakad na ako sa hall at biglang kinabahan ng nakasunod parin siya sakin. Napalunok ako at inisip ang magiging kasunod nito... Pero, nasisiyahin din dahil may bagong experience akong malalagay sa mga story ko. Kaya imbes na kabahan, pinilit kong maging kalmado.
Nilapag ko ang dalang grocery bag ng makarating na ako sa pinto ng unit ko. Pasimple ko siyang nilingon at nang nakitang nakahinto na siya sa harap ng katabing unit, napahinga ako ng maluwag. Pumasok na ako sa loob at nilapag sa counter ang pinamili.
Pagkasira ko ng pinto, nagring din agad ang doorbell. My forehead crease immediately... I peek on the peephole and I was shocked when I saw him in front of my door. Anong ibig sabihin nito? Napaisip ako anong pwede niyang maging sadya sakin. Pero dahil sa kakaibang aura niya, kumuha ako ng baseball bat at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Bakit? Anong kailangan po nila?" I even smiled at him. Nakatago sa gilid ng pinto ang hawak kong pamalo pangdepensa.
"Natalia De Veyra?" He looks hesitant.
Napakurap-kurap ako. Ah! Itong bedspacer? "Ah! Kaibigan ka ng Kuya ni Annalisa?"
"Kaibigan ng Kaibigan..." he nervously laughed. "Uhm, nakipagtanan na 'yon sa girlfriend niya kaya ako ang nandito... Kahapon niya lang sinabi ng may murang upahan dito sa BGC. Hindi ko alam na totoo pala talaga. Chineck ko na muna,"
"Ah. Hindi ikaw ang kaibigan ng Kuya ni Annalisa? Anong pangalan mo?" kuryuso kong tanong.
He looks really nervous. Lumunok siya bago sumagot. "Fernando Magsalang Jr.,"
"Lia nalang," Ngumiti ako. "I mean... ako LIA NALANG ang itawag mo sakin."
Nalilito siyang tumango sakin.
Nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi ko alam bakit bigla akong napanatag. Siguro dahil bago sa pandinig ko? At luma ang tunog ng pangalan niya? Mga bata kasi ngayon mahihirap na bigkasin ang mga pangalan e. Iyong iba naman puro consonants nalang. Binitawan ko agad ang hawak ng baseball bat at hinagis kung saan. Malakas na tumunog iyon pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Pasok ka muna, Fernando?" I chuckled. "Ang haba ng pangalan mo..."
"Jun ang tawag sakin ng iilan," he smiled.
Tumango ako sa kanya at minuwestra ang papasok. "Ang tangkad mo. Basketball player ka?"
"Oo. Nagco-coaching ako diyan sa malapit na eskwelahan. Varsity ako dati sa school namin."
"Ah. Okay... Kaya pala."
Tinuro ko ang kwarto niya at ang pinakita ko rin ang CR. "Walang gumamit nito simula nang lumipat ako rito. Malinis ang lahat ng gamit. May extrang bedsheets naman dito sa cabinet... kaso pambabae?"
"Okay lang... Hindi naman ako maselan sa gamit," sinuri niya ang paligid habang ako naman nakatingin sa kanya. Patango-tango siya habang ginagawa iyon. Parang kuntento at masaya.
"Two thousand ang upa. Okay ba sayo 'yon?" Tanong ko.
"Oo naman. Kukunin ko na 'to. 1 month advance, 1 month deposit, 'di ba?"
Tumango ako. Pinanood ko siyang bumubunot ng pera. Pero sobra-sobra iyong mga kinukuha niya, hindi nga lang ako nagsalita baka mauna ang pag-aassume ko. Mahaba ang mga daliri niya. Malinis din ang mga kuko. Natapos siya kaya agad akong nag-angat ng tingin.
"Ito bayad ko," sabi niya. "First time mong magpa-upa ng kwarto?"
Tumango ako sa kanya. Hindi parin tinatanggap ang bayad na pera. Tag-iisang libo lahat ng iyon. Bahagya akong namangha na ganito kalaking pera pala ang kikitain ko sa pagpapaupa. Kung sana ginawa ko na 'to dati baka marami na akong ipon ngayon.
"Maayos ang kwarto at bagong-bago pa. Hindi presyong dalawang libo lang ang kwarto na 'to. Pwedeng 20k, ganun... Depende rin kasi sa location. Nasa maynila ka kaya mas mahal ang mga upa... Kaso wala rin akong pera e." nagkamot siya ng ulo. "Ginawa ko nang limang libo ang bawat buwan ko dito. Bente mil 'yan." sabay lahad niya sakin ng hawak na pera.
"2 months advance at 2 months deposit. Wala na akong pera rito," alanganin siyang ngumiti sakin.
Ah. Ganun pala 'yon. "Okay lang."
Hindi naman ako naghahanap talaga ng malaking upa. Ang sakin lang, lalaki... Pinilig ko ang ulo ko dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa baliw kong utak.
