Isang bright idea ang agad na pumasok sa isip ni Rose nang makakita ng signage na "Wanted: Maid". Gusto ni Rose kasing makapagtapos ng pag-aaral kaya naisipan niyang humanap ng trabaho. At para si Rose na tumama sa lotto nang tanggapin ng guwapo at hot na lalaki na magiging amo niya— si Jungkook. Iyon ay kung susunod daw si Rose sa kondisyon ni Jungkook.
"Stay-in ang kailangan ko rito, Miss. Hindi come and go maid."
Madadaig pa yata ni Rose si Yaya Dub, pati na si Maya na tinulungan din noon ni Sir Chief para matupad ang pangarap.
"Kung ganon, fit for the job ako, Sir. Dito naman talaga ako titira, eh. Kung gusto nyo po, hindi na ako aalis forever."
(Naku, Rose! Huwag kang ambisyosa.) Peru hindi naman masama kung mangangarap si Rose. Iyon ay kung nangyayari nga sa totoong buhay ang ending sa mga teleserye... დ
๊๊๊๊ ๊๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊ ๊
ํ cнαpтer 1. ूूूूं
"Your're a fourth year college student?"
May pagdududang tanong ni Jk sa babaeng kaharap.
Magpapahinga na sana si Jk kanina at magbabasa ng libro nang bigla na lang siyang bulabugin ng katok sa pinto.
Kaya napatingin si Jk sa grandfather clock na nasa gilid ng swing ng kanyang bahay.
It was 3:00 pm.
Kabilin-bilinan ni Jk sa mga empleyado na kung may kailangan ang mga ito ay itawag sa kanya, kaya't alam niyang hindi isa sa mga ito ang puwedeng nasa labas ng pinto.
Nang buksan ni Jk ang wooden door, bumulaga sa kanya ang nakangiting babae na nasa harap habang hawak nito sa kamay ang "WANTED: MAID" na signage na isinabit niya sa gate dalawang buwan na ang nakararaan.
Dahil sa tagal na wala namang nag-apply, halos nakalimutan na ni Jk na nailagay pala niya iyon sa gate kung hindi lang dahil dito.
Magsasalita na sana si Jk nang sumabad naman ang monologue ang babae with matching hand demonstration.
Ngumiti muli ito nang malapad.
"Yes, Sir."
Hindi ngumingiting itinuro ni Jk ng isang daliri ang hawak nito.
"stay-in ang kailangan ko rito, Miss. Hindi come and go na maid."
Hindi man lang ni Jk nakitaan ng pagkadismaya ang hitsura nito.
Nagkibit-balikat ito.
"Kung ganon, fit for the job ako, sir. Dito naman talaga ako matutulog, eh bale po tuwing gabi at sabado lang ang schedule ko sa school. Sayang po kasi, Sir, eh. magse-second sem na po tapos hindi pa ako nakakapag-enroll kaya kailangan ko po talaga ng trabaho."
Itinaas ng babae nang bahagya ang signage.
"ito lang ang trabaho na alam kong kikita ako ng three thousand per month na libre na ang lodging and foods. Three thousand naman po ang magiging suweldo ko, di ba?"
This time, naging visible na ang kunot sa noo ni Jk.
Pinagsalikop ni Jk ang mga braso at sumandig sa haligi ng pinto kung saan mas napalapit siya sa babae at nakikita niya ang mga visible pores nito sa mukha.
He counted two.
The rest was flasless.
"Actually, it's three thousand five hundred."
Nanlaki ang mga mata nito.
"wow! sir, tanggapin nyo na ako!"
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Jk.
"May mga requirements ka? no offense meant, Pero kailangan kong makita ang barangay clearence mo, police clearance, school ID then your signature. it's for safety purposes."
Nagningning ang mga mata ng babae sa tuwa.
"Meron, sir! Naku, salamat!"
Bigla na lang itong lumundag at iniyakap ang mga kamay sa leeg ni Jk na ikinagulat din.
Bago pa man ni Jk ito maawat ay agad na itong bumitaw at tumalikod, sabay hila ng isang maleta na nasa likuran nito.
"Puwede na akong maglaba ngayon mismo, Sir."
Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nang magsimulang mamasukan bilang katulong si Rose sa bahay ni Jungkook, at aamin niyang hindi nga siya nagkamali ng pinasukang trabaho.
Hindi istriktong amo si Jungkook.
Sa katunayan, sa sobrang bait ni Jungkook ay halos hindi na sila nagkikibuan sa loob ng bahay nito.
