10 years ago.....
Abala ang dalagitang si Alisha sa pamimitas ng buto ng kape sa lupain ng mga Montecarlo, dahil araw ng sabado at wala naman siyang pasok kaya ginugol nalang niya ang kanyang sariling tulungan ang mga magulang niya sa pag aani ng mga tanim sa bukirin, nang sa gayon ay mayroon din siyang magawa kahit kaunting bagay man lang para sa mga ito na pawang mga tauhan dito.
Sa buong buhay niya'y nakaikot ang kanyang mundo sa gawain ng bukirin at ang pagpasok niya sa pampublikong paaralan sa bayan.
Napakahalaga nitong lugar para sa kanya at sa mga mamamayan ng Sta. Lucia dahil dito nakataya ang kanilang pang araw-araw na kabuhayan, isa pa napakaganda ng bukirin at nanatili ang kadalisayan kahit na sa panahong ito na kadalasan lahat ng mga tao ay mga makamoderno't makabago.
Isama na natin ang kabaitan ng matandang si Senior Eugenio na nag mamay-ari ng lupain na kanilang sinasaka. Isa sa dahilan kaya napamahal na ang lahat ng mamamayan ng Sta. Lucia.
Ang mga Montecarlo ang nagbigay sa kanila ng libreng tahanan. Kaya malaki ang utang na loob nila sa mga ito, hangga't kaya pa nilang magserbisyo sa pamilya Montecarlo ay gagawin nila masuklian lang ang kabaitan ng mga ito.
Para sa dalagita hindi lang dahil sa kabaitan ng pamilya ng mga Montecarlo kaya mahal niya ang lugar na ito kundi ito rin ang nagsisilbi niyang inspirasyon sa kanyang pag-aaral, mahal niya ang lugar.
Dito siya lumaki, araw araw niyang nasisilayan ang mga magagandang tanawin rito, kaya hindi siya makapapayag na masisira ang magandang tanawin at kalikasan na kanyang kinalakihan.
Pangarap niya makapagtapos ng kolehiyo at maging isang bantog na veterinarian, dahil gusto niya balang araw maging personal veterenarian ng hacienda Montecarlo.
Kaya ngayong gagraduate siya ng highschool balak niyang mag working student upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral at tagumpay niyang makamit ang kanyang pinapangarap.
"Hoy anong iniisip mo diyan, at kay layu-layo ng paningin mo?" isang malakas na boses ang nagpabalik ng diwa ni Alisha sa kasalukuyan.
Mabilis niyang ipinapatuloy ang nahinto niyang kamay sa ere at pinitas ang isang kumpol na buto ng kape.
"Huwag mong sabihin iniisip mo kung paano ka makapunta ng buwan o kaya iniisip mo ang crush mo?" wika na may halong tuksong pahayag ni Jean sabay tawa ng malakas sa kanya.
Si Jean ay kababata niya at gaya din niya't pawang trabahador ang mga magulang nito sa Hacienda.
"Magtigil ka nga Jean, ang layo ng hula mo," saway niya sa kaibigan. Humalakhak lalo si Jean.
"Ikaw naman, hindi kana mabiro kaya ang sarap mong tuksuhin eh", pahayag nito sa kanya sabay pitas ng kape, " Ano ba kasi ang iniisip mo ha," patuloy na usisa nito sa kanya.
"Nag-iisip ako kung paano ako makapunta sa kolehiyo, pangarap ko talagang mag kolehiyo eh," ani niya sa kaibigan na patuloy na namimitas ng kape.
"Oo nga ako din gusto ko, paano naman ako makapag aral kung ganito lang ang estado ng buhay ko," wika ni Jean sa kanya sabay pakawala ng isang malalim na hininga. "Siguroy habang buhay nalang akong mamimitas ng kape."
"Maghanap tayo ng paraan, baka merong scholarship subukan nating ipasa ang pasulit baka may tyansa tayo," kumbisi niya sa kaibigan.
"Oo sigurado akong makapasa ka, ikaw kasi ang pinakamatalino sa klase natin, eh ako naku huwag nalang," nalulumong pahayag nito sabay kibit balikat at kamo abalang abala sa pagpamitas ng buto.
