Catherine Lianne Williame Sanchez Agoncillio!!! Let's go, were gonna be late in school!!" Sigaw ng aking matalik na kaibigang si Darylle.
"Ok! Ok, pababa na po your highness. And will you please stop calling me by my whole name, it's irritating ." Sabi ko at napairap dahil sa inis. Minsan naiisip ko Rin kung bat ko pa to naging kaibigan.
"Ano ka ba!!, your name is very beautiful and also......, ah, long..
It suits you because you are also rich and beautiful." Paliwanag naman niya.
Kahit ano pang sabihin niya, I still don't want to hear my full long name.
"Just call me Catherine, and stop with that fuss." I said and then, *flip hair*. Diba!! Taray!!
"Ok, ok. Just get in the car, before were going to be late, Williame." Sabi niya, arghh!! I hate my 2nd and 3rd name. Sarap kutusan.
" We're not bestfriends anymore, I said Catherine!! Not Williame." I shouted at him.
"Sorry." Sincere niyang sabi kaya pinatawad ko nalang, baka ma late pa kasi kami. Pumasok na ako sa sasakyan niya, then he drove us to school.
*In School*
Nandito na ako, I mean "kami" ni Darylle, well actually nasa likod ko siya, pero may pagitan parin. So anyway, nandito ako sa hallway, at naglalakad siyempre, alangan naman tumatakbo, ha, hakdogg..
Papunta na ako sa classroom ng dumating Ang dalawa kong pinakamatalik na kaibigan.
"Naku, Catherine, Ang suwerte mo talaga." Banggit ni Carla. Isang maboka na babae
"Bakit? Dahil ba mayaman kami??"
Tanong ko. Hay, oo na Alam ko naman kasi na mayaman na talaga kami, bat kailangan pa kasing ipaglandakan sa buong mundo?
"A part of it, is a yes. And also a part of it, is a no." Litanya ni Carylle.
" Huh? Ano yun?? Di ko gets eh.." tanong ni Carla.
"Wala ka bang utak Carla?" Inis na tanong ni Carylle sa kaniya.
"Ah, eh.... Meron Kaya!! Edi patay na ako kung wala akong utak, hayy, nako Carylle, minsan, ikaw ang pinagtatakahan ko, may utak ka pa ba?" Hahahahaha,naku Carla...
"Aray, Naman, huhuhu. Ang sama mo Carylle!!" Iyak niya.
"Ayy teka!! Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan.
Masuwerte ka Catherine, dahil close kayo ni Darylle, the hearthrob of this school." Sambit ni Carla na nagniningning na ang mga mata.
"Shut up." Sabi ko at natahimik naman sila.
Ng biglang may dumating.
"Good morning Catherine, can I court you?" Nagulat ako sa biglaang pagtanong ni Yniego, biruin mo, umagang umaga eh, nanliligaw na kaagad.
"Hey, that's my girl, huwag mo siyang aagawin sa akin." Biglang saad ni Mark Antony na ikinatawa ko.
"You know, no one owns me except myself." Direktang sagot ko sa kanila.
"She's right, hindi siya isang bagay na pinag papasa pasahan lang, And do you want to be expelled in this school?"
Ewan ko pero, meron pa pala tong ugok na si Darylle sa likuran ko.
"Why? Sa Inyo ba ng kapatid mong si Yniego ang school na Ito?" -Mark
"Luh, bro. Di mo pa pala alam...." pa suspense na tanong ni Yniego.
"Na ano?"
"Catherine's family is the founder of St. Antony Academy."
"So, that means.... She's rich?"
" Anong mayaman, Napakayaman." Singit naman ni Carla, hayyy, Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan tong mga baliw na to.
"Aishhh, can you all shut your mouth. We're here in the hallway, so stop quarrelling." Inis na bulyaw ko, paano, meron nang nagtitinginan sa amin, baka akala na kung ano ang ginagawa namin at baka makarating pa sa principals office, also, I hate attentions.
Pleaseeeee lord, nagmamakaawa ako sa iyo. Please dinggin mo ang pagsamo ko sayo....
*Cringggg *Cringgggg (tunog yan ng bell, kung hindi niyo Alam.)
Yessssss, thank godddd.
Nauna na akong maglakad, bahala sila sa buhay nila diyan, tsee.
Pero nabigla ako nang may humigit sa braso ko.
"Ah, wait Catherine! Kapag inulit pa nila yon ng best friend ko at kapatid ko ay sumbong mo lang sa akin hah." Paalala niya sabay ngiti.
Taena naman. Bestfriend.
Napatango nalang ako sa sinabi niya, at ginulo niya ang buhok ko.
"Good." Pagkasabing pagkasabi jiyang yun ay tumalikod na ako at naglakad papuntang room
taena talaga yun, ang pelo ng mukha, tapos nung ginulo pa yung buhok ko, abat gusto yata ng sapak. Hindi ako aso para guluhin Yung buhok ko at sabihan ng good noh.