"Kailan ka lilipat?" Tanong ko habang palabas kami ng kwarto.
"Sa susunod na linggo,"
Akala ko may idudugtong pa siya kasi alam kong meron pa kaso hindi na niya dinugtungan ang sinabi. Anyway, nakapagbayad na naman siya kaya sigurado na ako na lilipat siya dito anytime soon.
"Bago ka umalis. Paki-fill up muna 'to," binigay ko sa kanya ang form na ilang araw ko nang hawak. Basic information lang naman ang nandoon. Tulad ng blood type, favorite food, etc...
Nagtungo ako sa kusina at nilingon siyang nakaupo na sa sofa at tila problemado sa hawak na papel. Ngumuso ako dahil matatawa na akong ano mang oras ngayon. Ang cute niya tingnan. Wala pamang isang araw nagkakacrush na ako sa kanya. Grabe naman sex appeal nitong si Fernando.
May bitbit na akong juice pagbalik ko sa kanya. "Sorry natagalan. Hindi ko pa pala naipasok ang mga karneng binili ko kanina..."
"Okay lang," mabilis niyang sagot at saglit lang akong tiningnan at bumalik din agad ang tingin sa papel.
"Tapos ka na sa front page? Meron pa sa likod..." sabay ngiti ko.
Nagkamot siya sa noo niya at halatang napipilitan na sa pagfill out ng papel. He looks annoyed actually. Well, mas mabuti na rin na habang mas maaga pa magkakilala na kami kaysa magtagal siya rito at makita ko na ang tunay niyang ugali.
"Para saan 'to?"
"Psychology student ako..."
In other words, makikita ko sa mga sagot niya ang lahat. "Hindi nga lang ako gumraduate... College drop out ako." dagdag ko rin.
Nagkatinginan kaming dalawa. "So hindi ka license?" tanong niya. Binaba niya ang hawak na papel at ballpen.
"Hindi. Hindi rin ako marunong magpsycho."
Umiling siya sakin at nagpatuloy sa pagsusulat. Halos maubos ko na ang juice ko pero hindi niya parin ginagalaw ang sa kanya.
"So ikaw? Anong natapos mo at ilang taon ka na?"
"Education. 27." maiksing sagot niya.
Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwala. Akala ko bata pa siya! Parang 20 lang. Nag-aalangan pa ako kanina pero naisip ko... kung mafall siya sakin... age doesn't matter naman. Saka hindi naman ako magiging masamang Ate sa kanya, magiging Mommy niya ako, at higit sa lahat... girlfriend. Itatawid ko siya sa matuwid na daan.
"Hindi nga? Batang bata ka pa tingnan. Ako sa mukha kong 'to. 26 na ako pero napapagkamalan akong 28." medyo exaggerated kong sinabi. Napapagkamalan na wala akong kausap sa loob ng ilang taon maliban sa best friend kong mahirap din kausap.
Tiningnan niya lang ako saglit at hindi man lang pinansin. Sa mga tingin niya parang sinasabi na niya sakin na wala ako sa tamang pag-iisip ngayon.
"Totoo talaga... Oh? Tapos ka na?"
"Oo. Aalis na ako. Babalik dito next week."
"Okay." sabi ko at naglue na ang mata sa papel na hawak. Ang ganda ng handwriting. Kasing gwapo niya...
Umalis si Fernando at halatang naweirdohan sakin. Binasa ko lahat ng sinulat niya at basic lang naman ang mga sagot. Hindi masyadong naeexpound. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Annalisa de Carpio.
"Napatawag ka?" magaspang na boses na salubong niya sakin.
"Dumating na ang bedspacer." tila anunsyo ko.
"Tapos?"
"Fernando Magsalang Jr. Age 27. Pinanganak sa-"
"Pinabackground check mo?" tunog gulat dapat pero plain ang tono ng boses niya.
Humikab ako sa tono ng boses niya. Parang walang interes. Nakakaantok. "Pinagsulat ko."
"Kilala namin 'yan. Wag kang mag-alala. Iyong uupa sana diyan, may girlfriend pala. At iyon... nakipagtanan sa girlfriend..."
Bigla akong napaisip. "Si Fernando ba may girlfriend?"
"Sa pagkakaalam ko... meron,"
"Hindi nga!?" Napatayo ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko pinaglulupitan ako ng tadhana. "Hindi ba sinabi ko sayo na single, lalaki, walang anak..."
"Basically... single naman talaga siya. May in relationships ba sa pagpipiliin ng status? 'Di ba wala?" pilosopo niyang sinabi.
"Bwiset ka Annalisa."
"Buang." she cursed me every time we talked! Kung may choice lang sana ako magpapalit ako ng best friend e!
Napatingin ako sa marital status niya. Single rin ang nakalagay. Pakiramdam ko na-scam ako. Paano na ang story ko nito? May third party na agad?
Download NovelToon APP on App Store and Google Play