Nagpatuloy narin siya sa kanyang ginagawa hindi niya masisi si Jean kung ganoon nalang ito mag-isip. Mababa kasi ang mga marka nito.
"Alisha! Jean!" sigaw ng isang binatilyong si Tanny, isa sa kasamahan nila sa bukirin, gaya nila anak rin ito ng isang trabahador ng mga Montecarlo. Patakbo itong lumapit sa kanila.
Sabay silang tumigil sa pamimitas upang salubungin ito.
"Bakit ba Tan, parang atang hinahabol ka ng asong ulol ah kung makatakbo?" ani ni Jean sa binatilyo.
"Kasi nga may narinig akung balita," ani nito na naghabol ng hininga.
"Ano naman?" tanong ni Jean.
"May magandang balita nga, hindi na nga ako makapaghintay na sasabihin ito sa inyong dalawa."
Bahagya siyang kinabahan sa narinig niya kay Tanny.
"Narinig ko kasing kausap ni Senior Eugenio ang mga magulang ninyo," ani ng binatilyo.
"Ano nga, sabihin mo na" sabik na ani ni Jean halatang hindi na makapahihintay sa balita.
"Sabi kasi ng Senior magbibigay siya nang libreng paaral sa kolehiyo sa mga anak ng mga tauhan na ga graduate ngayon taon".
Napamulagat siya sa narinig, totoo ba, kung hindi siya nagkamali sila lang ni Jean ang ga-graduate ngayong taon ng highschool, bali silang dalawa ang mabigyan ng libreng paaral kasi si Tanny ay 2nd year pa lamang, at ang iba'y mga elementarya pa lamang.
Ang saya niya sa kanyang narinig pero nahihiya siya. Sa sobrang bait ng kanilang amo wala na siyang ibang hinahangad. Sobrang laki na ang kanilang utang na loob sa matanda .
Noong nagkasakit ang kanyang ama'y sinagot nito ang bayarin ng ospital at hindi man lang pinabayaran kahit ni isang sentimo o kaya kahit man lang ginawang kaltasan ang sahod ng ama niya.
Taos puso itong tumutulong sa taong nangangailangan. Kung tama man si Tanny sa kanyang narinig nahihiya siyang tanggapin ang alok nito. Pero kung gagamitin niya ang hiya hindi siya aasenso kaya kailangan sunggaban niya ang malaking opportunidad.
-------
KINABUKASAN maagang nagising si Alisha. Dahil araw ng linggo ugali niyang magsimba sa bayan, kaya maaga niyang hinanda ang sarili para dumalo sa mesa.
Mga kalahating oras niyang lakarin iyon mula sa kanilang tahanan upang marating ang bayan. Mas minabuti niyang agahan at makapagsimula na sa paglalakad.
Mabilis siyang bumaba pagkatapos niyang nag ayos, naglagay lang siya ng kaunting pulbo sa kanyang mukha at bahagyang inayos ang kanyang alun-alon at kulay kapeng buhok na hanggang baba ng balikat ang taas at nagsuot siya ng simpleng bestida.
Kung tutuusin hindi rin naman siya nahuhuli kung pagbabasehan ang ganda.
She's simple yet very attractive, may halong kastila ang kanyang dugo namana niya iyon sa kanyang ina na ang ama ay purong kastila.
She had those slender body at katamtamang taas kahit na she' s still at her 16, at mapuputing balat na kung kahit bilad siya sa araw dahil sa trabaho sa bukirin ay bahagyang lang namumula iyon.
Minsan kinukuha siya bilang representative sa isang pageant pero inaayawan niya ang mga iyon. Kontento na siya sa kanyang simpleng pamumuhay, ang gusto lang niya ay makapagtapos at manatiling magserbisyo sa pamilyang Montecarlo.
At mas lalo niyang pagbutihin ang kanyang serbisyo dahil na rin sa binigay nitong libreng paaral sa anak ng mga tauhan nitong gustong makapagtapos. Kaya ngayon sa pag sisimba niya'y ipagpapasalamat niya sa poong may kapal ang kabaitan ng Senior dahil sa taos puso nitong pagtulong sa nangangailangan.
