.. Pinangarap ni Mia na makapasok sa golden state university kasi nandon ang crush na crush niyang si Nathan. Nag aral siya ng mabuti upang makapasok lang sa unibersidad na iyon. At sa wakas ay nakasama nga siya sa mga nakapasa. Noon nga ay nakita niya si Nathan sa unang araw ng pagpunta niya sa unibersidad, lahat kasi ng nag aaral sa unibersidad ay kailangan din na sa boarding house lang ng school titira. Mayaman ka man o mahirap ay kailangan mong sumunod sa patakaran kong hindi ay tanggal kana sa school.
Araw-araw ay naiinspire si mia na pumasok ng eskwelahan kasi sa Wakas ay palagi na niyang makikita si Nathan kasi nga diba pag love mo ang isang Tao, makita lang siya kahit sa malayo ay masaya kana paano pa kong iisang school lang ang pinapasukan niyo, eh di may pag asa kanang magkaroon ng oras na makilala pa siya ng lubusan, kilig to the bones, right.
Isang araw....
Habang naglalakad si mia papuntang library para makita na muli ang crush na crush niyang si Nathan ay may bumangga sa kanya na boy, i mean accident is always happen anytime you know kaya aksidente siyang nabangga ni boy kasi naman may humahabol don sa lalaki kaya hindi niya napigilan ang sarili at nabangga niya si mia.
Kahit naman sa reality ay nangyayari ito minsan but the strange thing is that nakita nila ang future nilang dalawa, the moment na nagdikit ang mga skin nila,
so creepy right.
Nakita ni Mia na maiinlove siya sa boy at ganun din ang boy sa kanya pero sa huli ay maghihiwalay din sila kaya hindi rin nila masabi kong may happy ending pa ba o wala na.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay lagi ng iniisip ni mia ang mga nakita niya, paano na lang si Nathan.
Dahil din sa nangyari ay lagi ng nakabuntot sa kanya yong boy. I mean to the rescue lagi si boy pag may nangyaring masama kay girl na siyang dahilan ng pagsisilos ni Nathan. Hihi
Yon lang....
Sino nga ba ang pipiliin ni Mia sa dalawa kong sakali ay magtapat na ng pag ibig sa kanya.
......1st chapter......
Sa loob ng magarbong kwarto ay may dalawang magkaibigan. Ang isa ay nakadapa lang sa kama habang naglalaro lang sa cellphone niya, habang ang isa naman ay nakaharap sa mini loptop na kulay pink at tila nagulat pa sa nakita niyang resulta.
Agad niyang tinawag ang kasama.
"Oy best, beshy halika bilis!!, tumingin ka dali!! Tanggap ako! Ah..! ! OMG!! Besh! Tingnan mo iyan! ! Tanggap ako! Tanggap ako!! Nagawa ko, isa ako sa nakapasok sa University! Hahah!" tuwang tuwa pa na sabi ni Mia.
Tiningnan din naman ni Jane ang loptop nito at kahit di pa niya lubos makita ang resulta at nadadala na siya sa kasiyahang nadarama ng beshy niya.
Sa oras na iyon ay naiiyak pa si mia dahil sa hindi siya makapaniwala sa nangyari, at sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang kaibigan at nagtatalon pa habang nagtatawanan.
Sa wakas dumating na ang resulta ng pagsusulit, tuwang tuwa si Mia dahil isa siya sa mga nakapasa at nabigyan ng pagkakataong makapasok sa Golden state university, isang sikat na University sa lugar nila.
"congratulations friend, sa wakas ay schoolmates na tayo hahah??" tuwang tuwa ding sabi ni Jane ang best friend niya mula pagkabata.
"oo nga besh, magkapareho na tayo ng University, Hindi mahalaga kung magkaiba tayo ng kurso. Wala akong pakialam basta't magkakasama tayo, ayeeeeh???" tuwang tuwa pang sabi ni mia pero agad siyang hinampas ni Jane.
"aray" likramo niya pero nakangiti parin
"hahaha baliw, akala mo hindi ko alam, as if naman na gustong gusto mo na makasama ako sa isang school, ang sabihin mo, Sabik ka lang dahil sa wakas ay makikita mo na siya, ang taong iyon, ang one and only true love mo sa school na yon, tama ba ako?" pagmamaktol pang sabi jane
Nag peace sign na lamang sa kanya si mia.
