English
NovelToon NovelToon

Grade 9 (Section: Hugot)

~Place Your Bets~

“Magandang umaga mga bata. Kamusta ang bakasyon niyo? May nagbago ba?”, tanong ni Ms.Wal.

“Sana nga Ma’am eh. Pero ayon wala pa ring pagbabago katulad ng feelings niya para sa’kin!!”, hugot ni Lilac at biglang nag walk out.

“Ikaw Marielle, may ganap ba? Mag share naman kayo! Umagang-umaga nagsisimula nanaman kayo ha!”, tanong muli ni Ms.Wal sa isa pa naming kaklase na si Marielle.

“Sorry Ma’am, hindi lahat pwede i-share! Lalo na siya!! Akin lang siya!!”, hugot naman nito at sinundan si Lilac sa labas.

“Sana All may dahilan kung bakit humuhugot, kasi ako pati pinaghuhugutan ng lakas umalis na.”, sabat naman ni Julius at bigla ring nag walk out.

“Hay nako!! Tama na yan may recess pa at lunch para diyan!! Mag klase na nga lang tayo!! Open your books to page 69. Tawagin niyo na yung mga kaklase niyo sa labas. Bilis!”, galit na sigaw ni Ms.Wal.

(Lumabas si Maira para hanapin sila)

“Ma’am magsimula na po tayo habang wala sila. Humabol na lang po sila. Alangan tayo na lang lagi mag- aadjust di pwede ganun! Hindi lagi merong second chance once is enough!”, hugot muli ng isa naming kaklase na si Evan.

“Opya! Subukan mo lang mag walk out di ka na uli makakapasok!”, suway ni Ms.Wal.

(Bumalik na si Maira pero hindi kasama ang mga pinapahanap ni Ma’am)

“Ma’am, hindi ko po sila mahanap. Wala din po sila sa canteen. Di ko po alam kung saan na sila hahanapin.”.

“Ganyan naman kayong mga babae eh hindi niyo kaya magpursigi. Akala niyo wala ng pag-asa pero ayun pala naghihintay pa rin, kaso wala naman na palang darating.”, hugot naman ni Ryan.

“PUTANGINA! MANAHIMIK NA KAYO! AKO NANG MAGHAHANAP. AKO NAMAN KASI LAGI MAY KASALANAN EH, KAYA AKO NA!! AKO NA LANG LAGI!!!”, sigaw ni Ms.Wal na halatang hindi na nakapag-tiis sa maagang pag-hugot ng mga kaklase namin.

(Nagdabog palabas si Ms.Wal)

“Naol hinahanap.”,hirit pa ni Axel.

-Cut Scene-

(Lunch)

(Magkasabay na kumakain sina Axel, Maira, Marielle, Evan, Ryan, at Julius)

Inisip ko sa aking sarili, “Sana ol may kaibigan na laging kasabay.”.

Pinanood ko na lamang sila habang nagtatawanan at naguusap-usap.

“Oh, ikaw pala yan Michelle! Sabay ka na sa amin kumain!”,biglang sulpot ni Ryan.

“Hindi na! Sorry sa abala.”, balik ko sa kanya at biglang tumakbo.

(Habang tumatakbo ay biglang bumangga kay Lilac)

“Aray! Oy,girl! Sabay ka na samin kumain! Tara!”,sabi sakin ni Lilac at bigla akong hinatak sa mesa kung saan kumakain sina Axel, Marielle, Evan, Ryan, Julius, at Maira.

“Michelle! Kain ka na dito! Kung ayaw mo ikaw kainin ko!”,masamang biro ni Evan.

“Gago! Tigilan mo nga best friend ko siraulo!! Upo ka na Michelle. Usog ka nga ng unti Marielle.”,balik ni Lilac sa kanya.

(Seating Arrangement)

(Michelle) (Evan)

(Lilac) (Ryan)

(Marielle) (Axel)

(Maira) (Julius)

“Bakit ayaw mo kanina nung niyaya kita? Ayaw mo ba ako?”,tanong ni Ryan.

“Hindi naman sa ganun. Eh kasi...uhhh. Kain na lang tayo. Lumamig pa yung pagkain natin eh.”,palusot ko na lamang sa kanyang tanong.

“OOOOHHHHH, Ok lang yan pards! May oras para diyan, sa tamang panahon. (Tumawa)”,biro ni Evan.

“Di wow ka, tangina mo. Kumain ka na lang. Dami mong satsat.”,balik ni Ryan.