Malaya niyang narating ang simbahan dahil araw ng linggo maraming taong nagsisimba, mabilis siyang pumasok sa loob, halos wala ng bakanteng upuan kaya nakipagsiksikan siya sa isang upuan.
Buti nalang at hindi pa nagsisimula ang pare sa pagmemesa.
Mayamaya'y nagsimula na ang mesa, nagtayuan na ang mga tao, at sumabay narin siya.
Nang aksidente siyang napalingon sa kanyang katabi, dahil pansin na pansin niya ang bango na gamit nitong mamahaling perfume.
Nang napuna niya kung sino, bigla nalang huminto ang inog ng kanyang mundo, sa tanang buhay niya ito lang ang nakitaan niya ng napakagandang pares ng mga mata, mapupungay'ng mga mata.Katamtamang taas ng ilong at binagayan ng mapupula at maninipis na mga labi.
Halatang lahat ng mga babae sa loob ng simbahan ay nakaw sulyap sa binatilyo. At alam niya kung sino ang binatilyong katabi niya.
Isa siya sa miyembro ng pamilya Montecarlo si "Rio".
Pero ito ang unang pagkakataon na natitigan niya ito sa malapitan. And yet kahit na mangarap siya hindi rin niya ito maaabot, it's better to look straight forward kaysa iispin niya ang mga walang kwentang bagay.
Kaya inignora nalang niya ang kanyang paghanga at sadyang ibinaling ang atensiyon sa altar.
Dalawang oras ang nakalipas ay natapos na ang mesa kaya nagsiuwian na ang mga tao.
Mabilis siyang lumabas ng simbahan upang makahinga dahil sa bilis ng tibok ng kanyang dibdib, hindi niya naintidihan ang kanyang naramdaman, kaya minabuti niyang lumayo na kaagad sa lugar na malapit kay Rio.
Mabilis na hakbang ang kanyang ginawa, gusto na agad niyang makauwi sa kanilang bahay.
Hindi niya napuna na may nakasunod na sasakyan sa kanyang likuran. Malakas itong bumusina dahilan upang mas lalong lumindol ang dibdib niya, maagap din siya't tumabi sa gilid ng kalsada upang pagbigyang daan ang sasakyan.
Pero huminto ito sa tabi niya at biglang bumukas ang bintana ng sasakyan sa passenger seat sa likuran, tumambad sa kanya si Senyor Eugenio.
"Alisha," tawag sa kanya ng matanda medyo kulubotin na ang mukha nito pero halata parin ang kagwapohang taglay nito.
Alam na alam kasi nito ang pangalan niya kasi isa ang magulang niya ang inatasang mamahala sa ilang bahagi nang lupain nang Hacienda Montecarlo lalo na sa mga kabayo doon nakabase ang kanyang ama.
At palagi siya nitong nakikita sa kuwadra ng kabayo, madalas kasing sumasabay siya sa kanyang ama sa tuwing mangangabayo ito.
Kaya marunong narin siyang sumampa ng kabayo at kilala bilang isang pinakabatang racer sa baryo nila. Sa tuwing may pyesta hindi talaga makaligtaan ng Montecarlo ang patimpalak sa pagsampa sa kabayo, at palagi siya ang kampyon sa nasabing paligsahan. At miminsan narin niyang natalo ang binatilyong si Rio.
"Magandang araw po Senyor," agad niyang bati ng marinig niya ang boses nito..
"Halika sumabay kana, malayo pa ang lalakarin mo bago mo marating ang bahay," imbita ng matanda sa kanya.
"Huwag na po, okay lang po ako, parte narin po ito sa ehersisyo ko," pabirong pahayag ng dalaga.
"Halika ka na , huwag kanang mahiya ito talagang batang ito para ka na ring parte ng pamilya kaya halika na," pilit ng Senyor sa kanya kaya wala na siya nagawa at sumunod rito.
