...Disclaimer...
...This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental....
......PLAGIARISM IS A CRIME!......
...***To engage in downright plagiarism is disappointing. It's cynical, opportunistic and hypocritical....
...Saul Bass***...
......©nvlynnvlyn......
Closer
I was walking on the hallway with Erika and Rose when we passed by to my crush's classroom. Mabagal kaming naglakad para masilayan siya.
God. Grade eight pa lang ako pero nagka crush crush na ako!
Well, it's still okay. Hanggat wala akong naapakan na ibang tao. Wala namang masama don.
Hindi ko din alam kung bakit ako nagka crush sa kaniya. Basta, pumapasok na lang ako ng school para makita siya. Charot.
Basta. Crush ko siya. Iyon na iyon.
Nasa tapat kami ng classroom nila. Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito. Itong si Erika at Rose ang nagdala sa akin dito.
Wala naman akong pake, makita ko lang siya isang beses kada araw, masaya na ako.
" Ladies, anong ginagawa niyo rito? " napaigtad ako sa boses na iyon ng teacher nila kaya hihilain ko na sana sila paalis don ngunit tinulak pa ako ng dalawa.
" Ma'am. Chalk daw. " si Erika. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong chalk?! Ang yaman kaya namin sa chalk!
" E bakit hindi kayo tuloy na pumasok kanina? Nahihiya kayo? " ngiti ni ma'am Becca na siyang adviser ng star section kung saan siya nabibilang.
" Uh, opo maam. Hehe. Alam mo na. " nahihiyang sabi ko.
" Halika, pasok ka. " pag aya sa akin ni maam.
" Po? " gulat na tanong ko. Pasok daw ako.
" Pasok ka. Kunin mo iyong chalk na ibibigay ko sa'yo. " saad niya at pumasok na ng tuluyan sa classroom.
Ako naman ay nahihiyang sumunod sa kaniya.
Kinakabahan ako nang humakbang ako papasok sa classroom nila. May kinokopya sila sa blackboard at kailangan kong dumaan sa harap para sundan si ma'am Becca.
E bakit namam kasi ayaw na lang ni ma'am na ibigay dito sa pinto?!
Tiningnan ko sila isa isa. Lahat sila ay nag susulat. Nang mapako ang tingin ko sa kaniya ay mas lalo yata akong humanga sa kaniya.
Napakabilis niyang mag sulat. Ang seryoso ng kaniyang mukha. Magkasalubong ang kilay nito na pabalik balik ang tingin sa board at sa notebook niya.
" Aira, halika rito. " tawag sa akin ni ma'am kaya naputol ang paninitig ko kay Clyde.
Dali dali akong naglakad sa harapan ng buong klase patungo sa table ni ma'am.
Nakakahiya man pero at least, nakita ko na si crush, may chalk pa kami.
Salamat sa matalinong Erika at Rose. Insert the sarcasm please.
Binigyan ako ni ma'am ng limang stick ng chalk. Nilagay niya iyon sa supot.
" Thank you po, ma'am. " sabi ko saka siya nginitian. Ang bait.
" Don't mention it, Dear. " aniya habang nakangiti pa rin sa akin.
Muli akong nagpasalamat sa kaniya at saka nahihiyang lumabas ng room dahil dadaan na naman ako sa harap ng buong klase nila. Ni hindi na ako tumingin sa gawi niya kasi alam ko namang hindi non ako papansinin.
Pagkalabas ko ng classroom ay narinig ko ba ang bulungan nila.
" Tingnan mo si ma'am. Ang bait sa ibang estudyante tapos sa atin, kulang na lang isumpa tayo. " rinig kong sabi ng isang lalake malapit sa pintuan.
Binalewala ko na lang iyon at dumiretso kina Rose. Binigay ko sa kanila ang supot na may lamang chalk at naunang naglakad paalis doon.
Matapos ang breaktime namin ay nag tungo kami sa major namin sa TVE. Ako sa cookery, si Rose sa Cosmetology at si Erika naman ay sa Electricity.
Pag pasok ko roon ay andoon na ang taga ibang section. Nagku kuwentuhan at may mga nag susulat, may roon ding nakadukdok sa mesa.
Umupo ako sa dating upuan ko at inilabas ang notebook mula sa bag ko.
Sabi kasi ni ma'am Myrna ay magkakaroon kami ng surprise quiz ngayong week. Nag re ready lang ako.
Mga sampong minuto akong nagbasa ng notes ko nang may umupo sa harapan ko. Si Lena.
Tipid lang akong ngumiti sa kaniya at pinagpatuloy na ang pag rereview ngunit hindi pa nakalipas ang thirty seconds ay pumasok na si ma'am.
