English
NovelToon NovelToon

What Took You So Long

Episode 1

there is no substitute for love Simula pag kabata ay inalagaan na ni Maya ang kanyang lihim na pagtatangi para kay Tem ang anak ng mga amo ng kanyang yumaong ama. Subalit alam niyang mananatiling pangarap na lamang iyon dahil mayroon na itong natatanging idinadambana sa puso nito— si Moi Sa loob ng dalawang beses na pagkabigo ni Tem na dulot ni Moi ay nasa tabi siya nito. Tila napapagod na siyang umasam na mapapansin din siya sa kasal ni Moi sa ibang lalaki upang ipakita sa babaeng hindi ito apektado ay nagparaya pa rin ang kanyang puso. Hanggang kaylan aasam ang kanyang puso?
RONALD, bumangon ka na riyan! Huwag mong sabihing a-absent ka na naman ngayon! Ang may-kalakasang tinig na iyon ang nakapagising kay Maya. Pupungas-pungas na bumangon siya. Inabot niya ang panali sa buhok na nasa side table at pinusod ang lagpas- balikat niyang buhok.tinatamad na bumaba siya sa kama at tumuloy sa banyo upang mag hilamos. Suot parin ang oversized T-shirt na pantulog, bumaba siya at nagtungo sa kusina. TWO-storey ang inuupahan nyang apartment na iyon. Hindi kalakihan iyon, isa lang ang kwarto, at sadyang idinisenyo para sa isang tao at single na tulad niya.    Nagtimpla siya ng kape. Nang matapos ay lumapit siya sa lababo dala ang tasa at pinagmasdan ang paligid sa labas. U-style ang anim na pintong paupahang apartment na iyon. Dalawang pinto sa magkabila at dalawang pinto sa gitna. Ang maluwang na espasyo sa gitna ay nagsisilbing teresa ng lahat. May mga silyang bakal doon at maraming nakatanim na halaman na karamihan ay nakapaso.   Nakita niyang lumabas mula sa katapat na pinto si Ronald, ang high school na anak ni Pia. Isang dalagang ina si Pia. Mayamaya ay nabaling ang paningin niya sa dalawang babaeng lumabas mula sa katabing pinto nina Pia― sina Mary at Justine. Mag pinsan ang mga ito at parehong college students.   Ang umuupa naman ng dalawang pintong nasa gitna ay ang bagong kasal na sina Zell at Rome. at si Maureen na isang teller sa bangko. Ang katabi niyang pinto ay inuupahan ni LA.  Isa itong painter at vocalist ng banda. Hobby lamang nito ang pag pipinta at ang banda ang talagang pinagkakakitaan nito. but he really was a good painter at yun ang gusto ko sa kanya. Hindi man siya eksperto pag dating sa pag e-evaluate ng obra, alam naman niya ang maganda sa hindi. Katunayan, ang painting na naka- display sa sala ng kanyang apartment ay bigay ni LA. Dalawang taon na siyang na ninirahan sa apartment na iyon. Noon ay wala pang umuupa sa dalawang pinto na ngayon ay inuupahan na ng mga bagong kasal na sina Zell at Rome at ang mag pinsang Mary at Justine. Masuwerte siya at mababait ang mga kapitbahay niya. Para na nga silang isang pamilya sa compound na iyon. Masaya na rin naman siya sa lugar na iyon. Kahit pa nga may mga pag ka kataong  naiisip pa rin niya ang Quezon.    Nang iwan silang mag-ama ng nanay niya dahil sawa na umano ito sa hirap, nag pasya ang tatay niyang tanggapin ang alok ng kaibigan ng dating amo nito na maging driver sa pamilya nito sa Quezon.    