" hihihi, you got it right hihihi???" sagot din ni mia
" cheeeeh??" sagot ni Jane
At nagtawanan na lamang sila kahit walang dahilan, habang nakahiga sa kama
Maya maya pa ay bumangon na si mia at tiningnan si jane.
"makinig ka jane, alam mo naman na ang isang taong tulad ko ay wala talaga alam sa buhay,
oo nga at mayaman ako...
(tumango si jane bilang pagsang ayon)
at maganda...
(deadma lang ang reaction ng kausap)
Pero Hindi ako matalino tulad mo,"
(Bumangon si Jane at hinawakan ang kamay ng kausap.)
"pero kahit ganun, pursigido naman akong maabot yong mga gusto ko sa buhay tulad ngayon, akala ko nga ay hindi ko magagawa ang makapasok sa University pero dahil sa kanya sa kagustuhan kong makita at makasama siya ay nagsikap ako, at nag aral ng mabuti kaya ngayon, Tingnan mo ito?" (ipinakita pa nito sa kaibigan ang screen ng laptop niya kasama ang liham ng golden state university na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng email.)
" hihi sarap lang talaga sa pakiramdam na may nagagawa ka sa saarili mo, di ba? " ang sabi pa ni Mia
Mas hinawakan pa ni jane ang kamay ni Mia habang nakangiti itong nakatingin sa kanya
"masaya ako para sayo besh, Masaya ka ba?"
"oo??"
"weeeeh!!"
"oo nga hihi!" ipinakita pa ng kaibigan kong gaanu ito kasaya sa pamamagitan ng malawak niyang pagngiti.
"Napakasaya mo nga, sa sobrang saya ay nakakatakot ng tingnan hahaha" sagot ng kaibigan at nagtawanan pa sila
"grabi ka sa akin besh, huh" at tila nagtatampo pang sabi ni mia kaya niyakap na lamang siya ni Jane
"basta besh huh, hinay hinay lang, masaya ako dahil masaya ka pero sana lang wag naman yong sobra baka kasi pag nasaktan ka o kaya ay sinaktan ka niya ay baka hindi mo kayanin, pag nagkataon, bubugbugin ko talaga ang lalaking yon" malambing pang sabi ni Jane na may kasamang pagbabanta
"ma'am yes ma'am" nakasalodo pang sabi ni mia, bigla kasi nitong maalala nong mga panahong high school pa sila, 4th year student si jane at 3rd year student naman si mia at sa pagkakataong iyon ay may CAT training ang mga 3rd year na soon to be leader na papalit sa mga 4th tapos ang mga platoon leader nila ay mga 4th year na siyang papalitan nila pag sila naman ang naging 4th year level.
Sa CAT training ay si Jane ang batcom o tinatawag na battalion commander ng batch nila at kapag nagtanong siya o kaya ay maguutos, ang isasagot mo lamang ay ma'am yes ma'am.
" tama, ganyan nga, I'm your commander so you must to listen to me??..." si Jane
"hihi nakakatakot ka naman" si Mia pero hinampas lang siya ni Jane
"ouch...aray!! Ang sakit" reklamo ni Mia
"hihi... Sorry... Kaw kasi eh" si jane
"oh bakit ako.." Papunas punas lamang si mia sa braso niya kong saan siya hinampas ni jane.
"hihi hayaan mo, kapag hindi siya nagkagusto sayo ay nanakawin ko ang pana ni kupido at itatarak ko sa puso niya para sapul na sapul at wala ng problema" sabi ni Jane at nagkantahan pa sila ng mr. Kupido.
Mia pov.....
Hai guys, bago ko simulan ang kwento ay este nasimulan ko na pala, what i mean is bago ko ipagpapatuloy ang kwento ay magpapakilala muna ako.
Ako si Mia Bella salvacion isang soon to be college student sa kursong political science at yong kaibigan ko si Jane ay isang criminology student, astig kasi ang babaeng yan eh kaya bagay lang sa kanya ang pagpupulis, at 3 days to go ay magsisimula na ang klase.
Ah by the way..