Hindi gaanong malaki ang bahay ng amo ni Rose peru kung papipiliin siya, ang bahay ni Jungkook ang ilalagay niya sa kanyang number one dream house.
Two-storey ang bahay ni Jungkook.
Hindi iyon ordinaryong bahay.
Para iyong nakayukong kawayan kung nasa labas ka.
Isang matabang kawayan na ang nasa dulo ay isang duyan kung saan ni Rose unang nakita si Jungkook.
Dadaanan lang sana ni Rose ang kaibigan sa lugar na iyon para manghingi ng tulong kung saan siya puwedeng mamasukan bilang katulong nang mapansin niya si Jungkook mula sa labas ng gate.
Para si Rose na na-magnet pagkakita ni Jungkook.
Para na nga si Rose na tangang nakatingin lang sa kung saan si Jungkook naroroon habang walang pakialam na tinatanggal ang necktie nito.
Para si Rose na pinagbuksan ng langit nang makita ang signage sa gate.
Kaagad ni Rose iyong kinuha at kumatok agad.
Pagkatapos pasadahan ng lalaki ang mga requirements ni Rose ay agad na siya nitong inihatid sa isang kuwarto na katabi ng swing.
Ang sabi ni Jungkook, recreation room daw iyon at sinadya nitong open-spaced iyon para makasagap ng sariwang hangin sa gabi.
Pagkatapos ng parang familiarizon tour ni Jungkook kay Rose nang humigit kumulang dalawang oras kasama na ang mga instructions ay kaagad siya nitong pinagpahinga at inutusang bukas na magsimula.
Sa loob ng tatlong linggo, sigurado si Rose na ang unang pagkikita nila ang masasabi niyang may pinakamahaba nilang pag-uusap.
Maliban sa pagpapalitan ng, "Sir, kakain na" at "Susunod ako" at iba pang professional exchanges ay wala nang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nila.
Hindi rin nag-i-stay ang amo ni Rose sa bahay nito.
Alas-siyete umaalis ng bahay si Jungkook at hindi fixed ang pag-uwi nito sa gabi.
Base sa postura ni Jungkook tuwing aalis ay nag-o-opisina ito.
Kung ano ang trabaho ng amo ay hindi ni Rose alam at ayaw na niyang mangialam pa.
Ang dapat na mas mahalaga kay Rose ngayon ay ang kanyang pag-aaral.
Graduating na si Rose sa kursong Marketing Management sa Saint Uriel University at kinakailangan niyang magsikap sa sariling paraan dahil kung hindi, tiyak na hindi na siya makakapagpatuloy pa.
Her mother was a gambler.
Kahit ano ay pinapatulan nito basta sugal.
Kung hindi lang dahil sa trust fund na naiwan kay Rose ng namatay na ama ay malamang na hindi siya nakapag-college pa.
Pero hindi umabot ang pera na para kay Rose hanggang sa makatapos siya.
Nang subukan ni Rose na umungot sa ina ay sininghalan siya nito.
Kung gusto daw ni Rose na mag-aral, siya ang maghanap ng paraan.
Inintindi ni Rose ito dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama.
Nang mamatay ang ama ni Rose limang taon na ang nakakaraan dahil sa lung failure ay ang tong-its ang binalingan ng kanyang ina para makapag-move on.
Sa nakikita ni Rose, parang wala na itong planong mag-move on kayat siya na mismo ang naghanap ng paraan.
Napabuntong-hininga si Rose, saka ikiniling ang ulo.
Kailangan ni Rose na i-focus ang isip sa trabaho.
Kasalukuyan ni Rose na binubuksan ang fridge para lang mapangiwi sa nakita.
"Hala, wala na palang pagkain."
"That's why I'm here" Napasinghap na napalinga si Rose sa likuran.
Nakatayo si Jungkook sa mismong entrada ng kitchen door.
kanina pa kaya siya roon?
bakit ang aga niyang umuwi? - tanong sa isip ni Rose.
Napakurap si Rose at napalunok.
"Sir, pasensiya na. Akala ko kasi, may magic tong refrigerator nyo. Tuwing magbubukas po kasi ako, may nahuhugot ako bago ko maisara. Nasanay tuloy ang sistema ko kaya ayun, nakalimutan kong sabihin sa inyo na wala na po pala kayong stock."
Marahan si Jungkook na umiling, saka bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi.
"I'm going to go out on a limb here and say that nobody had ever managed to pin you down for the crime you committed because you're too quick to look for an excuse."