Ang tagal na nung huli kong beses na kumain ng may kasabay. Grade 6 pa lang kaklase ko na tong mga to pero ngayon nakasabay kumain tong mga gungong na toh!

“Uy! Ang sarap naman ng ulam mo Michelle! Pahingi naman ako oh! Ay hindi palitan na lang tayo, pahingi ako unti ng Adobo mo tapos.. bigyan kita ng unting prito. Ok lang ba sayo yun?”,tanong ni Axel.

“Kahit hindi mo na palitan. Ito oh kuha ka na.”,balik ko sa kanya.

“Ep-ep-ep. Wag mo ngang dayain si Michelle! Kunin mo na yung offer niya sabi sayo. Patay gutom yang lalaking yan eh.”,biglang sabat ni Marielle at kumuha ng unting prito ni Axel para ilagay sa baunan ko.

“Pakilamera. Ok nga lang daw diba! Pero di ako galit, kasi totoo naman talaga. Kaya ikaw panalo ngayon.. salamat sa ulam Michelle.”,sagot ni Axel.

Ganto ba talaga sila magusap-usap?

Parang ang sama naman....

Binilisan ko na lang kumain para di na magkagulo uli.

“Balik na ako sa room ha. Kita na lang uli tayo mamaya.”,sabi ko sa kanilang lahat at umalis.

(Umalis ng Canteen at didiretso na sa room, pero biglang sumulpot si Ryan)

Hindi naman sa pang-iinsulto, pero bakit ganun yung trato nila sa isa’t isa? Bakit parang wala lang pag nakasakit sila?

“Michelle ok ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo ah.”,bigla uling sulpot ni Ryan.

“Ah, wala toh. Ge pala salamat sa pag-aalala. Una na ko.”,balik ko na lang.

(Bago maka-alis ay hinatak ni Ryan ang kamay ni Michelle)

“Michelle, may problema ba tayo?”,biglang tanong ni Ryan.

“HEHE. Walang tayo. Una na ko ha.”,balik ko na lang.

“Panis ka pala ni Michelle Ryan eh.(Tumatawa)”,pang-asar nanaman ni Evan.

(Patuloy na naglakad papuntang room)

Ano bang problema nun? Mukang tanga! BWISET! Tinatanong niyo siguro kung bakit ako naiinis, ganto kasi yan.. may tsismis dito sa school namin na...PLAYBOY!!! Daw si Ryan, sa una syempre di ko pinaniwalaan pero, nakita ko mismo eh. Gago talaga siya, anong magagawa natin dun?!

Ok hindi ko na siya huhusgahan, kasi nga syempre di tama.. at nakaka-guilty rin. Mag sorry na nga ko TANGINANG KONSENSYA TOH!!

(Na-guilty at hinanap si Ryan. Nakita na agad)

“Ryan!Ryan!!”,sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

Di yata ako naririnig nito ha.

“Psssstttt! Hoy! Ryan?”.

Tinigil ko na lamang ang pagsigaw ko dahil nakita ko sina Ryan, Axel, at Evan na magkakasama at nagtipon sa ICT, kahit na hindi muna pwede pumasok.

Sa sobrang ka-chismosa ko ay... sinundan ko sila. Dahan-dahang sinara ni Axel ang pinto. Tumalikod na lamang ako sa pader at nakinig sa kanilang tatlo.

“Oh ano? Suko ka na ba Ryan? Halatang ayaw sayo ni Michelle eh. Alam niya na yata niya yung tungkol sayo na pagiging playboy.”,tanong ni Axel.

“Sus magugustuhan ako nun. Ako pa. Yun nga dapat yung tanungin niyo sa sarili niyo eh, matatalo niyo ba ko ha? Kapal din ng muka mo ih.”,sagot ni Ryan.

“Sa totoo lang ayaw kong gawin to lalong lalo na at may iba akong gusto pero 2,000 is on the line kaya, ayokong magpatalo.”,dagdag pa ni Evan.

GAGO TONG MGA TOH AH!!! 5,000 Pesos ang itinaya nila!? Oh my GOODNESS!!!

Wala ka talagang ma-eexpect sa mga mayayamang tanga!!

Wait lang parang may kulang sa kanila..... si, ano.. JULIUS!!

“AHHHHH!”

“Ano bang problema niyong mga lalaki kayo?!”.

Hindi pa toh tapos!!