" Prepare one whole sheets of paper. We'll have a long quiz for today. First grading lesson. " ani ma'am na siyang nakapag pasinghap sa buong klase. Ako naman na nataranta ay isinilid ko na ang notebook sa bag at kumuha ng isang pad ng papel.
Pagkalapag ko pa lang sa mesa ng papel ko, " Aira isa mo naman. "
" Aira ako rin. "
" Ako din. "
Bumuntong hininga ako at bibigyan na sana sila nang mag salita si ma'am.
" No paper, No quiz. "
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at isa isa silang tiningnan. Para silang nawalan ng piso sa itsura nila. Kaya naman binigyan ko na lamang sila.
Kainis kasi. Nag aral pa kung wala din namang papel.
Matapos ang ilang minutong pag hahanda para sa quiz, nag simula na si ma'am.
" Okay! Write your name, grade and section and the date today. Label it with Final Quiz. " aniya kaya sinunod namin ang sinabi niya.
" Part one muna tayo. Definition. " saad niya.
Definition?! Hindi ba pwedeng multiple choice?!
Dumiin ang hawak ko sa ballpen habang nag na number.
Bakit di na lang kasi nag print tas binigay sa amin isa isa? Nag sasayang lang siya ng laway niya.
" Number one! It is the state of being infested as with parasites or vernim. " omg! That is infestation!
Nakangiti ako habang nagsusulat ng sagot. Damn. I am so happy! Buong part ng definiton ay sigurado akong tama lahat ng sagot ko.
Ngunit nang sa last part na ng quiz hindi na ako sigurado. That is a freaking enumeration!
She wants us to enumerate the Kitchen Floor plans and draw the symbols that we copied from the black board!
I can familiarize it alright. I can memorize the definition and terms. Pero hindi ko alam kung ano ang pagkakasunod sunod non kasi naman. I was reading it one by one then from the top to the bottom. Minsan bali baliktad pa ang pag basa ko. I am just analyzing it! Hindi ko alam kung ano ang mas nauuna doon!
Kalaunan ay sinulat ko ang tanging laman ng utak ko. Mas mabuti nang mayroon akong maisusulat kesa wala.
Matamlay akong nag pasa ng papel ko. Hindi sigurado sa sagot ko sa last part ng quiz!
Pagkatapos ng time namin sa cookery. Dumiretso na ako ng uwi. As in I am not satisfied with my answers! Ni hindi ko na nagawang hanapin si Clyde.
Ang gago naman kasi non. Ano lang naman kung sulyapan niya ako saglit para naman may inspirasyon ako at may dahilan para mag patuloy ako?! Joke.
E kasi naman! Bakit siya pa?!
Nakabusangot ako nang pumasok sa bahay at humarap sa hapagkainan.
" Anong problema ng isang 'yan? " tanong ni mama kay kuya.
" Hindi daw satisfied sa sagot niya sa quiz. " kibit balikat ni Kuya saka umupo sa tapat ko.
" Bakit naman? " tanong ni mama. Hindi ko alam kung concern ba o nagagalit.
" Kasi naman ma. Enumeration iyon. Malay ko ba kung alin don sa sinulat ko ang magkakasunod sunod? " sabi ko na parang nagsusumbong.
" Chineck mo na ba iyong notes mo? " tanong ni mama. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakangusong umiling.
" Tingnan mo na. Baka perfect mo. Bilhan kita ng cake kapag perfect mo. " nakangiting aniya kaya dalu dali kong nilabas ang notes ko.
Binasa ko iyon at inalala ang mga pagkasunod sunod ng sinulat ko. And yes! Tama ko!
Ngiting ngiti ako nang pumasok ako ng hapon sa school.
Sinalubong ako ni Rose at Erika sa pinto ng classroom namin na naka kunot ang noo.
" Nginingiti ngiti mo diyan? " tanong ni Rose.
Umiling iling ako dahil walang makaka tumbas ng saya na nararamdaman ko. Kahit pa kindatan siguro ako ni Clyde ngayon!
Naki usyoso ang isa pang katabi ko na si Zephanie kasama sina Erika at Rose.
" Crush niyan si Clyde. Baka pinansin ka na? Kaya ka nakangiti? " si Erika na tinutukso na naman ako.
" Nakangiti lang, tungkol sa kaniya na ka agad? Di ba pwedeng iba ang dahilan? " masungit na saad ko pero tinawanan lang nila ako. Lumayo sila sa akin at silang tatlo na ang nag usap.
Naku! Sa daldal ni Joyce na 'yan, may pagsasabihan yan! Sure ako! 110 percent!
DUMATING ang guro namin sa Mathematics na siyang tita ni Rose. Nakaka intimidate masyado ang mukha ni ma'am Luzviminda.