Yong lalaking pinag-uusapan namin kanina ay si Nathan. Ang one and only my love, ang pangarap kong makasama habang buhay at siyang pakakasalan ko pagdating ng panahon. Hihi.. Narinig ko kasi na medtech ang kinuha niyang kurso sa golden state kaya nag pursige ako na makapasok doon para makasama siya forever kaso hindi ko kaya ang pagmemedisina kasi takot ako sa dugo kaya yong pag memedisina ay hindi ko na kinuha hihi baka mapahiya lang ako diba. Kaya okay na ako na makapasok sa unibersidad kong nasaan siya.
Jane pov....
Hai guys, ako nga Pala si jane best friend ni mia, at tagapag bantay niya.
Personal bodyguard ng daddy niya ang papa ko kaya bilang anak ay responsibility ko ang kaligtasan ni miss mia kaso ayaw niyang tinatawag ko siyang miss mia dahil mia daw kasi ang tawag sa kanya ng pamilya niya at pamilya narin daw ang turing niya sa akin kaya nararapat lang daw na mia ang itawag ko sa kanya, mabait si mia kahit pa suplada minsan pero okay lang kasi para sa akin, natural lang ang magtaray, magsungit, o kaya ay magalit minsan kasi ganun naman talaga ang tao diba, lahat tayo nakakaramdam ng galit, saya lungkot, at higit sa lahat ay ang selos. Sa kaso ni mia ay okay lang sa akin ang pinapakita niyang ugali.
Mia pov......
Today is the big day to me, alam niyo kong bakit? Dahil simula sa araw na ito ay titira ako sa simpleng apartment ng eskwelahan even though mayaman kami ay tinanggap ko parin ang hamon at yon ay ang mamuhay ng simple, for the sake of my one and only true love ? ? ?
(hihi! OA ko ba? Okay lang yan... Bakit kayo pag nag iisa lang at walang kasama hindi ba't kinakausap niyo ang sarili ninyo kaya parehas lang tayo)
"ah miss Mia ako na po ang magdadala ng kahon na hawak niyo" sabi ni ate Gab the driver habang akma ng kukunin yong hawak hawak kong box.
"Ah, okay lang po ate Gab, Kaya kong dalhin ito tsaka hindi naman mabigat eh." sabi ko sa personal driver ni mommy, hihi secret items ko kasi ito, naglalaman ito ng mga litrato ni nathan my love, hihi stalker lang ang peg, i don't care ganyan ko siya ka love eh.
" siya nga pala miss mia, huwag po sana kayong mahiyang tumawag kong kailangan niyo man po ng tulong, okey lang?" ang sabi pa ni ate Gab
"Oo, gagawin ko, Salamat sa tulong, ate gab." sagot ko naman
"At huwag niyo rin pong kalimutan na tumawag sa mommy at daddy niyo po kasi nag aalala po sila sa ginawa niyo pong decesion " Dagdag pa niyang sabi.
"opo ate gab, tatawag ako mamaya" sagot ko nalang
Tapos nang ihatid ni ate gab ang mga gamit ko sa loob ng apartment. Hinihintay ko nalang na makalabas siya at makaalis bago ako aakyat.
Dala dala niya ngayon ang HIACE na sasakyan ni mommy na siyang ginamit sa paghatid sa akin.
Pag alis ng sasakyan ay siya namang pag daan ng gropo ni Nathan kong saan ako nakatayo ngayon.. Apat na katao sila at yong isa ay may dala dala pang bola kaya sure sure ako na sa basketball court ang tungo nila.
OMG??... This is the life I want to be with...hihi ???
Ang makita siya araw araw ay isa ng pangarap na natupad. ???
Grabi!! Ganito pala talaga ang pakiramdam ng nagmamahal i mean may minamahal, pag nandiyan siya ay tila humihinto ang pag ikot ng mundo nag ees.. slowmo ang paligid, at kinakabahan ka pa habang papalapit na papalapit siya sa kinaroroonan mo, grabi yong kaba sa dibdib ko at halos mabitawan ko na ang dala dala kong kahon, buti nalang at naagapan ko ito, kong hindi ay baka malaman nila este mapagkamalan pa akong stalker.
Yong paa ko parang dumikit na sa lupa at kahit anung gawin ko ay hindi na kayang kumilos ito, nakatingin na lamang ako habang hinihintay ang pagdaan niya.
N/A pov
Napansin ng mga kasama ni Nathan si mia na kanina pang nakatingin sa kanila.
