English
NovelToon NovelToon

ONE SHOT

THE TIME MACHINE

I am Alex Vincent. 21 Years of age, Oo 21 na nga ako pero ala parin akong makahanap na partner ko sa aking buhay. Maganda naman ako. Sexy. Mayaman. Oo kase may trabaho na ko. As in yun na lang talaga kulang sakin eh.

Pangarap kong mag karoon ng sariling magandang buhay yung tipong May asawa ko tapos may anak, Yun lang naman gusto ko eh, Syempre gusto ko yung may hanapbuhay naman kami ng mapapangasawa ko.

Napaupo na lang ako sa isa sa mga benches sa park. Pag papatuloy ko pa yung pag de-day dream ko eh

"Iha mukang malalim yang iniisip mo wah? Mag salbabida ka at baka malunod ka." Sabi ng isang estranghero na tumabi sa akin

Kinunutan ko lang sya ng noo.

"Biro lang iha, Alam ko iniisip mo"

"Anu po?" Sabi ko actually matanda na sya, Mahaba yung Balbas at mabigote den, Medyo Chubby at...... at oo para syang weird.

"Gusto mo nang mag ka pamilya diba?"

Pano?

"How Did You know? " Tanong ko

"Hahahahaha iha wag kang maingay pero may powers ako" Sabi nya. nakunot muli ang makinis kong noo

"Hahahahhaa I'm just kidding"

Fudge!

"Lo. Kung wala po kayong magandang sasabihin pwede na po kayo umalis ayoko po ng may kausap" Sabi ko

"Kahit pa ipakita ko sayo ang Future Life mo?" pag aalok nya

What the hell

"Wag nyo na po akong pag tripan manong" Sabi ko

"Di kita pinag tritripan, Oo nung una" Sabay tawa nya

"Pero right now I'm fuckin serious, kaya ko ipakita sayo ang future mo" Sabi nya

Fucking, Fucking.

"Pano ko nakakasigurado sayo? Muka ka ngang mandurugas eh" sabi ko

"Ang kailangan lang ay pag katiwalaan mo ko" sabi nya

Tutal desperada na ko gusto ko ng mag ka anak, mag ka asawa, mag ka pamilya, sumaya, oh eto na yun

"Sige po, Pero wag nyo kong iisahan kaya ko po kayong ipapatay" Sabi ko

nginitian nya lang ako at tinaas nya ang kamay nya, Bigla namang nag kulay vanilla yung paligid ko tsaka yung mga tao sa park di gumagalaw naka steady lang sila tanging kami na lang ni manong yung nakakagalaw at nakakahinga

"Wag kang mag alala buhay pa sila pinatigil ko lang ang oras" Tumango na lang ako, May lumabas na malaking bilog

"Pumasok ka dyan at makikita mo ang future mo" Sabi nya

"Are you sure" sabi ko

Tumango na lang sya. Napalunok ako ng madiin sabay hakbang papasok. Tsaka ko sya nilingon nakangsi sya ng matamis. Kelangan ko ba syang pag katiwalaan? Damn

Nakapasok na ko ng bilog at nakita ko na yung future ko? Ok may mga picture frame doon at parang video na gumagalaw bawat taon simula present to future natutuwa ako kaya nag lakad ako papunta pa sa dulo.

Tila mo ako nahihipnotismo.

2012 oo nakita ko yung sarili ko kanina hahaha

2013 sa future nakita ko yung lalaking mag mamahal sakin at mamahalin ko den.

Can't wait.

Natuwa ako lalo naaliw ako. Kaya di ko namamalayan na nag lalakad pa ko padulo.

2014-2017 Naging mag boyfriend at girlfriend kami at kitang kita sa mata namin na masaya kami. Actually ang gwapo nya hahaha.

2018 Nag propose sya sakin at umoo naman ako. Ako pa ba choosy?

Habang nag lalakad ako ang saya saya ko ang sarap makita ng sarili ko doon sa future ko. Ang saya ko

Ang ganda ko.

2019 Nag pakasal kami ang ganda ng trahe de boda ko. Ang cute ng mahabang aisle na nilalakaran ko at nag hihintay sya sakin. ang gwapo nya tignan sa white tuxedo nya.

2020-2022 May 3 na kaming anak. Yung panganay ko Lalaki tas Yung sumunod kambal na babae. Ang saya ko habang pinanunuod yung video ko para kong nanunuod ng movie ang galing kong gumanap.

Naiiyak ako.

2029 Bigla na lang ako napaiyak. Napahagulhol bigla dahil yung asawa ko naaksidente dahil nag away kami. Di ko den mapigilan yung luha ko. ang lakas ng hikbi ko Pano pa ko nyan?

2042 Napatigil ako sa kaiiyak at nabuhayan bigla ng loob. May mga sariling buhay na yung mga anak ko. May mga apo na kami ng asawa ko kaya lang di nya na nakita. Sayang naman.

2052 Sampung taon na ang nakalipas. Malalaki na yung mga apo ko. Kaya lang yung mga anak ko nahihirapan na sakin. Pinag papasahan nila kong 3 Di ako napipirmi. Kada linggo iba iba nag aalaga sakin. Alang sino man sa kanila ang nag tagal na alagaan ako

2055 Napaiyak ako sa ginawa nila dahil nag pasya silang iwan ako sa HOME FOR THE AGED. Mga walang awa. Di man lang ako pinag tsagaan sana pala nasama na lang ako sa asawa kong maaksidente at mamatay kesa iwan nila ko dito. Hindi pa ko makakalimutin sa future ko at matino pa ang pag iisip ko bat nila ko iniwan? Napaiyak muli ako ng malakas.

Nanlumo akong lumabas sa bilog na pinagpasukan ko kanina kung ano yung bagal ko kanina nung papasok ako syang bilis kong makalabas ng luhaan. May kasama pang uhog maga na yung mata ko.

Nakita ko yung estranghero kanina nakangisi sya.

"Kamusta?" Sabi nya

"Ayoko na" Sabi ko at sabay tawid sa kalsada. Nagulat ako ng biglang may 10 wheeler na bumunusina. Napatakip na lang ako sa muka ko.

"Kabaliktaran lahat ng nakita mo sa loob" sabi ng estranghero bago ko mawalan ng malay. Sabi na eh dapat di ko sya sinunod pinagkatiwalaan ko kase sya eh

A-akala ko ba pinahinto nya ang mga galaw?

Napala ko tuloy.

*********

THE END.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play