Bahagyang bumukas ang passenger seat katabi ng driver seat kaya mabilis siyang tumalima at pumasok sa loob.
"Diyos ko po," sambit niya sa loob loob.
Paano naman kasi si Rio pala ang nagmamaneho ng magarang sasakyan na kinalululanan niya at ang nakakaba katabi pa niya ito.
Mayamaya nagsimula ng umandar ang magarang kotse.
Rio is silent type person.
Hindi man lang niya narinig na nagsalita ito. Nakafucos lang ang atensiyon nito sa pagmamaneho.
Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Kanina pa siya halos mabingi sa lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Hindi niya maiintindihan kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng kanyang dibdib sa oras na iyon.
Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
Bahagyang tumikhim ang matanda sa likuran, na lihim niyang ipinagpasalamat.
"Anyway Iha, alam mo na ba kung ano ang gusto mo kuhaning kurso sa susunod na pasokan?" tanong ng senior sa kanya.
"Oo nga Senyor gusto ko po talagang kumuha ng veterenary, at saka salamat talaga sa binigay ninyong libreng paaral po."
"Nabanggit nga sakin ang iyong ama na gustong gusto mo raw ang kursong iyan, maganda ang iyong naisip at balang araw ikaw na ang aking kuhaning personal veterenerian sa alaga kung mga hayop." pahayag ng matanda.
Napansin niyang nagmamasid lang si Rio sa kanilang pag-uusap.
Ewan at parang wala man lang itong pakialam. Bahagya lang siyang tumango.
"Ikaw Iho anong plano mo?" Baling ng matanda sa apo.
Naku hindi na siya makapaghintay marinig ang boses ng binatilyo.
"I am still thinking about it!" matipid na sagot nito na hindi parin nawala ang atensiyon sa pagmamaneho.
Isang malakas na tawa ang pinakawala ng matanda.
"Ikaw talagang bata ka wala talaga kay Alisha, in her young age she had already a plan for her life unlike you, I wish Alisha is my grandaughter I like the way she think," wika ng matanda.
Ewan ba niya kung namalikmata siya dahil sa pagtiim bagang ng binatilyo dahil sa sinabing iyon ng matanda. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pahigpit na hawak nito sa manibela.
Mayamaya'y nakita na niya ang kawayang bakod ng kanilang munting tahanan. Nilakasan niya ang kanyang loob upang makapagsalita.
"Dito nalang po ako Seniorto Rio," ani niya. "Sige po Senyor, salamat po," pagkasabi niyon, mabilis siyang tumalima ewan ba niya't sa pagmamadali niyang bumaba hindi niya napansin na ang seatbelt ay naka attached parin sa kanyang katawan, kaya mabilis na hinawakan ni Rio ang kanyang braso at dahan dahang kinalag ang seatbelt sa kanyang beywang.
Sa pagkakahawak ng binata sa kanyang braso para siya himatayin sa kaba.
Na parang kung anong init na sensasyong dumaloy sa kanyang mga ugat.
"Careful," bulong ni Rio na halos madikit na ang labi sa kanyang tainga, ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito.
Pagkatapos niyon mabilis siyang bumaba at sinara ang pinto. Ilang segundo rin siyang nakatulala sa bukana ng kanilang bakuran.
------
"Alisha!" napitlag siya sa isang malakas na boses na tumawag sa kanya, si Jean.
Nilingon niya ito.
"O ano na naman?" ani niya habang abala sa pagliligpit ng mga pinggan na kinainan ng kasamahan nilang trabahador.
Sabay kasi silang mananghalian, mag ipon ipon silang lahat ng tauhan sa ilalim ng malaking puno ng manga.
Meron din naman silang ginagawang malaking mesa na yare sa kahoy. At doon sila magtipon tipon tuwing tanghalian.
Pagkatapos, silang dalawa ni Jean ang naatasang magligpit ng hapagkainan at lahat ay nasipagbalik na sa kanilang gawain kasama narin ang kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay andoon narin sa ibang bahagi ng taniman ng bukirin.
"Ang gwapo ni Seniorito Rio oh," ngusong turo ni Jean sa binatilyo na nakaangkas sa itim na kabayo.
