~Lincoln Pov
Hi I'm Lincoln Lopez 20 y/o I'm 4th year collage I'm scholar in Sky University one of the most popular school, I'm working student, I work as a barista in a cofee shop my friend dad is the person who own this cafe that's why naging madali ang paghahanap ko ng trabaho.
Habang ako ay gumagawa ng mga order ng mga customer ay narinig ko ang mga kapwa ko empleyado na na nagbubulungan.
"Nabalitaan mo na bang iba na ang magiging amo natin simula bukas?"
"Oo,May naririnig ako tungkol dun sa bago nating amo wala daw nagbabalak kumalaban don wala din daw yung sinasanto kahit magulang niya"
"true ka dyan,Gwapo daw pero masama daw ang ugali"
"Matthew daw ang pangalan"
"Hayssst,pagnakita ko yon at malaman ko ngang tama ang mga narinig ko mag ri-resign na agad ako"
"Agree"
Hindi ko nalang pinapansin ang sinasabi nila tungkol sa bago naming amo ang iniisip ko lang eh bakit hindi naman sinabi ni Marco na hindi na sila ang may-ari nitong coffee shop,Bahala na nga Ta-tanong ko nalang sa kanya mamaya.
Gabi na at kumain nadin kami ulit ng aking mga kasamahan sa trabaho, Parati kaming kumakain ng sabay-sabay tuwing lunch na.
Ilang oras na ang nakalipas at uwian na naming mga empleyado, 7:00 pm ang uwian namin, naghahanda na ako upang umalis.
"Ate Anikka una na po ako" sigaw ko Kay ate Anikka, Si ate Anikka ang una kong naging kaibigan dito sa trabaho.
"Sige mag-iingat ka ha" bilin nito sa akin.
"Opo, kayu din Po" sagot ko naman.
Araw-araw akong pumapasok sa trabaho ngunit nag-iba lamang ang schedule ko dahil nag-aaral ako.
Night ship ang pasok ko tuwing lunes hanggang biyernes at simula Umaga hanggang gabi naman ang trabaho ko tuwing sabado at linggo.
Kinuha ko ang earphone ko at nilagay ko sa Isa Kong tenga ang Isa kong earphone ko at ang cellphone ko naman ay inilagay ko sa bulsa ko ng hoodie nasanay akong isa lang na earphone ang ilalagay sa tenga ko, in case may tumatawag sa akin sa paligid alam nyo na para marinig ko namn kahit papaano.
Naglalakad ako papunta sa estasyon ng bus para makauwi na ako umupo muna ako at tumingin sa paligid may ibang mga tao din ang maghihintay ng bus kaya't Hindi ako nag-iisa dito, Mga ilang minuto ay may dumating naman na bus at sumakay na ako at sumakay na din yung mga taong kasabay ko maghintay kanina
Nasa byahe parin ako dahil traffic na naman karamihan sa mga taong nagtatrabaho ay ganitong oras ang uwian.
Dahil sa kaboringan ay binuksan ko na lamang cellphone ko at nagii-scroll sa FB.
Bigla ko naman naalala ang usapan nang dalawang kapwa ko empleyado kanina sa trabaho,totoo Kaya Yun,Hindi ko na din natanong Kay ate Anikka dahil sa dami ng tao kanina sa coffee shop.
Gusto ko sanang tawagin si marco ngunit Wala ako sa mood makipag-usap Kaya bukas na lang magkikita naman kami sa school.
Na bored naman ako sa sa pagii-scroll sa FB kaya't napagisipan ko na lamang ipagpatuloy ang pagpapatugtog kinabit ko ulit ang earphone sa tenga ko at kagaya ng kanina Isa lamang ang kinabit ko.
Binuksan ko naman ang katapat Kong bintana ng bus dahil naiinitan ako.
Pagbukas tumambad sa akin ang napakagandang sasakyan katapat lamang ng bintana Kung saan ako nakaupo.
Kaya pala tumitingin ang ibang pasehero ng bus na toh sa labas kasi may magandang sasakyan silang nakita.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang kotse, tinted ito kaya't Hindi Kita ang loob pero sigurado akong sobrang ganda nito sa loob.
Napansin ko namang umaandar na ang bus Kaya't sinarado ko na ang bintana.
Mabuti Naman ay tuloy tuloy na ang andar nito hindi katulad kanina na putol putol.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay napansin ko ang magandang sasakyan na nakita ko kanina.
Kung Hindi ako nagkakamali eh parang sinusundan ako nito, bigla naman akong kinabahan sa iniisip ko at winaksi nalang ito, Sino ba naman ako para sundan nito Kung sino man to Wala Naman akong kaaway.
Napansin ko parin na parang sumusunod talaga tong kotseng to Kaya't lumiko muna ako sa may posteng Hindi kasya Ang kahit anong sasakyan may daan din Naman dito papuntang bahay at bigla nalang akong tumakbo.
Mga ilang minuto nasa tapat na ako ng bahay na tinitirhan ko.
Pagkapasok ko sa bahay namin ay ni lock ko na ito at dumiretso sa kwarto nag half bath narin ako dahil Hindi ako makatulog pag Hindi ako nakakapag half bath o maligo manlang.
Dumiretso na ako sa Kama ko at napagpasiyahan ng matulog araw-araw namang ganto ang ginagawa ko magtatrabaho kasabay ng pag-aaral tapos uwi na.
Wala na akong kasama sa buhay si mama ay mamatay noong 10 y/o pa lamang ako dahil sa stress at depression.Si papa Naman ay Hindi ko kilala Hindi Kasi nag ke-kwento si mama at si Lola sa akin tungkol sa aking ama.
