English
NovelToon NovelToon

A Hundred Years Late To Love You

EPISODE ONE

"Shine where are you going? let me explain--"

I search for my car key. I can't think straight I'm going crazy. It hurts, it really hurts.

"From now on I don't have a fcking care to you and to Sam. Don't you dare to show your face to me again!"

I started the engine and go to our Beach Resort near me. It's already 11:30. I saw him with her kissing at my condominium.

They said I'm so lucky cause I'm a type of a woman that all boys would wish to have to. Pretty, certified surgeon, a heiress of a well known family. Well they don't know how's my life was. Yes my parents are rich but I can't feel that they care for me.

The Sacapaño Medical Hospital is the most well known Hospital that my family owns. I can't even do my duties being a good doctor cause they said I need to entertain the VIP patients. Like duh! I'm stressed to my parents plus the fact that my fiancee fooled me and cheated with my step sister Sam, my step sister that always want to compete with me in my family, my work and in my lovelife.

I passed the key to Ella one of our staff here at SCPÑ Beach Resort.

"Park my car and don't let anyone go at the seaside."

This the best way to enjoy my life. I left the radio turn on. I undressed my clothes and I reach the sea.It gives chills when my ***** body touched my body. I never felt this way before.

"I'M SHINEE AYVÉ SACAPAÑO! I HOPED THAT THE TIME TO STOP OR I COULD BE LIKE SLEEPING BEAUTY THAT CAN SLEEP MORE THAN YEARS. ANYTHING THAT CAN MAKE ME ESCAPE TO THIS MISERABLE LIFE!"

Wala akong paki alam kung may makarinig sa akin. I want to explode! I want to say my feeling outburst.

May bagay na kumikinang sa dagat. Agad ko pinuntahan at lumusong sa bahaging yon para makuha ang bagay. Isang kwintas na may hugis buwan at star. Gawa ito sa ginto at may salitang naka ukit dito.

Ano nga ulit iyon? Napag aralan ko ito nung High school, sulat baybayin.

"For your information ganap na ang pag pula ng buwan eto ay mas makikita sa may taas at gitnang bahagi ng mundo inaasahan rin natin na ito ay makita sa ating bansa. Tatagal ito ng halos limang minuto. Kasabay nito ang pag taas ng alon at malakas na...."

"MA- HAR- LI- KA?"

Pataas ng pataas ang tubig dagat pilit akong umaahon pabalik ngunit lalo akong tinutulak ng alon sa malalim na parte ng dagat. Unti unti akong lumulubog at ang huling nakita ko ang ganap na pag pula ng buwan.

°°°

Author's POV

Bago masakop ng dayuhan ang bansang Pilipinas may tatlong uri ng tao sa lipunan. Ang pinaka mataas na antas ay pagiging Maharlika nabibilang dito ang Rajah, Datu/Lakan, Harah (asawa ng Rajah), Dayang/Lakambini (asawa ng Datu/Lakan), Binibini Bai o Binukot (anak na babae ng maharlika), Ginoo (anak na lalaki ng maharlika) at iba pa nilang kamag anak. Ang Rajah at Datu ang kumukontrol at namamahala sa kanyang nasasakupan. Naipapamana ito sa unang anak na lalaki subalit kung wala naman itong anak na lalaki ay maaaring pumili ng isang lalaki sa maharlikang pamilya na may katangian na maisug (matapang), matalino at mayaman.

Pangalawang antas Timawa o Malayang tao nabibilang dito ang mga mandirigma, mangangalakal, karaniwang mamamayan na pinanganak na malaya at naging malaya sa pagkaka alipin. Ang pangatlong antas at pinaka mababang antas ay pagiging uripon o alipin. May dalawang uri ng alipin Saguiguilid at Namamahay. Ang Aliping Namamahay ay may sariling bahay at pinapatawag lang ng kanyang pinagsisilbihan na maharlika o timawa na pamilya. Ang Aliping Saguiguilid naman ay nakatira mismo sa bahay ng kanyang pinagsisilbihan wala itong sariling ari-arian at hindi ito pwedeng mag asawa nang walang pahintulot ng pinagsisilbihan nito.

Noong 1500's, May isang magiting na Rajah na nagngangalang Kayaw. Nabiyayaan ang Rajah ng limang lalaking Ginoo na may kanya kanyang taglay na husay sa mga napili nilang larangan.