(To be continued)

~Do Your Part~

Balak ko na sanang buksan ang pinto pero biglang sumulpot si Juluis at tinakpan ang bunganga ko at hinila ako paalis.

“Ano bang problema niyong mga lalaki kayo?!”,galit na sigaw ko.

Sumenyas na lang siya na manahimik ako at tumuro sa gilid niya.

Nakita kong dumaan sina Axel, Evan, at Ryan.

Pinunta niya ako sa likod ng ICT room kaya feeling ko ay alam niya yung pinag-uusapan nilang tatlo.

“Kasali ka dun noh? Parehas kayo ng kapatid mo. Pero salamat na din at nilayo mo ko dun, wag mo na lang sabihin. May gagawin akong plano para di na nila maulit yun sa ibang babae.”,sabi ko na lang sa kanya.

“Sali ako. Ni-record ko yung pinagsasabi nila, sali na din natin sina Marielle. Para mas masaya.”,dagdag niya.

“So kasali ka nga? Alam mo, ayaw ko silang idamay pero kung alam mo yung makakapag-pabagsak sa kanila pwede natin silang itumba. Pero bakit nga ako yung napili niyong pag-tripan?”,tanong ko sa kanya.

“Ah, meron kasing nagsabi na may gusto siya sayo kaya ikaw napili nila....s-siguro.”,sagot nito.

“Tara na, magsisimula na yung klase. Mamayang uwian na lang. Sa Science garden na lang tayo magkita-kita.”,

balik ko sa kanya at tumuloy na sa classroom.

“Sabay na tayo.”,

(Dumating na sa Classroom sina Julius at Michelle nang magkasabay.

Biglang nagtinginan ang tatlong nagpustahan)

“Michelle! Ikaw ha magkasabay pa kayo ni Julius ah, kala ko ba crus...”,

“Epppp, biro lang yun kaya wag kang maingay.”,pigil ko kay Lilac.

“Ay oo nga pala kita-kita tayo sa Science garden mamayang uwian ha.”, dagdag ko.

“Isama ko na rin sila Marielle at Maira mamaya ha.”,balik sakin ni

Lilac.

“Sige para mas masaya.”.

(Habang nagka-klase ay may nagpasa ng papel kay Michelle)

Kanino naman galing toh? Ay hula ko isa sa mga nagpustahan. Para hindi makahalata replyan natin.

(Nagpatuloy ang pag-uusap)

Playboy nga....

One down two to go!!

Let me tell you I’m not enjoying any of this...

(Uwian na at nagkita-kita na ang mga kasama sa plano)

“Kala ko ba tayong apat lang? Bakit nandito din si Julius?”,tanong ni Marielle.

“Wag mo kong husgahan Marielle. Hindi ba’t kasama din kayo sa pustahan?”,sagot naman ni Julius.

“Wait, panong kasama? Ibig sabihin tumaya kayo kung sinong mananalo?”, paiyak na sabi ko.

“Hindi sa ganun.. kasi-ah,ano ih.”,

paputol putol na pagdadahilan ni Marielle.

“Oo kasali kami, pero we never intended na siya yung candidate. And we don’t want this to happen to any other girl. At ikaw naman nagsimula nun diba? Kaya wag ka na magmalinis. Ikaw yung may pinakamalaking kasalanan dito Julius.”,sumbat ni Maira.

“Wait siya yung candidate? Michelle!”, sabi naman ni Lilac at bigla akong niyakap.

“Sorry pinromise sa akin ni Evan na last na toh. After that itutuloy na namin yung relasyon namin. Michelle di ko alam.”,dagdag pa ni Lilac.

“You know what. Let’s teach them a lesson. Gusto mo si Evan diba? At gusto ka rin niya, let him back out. Therefore there are less participants and you can continue your relationship. Properly this time.”,sinaggest ko na lamang.

“So sino yung pick niyong dalawa?”,

tanong kina Marielle at Maira.

“Si Axel.”,sabi pabalik ni Maira.

“Si Ryan.”,sabi naman ni Marielle

“Wait. Paano kayo napasali nung dalawang yun? Don’t tell me na may gusto rin kayo sa kanila!”,gulat na tanong ko.

“Aahhh I guess I like him.”,sagot ni Maira.

“YIEEEE. Axel ka lang pala haaaa.”, pang-asar ni Marielle.

“Ano naman! Ikaw nga si Ryan eh. Ew playboy.”,depensa naman ni Maira.

