When the world was under the fight against a pandemic everyone was under quarantine locked down, but who would have thought that a viral meme about falling in love with a neighbor could actually happen to a two person who used to live from different sides of the world but happen to meet by being locked down in one place?
As the saying goes, love could be anywhere, even in our neighborhood.
Can we really experience being locked down to another person in times of community locked down? Hmmmm... sanaol!
Céllo is just a normal girl with a normal life then she met the most extra-ordinary guy in a most unexpected time. Si Adrien, a french guy na gusto niyang i-french kiss. Chos!
Isang ordinaryong araw lang sana pero sa di inaasahang pagtatagpo ay magbabago ang buhay nilang dalawa sa paraan na akala nila imposibleng mangyari sa kasalukuyang pandemya na kinakaharap ng mundo.
Would they find their happily ever after in this time full of tragic endings?
🌛⚫🌜
Chapter 1: Touché
Céllo’s POV
Inis kung tinapon ang binabasa kong libro na ‘Last night of Innocence’ ni Race Darwin at pakamot-kamot sa ulong lumabas ng kwarto.
Nakakainis dahil wala na akong libro na hindi ko pa nababasa ang iba naman ay inulit ko na. wala din kaming internet connection sa lugar namin para naman makapag update ako ng social media account ko. At higit sa lahat, ang init-init, kahit dalawang beses na akong naligo at kahit naka number three pa yung electric fan naming e wala pa rin.
Naabutan ko si Mama sa kusina na nag mamasa ng harina para sa lulutuin niyang pinipit. Nag-angat siya ng tingin at alam ko na napansin niya ang iritado kong mukha.
“Oh anong binubusangot mo d’yan?” tanong niya. Hindi muna ako sumagot at kinuha ang remote ng TV para manuod.
Walang gana ko siyang tinignan at sinagot.
“Ang init, walang internet, bawal lumabas jusko ma! Mababaliw ako dito sa bahay dahil wala na akong magawa.”
“Ano pang inaarte mo diyan? Pasalamat ka nga wala kang ginagawa. Oh siya! Tulungan mo yung mga kapatid at kapit-bahay natin sa pagligpit sa mga sanga mula sa pinutol na mangga kahapon.” Bulyaw niya.
“ihh Mama naman eh! Alam mo naman na delikado maglabas-labas ‘di ba dahil sa Virus? Paano pag nahawa ako?” OA na sagot ko sa OA niyang litany.
“Gaga ka! Sa buong Pilipinas tayo lang wala pang cases ng mga nag-positive ng Covid na ‘yan, Kaya’t lumabas ka do’n at tulungan moa ng mga kapit-bahay natin.” Halatang inis na sabi niya.
Tumayo nalang ako at pumunta sa labas ng bahay para tumulong. Napakunot ang nook o ng Makita ko na halos lahat ng nandon ay ang mga kapit bahay naming na mga babae. Napatingin ako sa mga ayos nila.
Napangisi ako ng mapansin na may pa showcase sila ng mga cleavage at singit. At mukhang nag make-up pa ang mga ito. Ang iba sa kanila ay nagwawalis at ang jusmeyo halos walang dahon ang nawawalis nila dahil sa sobrang hinhin nilang pagwawalis.
Anong nangyari sa mga ‘to?
Napatingin ako sa sa mga nakakalat na mga dahoon at sanga, nanlumo ako bigla.
ANDAMI!
Habang pinupulot ko ang mga medyo malalaking sanga ay bigla akong dinunggol ng kapatid kokaya,t muntikan na akong napasubsob sa lupa.
“BWISIT KA, RJ!” sigaw ko sa bwisit na kapatid ko.
“Peace yow sis!” nakakalokong aniya.
Pinakyuhan ko siya at inirapan. Alam kong nakatingin sa ‘kin ang iba dahil sa ginawa ko pero lakumpake. Hu kers ika-nga.
Nagpatuloy ako sa pagupulot ng mga sanga at sa ikalawang pagkakataon ay binunggo na naman ako ng kapatid ko at tuluyan na akong napasubsob. Nagpupuyos sag alit akong tumayo at walang rending binulyawan siya!
