...MARAHAS na bumuntong-hininga si abby habang pinagmamasdas ang miserableng ayos ng kanyang ina....
...Nakahandusay ito sa sahig sa isang sulok ng kanilang kusina habang may hawak na bote ng alak....
"Nay,lasing na naman kayo?"aniyang dahan-
...dahang inalalayan ito sa pagbangon. Kagagaling...
...lamang niya sa talyer ng kanyang tito kung saan...
...siya nagtatrabaho....
...Dahil sa hirap ng kanilang buhay, hindi...
...na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral....
...Nasa ikalawang taon sya ng kolehiyo sa isang pampublikong paaralan nang iwan sila ng kanyang ama....
...Jeepney driver ang kanyang ama. Ipinapasada nito ang jeep na pagaari ng kanyang tiyuhin. Noon pa man ay madalas na itong nakikita ng kanilang mga kapitbahay na inihahatid-sundo ang babae nito sa club kung saan nagtatrabaho bilang dancer. Hindi nagtagal, hindi na ito umuwi sa kanilang tahanan....
...Naging usap-usapan sila sa lugar nila....
Mula noon ay nilunod na ng kanyang ina ang sarili nito sa alak at sigarilyo.
..."Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" asik ng kanyang in sa kanya. Marahas nitong tinanggal ang kanyang kamay na nakaalalay rito, saka mag-isang tumayo at pasuray-suray na naglakad patungo sa loob ng silid nito....
...Napailing na lamang sya habang sinusundan ito ng tingin. Nang makapasok na ito sa silid nito ay kumuha siya ng isang mangkok at isinalin ang ulam na binili niya sa karinderya na kanyang nadaanan. pagkatapos ay kumain na sya....
...Mula nang iwan sila ng kanyang ama ay hindi na sila nagsasabay kumain ng kanyang ina dahil madalas itong lasing. Kapag niyaya niya ito ay hindi siya nito papansinin. Lalabas lang ito ng silid nito kapag tapos na syang kumain....
...Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagpahinga....
..."I'M SORRY, Lizy, pero sa simula pa lang ay alam mona kung hanggang saan lang ang relasyon natin." sabi ni GINO. Nagpunta siya sa condo unit ni LIZY upang makipaghiwalay dito. Ayaw man nya itong saktan dahil alam niyang pag pinatagal pa niya ang relasyon niya dto ay gugustuhin pa nito ang higit pa sa pagiging "GIRLFRIEND" niya....
He was not the marrying type. Wala sa pagiisip niya na magpakasal kahit kanino kaya sa lahat ng nagiging GIRLFRIEND niya ay sinasabi na niya sa kanila habang maaga pa lang na wala sa plano nya ang pagpapakasal pumayag naman ang mga ito maliban kay LIZY.
... Naging possessive, demanding, at selosa ito. kaya napagisipan nya na tapusin na ang relasyon nila bago pa tuluyang mahulog ito sakanya....
... " I know, honey, but i fell in love with you. I don't want to lose you GINO," pagmamakaawa sakanya ni LIZY habang nakayakap sa batok niya....
... Marahan niyang inalis ang mga braso nito. "I'm really sorry, LIZY, pero hanggang dto na lang talaga tayo. Its over." Pagkatapos ay lumabas na sya ng condo nito....
... " GINO!!!!! bumalik ka. I swear, magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako nang tuluyan!" narinig niyang sigaw nito ...
... Ngunit hindi niya ito nilingon at nagpatuloy siya sa paglalakad. kilala na niya ito. Sa isang taong pagsasama nila kabisado na nito ang buong pagkatao ni LIZY. Isa na roon ang takot nito sa dugo. kaya siguradong hindi nito magagawang saktan ang sarili....
... Nang makasakay siya sa kanyang kotse na nasa parking lot ay saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Well, sino ba ang nagsabing madali makapagbreak? Lalo na kung wala naman talagang dahilan. Aminado siyang wala sa mga babaeng nakarelasyon niya ang problema, kundi nasa kanya mismo. Pero maging siya ay hindi rin maintindihan ang sarili. Maybe he should take a break. Kailangan muna niyang kilalanin ang kanyang sarili at alamin kung ano nga ba ang problema sa kanya....
Download NovelToon APP on App Store and Google Play