"oy pare, chicks oh," sabi josh kay Nathan kaso lang deadma si Nathan
"oo nga, at ang ganda pa" sabi din ni aldrin
"tara lapitan natin" sagot ni Peter at tinapik tapik pa ang katabi niyang si aldrin
"hai miss beautiful" sabay sabay pa nilang sabi maliban lang kay Nathan na parang napipilitan lang na lumapit kaya nahuli ito.
"hello☺️☺️" nakangiti pang sabi ni mia
"hihi ang cute naman niya" bulong ni Peter kay Josh
"oo nga pare at parang mabait pa" sagot din ni josh.
"ah miss, anung pangalan mo, ah by the way ako nga pala si aldrin, tapos itong dalawang kasama ko ay si josh at Peter tapos yong nasa huli naman ay si Nathan, [('syempre kilala ko yong nahuli kasi crush ko yon eh' )sa isip ni Mia ] mga 2nd year college kami eh ikaw anung pangalan mo" mahabang salaysay ni aldrin, kuma kaway kaway pa ang dalawa pa niyang kasama habang pinapakilala sila ni aldrin
"hello sa inyo, ako si mia Bella salvacion, mia nalang itawag niyo sakin" nakangiti pang sagot ni mia
Tiningnan siya ni Nathan mula ulo hanggang paa, pabalik balik pa tapos nong napansin nitong nakatingin si mia sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin at nagyaya ng umalis.
"hello mia, ang cute mo, i mean, kong kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang lumapit samin lalo na dito kay Nathan maaasahan mo yan lagi, diba tol?" sabi pa ni josh at siniko pa ng bahagya si Nathan.
"tss... Tara na nga, naghihintay na sa atin si Drake" sagot lang ni Nathan
"sige mia huh, alis na kami" nagpapacute pang sabi ni peter. Tapos kumakaway din si josh sabay kindat pa sa mata kay mia.
"ah mia, pweding mahingi ang number mo, kong okay lang sayo" banat pa ni aldrin kahit pa iniwan na siya ng mga kasamahan niya.
"sure, sure" sagot naman ni mia at yon nga ay agad niyang binigay ang number niya pagkatapos ay nagpaalam na si Aldrin
"sige mia huh, text text nalang" sigaw pa ni aldrin sa kanya.
>>>>bago magsimula ang pasukan ay inilibot na ni jane si mia sa buong parte ng eskwelahan.
Jane pov...
Nakaupo kami ni beshy sa labas ng isang tindahan habang umiinom ng tubig malapit lang ito sa apartment na tinutuluyan namin kaya kahit gabihin kami dito ay okay lang.
Galing kasi kami sa eskwelahan i mean sa buong campus ng eskwelahan, nilibot namin yon habang tinuro turo ko sa kanya ang mga lugar na dapat niyang puntahan para alam niya kong saang building siya pupunta at ng hindi siya maliligaw at ma late sa klase.
Sa college kasi magkaiba ang mga building ng bawat subject di tulad sa high school na hihintayin mo lang sa loob ng classroom ang subject teacher, sa college pag math subject ay kailangan pupuntahan mo rin ang math building o kaya naman ay kong nasaan na nagtuturo ang subject teacher. Pahirapan talaga pag college life pero its okay that's life.
"grabi besh, ang gwapo niya talaga lalo na nong lumapit siya besh tiningnan niya ako besh, napansin niya ako, ang saya saya ko kaso lang parang deadma siya sa beauty ko hindi man lang siya nag hai sakin tapos siya pa tong nagyaya ng umalis sila ng mga kasama niya. " malungkot niyang sabi, pinagmamasdan ko lang ang ekspresyon ng mukha niya, minsan masaya tapos biglang nalulungkot kasi nga daw hindi siya pinapansin ng crush niya, hay kawawang beshy, unang pagkikita pa lang ng crush niya broken hearted na, dusa.
" pero kahit deadma siya sa beauty ko, ang cool parin niyang tingnan" nakalumbaba pa niyang sabi
"Hindi mo ba nakikita? Ngayon kahit paano ay nakilala ka niya, diba? " Sagot ko nalang, ang gusto ko lang naman ay gumaan gaan ang pakiramdam niya.
Tipid na ngiti lang ang sagot niya sakin kaya hindi na muli akong umimik pa.
Mia pov...
isang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ang semester pero Hindi ko parin siya ulit nakita, mula nong unang araw ng pagdating ko sa unibersidad na ito.