“YAWA KANG ANIMALA KA! KASAKIT SA AKONG TUHOD! GAGO K….” naputol ako sa pagsigaw ng ang bumungad sa harap ko ay hindi ang bwisit kong kapatid, kundi isang gwapong lalaki na may emerald green na mata at may aureus-colored hair.
Biglang wala akong masabi sa kaniya kaya para hindi magmukhang tanga ay tinaasan ko na alng siya ng kilay para magmukha akong mataray.
‘Translation: Demonyo kang hayop ka! ang sakit ng tuhod ko! Gago k…’
Nagsalita siya pero ni isa wala akong maintindihan, hindi dahil sa gwapo niyang mukha kahit na naka-kunot ang kilay, kun’di dahil sa ibang lengguwahe na gamit niya. Shemmms foreigner si kyah!
"Je suis désolé mais je ne t'ai pas vu là-bas, ma chéri!"
Nagsalita ulit siya pero this time, in English na, nahalata siguro niya na wala akong naintindihan dahil sa pagkakakunot ng noo ko.
“I’m sorry but I didn’t see you there, ma’ chéri!” sabi niya sabay ngiti.
Shemms parang nasilaw ako sa puti ng ngipin niya. Gwapo man siya, maldita naman ako. Inayos ko ang sarili ko at inihanda ko ang pamatay kong english.
“Well first of all Mister Green eyes, you should have watch where you’re going. Second, I’m not your mother for you to call ‘ma’. Lastly, my name is Céllo not chéri!” mataray na sabi ko with arms crossing in my chest.
Haler, di pa nakaka-get over ang tuhod ko sa sakit. Pero kudos to myself, straight ang English ko, alam ko na proud sa ‘ki ang magulang ko kapag narinig nila, kaso kailangan tignan mo mamaya ang panti ko baka nando’n ang dugo dahil wala sa ilong ko. Charot!
Akala ko magagalit siya sa sinabi ko pero si kuyang may green eyes ay ngumiti lang nagpaka-tamis tamis at tinalikuran na ako. Bwisit na ‘yon, ang bastos.
Babalik na sana ako sa pagpupulot ng bigla akong pinalibutan ng mga beast.. este beauty queen-wanna-be na mga kapitbahay ko dahil sa kapal ng mga kolorete nila sa mukha.
“uy bes! nakita naming kinausap ka ni Adrien ah!” sabin ni ate girl na hindi ko kilala. Hindi kasi kami close nito.
“Adrein? Yun baa ng pangalan nung dayuhan na ‘yon?” tanong ko sa kanila.
“Oo day! Ang swerte mo ah, kanina pa kami nagpapaganda at nagpapacute sa kaniya pero ni lapitan kami hindi niya ginawa."
Infairness pangalan palang ni kuya green eyes pang dayuhan na. Pero gusto kong matawa sa siabi nilang nagpapaganda at nagpapacute sila dahil may iba sa kanila ay parang clown na. buti kung may maniwala na nagpaganda sila.
Hindi ako nang-jujudge ha, nagsasabi lang ako ng totoo.
“Kailan lang ‘yon napadpad dito? Ngayon lo lang kasi nakita ang kulugong ‘yon ah!” totoo ngayon ko lang yon nakita.
“Last month pa, akala nga naming magkakilala kayo non kasi kinausap ka niya at nginitian pa ng pagkatamis-tamis ah!” sabi nung isa na animo kinikilig pa.
“Eh di ko naman yun kilala, at tsaka anong matamis sa ngiti non? Nakaka-inis nga eh!” sabi ko at binigyan nila ako ng tingin na parang nababaliw na ako sa di ko nakita ang nakita nila.
“Seriously? Di ko yon kilala eh magkatapat lang ang bahay niyo oh!” sabi ni Sora sabay turo sa magandang bahay sa harap namin.
“Oo nga no! hindi kasi ako naglalabas sa bahay eh.” Paliwanag ko.
“oh eh anong pinag-usapan niyo?” tanong ni Sam, kaibigan ko.
Napatingin ako sa kaniya at pansin kung isa siya sa mga hindi nag-ayos gaya ko na nakapantulog pa nang suot.
“Wala, minura ko lang kasi nabunggo niya ako habang nagpupulot ako ng sanga at napasubsob ako sa lupa. Akala ko kapatid ko ‘yon kaya ayon, sinigawan ko.” Paliwanag ko.