Hay buhayyy.
" Eyyyy, Catherine, weyt por meeeeee" sigaw ng pabebe, sino pa nga ba, edi si Carla.
"Ang ingay mo, alam mo yun." Sarkastikong sambit ko sa kanya,
"Ay, maingay ba ako? Eh, parang hindi naman."
Abat ang sarap naman batukan to.
Patuloy lang siya sa pag ngangakngak hanggang makarating kami sa classroom.
Nakakahiya talaga kanina habang naglalakad kaming tatlo sa hallway. Ang tahimik na ng paligid, at sigurado ako na nag lelesson na ang mga ibang grade, eh itong kasama ko, naku! Putak ng putak.
Ehh, wala pa palang teacher sa amin , nasanna kaya yun?
"Besttt, ang suwerte mo talaga...... Ihhhhhh. May pa hawak hawak pa si Darylle sayo sa braso ah. At tsaka, pinagtanggol ka niya sa dalawang ugok, hahahaha" ani ni Carla.
"Aba dapat lang, ganyan Ang role ng bestfriend na lalaki."
"Wowwww. Bestfriend! Eh isang taon palang kayong magkakilala, at Sabi mo nung una kayong nagkakilala, nag away kayo." Sambit ni Carylle.
" Huwag mong sabihin na six months sila nag away dahil sa Ewan ko kung anong rason tapos 6 months mo Rin siyang naging bff? Tapos kami. Kami. 10 years na tayong mag bestfriend magmula noong nasa elementary days pa lamang.
eh siya, 6months palang kayo, tapos mas Mahal mo na siya kaysa amin? Abat Mali naman na yata yan Catherine, dapat...."
Agad kong binatukan si Carla sa pagiging actress niya, abat may paluha epek pa ang loka loka.
"Bat, may sinabi ba akong mas Mahal ko siya hah, naku over kana Carla, Hindi ka nakapag take ng gamot mo ngayon no." Pagloloko ko sa kaniya.
Tapos bigla siyang tumahimik at hinawakan ang baba na parang ani moy nag iisip.
"Ay, baka Tama ka Catherine, hindi yata ako nakainom ng medecine ko.. Hala, baka mamatay na ako."
Nagkatinginan na kaming dalawa ni Carylle at tumawa.
Hay nako,
Nang tumigil na ang tawanan namin ay tumingin sa amin si Carla na parang nagtatanong.
Tapos bigla nalang siyang tumawa, huh
"Alam niyo, haha, para...hahaha, para kayong baliw, tawa kayo ng tawa pero wala namang nakakatawa." Sambit niya at tumatawa pa rin. Luh, takot na ako hah.
"Matanong ko nga pala.......
"Matanong ko nga pala! Pano kayo naging magkaibigan, curious Lang ako kung anong rason." Sambit ni Carylle.
" Oo nga, ano pala ang storya niyong dalawa?" Pa second demotion ni Carla.
" Ok. Ikukuwento ko na ngalang."
"Yes.
"Okay, story time.
Rinig kong banggit nila at nakitingin sa akin.
"Naalala niyo pa ba yung time na Wala tayong pasok noong August? 2 weeks tayong may bakasyon noon."
"Ah, oo, naalala ko yun. Bakasyon nga pero ako, nakakulong Lang sa bahay."
Sambit ni Carla.
" So ayun nga, may bakasyon, then my parents asked me if I want to go with them in Boracay coz they will have a business meeting with their new business partners. Hindi naman ako maka ayaw dahil boring nga sa bahay.
Then, I was shocked nung makarating kami roon..."
"What, why?" Sabay na tanong nitong dalawa kong katabi. Di ba puwedeng tumahimik nalang? Nagkukuwento ang lola niyo eh. Hayy, buhay.
Wala akong magawa kundi ituloy nalang...
"Nagulat ako dahil yung magiging ka business partner pala ng parents ko ay....
Hindi ko pa natapos ang storya ko ng may sumingit uli.
"Mga relatives ni Darylle?" Tanong ni Carla,
Aishhhh, hayy, nagtitimpi na ako ahhh.
"His parents." Direktang saad ko sa kanila na ikinanganga ni Carla. Ano ba talaga to? Alien ba? Ha?
Tao ba talaga to? Kasi kung tao to, bat to ganito? Papasapian ko nalang kaya to ng may maayos na pag iisip na multo.
"So sumama din ba si Darylle sa Boracay?" Napalingon ako kay Carylle dahil sa tinanong niya.
" Well, sad to say, yes. Inis na Inis nga ako sa kaniya noon eh, mas okay pa nga sa akin si Yniego, dahil nung Bata pa ako eh kilala ko na yun. May pic pa nga kaming dalawa nung bata kami eh." Sambit ko.