By the way, may mga new friends na pala ako, si lalaine na may isang anak pero seksi parin, si rey na gwapo sana kaso isang bakla at si mercy ang matalino at maganda na best friend ni lalaine at merciful pa kasi tinutulungan niya kami sa mga assignments namin hihi.
Narito kami ngayon sa gymnasium ng eskwelahan at lahat ay nakaupo sa bleachers na itinalaga ng bawat president ng different courses, as for me, nasa gropo ako ng PS Students kasama ang mga bago kong kaibigan.
"oy bunch, excited na ako sa magaganap na Mr and Ms golden state 2021 sana yong faculty natin ang manalo" narinig kong sabi ni rey kay lalaine, bunchuy ang tawagan ng tatlo kong naging kaibigan, mula ng makilala ko sila, kahit sa tono ng pananalita niya ay masasabi mo talaga na bakla siya, wala naman akong problema sa mga bakla kaso lang si rey kasi ay gwapo, matangkad, maganda pang magdala ng damit yong tipong maiinlove ka sa kanya sa malayoan hindi sa malapitan tapos pag tahimik siya akala mo nakakatakot siyang tao, mahilig pang magsoot ng itim na damit kaya sino bang hindi maiinlove sa kanya.
Enough for the compliments.... Back to the story...
Para sa ilang mga kadahilanan, ang mga seniors ay nagpatawag ng meeting para sa mga freshmen.
(sa college kasi, Hindi lahat ng mga kaklase mo ay first year din tulad mo, nakabase kasi yon sa subject na hindi mo nakuha kaya pweding kahit 1st year ka pa ay meron ka ng kaklase na 2nd year, 3rd year, at 4th year level as long as kailangan nilang makuha ang score nila sa subject na yon)
actually ang meeting na ito ay Hindi naman importante, urgent lang hahaha
"good morning sa inyong lahat, my dear PS Students." pagbati ng Science Faculty President gamit ang megaphone.
"goood moooorninggg din seniors " sabay sabay din naming sagot
"Paumanhin sa madaliang pagpupulong na ito dahil may mahalagang bagay pa tayong gagawin," sabi Niya. Ang senior na iyon ay isang babaeng payat, balingkinitan ang katawan, nasa 5'0 ang height, nakasoot ng eye glasses pero nangingibabaw parin ang ganda ng kanyang mukha samahan pa ng mahabang buhok na nakatali.
"Ngayon, gusto naming hilingin sa lahat na humirang ng kinatawan na makibahagi sa pagpili para sa Mr and Ms Golden state 2021 ang balitang ito ay kumakatawan lamang para sa mga freshman" Dagdag pa niyang sabi pagkatapos non ay agad siyang nakatingin sa cellphone niya kaya kinuha ng kasama niya ang megaphone na hawak niya.
"si Reynaldo assuncion po for the boys" agad na sigaw ni mercy tapos bigla namang tumayo si rey at pakaway kaway pa na tila isang beauty queen.
"hindi pwedi!!, bakla yan eh" sigaw ni lando, (si lando ang laging bumabara kapag narinig niyang magsalita si rey) chubby ito pero may maskuladong katawan, gwapo din kaso hindi masyadong katangkaran. Tapos yong buhok niya ay laging 1inch lang ang haba kasi balita ko lagi syang nagpapagupit pag napansin niyang humaba na ng konti ang buhok niya.
"cheeeh!!!" sigaw din ni rey sabay upo na lamang
Narinig kona mula kay Jane, na ito ay ginaganap daw talaga taun-taon, para sa mga freshman student sa loob ng unibersidad.
Nakikita ko na rin na excited na ang lahat lalo na ang mga girls sa balitang ito.
"listen guys, marami pa kaming gagawin sa mga oras na ito kaya sabihin niyo agad kong sino ang karapat dapat na representante."ang sabi pa ng isang seniors.
This time ay isang chubby na lalaki naman ang nagsasalita, matangkad ang lalaki pero malamya kong kumilos kaya feeling ko isa siyang bakla.
Ang totoo ay may magaganap na paligsahan sa darating na mga araw, at kailangan nila ng mga representante sa gaganaping Mr and Ms Golden state 2021.