Pumayag naman ang mag asawang Martinez na kasama siya ng tatay niya na tumira sa tahanan ng mga ito. Mababait ang mga miyembro ng pamilya Martinez kaya naging masaya siya roon. Isa lamang ang anak ng mag asawa si Tem. Matanda ito sa kanya nang apat na taon. Naging matalik na kaibigan niya ito. Pinagukulan niya ito ng pag mamahal... Pagmamahal na lumagpas sa pagiging magkaibigan lamang. Wala siyang natatandaang pagkakataon sa buhay niya na wala ito sa kanyang tabi. Kapag nalulungkot at nag hihinanakit siya sa ginawang pag iwan sa kanila ng nanay niya, naroon ito upang konsolahim at patawanin siya. Nang dumating ang pinakamalaking dagok sa kanyang buhay ay nang mamatay ang tatay niya sa sakit nito sa atay hindi umalis si Tem sa kanyang tabi, katatapos lamang niya sa high school nang mangyari iyon. Tuluyan na siyang inaruga ng pamilya Martinez at pinag- aral pa sa kolehiyo. Lalo pang lumaki ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Tem. Ngunit wala itong ideya sa damdamin niya para dito. Nanatiling pagtinging kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. How could he when he was hopelessly in love with Moi? Saksi siya sa inalagaan nitong pagtingin ukol sa babae. Si Moi ay anak ng matalik na kaibigan ng mama ni Tem. Mistisa ito at talagang maganda. Pakiramdam niya, kapag katabi niya ito ay nag mumukha siyang pangit. Mas mabuti na lamang sana kung masama ang ugali nito pero hindi. Mabait at palakaibigan ito. Kung wala nga lang siguro siyang inaalagaang pag ibig para kay Tem, baka naging matalik pa silang magkaibigan ni Moi. Nang i announce ang engagement nina Tem at Moi, nagpasya siyang dito na lang sa Maynila mag aral ng kolehiyo. Tuwing bakasyon na lamang siya umuuwi sa Quezon. Ngunit nag pasya siyang bumalik sa Quezon. at doon na lamang mag trabaho nang mag break ang dalawa. Gusto niyang naroon siya habang nagdadalamhati si Tem. Na in love si Moi sa ibang lalaki. Si Dion na isang businessman at taga Maynila. Dalawang taon din siyang nag trabaho sa Quezon palagi na naman silang magkasama ni Tem nang mga panahong iyon. Pilit niyang inaliw ang binata upang madali nitong makalimutan si Moi. Umaasa siyang mararamdaman din nito ang lihim na pagtatangi niya rito. Na mag karoon na siya ng pagkakataon para sa pagmamahal nito. Handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal. At least wala na sa eksena si Moi. She prayed. She hoped. Ngunit ang pag asang iyon ay unti-unting naglaho nang bumalik sa Quezon si Moi pagkatapos na magtrabaho sa maynila. Wala na ito at ang nobyo nitong si Dion. Hindi niya makakalimutan ang kasiyahan sa mukha ni Tem nang mabalitaan iyon. Niyakap pa siya nito nang mahigpit habang tuwang tuwang ibinabalita sa kanya na bumalik na si Moi na break na ang babae sa nobyo nito. Mula noon ay madalas na namang magkasama sina Tem at Moi. Siya naman ay ipinasya nang bumalik sa Maynila. She was twenty-three then. Mula noon ay hindi na siya bumalik maliban sa ilang okasyon na kailangan niyang magpakita. Alam niyang nagtatampo na sa kanya si Mama Stella, ang mama ni Tem. Ngunit ano ang magagawa niya? Hindi niya magagawa ang balak na paglimot habang nakikita niya ang anak nito. Habang alam niyang nasa malapit lang si Tem. At ngayon, two years na siyang hindi nakakauwi sa Quezon. Pero alam niyang engaged na uli sina Tem at Moi. Baka nga nagbabalak nang magpakasal ang mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit pinatatagal pa ng dalawa. Sa mga okasyong kailangan niyang umuwi sa Quezon, iniiwasan niyang makakuwentuhan nang matagal si Tem bagama't nararamdaman niya ang kagustuhan nitong makapag-usap sila tulad ng dati. Nababasa rin niya sa mga mata nito ang hinanakit sa ginagawa niyang paglayo rito. It seemed she had known him forever. It had been his shoulder she had cried upon when he told her as gently as he could na pumanaw na ang kanyang ama. Ito ang magdamag na nagbantay sa tatay niya dahil ipinilit nitong magpahinga muna siya. It was his hand she had grabbed on to during the funeral, his arms that had locked around her and gently but firmly led her away from the grave site. He did care about her. And in his own way, he probably loved her. But not the way she wanted to be loved. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang makarinig ng katok mula sa pinto. Si LA ang napagbuksan niya. Nasa kamay nito ang bills ng kuryente at tubig at isang colored cream envelope. "Bills again," nakangiting sabi nito, saka iniabot sa kanya ang mga iyon. "Ngayon ka lang?" Tanong niya nang mapunang hawak pa nito ang gitara. Anniversary kasi ng bar na regular naming tinutugtugan. Ang haba ng celebration," tugon nito "O siya. Sige, matulog kana at mukha ka nang multo ," biro niya rito. The cream- colored envelope caught her attention when she went back inside her house. Binuksan niya iyon. Isang pang envelope ang laman niyon na gold naman ang shade. Naupo siya sa sofa dahil parang pinanginigan siya ng mga tuhod. Muli niyang sinipat ang envelope na iyon. Ang mama ni Moi ang nagpadala niyon. Alam niyang namumutla siya. Call it intuition, call it sixth sense, but she knew she didn't want to open the second envelope. She was almost positive what was inside the envelope. Alam niyang darating ang araw na iyon. So it was no surprise. Hinintay niya ang pag kakataong ito for all her foolish dreams to come crashing down around her, as she had always known they would. Pakiramdam niya ay napakaraming paruparo ang lumilipad sa loob ng kanyang tiyan. She didn't need to open the gold envelope to know what was inside. Tem Martinez and Moi Valdez, two of her dearest childhood friends, were finally getting married. Napalunok siya nang ilang beses. Pakiramdam niya ay libong oras ang nagdaan bago siya nakatayo muli sa sofa at inilagay ang envelope sa basket kung saan itinatabi niya ang mga diyaryo at magazines. Wala akong karapatang mag react nang gano'n Aniya sa sarili. She wasn't a little girl anymore. She was a woman. And a woman could't live her whole life on sweet dreams of a tall, dark eyed man, and all the possibilities of what have been. Panahon na para isantabi niya ang mga pangarap na iyon at itigil ang pagkokompara niya sa bawal lalaking makilala niya sa isang lalaking malalim ang pagkakaukit sa kanyang puso. It was time to move on, to start over at punan ang puwang sa iniwan ni Tem sa kanyang puso. Tem loved Moi. He had always loved her, and she believed Moi loved him as well. It was simply the way the world loved.  Tem and Moi belonged together.  Parang puto at dinuguan. Kape at gatas. Chico and Delamar. Popcorn at sinehan. Guy and Pip.   Kapag naroon ang isa,  hindi maaaring hindi hanapin ang isa pa.  Ganoon sina Tem at Moi. Siyam na taon siya ng una niyang makita si Tem. Now that she was already twenty-five, pilit pa rin niyang hinahanap ang mabisang paraan upang tuluyan itong makalimutan. Nagpasya sayang umakyat na sa kanyang silid upang maligo at mag bihis.   Alas-nuwebe ang pasok niya sa engineering firm na pinag tatrabahuhan.     Hindi pa siya nahuhuli sa trabaho mula nang magsimula siya roon May dalawang taon na ang nakakaraan.  She wouldn't start now. She never bothered to read the wedding invitation. TWO YEARS ago, inalok si Maya ni Mr. Roman Gonzalez na maging personal  assistant nito sa engineering firm nito. Iyon ay noong mga panahong kailangang- kailangan niyang lumayo.  Hindi na niya isinaalang alang pa na ninong ito ni Tem.   