Napadaan ito malapit sa kanilang kinatatayoan.
Muling bumilis ang tibok ng puso niya ng sandaling nagtama ang kanilang paningin. Pero bakit ganun? para itong walang nakita. Kaya agad siyang nagbawi ng paningin. Napahiya siya sa kanyang sarili.
"Pakiramdam mo kasi close na kayo ng dahil lang nakasakay ka lang sa kotse nila," pangaral niya sa kanyang sarili.
Namula ang kanyang pisngi sa isiping iyon.
" Ang gwapo talaga ni Seniorito ano", buong paghangang bulalas ni Jean nang tumalikod na ang binata na nakasampa sa kabayo.
Mabilis siyang tumalikod at nagpatuloy ang pagligpit upang maitago ang kanyang namumulang pisngi.
"Hoy! Alisha nakita mo ba? Tumingin siya sa gawi dito!" wika nito na kilig na kilig.
"Magtigil ka nga Jean, tulongan mo kaya ako rito nang matapos na tayo," saway niya sa kaibigan.
"Oo na ang killjoy mo talaga," padaskol naman itong tumalima at sumunod sa kanya.
Dala dala nila ang batya na puno ng hugasing pinggan patungo sa batis. Nakagawian na nilang maghugas sa batis matapos mananghalian ang lahat. Malaya nilang nilakbay ang mabato at madamong daan patungo sa ilog.
---------
"Wow Alisha, ang lamig at ang sarap maligo!" bulalas ni Jean na mabilis na inilapag ang batya at ngtampisaw sa tubig.
Ang batis na ito ang pinakapaborito niyang lugar sa buong bukirin, dito malaya niyang magawa ang kanyang gusto. Pakiramdam niya gumagaan ang kanyang isipan.
Animo'y kay sarap pakinggan ang bagsak ng tubig mula sa itaas ng talon.
Ang daloy nitong kay linaw.
Hinding hindi siya magsasawang panuorin ang daloy ng tubig na animo'y sumasayaw at sumasabay sa huni ng ibon sa kakahoyan. Nawa'y dama niya iyong kalayaan na parang nakalutang siya sa alapaap sa tuwing napagawi siya lugar na ito.
Napamahal na siya rito, kaya kahit anong mangyayari papanatiliin at papanatiliin niya ang lugar na ito.
Masakit isipin na balang araw magising nalang siya wala na ang kadalisayan at kagandahan ng tanawin sa lugar na ito.
Baka isang umaga'y magising nalang silang mamamayan na puno na ng gusali at pabrika ang lugar na ito.
Iyon ang kinatatakotan ng lahat at mas lalo na siya. Mahalaga sa kanya ang lugar na ito dahil dito siya ipinangak at lumaki, bahagi narin ito ng buhay niya.
Kaya kahit anung mangyayari ang lugar na ito ay dapat manatiling dalisay at maganda. Lahat ng tao ay naka depende ang pamumuhay sa bukiring ito.
Isang malakas na tampisaw ng tubig ang gumising sa diwa niya.
Ayon at malayang lumalangoy si Jean sa batis paroon at parito na animo'y wala kapaguran.
"Naman Alisha, ano ba't kay lalim iyang iniisip mo?" saway nito sa kanya na halos hindi na niya marinig ang boses dahil sa lakas ng bagsak nang tubig mula sa itaas ng talon. "Maligo ka nga lang at mahismasan ka," alok nito sa kanya.
"Baka pagalitan pa tayo ni Inay dahil matagal tayong nakabalik,"wika niya.
"Naku! Ano ka ba si aling Meling ba kamo magagalit?" tumawa ito ng palatak, tinutukoy nito ang ina niya."Ni minsan sa buhay ko hindi ko pa nakita ang Inay mong nagalit, kaya relax kalang diyan, bakasyon din naman, e-enjoy na muna natin ang sarili natin dahil sa susunod na buwan, sunog kilay na ulit tayo.
Kaya hindi narin niya napigilan ang sarili at nakisali narin siya sa kanyang kaibigan na naliligo sa batis.