"Gusto naming kayo mismo ang pipili ng lalaki at babae bilang representatives ng faculty natin. 10 minuto lang ang ibibigay naming oras sa inyo kasi ayaw naming mapressure kayo sa desisyong ito ngunit kung hindi kayo makakapili kaagad ay kailangan niyong manatili rito hanggang bukas. "biglang sigaw ng isa pa nilang kasamahan. Lalaki iyon dahil sa tindig at porma niya ay masasabi mong lalaking lalaki siya, gwapo, matangkad, at moreno ang kulay ng balat. Hindi pala pressure huh, pero 10 minuto lang ang binigay niyang oras.. Galing diba.
Agad na nagtinginan ang lahat sa isa't isa. Mas lumakas din ang ingay sa buong lugar nagtatanong kong sino ang dapat na sasali sa paligsahan.
Para sa akin, hindi ako lubos na interesado sa bagay na ito kaya naman ay nanatili na lamang akong tahimik sa aking upuan at hayaan ang lahat na makapili ng karapatdapat sa gaganaping competition.
"si mia!!si mia!! si mia!!" Narinig kong sigaw ni mercy. Agad namang tumayo si lalaine na inayos pa ang nagusot niyang damit.
"I nominate Mia to be the Ms PS student representatives for the coming mr and ms Golden state 2021" ang sabi pa ni lalaine at nagpalakpakan pa ang mga kapwa ko estudyante, namangha din naman ako sa maayos niyang pagsasalita pero wait a minute narinig ko ata ang pangalan ko ah.
Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba sa isiping ako pala ang mapipiling representante ng PS group, lalo na ng dinala na nila ako sa gitna para makita ng lahat.
"Paumanhin guys pero palagay ko hindi ako ang tamang babae para dito." ang sabi ko nalang. Ngayon ay nakaharap akong nagsasalita sa lahat ng PS students pagkatapos ay sinikap kong bumalik sa aking upuan.
Pero pinigilan parin nila ako.. Lalo na ang mga seniors.
"that's not true, kasi matagal ka na naming napapansin, at masasabi naming ikaw ang pinakamaganda at tamang tao na sasali sa paligsahan, diba guys? Agree ba kayo?" ang sabi ng leader namin na si apple
Si apple ay chubby at maputi tapos sophisticated lady ang dating.
"Agree!!!" sigawan din ng lahat
"tamaaah!! At sigurado akong ikaw ang mananalo, diba guys??" sigaw naman ni lalaine.
"yeah!!!" sigawan din ng iba
"Tama!! si Mia ang pagasa ng PS team!" si rey naman ang sumigaw
"that's true" sagot pa ng marami at nagpalakpakan pa sila.
Hindi, ayoko, Hindi ko gagawin, nakakahiya, paano kong hindi ako manalo baka sisihin nila ako.
Tatanggi na sana ako pero... Nang tumingin ako sa paligid, ang lahat ng estudyante ng political science ay nakatingin sa akin na para bang ang kinabukasan nila sa unibersidad ay nakasalalay sa aking pagsali bilang kanilang kinatawan.
Sa gitna ng ingay at kaguluhan ay biglang natahimik ang buong gymnasium.
"aaaaaaahhhh!!" biglang sigawan ng mga girls tapos nakatingin pa sila sa likurang bahagi ko kaya agad din akong napatingin para malaman kong sino ang dahilan ng biglang sigawan ng lahat.
N/A pov....
Nakita ng leader na natulala si mia sa biglaang pagdating ni Nathan, napangiti siya ng bahagya at tila nakaisip ng masamang plano, agad siyang lumapit dito at nagtanong.
"so anu?? Payag kana bang sumali sa paligsahan at maging representante ng gropo natin??" pabulong pang tanong ng leader
"oo, payag na ako" sagot naman ni mia na tila hindi alam ang sinasabi dahil sa nakatingin lamang siya kay Nathan
"yes!!!" ang nasabi ng leader na may kasamang ngiti ng tagumpay
"ay hindi" bawi ni mia ng marealize nito ang kanyang sagot
"hep! hep! hep! Wala ng bawian" agad na sabi ng leader
Tumahimik na lamang si Mia sa pagkakataong iyon.
"oh guys, pumayag na si Mia, palakpakan naman diyan" sigaw ng leader sa mga ps students
"yeahhhh!!!" sigawan ng mga estudyante habang nagpapalakpakan.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play