hyanxie._.
Nung sinabi nung mga kalaro ko dati na kaya lang ako Top 1 kasi Mama ko yung Teacher Aid tapos sabi nila malalaman talaga kung matalino ako pagdating ng elementary, sabi ko 'okay' pero naiiyak na ako non, kasi pinagtutulungan nila ako, mas matanda sila sa'kin ng ilang taon non, mag-ssix palang ako that time tapos sila mga 7-10+ na syempre iiyak talaga ako kasi feeling ko ako lang mag-isa. Natapos ko ang elementary as Valedictorian, simula nung grade 1 to grade six top 1 ako sa section namin (highest section), nung Grade 7, 9 and 10, top 1 ako sa section namin, nung grade 8 naging top 2 ako overall kasi nabarkada ako. Nung Grade 7 yung totoong section ko dapat is Step (highest section sa High School) kaso nagpalipat ako, kasi 'di kaya ng Mama at Papa ko yung gastusin, tsaka madalas ako ma-late kasi iba yung time ng pasok namin doon, yung pasok ng normal students is 5 am tapos yung Step students is 7 am, e malayo yung lugar namin sa location ng School namin kaya sumasakay pa kami ng tricycle, mga 20 mins na byahe yon, yung mga normal students syempre maraming kasabay sila kaya nakaka-alis agad yung tricycle, e ako lang yung Step student sa lugar namin, so ako lang yung mag-bbiyahe, e yung mga tricycle dito sa'min mga greedy hmp, hindi sila umaalis hangga't hindi Lima yung pasahero kasi sayang daw sa gas, edi ako maghihintay pa ako na may dumating na pasahero, lagi pa ako sinasabihan nung mga driver na bakit daw lagi ako late pumapasok e yung school time daw is 5 am, tapos dapat daw 15 pesos yung bayaran ko kasi namimisaha daw ako na late lagi pumasok, nag-ccutting lang daw siguro ako, sabi ko sa kanila na 'Opo late na po ako nakakapasok kasi dahil po sa inyo, 6:15 nandito na po ako pero hindi niyo po ako pinapasakay kasi kulang yung pasahero, 7 am po yung oras ng pasok ko kasi iba yung oras ng pasukan namin sa mga normal students, half day lang po sila samantalang ako whole day yung pasok ko, 7 am pasukan tapos 4 pm yung uwian namin, and bakit po 15 pesos sisingilin n'yo sa'kin? e student po ako, 10 pesos lang po yung bayad ng mga students diba? bakit sinasabi n'yo na dapat 15 ibayad ko? gusto n'yo po isumbong ko kayo sa Matod (yung sumbungan kapag may reklamo sa mga tricycle driver)? Kaya nung lumipas yung isang Linggo nagsabi ako sa adviser namin na gusto ko lumipat sa regular class kasi ang hirap kapag walang sasakyan and wala kaming ganoong pera panggastos sa mga kailangan sa section (iba kasi talaga yung section ng Step sa normal na section, ang daming gastos ghorl.)