Nginisihan lang ni Rose si Jungkook bago isinara ang pinto ng fridge.
"Petty crimes lang naman ang nagagawa ko so far, Sir. Nalulusutan ko ang mga late submission ko ng mga projects, mga on-the-spot recitations, mga fines at absences. Pero hindi ko pa po nasusubukan ang malalaking krimen. Pagkaalis ko nga po rito, susubukan ko kung makakalusot din ako kapag pangho-holdap na ang papatusin ako."
Para si Rose na inihele at idinuyan nang marinig ang pinakaunang tawa na narinig mula kay Jungkook.
Tumikhim si Jungkook, saka ikinawit ang isang daliri kay Rose.
"Puro ka talaga biro. Come on, help me with the groceries. Nasa trunk ng sasakyan ko."
Hinintay si Rose ni Jungkook na makalapit bago nagsimulang maglakad palabas.
Ginamit ni Rose ang sitwasyong iyon para makausap si Jungkook ng kahit ano maliban naman sa trabaho.
"Namamalengke ka pala, Sir."
Napangiwi si Rose nang marinig ang talim sa boses ng amo.
Nagalit ba si Jungkook dahil sa pagtatanong ni Rose o baka may naalala lang dahil sa kanyang tanong? Either way, tumahimik na lang si Rose.
Binuksan ni Jungkook ang trunk at tumambad sa kanila ang sampung plastic bags na punong-puno ng grocery items.
Binalingan si Rose ni Jungkook bago iginala ang tingin sa labas ng bakuran.
"I'll take these inside, okay? Just be here and guard the groceries while I transfer them. Wag tayong basta-bastang nagtitiwala kahit pa tayo na yata ang may pinakamabait na kapitbahay sa lahat."
"Ah." Tumango si Rose.
May trust issues pala ang amo ni Rose kaya hindi ito gaanong nagsasalita.
"Keri yan, Sir. I'll be right here waiting for you."
Nginisihan ni Rose si Jungkook nang muli na naman itong tumawa.
"Nakakangarag kasi ng mga ngipin yang mga English mo,Sir."
pabirong sabi ni Rose.
Kinagat ni Jungkook ang ibabang labi para siguro pigilan ang pagtawa.
Parang may mallows na natunaw sa loob ng dibdib ni Rose nang marinig ang tawa na iyon.
Nakakaintindi naman pala ng dry humor ang amo ni Rose na may trust issues.
Bumuga si Jungkook ng hangin.
"Okay, damn it. I'm not prepared for your wit, woman. Hintayin mo ako rito. I'll carry three per walk."
kinuha nga ng amo ang tatlong plastic bags na punong-puno ng laman, saka walang lingon-likud na lumakad.
Habang hinihintay ang amo ay napalinga si Rose sa paligid.
May mangilan-ngila siyang kapitbahay na nakita.
Nasa bandang unahan si Aling Fely habang nakapamaywang sa mga lasenggo na ginawa nang tambayan ang harap ng tindahan nito.
Ang magkakaibigang Raquel, Jolce, at Diana naman ay nasa basketball court at naglalaro.
At sa harap ng bahay ni Jungkook ay nandoon si Gene, ang twenty-three-year-old na anak ni Aling Grace na naglilinis ng motorsiklo nito.
Wala sa loob na natuon ni Rose ang pansin kay Gene.
Sa tatlong linggong pagtira ni Rose sa bahay ni Jungkook, nakilala na niya ang ilan sa mga sinabi ni Jungkook na "friendliest neighbors."
Kapag tapos nang maglinis ng bahay ng amo ay mga dalawang oras din ang itinagal ni Rose sa labas ng bahay para makipag-usap sa mga kapitbahay.
Hindi naman si Rose lumalayo.
Sa katunayan nga, nasa labas lang si Rose ng mismong gate at ang mga ito na ang lumalapit at nakikipag-usap sa kanya.
Mabait nga talaga si Jungkook.
Ayon pa sa mga kapitbahay, nagpapadala raw si Jungkook ng mga regalo sa mga may birthday in exchange sa hindi nito pagdalo dahil nga sa trabaho.
Hindi rin daw nakakalimot si Jungkook na mag-donate sa maliit na kapilya ng barangay at marami pa itong contrbutions na iniaabot bilang tulong.
Base rin sa mga narinig ni Rose ay masasabi niyang kulang na lang ay sambahin ng mga tao si Jungkook o hindi kaya ay ipalit kay Rizal sa luneta.
