Ps : Im sorry for the short story But hope yuou like it
Sinundan ko siya habang may ngiti sa labi.
Bumuntong hininga siya bago ako hinarap ng makarating kami sa third floor kung nasaan ang classroom niya.
Gusto ko talaga siya.
Napaka tangkad niya. Yung walang ekspresyon na mukha niya. Mga mata niyang sobrang lamig.
Pumasok na siya sa loob ng room niya ng walang sinasabi sa akin kaya nakangiti akong kumaway sa kaniya.
Grade 10 na siya habang ako ay Grade 9.
————
Uwian na.
Nakaabang ako rito sa hagdan dahil maagang natapos ang klase namin.
Nakita ko agad siya kaya masaya akong tumakbo sa tabi niya, bahagya siyang binangga.
Malawak ang ngiti ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.
Ayos na ako kahit walang nagsasalita sa aming dalawa. Gusto ko naman yung ganito. Wag niya lang akong itaboy.
————
Maagang natapos kinabukasan ang klase namin at uwian na.
Sa labas na ko ng classroom nila naghihintay.
Nang makalabas ang guro nila ay rinig ko agad ang mga asaran ng mga kaklase niya sa kaniya.
Bored niya lang akong tiningnan ng makatayo at nilagpasan. Nakangiti naman akong tumabi sa kaniya para sumabay sa paglalakad.
————
Kinabukasan ganon pa rin pero sa pagkakataon na ito ay mali ang classroom na pinaghintayan ko.
Tumalon akong lumipat sa kabilang room kung saan ang room niya.
Recess ngayon at hinihintay ko siya para sumabay sa pagkain.
Bumuntong hininga na naman siya ng makita ako pero hinayaan niya lang akong sumabay sa kanya.
Nang makababa sa building ay agad kong isinukbit ang mga braso ko sa balikat niya dahilan kung bakit bahagya siyang napatalon.
Napatingin siya sa akin kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Hanggang balikat niya lang ako kaya kinakailangan ko pang tumingala para tingnan siya.
Binigyan nya ko ng maliit na ngiti kaya natigilan ako. Pumula ang aking pisngi at kinilig.
————
Ganon ang routine namin sa araw araw hanggang sa dumating ang araw na hindi ko kailanman ginustong dumating.
Pagkaakyat ko sa 3rd floor ay nakita ko siyang may kausap na isang babae.
Nagtatawanan sila habang nag uusap.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Napaka saya niya. Sobrang saya niya kung titingnan.
Mapait akong ngumiti bago lumapit sa kaniya.
Napansin naman niya ang paglapit ko kaya may mahina siyang sinabi sa babae. Tumango ang babae at umalis.
Malamig niya akong tiningnan. Matamis akont ngumiti sa kanya pero agad na nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.
"May girlfriend na ko."
Parang dinurog ang puso ko sa narinig. Nanikip ang dibdib ko dahilan kung bakit hindi ako makahinga.
Tiningnan ko siya.
Mahal ko. Mahal ko itong lalakeng ito. Kahit na tuwing magkasama kami ng walang namumutawing salita, mahal ko siya.
Pilit akong ngumiti ng matamis at tumango.
Masakit.
Tinalikuran niya agad ako kaya nag unahang pumatak ang aking mga luha.
Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso at mahinang sinuntok suntok ito.
Siguro dito na matatapos lahat?
Kailangan ko ng ihinto rito? Oo, kailangan.
————
Fast forward
Linggo at buwan ang lumipas simula ng tumigil na ko.
Unti unti akong nakapag move on.
Masakit pa rin at alam kong mayroon pa pero hindi na ito katulad ng dati, alam ko.
Patungo ako ngayon sa 3rd floor kung saan ako nasanay pumunta tuwing matatapos ang klase namin para puntahan ang isang taong bumubuo sa araw ko noon.
Ang kaibahan nga lang ngayon, pinsan ko na ang susunduin ko para makasabay sa klase.
Dalawang buwan na rin ang lumipas at magtatatlo na. Sana masaya siya. Yun lang naman ang tanging hiling ko kung bakit ako tumigil.
Malaki ang ngiti kong nag hintay sa labas ng classroom ng pinsan ko.
Nag bell kaya agad na lumabas ang guro sa dalawang klase.
Napaayos ako ng tayo at umalis sa pagkakasandal ng pader ng makita ang nakangiti kong pinsan na nakatingin sa akin.
Niyakap niya ako na ikinagulat ko, hindi pinapansin ang mga taong nakatingin ngayon.
Natatawa akong umalis sa pagkakayakap.
Ginulo niya ang buhok ko kaya inis kong tinampal yon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumapo ang tingin ko sa taong nakatingin sa amin ngayon sa kabilang classroom.
Malamig siyang nakatingin sa akin. Madaming nagbago sa kaniya kung titingnan.
Kahit rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko alam kong hindi na pwede, ngumiti pa rin ako.
Napaiwas sya ng tingin dahil ron kaya mahina akong tumawa.
Nasaan na kaya ang girlfriend nya? Baka susunduin niya pa? Hindi niya ba kaklase yon?
Nagkibit balikat na lang ako sa sariling tanong.
Inakbayan ako ng pinsan ko at hinila na paalis.
Hindi ko na nabigyan pa ng pagkakataon para lingunin o tingnan man lang ang lalakeng halos tatlong buwan ko ding hindi nakita.
Ayoko na mang gulo. Tama na yung dati.
Tama na.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play