Hindi natin alam ang mangyayari sa darating na bukas. Kaya dapat maging aware tayo sa mga gagawin at magiging desisyon natin sa buhay.
Ito ako ngayon nakamukmok na naman sa kwarto, hawak ang cellphone, nagbabasa. Mamaya pa kayang alas singko ng hapon ang pasok ko. Ayy oo nga pala College student na ako, kumukuha ng kursong Bachelor of Elementary Education, Yes po! General Education ang major ko mahilig kasi ako sa mas bata sa akin este sa mga bata..Hahahha
By the way, Graduating na po ako at nagpapractice teaching na kaya busy na din netong mga nakaraan at sa mga darating pang bukas. Masaya naman ang takbo ng aking buhay, bahay, school lang ang ganap. Minsan gumagala kami kasama ang aking mga kaibigan para mag relax naman.
Pero sa hindi inaasahan may nakilala akong babago sa aking buhay.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play