Ang mahalaga ay malalayo siya sa Quezon dahil nasa Makati ang firm ni Mr. Gonzalez. "Sir" ang tawag niya sa matanda ngunit kapag wala sila sa opisina ay "Tito Roman" ang tawag niya rito. Para na ring mag-ama ang turingan nila sa isat isa. Para na nga siyang inampon na bunsong anak ng matandang lalaki at ng butihing may bahay nito na si Tita Gloria.     Pagdating niya sa opisina, laking pag tataka niya dahil nauna pa si Tito Roman kaysa sa kanya.  Nakausap niya ito sa intercom at sinasabing gusto siyang makausap nito sa pribadong opisina nito.   Agad naman siyang nagtungo roon. "Good morning,Sir," bungad niya sa matanda.  Nakatuon ang atensiyon  niya rito kaya hindi niya nabigyan ng pansin ang lalaking nakaupo sa malambot na sofa.  "Mukang maaga ho yata kayo ngayon. May problema ba?" "Nothing like that, sweetheart," nakangiting sabi nito gamit ang paboritong endearment nito sa kanya.  "So what's――"Natigil siya sa pag sa salita nang sa wakas ay dumako ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa sofa.   Kahit siguro isama pa ito sa napakaraming tao kaagad pa rin niyang mapi-pinpoint kung sino ito. Nakaharap, nakata likod, o nakatagilid man ay siguradong makikilala niya ito.  Why, her heart knew him. It had been a shock to find Tem here.   She had spent at least six years to get him notice her and another two years to get him out of her heart. Neither effort had succeeded, although somehow, she was able to deal with it dahil hindi naman niya ito nakikita. "Hi, Mayalesca Savesta!" nakangiting bati nito "Been a long time." "Tem..."That was all she could come up with. "Maya, natatandaan mo ba yung upcoming project natin sa Quezon City?" tanong ni Tito Roman nang balingan siya.  Nag patuloy ito ng tumango siya. "It's a big project kaya kinakailangan kong hingin ang tulong ni Tem para siya'ng manguna sa proyektong iyon. " Alam niyang isang magaling na engineer si Tem.  Pero alam din niyang maraming magagaling na engineers ang kanilang firm. "I know what you're thinking. Mga engineers pa rin naman ng firm ang tutulong kay Tem sa pag sasayaw a ng project.  It's just that, matutuloy ang bakasyon namin ng tita Gloria mo para dalawin sila Marie," Tukoy nito sa panganay na anak na naninirahan sa San Diego. Alam nyang matagal nang gusto ng mag asawa na maka pagbakasyon  ng matagal doon upang makasama ang anak at ang mga apo ng mga ito.     "At wala akong ibang mapag kakatiwalaang mamahala pansamantala sa firm kundi si Tem," dugtong nito. "I'm  glad to hear it, Tito Roman," Aniyang ang tensiyon na kanina ay nadarama nya ay napalitan ng saya para sa mag asawa. Lumapit siya rito sa nakatayo sa harap ng Mesa nito at binigyan ito ng isang yakap. "So, I'm expecting your full support para kay Tem,  hija. Anyway, alam ko namang hindi na ninyo kailangan pang mag adjusts sa isa't isa, for I know you've been the best of friends kahit nung maliliit pa kayo," natutuwang wika ng matanda. Hanggang makabalik si Maya sa cubicle nya ay animo tulala parin siya. Para siyang robot na naupo sa kanyang swivel chair at napatitig sa screen ng kanyang computer. She had never imagined that she and Tem would ever end up working together. Alam nyang may sarili ding firm ang papa nito at doon ito nag tatrabaho. Hindi nga siguro nito mapahindian ang ninong nito. "Let's have lunch," narinig niyang sabi nito. Hindi niya namalayang naroon na pala ito at nakapatong ang braso sa ibabaw ng cubicle niya. "It's only eleven. " Nakapagsabi na naman ako sa Ninong kaya okay lang yan. Besides,
Author: this is Tagalog

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play