“He’s gentle. I mean when he’s with me. I don’t want him to play with other girls anymore, because it sucks seeing him like that. I mean hindi rin nga siya masaya sa pinagga-gagawa niya eh.”,palusot pa ni Marielle.

“Are you sure na seryoso sila sa inyo?”,panghuhusga kong tanong.

“No, we aren’t sure. I mean I never asked him before, so I’m not completely sure.”,balik sa akin ni Lilac.

“Then ask him now.Hahanapin ko siya!Maghintay lang kayo dito!”,sabi ko sa kanilang lahat.

“Michelle, ako na. Pag hindi pa ako bumalik ng 4 na minuto pumunta na kayo sa ICT!”,balik sa akin ni Lilac.

(Di pa bumalik si Lilac 6 na minuto na ang lumipas)

“Ano? Pupunta ba tayo sa ICT?”,tanong ni Maira.

“Oo tara na.”,sabi ko sa kanila.

(Nagpunta na sila sa ICT.Biglang may narinig na nagsisigawan)

“Bakit mo ba sinasabi yan! Kung mahal mo ko di mo ko papipiliin diba? Lilac plaese believe me, if I win I’ll be serious, I promise.”,pilit ni Evan.

“Evan kung mahal mo ko ako pipiliin mo, pero I guess I’m not enough. You need to win that stupid bet first huh? Why can’t you be serious now? Kailangan mo pa bang manakit ng iba pang babae para lang sa pride mo?”, balik ni Lilac.

“Wait, nung una in ka dito diba? Wag mo sabihing na-guilty ka?! You were willing to destroy Michelle’s trust just for our relationship! And now you’re guilty?! Ano bang mas importante sayo?”,galit na tanong ni Evan.

“Guys, wag na tayo makinig. Lilac can’t handle it.”,bulong ni Marielle.

“Alam ko. Tara na lang.”,balik ko sa kanya.

(Umalis papalayo silang apat, pero may narinig na hindi inaasahan)

“Lilac its 2,000 Pesos.”,muling pahiwatig ni Evan.

“I guess I don’t even come close to that price huh? Sa totoo lang, ano kayang naisip ko at pinaniwalaan kita. Siguro hindi ako nag-iisip nun. Sorry Evan nakagulo pa yata ako.”,sabi ni Lilac na papunta na dapat sa pinto.

“Lilac, you’re worth so much more than that. I’m sorry but, I’m not worth it. If you’re willing to wait, I’ll wait with you. Kahit ilang taon pa yan. If you’re ready to go back, I’ll be there waiting for you. Alam kong mas mabuting magsimula ulit ngayon, pero.... let’s just say my parents are strict. So, Lilac. Are you going to be alright waiting for me?”,tanong ni Evan.

“Prideful ka talaga. But yes, I am willing to wait. It was nice meeting you Evan. Until we meet again.”, balik sa kanya ni Lilac.

(Inabot na ni Lilac ang door handle, nag-panic ang mga nasa labas na nakikinig)

“Tago! Tago! Dalian niyo.”,sabi ko sa kanila habang nakikipag-tulakan.

(Magkasamang nakatago sina Maira at Marielle sa kabilang room at magkasama naman sila Julius at Michelle sa likod ng room)

“Huh? Ano yun?”,tanong na lamang ni Lilac sa kanyang sarili tila narinig kaming nagtago.

“Ikaw ba talaga nagsimula nung pustahan? Hindi lang talaga ako mapakali, sorry ha.”,tanong ko na lang kay Julius.

“Sa tingin mo ba paano nagsimula yung pustahan?”,sagot ni Julius sa akin.

Inisip ko sa sarili ko... oo nga pala sabi niya may nagkagusto sa akin sa kanilang apat.

So kung.... si Maira may gusto kay Axel, at si Marielle may gusto kay Ryan. Ibig sabihin... WAIT LANGGGGG!!!!!!!

WAIT LANG!!! So ibig sabihin siii.... J-Julius yung may g-g-gusto sa akin!?

(Imaginine niyo... kilig na kilig si Michelle dahil may gusto din sa kanya si Julius, pero hindi niya pwede ipakita dahil nasa tabi niya lang si Julius)

“Oh ano Michelle? Nahulaan mo na ba?”,tanong ni Julius na mas lumapit pa sa akin.

Tumingin ako sa kanya... Huh??

Wait nga lang.

“AHAHHAHAHAHA!!”,tawang-tawa kong reaksyon.