“Anong sabi niya?” si Niña, kaibigan ko rin.
“Hindi ko naintindihan ang una niyang sinabi eh, kasi ibang language tapos nag-english siya tas sabi niya sorry. Tinawag nga akong ma’ chéri, abnoy nanay niya ba ‘ko at Céllo ang pangalan ko ‘di chéri.”
“Ay bobo ka girl! Endermeant yang “ma chéri”, di ako sure pero parang my dear ata ang ibig sabihin non! Shet kinkilig ako!” sigaw ni Shaniah.
“ Ano siya? Arabo?” tanong ko.
“Gaga anong arabo ka diyan? French ‘yon!”
“Talaga? So galing siyang France?” tanong ko.
“Shunga malamang OO dzae at hindi lang basta sa France kundi sa Paris mismo at kakauwi lang nila dito! Gosh tignan mo oh nakatinin siya sa’yo.” Kinikilig na sabi ni Shaniah sabay turo kay Adrein nan aka-tingin nga sa akin. Napatili naman ang iba nang biglang kumaway ito sa gawi naming. Napataas ang kilay ko. Pero aaminin ko na kinilig ako sa ngiti niya.
Nang tatalikod na ako ay parang nakita ko siyang kinindatan ako pero deadma na lang. mahirap mag-assume. Nakataas- kilay kong tinignan ang mga babaeng to na nakapalibot sa ‘kin.
“Ugh! Social distance please!” maarte kunyaring sabi ko kaya napatawa sila at yun lang at naghiwahiwalay na kami at saka ko palang pinakawalan ang pinaka-matamis at pretty kong smile.
------------
Malapit ng mag-gabi matapos naming magpulot ng mga sanga salabas kaya agad akong naligo dahil nangangati na ako dahil sa mga dahoon na nadikit sa ‘kin kanina. Jusko ang germs!
Latang lata ako ng umakyat na ako sa sa ikalawang palapag ng bahay namin para magpahinga. May balcony kasi do’n kaya presko ang hangin lalo na ‘pag gabi.
Nakapatong ang paa ko sa study table na nandito habang nakaharap ako sabalcony ng kaharap naming bahay habang nagbabasa ako gamit ang account ko sa isang sikat na app na ‘Wattpad’.
Enjoy na enjoy na ako sa pagbabasa kaya bigla na lang akong napasigaw ng makia kong wala ng kasunod na Chapter ang binabasa kong libro na ‘Je t’aime’ ng sikat na author na si Cecelib . Isa siya sa mga tinitingala kong author.
Kasabay ng malakas kong sigaw ay bigla na lang may kumalabog sa balkonahe sa kabilang bahay. Napatingin ako dun at sumalubong sa akin ang gulat na mukha ni Adrien. Di ko alam kung pa’no ko pipigilan ang tawa ko dahil ang epic tignan ng mukha niya.
HAHAHAHAHAHAHAHA LT ANG HITSURA NIYA.
“OKAY KA LANG?” nilakasan ko ng konti ang boses ko.
Ewan ko kung narinig niya o naintindihan ang sinabi ko kaya kinuha ko ang intermediate pad na nasa mesa at sinulatan ito?
‘ARE YOU OKAY?’ -> ako.
Nakita kong kumuha siya ng papel at ballpen at nagsimulang magsulat. Si koyang may green eyes naka-smile pa!
‘YES I’M OKAY. Y?’ ➡ siya.
Jeje pala siya? Hehe joke!
‘U LOOK FRIGHTENED’ ➡ako.
Akala ko magsusukat siya ulit pero napaismid ako ng talikuran niya ako. Bastos amp!
Babalik na sana ako sa pagbabasa n bigla siya lumabas ulit na may dalang upuan at umupo doon.
Nakita kong pinulot niya ang papel at ballpen saka nagsimulang magsulat.
‘U GAVE ME A FRIGHT?’ ➡siya.
‘HOW SO?’ sulat ko pabalik.
‘U SCREAMED ;) ‘ ay shet may pakindat-kindat pa.
‘SORRY ADRIEN ^-^! ‘ pakyut din ako syempre. HAHAHAH
Nakita kong tumawa siya at jusko, parang nakaka-distract masyado ang tawa niyang yun.
