***litmatch maganda basahin diba?magandang pakinggan?pero dito ko rin pala mararanasang masaktan,sa unang pagkakataon ng aking buhay natutunan kung magmahal,pagmamahal na kala ko ay magtatagal,saan nga ba ito nagsimula? ako si Nataniel Padilla jr. nagsimula ang aming kwento sa litmatch na turing ng ibay napakagandang buksan,napakagandang gamitin pero sa aking tingin ito lamang ay isang app na kung saan maraming puso ang pwedeng masaktan,at ito rin ay aking naranasan sa isang taong aking minahal ng tudo.
Sa una nating pagkikita akoy nabighani sa iyong napakagandang muka na tila ba ay kinuha ang aking hininga ito ata ang sinasabi nilang love at first sight hahaha,di ko nga lang alam kung anong tingin mo sa gaya ko,akalain mo nagkakilala lang tayo sa litmatch ngayon magkasama na tayo nagtatawanan kumakain at naglalakad alam ko at napapansin ko siguro hinuhusgahan na tayo ng iba sino nga bang di magtataka kung 2lalaki ang magkasama na tila ba ay may namamagitan sa kanila,kahit na ganun di ko ikakahiya ang pagmamahal na meron ako para sayo,ikaw ano bang tingin mo syempre di ko naman nababasa isip mo?,sana nga lang di ka nagsasawa sa aking kakulitan,labis lang kitang mahal aking sinta. 2month na tayo tayong magkakilala nung pinakilala kita sa mga magulang sa pangalan mo nga lang at kung anong meron tayo,nagtapat na rin ako sa kanila kung ano ba talaga ako at salamat sa diyos tinanggap nila ako sabi ko ipapakita kita sa kanila paggraduation tuwang tuwa na ako nun,nanligaw ka nun napakatagal na panahon dahil nga di ko na kaya pang pigilan ang aking nararamdaman sinagot kita nun,dun pala magsisimula ang ating di pagkakaunawaan,di pagkakaintindihan at ang simula ng pagguho ng pagmamahalang matagal nating itinayo,isa akong sensitive na tao at ikaw naman ay isang insensitive ang kailangan ko lang naman ay ang iyong pagmamahal at ang iyong atensyon at dahil nga sa tingin mo masyado pa tayong immatured,gusto mong tapusin ang kung anong meron tayo,bakit tatapusin kong pwede naman tayong magkasabay na maging mature diba? bakit kailangan tapusin kung pwede naman tayong matutu sa isat isa,kung may pagkukulang ako handa ko naman gampanan at gawin ang mga bagay nayun,kung may pagkakamali ako handa ko naman itama pero sumuko ka,dahil sa kagustuhan mong sumuko akoy iyong napaatras at gumaya sa iyong pagsuko,mahal na mahal kita sa pagmamahal ko sayo binabaan ko ang pride ko hinabol kita pero parang wala na lang ako sayo,hinarangan mo ang aking pagchat sayo sa fb di na rin tayo naguusap sa litmatch kung saan nagsimula lahat ng ito masyado ata akong napamahal,dahil dun pati sarili ko pinapabayaan ko na rin di ko ba alam sa dami dami ng tao saiyo pa ako nagkainteresado.
Ikaw at ikaw ang aking kauna unahang taong minahal ikaw din pala ang pinakaunang taong sumira at magpadurog sa napakaliit kong puso na pangalan mo lamang ang laman ,nagumpisa akong maniwala na ang pagibig ay hindi para sakin para akong pagong na humahabol sa katulad mo,pagong sa isang malaking karagatan,pagong na gusto lamang makahanap ng katulad ko, pagong na naghahanap ng totoong pagmamahal,ang hinahanap ko lang naman ay isang pagong rin na handang maglakbay sa isang karagatan ng dahan dahan at mabagal kung saan tayong dalawa ay di nagmamadali pero isa ka palang isda,isda na para rin sa katulad mong isda. Naluluha ako pagnaalala ko ang mga bagay na masasaya nating ginawa pero mahal akoy bibitaw na rin dahil sa dulo tayo ay dalawang tao na makakahanap din ng para satin,sana sa araw na tayo ay muling magkita parehas na dapat tayong masaya,"mahal I wish na happy ka palagi and kahit na di naging happy yung ending natin naway matumad mo yung mga dreams mk in life and I want to see you have a beautiful family someday or having someone na mamahalin ka unconditionally 😊"
this chapter is true story (the story of my crush and his ex lover)
Download NovelToon APP on App Store and Google Play