Yung itsura niya kasi ay halatang-halatang kinakabahan.

“Yun na yung confession mo?S-seryoso

ka? (Natatawa)”,balik ko na lang.

“Hindi ako kasing romantic ni Ryan. I admit na mas magaling yung kapatid ko sa ganitong bagay pero pasensya na. Nagsimula yung pustahan dahil na sinabi ko sa kanila na may gusto ako sayo. Gusto lang nila ako pagtripan nung una, pero may iba pa silang katarantaduhang naisip. Kaya ayun, nagaka-pustahan sila.”,paliwanag ni Julius.

“HAHA. Parehas lang naman pala tayo eh.”,balik ko sa kanya.

Biglang nagbago yung reaksyon niya..

“MICHELLE!”,sigaw ni Julius na sinubukang pigilan ang paghila sa akin.

“JULIUS! Ano bang ginagawa mo?!”.

To be Continued...

~Oo na! Panalo ka na!~

“JULIUS! Ano bang ginagawa mo?!”,sigaw ni Ryan pagkatapos akong hilain.

“Ryan wag mo ngang gawin yan! Bitawan mo siya!”,sigaw pabalik ni Julius.

“Hoy kayong tatlo diyan! Umuwi na nga kayo!”,sigaw ni Ms.Wal sa amin.

“O-opo Ma’am s-sorry po.”,sagot ko sa kanya.

Naglabasan na sila Maira at Marielle pagkatapos marinig ang sigaw ni Ma’am.

“Ryan? Kala ko ba uuwi ka na?”,tanong ni Marielle.

(May mga napadaang Grade 10 Students at nagbulungan tungkol kay Ryan)

“Sabi sa inyo playboy ih. Kita mo yung babaeng hawak niya, hindi yan yung totoo niyang GF. Alam ko yung isa pa yun ih... ayun siya oh.”,bulong ng isa naming senior.

“Sa harap pa talaga nag-harot. Tsk-Tsk. Tara na nga, sa campus pa talaga nagkagulo.”,dagdag pa ng isa.

Paiyak na si Marielle...

Kumawala ako sa pagka-hawak ni Ryan.

Piningot ko si Ryan gamit ang kaliwa kong kamay at sa kanan naman si Julius.

Hinila ko sila palabas ng school at tinawag sina Maira at Marielle para sundan kami.

“Aray! Ano ba!? Bakit parang galit ka? Ikaw na ngang tinulungan ko para makalayo kay Julius.”,galit na pagdadahilan ni Ryan.

“Tinulungan mo nga ba talaga siya? Sa kanya mo nga tanungin yung totoo.”,balik naman ni Julius.

“Maira, Marielle. Hintay nga lang muna kayo dito may susunduin lang ako.”,sabi ko sa kanila at bumalik ng school para hanapin sina Axel,Evan,at Lilac.

(Inikot ang High School Department para hanapin lang sila)

“Lilac! Nakauwi na ba si Evan?”,tanong ko ng makita ko na siya.

“Hindi pa yata. Teka nga lang... paano mo alam na...”,

“Wala ng oras para diyan. Hanapin mo na lang siya. Hahanapin ko na muna si Axel. Sana lang di pa siya nakakaalis. Magkita na lang tayo sa labas ng gate, sa may waiting area.”,balik ko na lamang sa kanya at umalis.

(Nakita na si Axel, nilabas na siya ng school)

“Bakit mo kami dinala dito?”, tanong ni Axel.

“Kayo ha!! Anong naisipan niyo at ako ang ginawa niyong candidate sa pustahan? Para kayong mga bata!”,sigaw ko sa kanila.

“Pustahan? Anong pinagsasabi mo?”,pag-kukunwari ni Axel.

“Hindi ako tanga,at tsaka may mga nagkakagusto na sainyo bakit niyo pa kailangan gawin yon? Nasa tamang ulo ba mga utak niyo?!”,galit na balik ko sa kanya.

“So kung may pustahan nga kami, ano naman? Don’t pretend youre not enjoying the attention.”,sabi uli ni Axel.

“Nobody will enjoy attention from you guys, trust me. Speaking of attention alam niyo na bang may gusto....”,

Pinigilan ako ni Marielle bago ko pa matuloy ang sasabihin ko.

“Michelle, kami na ang aamin.”.

“Ay shit! Oo nga pala,sorry.”, paumanhin ko na lang.