Sa panahong iyon ay kami na lamang ni Lola ang magkasama na mamuhay.
Namulat ako noon sa reyalidad at nagtrabaho ng maaga habang ako'y pumapasok sa paaralan para sa amin ni Lola nagtatrabaho ako noon sa bakery Malaki ang bayad doon at mas lumaki pa pagdating sa akin dahil ako daw ay masipag na sa aking murang idad 5k ang bayad sa akin noon sa isang buwan. Ginawa ko iyon para sa aming pang araw-araw na buhay ni Lola.
Ngunit nung isang buwan ay binawian si Lola ng buhay wala namang sakit Ang Lola ngunit dahil raw ito sa katandaan. Tungkol Naman sa asawa ni Lola which is si Lolo ay binawian daw ito ng buhay dahil sa sakit sa puso noong 3 y/o pa Lamang ako.
Magkasama na sila ni mama,lola at lolo sa itaas.
_______________________________
•End of Chapter 1
~Lincoln pov
Panibagong araw na naman, saktong 5:00 ako nagising, mga ilang minuto ang dumaan ay tapos na ako sa pagkain at pagligo, nagsuot na ako ng uniform at naghanda na sa pagpasok, Nasanay na akong pumasok ng ganitong kaaga.
Maglakad ako papunta sa sakayan at sumakay muli sa bus.
Mga ilang minuto ang lumipas nasa school na ako, sobrang ganda parin dito grabe, Hindi talaga ako makapaniwala na nakapag-aral ako dito.
Pumasok na ako sa gate at ipinakita sa guard ang I'd, Isa sa rason ko Kung bakit maaga akong pumapasok eh nasa akin ang susi ng room namin.
Nasa tapat na ako ng room namin medyo paliwanag na naman ang araw, padami ng padami ang mga tao sa room namin, time check 6:50 Wala parin ang hinihintay kong tao, na saan na Kaya Yun.
Mga ilang minuto ang lumipas at dumating na ang kaibigan kong hinihintay,si Marco.
"Marco" agaw pansing tawag ko dito.
"Oy!Lincoln....hi!"
Umupo ito sa tabi ng upuan ko.
"Iba na daw ang ang may-ari ng coffee shop?" Tanong ko, matagal syang napatitig sa akin.
"Oo pasensya na hindi ko nasabi agad, ang dami kasi naming problema yung kompanya namin nalulugi na pati narin Yung coffee shop nadamay, sorry ha" sagot nito
"Huwag ka nga mag-sorry, para Kang sira, okay Lang Yun" patawa kong sambit.
"Hindi sorry talaga tutulungan kitang humanap ng trabaho"
"Ha bakit? Ipapagiba ba nila yung coffee shop?" Tanong ko muli.
"Hindi, Hindi." sagot nito.
"Masama ang ugali ng taong bagong nag mamay-ari nung coffee shop, nakakinis kasi na pati yung coffee shop idinamay nya, pinaghirapan kaya yun ni Mommy" dugtong nito.
Nalungkot naman ako sa sinabi nito, Oo nga naman batkit idinamay pati yung coffee shop.
"Mabuti pa mag-resign ka na hanggat maaga pa" Sabi muli nito.
"Hindi na talaga kasi sa amin ngayon iyon" dugtong muli nito.
Bigla namang dumating si ma'am Kaya't umayos na kami ng upo mgumiti Naman ako sa kanya bilang pag sang-ayon sa dito. Mabuti nalang na mag-resign ako Kasi tama yung mga narinig ko kahapon. Ngayon na ang huling trabaho ko don.
Tatanungin ko nalang ulit sya mamaya sa ibang bagay.
Ilang oras na ang lumipas at break time na namin, sabay kaming lumabas para makakain na, umorder na kami at umupo sa bakanteng upuan.
"Ahh Marco, Paano na kayo ngayon?" Tanong ko dito habang kumakain.
"Shhh wag Kang mag-alala, gagawa daw ng paraan si papa, may isang buwan pa kami para makapag bayad si papa ng utang, pag nabayaran namin iyong babalik sa amin ang lahat, pag hindi naman wala na talaga" sagot nito.
"Pasensya na alam kong wala akong maitutulong sa inyo, kapag nagkakaproblema ako lagi kayong nandyan para damayan ako, para tulungan ako....tapos-"
"Hey! Wag ka ngang ganyan kaya namin toh maibabalik naman yun, ok ba? Putol nito sa sinasabi ko.
"Aba dapat lang, Kaya nyo yan, maibabalik nyo lahat ng nawala sa inyo."pampalubag loob ko sa kanya.
Tumawa Naman siya sa at nakitawa na rin ako, buti naman tumawa at ngumiti na sya ngayon kanina kasi hindi maipinta ang mukha nito.
Ilang minuto ay natapos narin kaming kumain bumalik na kami sa aming classroom.
Nang nakabalik kami sa classroom ay naghanda na kami sa paglipat, hindi kame magkaklase sa isang subject.
Mga ilang oras ang lumipas at uwian na namin, time check 4:30.
Nagyaya si Marco na ihahatid nya na daw ako sa coffee shop at hindi naman ako tumanggi.
Malapit na kami sa coffee shop ng magsalita ito.
"Ah nga pala yung may-ari nitong school sya yung may-ari ng coffee shop ngayun." Nagulat ako sa sinabi nito.
Hindi ko pa naman nakikita ang may-ari nitong school hindi ko rin naman kilala, hindi ko rin alam ang pangalan nito.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ng isa kong katrabaho kahapon.
"𝘔𝘢𝘵𝘵𝘩𝘦𝘸 𝘥𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯"
"Matthew"pabulong kong sabi sa aking sarili.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play