Iniwan niya ang kanyang suot na pang ilalim na sando at short pagkatapos hinubad ang kanyang t-shirt at sumabay narin siya sa kaibigang tuwang tuwa na naliligo sa malinaw na tubig.
Hindi nila alintana ang lamig. Masaya silang nag uunahan sa paglangoy paroo't parito.
------
HINDI pansin ng mga dalagita na may mga mata palang nakamasid sa kanila. Nakakubli sa malaking puno ng kahoy.
"Damn that lady!" mura ng binatilyong si Rio nang makita ang dalawang dalagitang masayang nagtampisaw sa tubig batis.
Puno ng masayang halakhak at tawanan na animo'y parang musika sa kanyang pandinig.
Alisha have those sweet and innocent smile. And those innocent look na mas lalong nagpaganda at nagpatingkad sa kanyang hitsura at mukhang hindi kayang saktan kanino man but then.....isang tiim bagang ang rumihistro sa mukha ng binatilyo.
-----
MAHIGIT kalahating oras narin silang nagtampisaw ni Jean sa tubig kaya naisipan niyang umahon, nanlalamig na ang katawan niya, iniwan muna niya si Jean na abala sa paglalangoy.
Umupo siya sa nakausling malaking bato, malaya niyang natanaw ang kaibigan sa di kalayuan.
Mayamaya'y napansin niyang parang may mga matang nakamasid sa kanya.
Biglang nanayo ang kanyang balahibo sa pakiramdam na iyon.
May narinig siyang mga yapak galing sa kanyang likuran.
Bigla siyang napayakap sa kanyang sarili. Kinabahan siyang bigla. Mabilis siyang tumayo't hinarap kung sino man ang nasa likuran niya.
Napamaang siya nang makilala kung sino ang mapangahas sa taong nakamasid sa kanila.
"R-Rio?" hindi niya magawang lagyan ng himig, ang pagkasambit sa pangalan nito.
Mas lalong bumundol ang kaba sa kanyang dibdib, ng masilayan niya ang nanlilisik nitong mga titig sa kanya.
At bigla nalang ito nagpakawala ng nakakalukong tawa.
"Look what I have here", ani nito.
"S-seniorito R-rio," kanda bulol na wika niya sa kaharap.
"Ito ba ang sinabi na isang masipag na bata? I doubt about it," ani nito na hindi parin binitawan ang titig nito sa kanya.
Sa narinig niyang iyon, hindi siya manhid upang hindi maramdaman na hindi siya gusto ng lalaking kaharap.
"I think my grandfather is too much, and makes me wonder bakit ganun siya kabait sa pamilya mo," patuloy nito.
"Sen-," hindi niya nagawang ipagpatuloy ang sasabihin.
"Enough I don't need an explanation, ano ba ang plano mo? act to be good sa harapan ng aking abuello, para makuha mo ang loob niya at magising nalang kami isang umaga pag aari mo na ang lupaing ito?" ani ng binatilyo sa kanya na nanlilisik ang mata sa galit.
Ano ba ang ginawa niya at bakit ganun nalang ang galit ni Rio sa kanya. Sinuklian lang naman niya ang kabaitang ibinigay ni Senior Eugenio sa kanila.
"Kaya if you have a plan to seduce him, I will make it impossible for you!" pagkasabi niyon mabilis itong tumalikod, sabay sampa sa kabayo at mabilis iyong pinatakbo.
Naiiwan siyang nakatanaw sa binatilyong papalayo.
Ni isang salita walang namutawi sa kanyang bibig.
Iniisip nito na gusto niya ang lolo nito, at gawing daan upang yamaman.
Pero hindi, sinuklian lang niya at ginawa ang nararapat, at bilang isa sa pinakamalapit na tauhan, iyon ba ang dahilan para isipin iyon ng binatilyo?
Ganun na ba siya kababa para isipin iyon ng tanging apo ng Senior? Katanungang hindi niya magawang sagutin, tanging si Rio lang ang makakasagot niyon.
Mayamaya' y naramdaman nalang niyang may mga init na likidong dumaloy sa kanyang pisngi.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play