Ewan ko ba. Everytime na naririnig or nababanggit ko ang pangalan niya, I was like.. Luzon, Visayas, Mindanao.
Diba? Sinarili ang buong Island group ng Pilipinas.
Walang pagod sa pagtuturo si ma'am. Sulat lang ng sulat. Explain lang ng explain. And I love how she's doing it. Madali lang siyang maintindihan. But still. I hate Math.
Matanda na si ma'am and malapit na siyang mag retiro. Kaya naman bilib pa rin ako sa kaniya sa bilis ng pagtuturo niya.
Natapos ang buong araw ko na masaya ako. Kahit hindi ko na silayan pa ang guwapong mukha ni Clyde ay masaya na ako. Sa susunod, ipapaskil ko na lang sa papel ko iyong litrato ng mukha niya para kahit papano ay may inspirasyon ako. Charot.
Sabay sabay kaming lumabas nina Joyce, Erika at Rose. Malapit lang naman ang bahay nila Joyce. Si Erika at Rose ay halos magkalapit lang din. Ako itong malayo at mayroon naman si kuya na susundo sa akin.
Nagtungo ako sa sasakyan namin kung saan nakita ko si kuya na naghihintay sa akin. May kausap siya kaya naman hindi niya pa ako napapansin.
" Kuya, tara na. " pasakay na sana ako nang marinig ko ang boses na iyon. My body froze and my heart started to beat rapidly. What the heck. That's him!
I can't be wrong! Si Clyde iyon!
Nang daluhan niya ang kausap ni kuya, doon ko lang din napagtanto na iyon pala ang kuya niya.
" Paano pre? Let's catch up some other time? " saad ni kuya Clinton sa kuya ko.
" Sure. " sagot naman ni kuya bago bumaling sa akin. " Tara na. "
Dahan dahan akong pumanhik sa loob ng sasakyan at wala sa sariling nag suot ng seatbelt.
Kung ganito ba lagi ay magkakaroon ako ng chance na maging close pa sa kaniya. Na maging mas malapit pa sa crush ko!
Nauna kaming umusad. Nag busina si Kuya bago namin sila lampasan at nag busina naman sila pabalik.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano! I just found a way to get closer to him! But how? Minsan lang ako ihatid sundo ni kuya. At ngayon ko lang din nakita iyong sasakyan nila malapit sa amin.
Napalabi na lamang ako. Maybe, hindi talaga kami nakatadhanang magkakilala. Just a schoolmate. Iyon lang!
Aish! Basta! Crush ko iyong taong iyon! Kahit ipaharap pa nila sa akin si Taehyung, si Taehyung ang pipiliin ko! Charr.
" Ano na naman ang nangyari sa'yo? " tanong ni Kuya nang malapit na kami sa bahay.
Tiningnan ko siya na nagtataka.
" Bakit? " tanong ko bilang tugon.
" Nakapalabi ka diyan. Akala mo naman pasan mo buong problema ng mundo. " saad niya saka kinabig ang manibela ng sasakyan at ipinark sa harap ng bahay.
" Grabe maka describe kuya a. Gwapo ka? " sarkastikong sabi ko saka siya inirapan.
" Psh. Spoiled brat. " mahinang utas niya ngunit narinig ko pa rin iyon! Hoy!
" Anong spoiled brat? ikaw kaya iyon! " utas ko rin sa kaniya na para bang isang taon lang ang agwat ko sa kaniya.
" Hoy, Ikaw iyon! Daddy's girl! " sabi niya saka ako sinamaan ng tingin at bumaba na ng sasakyan.
Natawa ako sa inasal niya. Nag seselos ang gago kong kuya.
" Weeeh. Selos ka lang e. Sayo na si mama, sa akin si papa. " natatawang sabi ko pero inirapan niya lang ako at saka kinuha ang cake na nasa backseat. Ngayon ko lang iyon nakita!
" Kita mo to? " tanong niya. Nasa tono pa rin nito ang pagiging sarkastiko.
" Ha? Saan? " natatawang tanong ko. Tinuro nito ang box ng cake na hawak niya.
" Ito! Itong cake na 'to! Naka perfect ka lang may cake ka na! Samantalang ako noon, ni cupcake wala! " reklamo niya.
" Aba! Bakit ka sa akin nag rereklamo? Bakit hindi kina mama at papa? " taas kilay kong tanong saka kinuha sa kamay niya ang cake. Baka mamaya, sa sobrang tampo at sama ng loob non, itapon pa itong cake ko.
" Aira! Bumalik ka rito! " rinig kong naiinis na tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Bahala ka diyan. Hindi naman kita inaano.
Pumasok ako sa loob ng kusina at inilagay sa ref ang box ng cake. Sa akin lang iyon. Walang puwedeng kumain.
Hmm hmm hmm.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play