"Luh, pabitin. Ituloy mo na nga ang kuwento mo." Banggit ni Carla.
Abat!
"Yun nga, inis ako sa kaniya kasi ano, kasi... Basta madamot siya tapos ang pabebe niya, kala naman niya gwapo eh hindi naman.
One afternoon, nasa hotel sina mommy, daddy, at ang parents ng ugok. Naiwan kaming nag swi-swimming sa dagat.
Eh sa inis ko ba namang makita ang pagmumukha niya eh, lumangoy ako papalayo sa buhangin, at tsaka medyo malalim narin ang pinaglanguyan ko. Pero..." Magsasalita nanaman Sana ako ng biglang putulin ng isa diyan.
"Pero?.."
"Bigla nalang lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Super sigaw ko na nun kasi kahit Naman marunong akong lumangoy eh baka matabunan lang din ako ng malaking alon diba. Ewan ko, pero hindi ko na alam ang sumunod, sa sobrang nerbyos ko ay nahimatay ako."
"Eh? Nahimatay ka sa gitna ng dagat?"
"Yep, then, when I woke up, I thought that I was in heaven na, because the ceiling is white, but when I roamed my eyes, it's a room. At first, I didn't know whose room is it, but definitely it's not ours. So I tried to stand up, then I saw a shadow of a man, pinilit kong silipin kung sino yun, akala ko nga that time eh, na kidnap na ako. Then he talked to me.
"Are you okay now?" I remembered that was the first line he asked me calmly.
Siyempre si ako naman eh, inuna ang pagka prangka ko. "Who..who are you" inaamin kong nauutal ako noon habang tinatanong ko yung lalaking Yun, eh aba malay mo, may dala palang baril at balak palang butasin ang ulo ko no. But then, bigla siyang humarap, and it's Darylle.
Pakiramdam ko, umakyat ang init sa ulo ko. "Hoy! Anong ginawa mo sa akin? May balak kang masama noh?" Taas kilay kong sigaw sa kaniya.
"Wala akong ginawang masama sayo no, pasalamat ka pa nga na niligtas Kita sa malaking alon." Ako? Niligtas niya? Bigla akong nahiya sa sinabi niya, lalo nat sinigawan ko pa naman din siya.
Ayun sa 2 weeks namin na pagsasama eh, nakapag sorry ako sa kaniya, tapos nag sorry din siya sa kasalanan niya."
Mahabang salaysay ko, feel ko ubos na laway ko.
"Ay edi wow." Sambit ni Carylle.
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung bakit galit ka noon kay Darylle hah?" - Carla.
"Basta, hayaan niyo na yun, past na yun.
Ubos na laway ko. At tsaka nandiyan na si Teacher oh, baka mapalabas Tayo dito ng wala sa oras pag narinig niya pa tayong nag uusap."
"Ano ba naman yan" naiinis na ani ni Carla.
3rd Person's POV
Lumipas ang ilang oras ay ang pinakahihintay na nang lahat😂
Cringgg~~ Cringgg~~
Recess time.....
"Bro, mag order kana ng makain natin, libre mo ako hah" sambit ni Mark sa kaniyang kaibigan na si Darylle.
"Tang Ina mo! Oo na, ako naman lagi eh, diba? Kapag ako talaga maubusan ng pera, pupunta ako sa bahay niyo at doon na maninirahan"
"Tarantado, alis na, pumila ka na, at maghahanap pa ako ng lamesa."
"Ge, ge."
"Sir, ano po sa Inyo?"
"Ate, two hamburger, and two soda please."
"Ok, sir. Pakihintay na lang ho saglit."
Tumango naman siya at may nahagip ang kaniyang mata.
"Ahm, ateng tindera, I order ko na Rin ho yung dalawang cupcakes sa baba."
"Ah sige po sir."
Pagkatapos naibigay ang order niya ay tumungo na siya sa lamesa nilang dalawa ni Mark.
"Oh, sir. Order niyo" sarkastikong sambit ni Darylle Kay Mark.
"Maraming salamat kawal. Maaari ka nang umalis." Pag aarte rin ni Mark na may pakaway kaway pa ng kamay.
"Gago!"
"Hahahahah"
Nabaling ang tingin ni Darylle sa taong kakapasok lang sa Cafeteria, tumayo siya at kinuha ang dinala niyang cupcake.
"Hello Williame."
"Pumunta ka lang ba dito upang mang inis?" Tanong niya at sabay irap.
"Ah, sort of, and oh, here." Sambit niya sabay abot Kay Catherine ang isang paper bag.
"Eh? Anong laman niyan? Baka naman may alimango Yan ha"
Kinuha niya ang paper bag sa kamay ni Darylle at sumaya ang mukha ng makita niya ang laman.
Lumapit siya sa tainga ni Catherine at bumulong......
Download NovelToon APP on App Store and Google Play