Hindi na si Rose magtataka kung bakit mataas ang respeto ng mga kapitbahay nila sa amo.
Ang kuwento pa ng Tres Maria's— sina Raquel, Jolce, at Diana, naiilang daw sila kay Jungkook dahil halos nasa amo na raw ni Rose ang lahat.
Napangisi si Rose nang ipagtapat ng tatlong may gusto nga raw ang mga ito kay Jungkook at kung kaya raw ni Rose ay baka puwede niya iyong sabihin sa kanyang amo.
"Tawagin mo na lang at magpakilala ka. Twenty-First century naman na ngayon"
Kunot-noong nilingon ni Rose si Jungkook.
Nagulat pa si Rose na tapos na pala ito sa paglilipat ng mga groceries.
Sa sobrang engrossed ni Rose sa iniisip ay hindi niya iyon napansin.
"Ano po yon, Sir?" tanong ni Rose.
Ikiniking ni Jungkook ang ulo at gamit ang isang daliri ay itinuro si Gene sa kaharap na bakuran.
"Kanina mo pa tinitigan eh. Crush mo?" Napangiwi si Rose at napailing.
"May hitsura naman si Gene pero ayoko sa mga lalaking sobrang puti. Hindi na ako magtataka kung mabalitaan kong lumalaklak yan ng glutathione."
Kunot-noong pinaglipat-lipat ni Jungkook ang tingin kay Rose at kay Gene.
"You knew him?" Napakurap si Rose at napalunok.
Hindi nga pala alam ng amo ni Rose na kinakausap niya ang mga kapitbahay nito.
Wala sa loob na pinatunog ni Rose ang mga daliri dahil sa nerbiyos.
"Eh Sir... Hindi ko po pala nabanggit, tuwing natatapos po akong maglinis eh, lumalabas po ako ng bahay para po makipag-usap sa mga kapitbahay nyo, pero hindi naman po ako lumalayo. Diyan nga lang po kami nag-uusap sa labas ng gate, saka dalawang oras lang ang nako-consume ko Sir. Peru kung hindi po yon okay sa inyo, hindi ko na po uukitin. Please, Sir, sorry na."
Napapangising umiling-iling si Jungkook.
"For God's sake, Rose, you talk like you're a machine gun. If I wasn't paying attention, I doubt if I would understand you"
Nakagat ni Rose ang ibabang labi.
"Sorry Sir. Mas madali kasi akong napapatawad ng mga tao kapag binilisan ko ang mga sinasabi ko. Naging habit ko na po yan eh."
"Woman, where have you been all my life?"
Gamit ang dalawang kamay ay pinisil ni Jungkook ang mga pisngi ni Rose na hanggang sa bitawan ng mga ngipin niya ang lower lip niya.
Tinitigan si Rose ni Jungkook sa mga mata.
"I'm not angry. You're not my prisoner here. Puwede kang lumabas basta lang siguraduhin mong naka-lock ang bahay. Okay?"
Marahas na napakawalan ni Rose hininga at nahilot ang dibdib.
"Kinabahan ako roon ah. Thank you Sir."
Tumango lang si Jungkook.
"So, are we done here? Babalik na ako sa office. Kumain ka na rin. Mag-aalas-dos na."
Nag-side step si Rose para mabigyan si Jungkook ng daan sa driver seat.
"Ikaw Sir, Kumain na?"
Natigilan si Jungkook sa akmang pagbukas sana ng pinto ng kotse at kunot-noong nilingon si Rose.
"Actually, I still haven't eaten my lunch. I might at well skip it. Aagahan ko na lang ang uwi. Can you cook something with sour soup for me, Rose? Uuwi ako ng 6 PM"
Hindi naiwasan ni Rose ang mapangisi.
Specialty niya ang mga maaasim na pagkain kaya sigurado siyang mapi-please niya ito.
"Consider it done, Sir."
Ngumisi si Jungkook.
Ang ngising iyon ay parang nagtulak sa mga nerve cells ni Rose na kumawala at pangapusan siya ng hininga.
"I'm banking on that."
Tuluyan na si Jungkook na pumasok sa sasakyan.
Mayamaya, minaniobra na nito ang kotse palabas.
He even honked his horn; an implied good-bye.
Mabilis si Rose na pumasok sa bahay at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.
Ano ang nangyayari at bakit parang nagririgodon ang tibok ng kanyang puso?
Download NovelToon APP on App Store and Google Play