‘WHAT R U DOING?’ ➡Siya. Parang nagtataka siya dahil nag-isa ang kilay niya.
‘NOTHING’ ➡ ako. Siyempre no di ako aamin na nadistract ako sa tawa niya.
‘U LOOKED MESMERIZED’ sulat niya ulit, napansin ko ang mayabang niyang ngisi.
‘I JUST THOUGHT I SAW A GHOST’ ➡ ako.
‘WHERE?’ ➡ siya.
Mukhang natakot ang loko dahil patingin-tingin siya kung saan-saan. Pinigilan ko ulit ngumiti.
‘BEHIND U!’ sulat ko ulit with matching tayo pa at turo sa bandang likuran niya.
HAHAHAHAHA!
Tumawa ako ng malakas ng bigla na lang siyang tumayo at tinapon ang mga hawak at marahas na tumingin sa likuran niya.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng tignan niya ako ng masama, napansin niya sigurong halos mawalan ako ng hininga sa kakatawa.
Shit! Kahit masama ang tingin niya ang ganda pa rin tignan ng mga mata niya.
‘UR MEAN’ sulat niya.
‘SORRY!’ sulat ko pabalik habang naka peace sign pa at kinindatan ko siya.
Susulat na ulit siya nang marinig naming ang malakas na pagtawag sa kaniya ng kung sino sa loob ng bahay nila.
"Adrien! Venez ici! Assez de ce bavardage avec nos voisins. Mangez d'abord ou sinon!"
(Translation: Adrien! Come here! Enough of that chit chat with that neighbors of ours. Eat first or else!
Di ko maintindihan kasi in French ang salitang ginamit nung tumawag.
Napabuntong hininga pa siya bago kumaway sa akin, senyales na kailangan na niyang umalis. Kumaway naman ako pabalik at tumango.
Bumalik na ako sa pagbabasa ko ng tuluyan na siyang naka-alis. Mamaya-maya pa ay pumasok na ako sa kwarto ko at napatitig sa kisame. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina at sa hindi ko malamang kadahilanan ay parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko.
Siya na ba si Mister Right? Siya na ba love of my life? Kailan niya lalagyan ng icing ang ibabaw ng cupcake ko? Ihhhhh! Mlandi tallaga tung isip ko! Ipapaquarantine ko to eh! Mukhang napasukan ng virus! Virus from France! Hehehehe joke!
Siguro tama ang mga nakikita kong post na memes sa Fb na okay lang humaba pa ang quarantine period basta may gwapong kapitbahay. Enebe!? Kinikilig ako!
Kung magiging P.S men kaya siya, sino siya sa kanila? Mahaba kaya... ang.....ang pasensiya niya! Wag kayong dirty minded! Inoxentes lang dapat hihihi!
Napangiti ako sa naisip. Ano kayang sasabihin nung mga babae kanina na may gusto sa pranses naming kapitbahay? Siguradong maiingit ang mga yun.
Ipinikit ko na ang mata ko para matulog sana pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Pabaling-baling ako sa kama dahil sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang napakagwapo niyang ngiti.
Erase! Erase! Erase!
Parang awa mo na Adrien lubayan mo ang diwa ko at gusto ko nang matulog!
Sa totoo lang gusto ko na talagang matulog dahil sa puyat pero hindi ko talaga mgawa eh!
Napasobra ako sa pag-ikot kaya dumiretso ako sa sahig. Sa biglaang pagkahulog ko ay kumalabog ng malakas ang sahig.
“ARAYYY KINGINA!” sigaw ko dahil sa sakit ng likod ko mula sa pagkakahulog. Shemas naman oh!
‘Malandi ka kasi!’ sabi ng isip ko. Pero binalewala ko na lang yun dahil sa masakit pa rin ang likod ko.
Punyemas naman kase eh! Minsan na nga lang ako magganito minalas pa!
Biglaang bumukas ang pinto at bumungad si Mama na halatang nataranta.
“Anong ginagawa mo diyan? Bakit may kumalabog?” parang galit na tanong niya.
“Nahulog ako Ma!” sagot ko.
“Saan?”
“Sa kama… at sa kaniya.” Mahinang sagot ko.
Itutuloy......
Download NovelToon APP on App Store and Google Play