Notes: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Anime or K-Drama and their franchise mentioned belong to their respective authors/creators.
...****************...
7:10 PM, August 20
"Hays! nakakainis!!! hindi talaga titigil ang ulan!!, Wala na, lag na! Hindi na gumagalaw si Ruby"
Lalo pa humihina ang internet signal dahil sa malakas ng ulan.
'hindi tuloy ako makakalaro ng EM EL ng maayos, byebye Rank star, MYTHIC NA SANA AKO!!! '
Nilapag ko ang phone ko sa sofa sa sobrang inis at kunin ang remote ng TV.
Manuod na nga lang ako ng tv, wala ako magawa dito sa bahay kasi ako lang mag isa at late pa umuwi si Mama dahil sa trabaho or baka nag chikahan pa sa ibang friends niya.
I turn the TV on and see the news.
"Babaeng 17-anyos nawawala, Last seen 5:30 PM, August 19 , malapit sa SM City Iloilo, naka uniporme ng CSCJ at may dala na pulang payong , kung may---"
Nilipat ko ang channel kasi hindi ako mahilig sa news, hahanap ako ng anime or kdrama channel.
*TOK* *TOK* *TOK*
'Litse plan!! Sino ba yan sa ganitong oras? Impossible naman si Mama kasi may susi siya ng bahay.'
*tok* *tok* *tok*
Sabi ni mama, wag buksan ang pinto kahit kanino baka daw masamang tao nasa labas.
Tinuloy ko manuod ng tv.
"Cassie"
*Tok* *tok* *tok*
Gulat ako sa narinig ko
'Narinig ko ang pangalan ko, shete!! '
Unti unti ako lumalapit sa pinto
"H-Hello? Sino ka po?"
"Cassie, buksan mo to"
"B-Bakit ko naman buksan kung hindi ka magpakilala?!"
"Si mama mo to...."
"Mama? sana tumawag ka, juice ko! Natakot tuloy ako pero akala ko may susi ka"
"Naiwan ko sa bahay"
Binuksan ko ang pinto.
Nakatalikod siya at may hawak na malaking red umbrella.
Kitang kita ko ibang suot niya sa paa.., white socks and school shoes na puro putik.
nagtataka ako bat yan suot ni Mama.
Magsasalita sana ako pero may tumawag sakin sa phone.
'Bat tumatawag si mama?.. wait what? Baka namalikmata lang ako.'
I rub my eyes, si Mama nga tumatawag sakin.
Biglang natakot ako, bilis ko isira ang pinto at ilock ang pinto.
'HOLY SHIT!!! SINO BA TO SA HARAP KO?!!! '
Sinagot ko ang tawag ni mama.
"Cassie.. Ca..ssie"
'OMG! T_T'
"Cassie, uuwi na ako at may dala akong jollibee dito alam ko nagugutom ka na" si mama sa kabilang linya.
Daming beses may kumatok sa pinto.
Tumakbo ako sa kusina at kumuha ng frying pan.
'Mas effective kaya ang frying pan kaysa kutsilyo, pwede pang shield at pangpalo sa ulo.
2 in 1, Ang galing, di ba?'
My hands are trembling in fear.
"Cassie? anak? Andyan ka ba?!" - Mama
Kalimutan ko pala si mama dahil sa takot.
Sinagot ko ang tawag
"M-Mama.., s-san ka na? b-bilisan mo please, ingat ka"
"Ano nangyari sayo, anak? Bat nauutal ka?"
"Wala, ma!, Okey lang ako, s-sige na ingat ka, Lab yu"
"oh sige, anak, i love you too"
Pinatay ni mama ang tawag
"Cassie"
'HUHUHUHU, HELP ME LORD, AYAW KO PA MAMATAY ,KAILANGAN KO MUNA MAGKAROON NG JOWA AT MALULUNGKOT TALAGA SI MAMA KUNG MAMATAY AKO T_T'
Pumunta ako sa Living room at sumilip sa bintana
'ANDYAN PA SIYA!!! ANO BA KAILANGAN NIYA??! T_T'
"Cassie"
"W-Wala po kaming ice! Balik ka na lang bukas!"
"Cassie... Cassie.."
'Nakakairita naman to, unli ka, Girl?'
Biglang malakas ang katok sa pinto tas may kasabay pang huni ng doorknob.
Lumagpak ako at tinakpan ang taenga ko dahil sa sobrang takot ko.
Ilang minuto natigil ang katok.
Biglang may kumatok ulit
"Cassie!, buksan mo to"
"S-SABI NGA WALA KAMING ICE!!!"
"Cassie! Ano ba pinagsasabi mo? Si mama mo to, naiwan ko ang susi ko sa bahay, nagmamadali ako umalis dahil late na ako sa trabaho"
Kala mo naniniwala ako ulit?!!
"Cassie!! Ano ba?!! papasukan mo ko or wala kang jollibee?! SIGE KA!"
Nagulat ako at tumayo
Si mama nga, sabi niya may dala siyang jollibee.
Binuksan ko yung pinto
"M-Mama" parang iiyak na ako
"Hay naku! Cassie, anyare sayo? Bat may frying pan kang hawak?!"
"Panghampas sana pero nevermind na lang"
"ikaw ang bata ka, gutom lang yan ,eto jollibee, kumain ka na"
Gusto ko umiyak sa sobrang takot ako!! T_T
Pagpasok ni Mama at isara yung pinto
"Rinig mo ba nawala yung kaklase mo kahapon?"
"Wala akong narinig about sa kanya, hindi kasi ako updated at busy ako sa aral, sino ba nawala, Mama?"
Syempre kailangan ko magsinungaling na nag aaral ako, kapag malaman ni Mama na naglalaro ako ng EM EL habang malapit na exams ko, PAKTAY TALAGA AKO!!
"Si Jamie, kinausap ako ng mama ni Jamie, naawa nga ako kasi iyak ng iyak, Di ba magkaibigan kayo?"
"Kaklase ko lang yun pero hindi kami magkaibigan"
Si Jamie, walang kaibigan kaya loner siya sa classroom namin.
Sabi nila ang weird and creepy niya kaya walang lumalapit sa kanya.
Sana mahanap na nila si Jamie.
"Psst! Cassie.."
Shit, here we go again
Download NovelToon APP on App Store and Google Play