English
NovelToon NovelToon

Gajima (Tagalog Chat Story)

Episode 1

Unang araw ng pasukan. Unang araw sa pagiging graduating student sa high school nila Yuri.
Yuri
Yuri
4th year na nga kami. Masaya naman dahil malapit na kong makapagtrabaho at kumita, pero hayy siguradong mamimiss ko ang pagiging high school student.
Habang naglalakad papuntang classroom si Yuri. Nasa kanyang likod naman si Karlo. Kaibigan na nya ito mula 2nd year high school dahil naging magkaklase silang dalawa noon.
Karlo
Karlo
Oh! Yuri! Aga mo naman ngayon? May sakit ka ba? 😄
Yuri
Yuri
Kung may sakit ako, hindi mo sana ako makikita ngayon. 😒
Karlo
Karlo
Sorry. 🤣 Hindi ka naman kasi ganyan noon pa man. Alam naman namin na ayaw mong tumambay sa classroom ng maaga. Pero ngayon iba talaga eh. Hmmmm 🤔
Yuri
Yuri
Oo. Wala lang, parang naeexcite na kasi akong magtapos at hindi ka na makita pa.
Karlo
Karlo
Hahahaha! Mars naman may college pa noh! Malay mo kaklase nanaman kita doon.
Yuri
Yuri
Hay! Wag naman na sana. 😢
Karlo
Karlo
Sobra ka talaga. 😭
Sa loob ng classroom.
Areni
Areni
Girls! Miss you guys! Oh Yuri! For a change na ba ang pagiging maaga mo? Himala yan sis! Dapat manlibre ka mayang break time. 😋
Yuri
Yuri
Mali atang desisyon sa buhay ang ginawa ko ngayon.
Areni
Areni
Hehe biro lang. Musta nga pala ang naging bakasyon ng mga sissy ko?
Elein
Elein
Bahay lang. Mas maraming libro akong nabasa. Gusto nyo magkwento ako ng isa sa mga magagandang libro na nabasa ko?
Areni
Areni
Isa sa mga? Hehehe saka na muna Elein ok may tamang araw para dyan.
Elein
Elein
Hay
Mika
Mika
Next time magkwento ka nyan. Gusto kong mapakinggan yan okay? ☺️
Elein
Elein
Uh ok sige. Sa susunod.
Mika
Mika
Hmmm. Kami nagbaksyon lang sa Laguna. Taon taon naman na atang andun ako.
Areni
Areni
Oh? Hay ang sarap talaga sa probinsya.
Yuri
Yuri
Probinsya rin naman 'tong lugar natin.
Areni
Areni
Hehehe pero mas masaya pa rin pag nasa ibang lugar na probinsya ka diba? Iba't-ibang tao ang makikita mo.
Yuri
Yuri
You mean ibang lalaki ang makikita?
Areni
Areni
Exactly! Hahaha
Break time. Silang apat, Yuri, Elein, Mika at Areni ay bumili sa canteen ng kanilang snacks. Pagtapos ay bumalik na agad sila sa kanilang classroom.
Karlo
Karlo
Girls! Anong makakain dyan?! 😅
Areni
Areni
Secret. Hulaan mo?
Karlo
Karlo
Bastos yarn?!
Areni
Areni
What?! Ako talaga?! Hahaha iba ata nasa isip mo mars kadiri ka ha?! Di tayo talo! Hahaha
Karlo
Karlo
Indeed! We're really not!
Yuri
Yuri
Hahaha! Oh kunin mo na 'to mukang nahanginan na utak mo este tyan mo. Wag ka ng papagutom ulit okay?
Karlo
Karlo
Ang bully nyo mga mars! Makaalis na! Pero sakin na'to hmp! 😭
At nagtawanan nalang silang apat pagkakuha ni Karlo ng bisquit na ibinigay ni Yuri at saka umalis.
Pagtapos ng klase. Silang magkakaibigan ay nagpasyang umuwi agad. Gaya ng nakasanayan, sila ay umuuwi agad pagtapos ng klase.
Si Yuri ay naglalakad lamang pauwi dahil malapit lamang ang bahay nya sa kanilang school.
Habang naglalakad ay napapaisip sya ng mga bagay bagay.
Yuri
Yuri
Huling taon ka na sa high school Yuri. May magtatangka bang manligaw sayo? Hmmm makakaranas ba ko ng first love ngayon? Kung hindi kelan pa? Hays
Nakauwi na nga ng bahay si Yuri.
Yuri
Yuri
Bahay nako! Anong ulam ma?
Meri
Meri
Buti naman andito ka na ate. Kaso wala si mama umalis sya. Pero may pagkain naman kaya kumain ka na lang ate ah.
Yuri
Yuri
Ah ganun ba sige.
Pagsapit ng gabi. Si Yuri ay nakahiga sa kanyang higaan habang nagcecellphone.
Yuri
Yuri
Scroll scroll. Buti pa sila noh may pa thanks for the add pa sa wall nila ng ibang tao. Bat kailangan pang magpasalamat? Hays
Yuri
Yuri
Makapag add nga ng iba ko pang mga kakilala. Sana lang may Fb sila hmp. Pero hindi ako mag ttnx4daccepting sa wall nila noh! Eeeeeeh! Nakakakilabot naman yun hahahaha
Habang nagsscroll. May nakita syang picture ng dalawang lalaki na nakacollage at may caption na, Face-off! Sino ang mas sikat at mas magaling sumayaw?
Yuri
Yuri
Kung sino talaga mas cute o pogi dun mas maraming boto noh? Mga bata talagang to, dapat ang caption nyo sinong mas pogi o sino ang mas bet nyo? Ganon! Haaaay
Yuri
Yuri
Teka, ang cute naman ata nitong isa hmmm. Name nya ay.....

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play