Ginoong Ahkam siya ang panganay at ang Tagapagmanang Ginoo kasama siya lagi ng kanyang ama dahil hinuhubog siya nito bilang maging mahusay na Rajah. Ginoong Hamsa pangalawang anak nais niya rin na maging Tagapagmanang Ginoo. Daib pangatlong Ginoo siya ay hiniwalay sa banwa at pinalaki ng mag asawang Lakan at Lakambini sa karatig pulo. Ginoong Saheim siya ay pang-apat na Ginoo na nais lang mamuhay ng pangkaraniwan katulad ng ibang tao. Ginoong Rukham ang pinaka bata sa lahat ng Ginoo nais niya mag aral maggamot.

Naliligo ang Apat na Ginoo sa ilog na hindi nasasakupan ng kanilang ama. Nag uusap ang mga ito tungkol sa pagbalik ng kanilang kapatid na si Daib. May mga sabi sabi na ito raw ay walang awa at walang habis na pumapatay ng tao o hayop. Agad naman na iniba ni Ginoong Ahkam ang usapan dahil hindi niya naman nais na pag usapan ang kanyang ikatlong kapatid na walang kamalay malay. Habang nag kakasayahan sila, may nakita si Ginoong Saheim na babae sa palagay nito ay isa itong Binukot sa taglay na ganda at pananamit nito. Tinawag niya ang kanyang mga kapatid. Hinawakan naman ni Ginoong Rukham ang kamay ng Binibini upang tiyakin ang lagay ng kanyang pulso.

"Mabuti ang lagay ng binibini nawalan lang ito ng malay."

"Binibining Tala Ameerah saan po kayo naroroon?!" Wika ng babae na napadaan sa di kalayuan siya ay walang damit pang itaas at tanging mahabang buhok lang nito ang tumatakip sa kanyang dibdib tanda na ito ay isang mababang uri ng alipin.

Inilabas ni Ginoong Hamsa ang kanyang tabak (sandata) at tinutok sa alipin.

"Bakit mo pinapabayaan ang iyong binibini?"

Nanginginig ang tuhod alipin dahil sa takot nitong kitilin ang kanyang buhay.

"Itigil mo yan Ginoong Hamsa hindi sagot ang karahasan sa ganitong usapin!" Sabat ng Tagapagmanang Ginoo.

Nang magkamalay ang Binibini agad  naman na lumapit ang alipin.

"Binibining Tala Ameerah maayos po ba ang iyong karamdaman kanina pa po namin kayo hinahanap."

Napansin ng Binibini ang suot na damit ng babae sa harap niya at ng apat na Ginoo pinipigil nitong tumawa pero hindi niya kayang pigilan. Animo'y awitin ang pagtawa ng Binibini at halos walang kurap ang mga Ginoo na nakatitig sa kanya habang na tawa.

"Omg! ano yang mga OOTD niyo pa Costume party ba yan ni Mayor?" Walang tigil sa katatawa ang Binibini na may pag hampas pa sa bunsong Ginoo.

"Binibini ano ang iyong winika ootedi?" Nagtatakang tanong ni Ginoong Saheim

"Hindi ko kinakaya trip niyo." Tawa parin ng tawa ang binibini.

"Binibini Tala Ameerah halina po kayo at hinahanap na tayo ng inyong Ama't Ina." Saad ng alipin.

Tumingin ang binibini sa kanya.

"What the hell you are talking about I am Shinee Ayvé Sacapaño I am not Tala Ameerah!" Pagtataray ng Binibini.

"Mas mabuti pa na ihatid nalang namin kayo." mungkahi ni Ahmkam

"No! I don't even know all of you here I must leave."

Umalis si Ayvé ng walang paalam. Napadpad siya sa grupo ng mga tao na nag aangkat ng isda. Napansin niya na ibang iba ang damit nila may mga nakabahag, walang saplot pang itaas, naka mahabang damit na may takip ang mukha at magagarang kulay ng damit. Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa tubig. Nakasuot siya ng pulang damit na hanggang pusod, mahabang palda na sayad hanggang lupa, ginto na hikaw, porselas at kwintas na hugis buwan at tala na nakita niya noon bago siya mawalan ng malay sa dagat.

"Where the h3ll really I am?"

Naguguluhan niyang tanong sa sarili. May tumamang matigas na bagay sa kanyang likod dahilan para mawalan ulit siya ng malay.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play