“Uy Michelle, ano ba dapat sasabihin mo? Paki bilis uuwi pa kami diba?”, sabat ni Axel.

“Alam niyo wala na rin akong magagawa ih. Sabay na lang yung mga magkakalapit yung mga bahay. O kaya puntavna lang tayo sa Cafe sa likod. Oh ano? G?”, tanong ko na lamang.

“Alam niyo taa na lang. Sino sasama sa Cafe?”,tulong na pagkumbinsi ni Julius.

“Hintayin na lang muna natin sila Lilac.”,dagdag ni Maira.

“Chat ko na lang siya.”,sabi ni Marielle.

(Hinintay ang reply ni Lilac)

“Mauna na daw sila ni... OH NY GOD!! Guys tingnan niyo to!”,sigaw bigla ni Marielle.

“Hoy si ano yan!! Magkasama sila ni Evan?”,bulong ni Maira.

“Uy bilisan na lang natin nakaka-kilig toh!!”,dagdag ko na lang.

(Pumunta na sila Maira, Marielle, Michelle, Ryan, Julius, at Axel)

“Asan na ba yun si Evan? Kanina ko pa china-chat di pa rin sumasagot.”, inis na sabi ni Axel.

“Wag mo na nga muna pakialaman yung tao! Nakakainis ka rin ih!”,balik sa kanya ni Maira.

“Papansin ka pala tol eh.”,biro ni Ryan.

“Op, nagsalita na din siya. Wag mo sabihing nagpapa-bebe ka lang kanina.”,balik ni Axel.

“Siraulo ka talaga noh? Pero mas nakaka hiya yung ginawa ni Julius kanina. Diba ?”, damay ni Ryan kay Julius.

“Wag mo ibahin yung usapan, ikaw yung topic diba? Wag kang pa inosente. At least ako, nakaamin na. Ikaw? Gusto mo ako ng umamin para sayo.”,balik ni Julius sabay akbay sa akin.

“Oy pucha sana all! Ay puta parang mapapa-amin na yata ako ah.”,sigaw ni Axel.

“Sino naman kaya yan!”,sigaw din ni Ryan.

“Edi sino pa, edi si Maira.”, sabi nito biglang takbo.

“AYIEEEE. Tanginang yan, sabi na eh.”,sabi ni Ryan.

“Narinig mo yon Maira, sana all.”, sabi ni Marielle.

“Baket Marielle? Sino ba yung sayo?”, tanong ni Ryan.

“Wala akong ganun noh. Pero yung dati ko tarantado. Alam mo yung parang walang ambag sa pamilya niya kundi sakit ng ulo.”,sabi nito.

“Ay shet parang ako lang ah. Mamaya ako yang tinutukoy mo ha. Wag namang personalan.”,pabirong sabi ni Ryan.

“Buti alam mo.”,balik ni Marielle.

“Ay sakin ka may gusto ? Nice one Marielle.”,biro uli ni Ryan.

“Ano ka. Di ako desperado para magkagusto sayo.”,

“Bakit pala kinikilig ka? Wala pala ha.”, sagutan uli nila.

“Alam niyo ituloy na lang natin toh sa Cafe. Malapit naman na tayo oh.”, sabat ni Maira.

“Pero meron kamo talaga yang gusto sayo pakipot lang.”, dagdag pa nito.

“Maira! Parang ano naman ihhh!”, sigaw nito at tumakbo kay Maira.

“Ano naman kung may gusto ka saakin? Pero meron ba talaga?”, tanong ni Ryan.

“Bilisan na nga lang natin.”, sagot ni Marielle at biglang tumakbo.

“Oo meron! Tandaan mo yan Ryan ha!”, sigaw nito bago pumasok ng Cafe.

“Uy shet pumapagibig ka na rin ha.”,

biro ni Julius.

Habang nasa Cafe kami, syempre nagka-aminan na diba. Edi ang awkward ng pag-uusap namin. As in walang ma topic yung mga matitino.

Sila Lilac at Evan magpapa-alam na daw sa mga magulang nila kung syempre pwede na nga... kami naman ni Julius... eh magpapa-alam pa din kami, syempre ah. Hindi naman lotto yung magiging relasyon namin na tira lang nang tira diba?

Ewan ko pa kila Marielle at Maira kung itutuloy pa ba nila yung sa kanila pero, we’ll all be there to support each other, no matter what. We’ll be the kinds of friends that stay together no matter the hardships.

***End ••***

3

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play