...LIES BETWEEN US...
...Hazel agreed to be Enzo's fake girlfriend when Enzo thought of his ex-girlfriend who cheated on him. As days passed, their relationship becomes deeper as they pretend to be in love with each other. Will they fall in love with each other for real?...
.........
...DISCLAIMER...
...This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental....
.........
...Copyright...
...Writerjuanabe...
...LIES BETWEEN US...
...2022...
.........
...All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review....
.........
...PROLOGUE...
...Kunwari ay akin ka, tapos kunwari ay sa 'yo ako,...
...At habang nagkukunwaring "tayo",...
...May mangyari kayang totoo? ...
...Paano kung mahal mo pa siya? ...
...Tapos ako ay mahal ka na. ...
...Makakalimutan mo ba siya?...
...Matututunan mo ba akong mahalin? ...
...Paano kung bumalik 'yong nakaraan ko, at napagtanto mong gusto mo na rin ako....
...Sasabihin mo na bang mahal mo ako? ...
...O patuloy akong aasa sa 'yo? ...
...Paano kung nasaktan mo ako, pero ayokong makita mo... ...
...Maririnig mo na kaya ang puso ko na tumitibok para sa 'yo? ...
...Paano kung mali 'yong nakikita mo, at mali rin 'yong iniisip ko. ...
...Maa-ayos ba natin ito?...
...Magpapansinan pa ba tayo? ...
...Paano kung tapos na ang lahat ng drama, na ikaw at ako ay masaya na....
...Ang kunwari bang "tayo" ay tuluyan ng maging totoo?...
.........
...01| CHAPTER...
.........
Isang simpleng babae. Oo, 'yon lang ako. Walang kahit na anong espesyal sa akin. Talent? masarap akong magluto! 'Yon lang ang talent ko.
May mga nagsasabing maganda ako, kabilang doon ang mama ko. Syempre naman, anak niya ako, eh.
"Hazel, ayusin mo na 'yang mga gamit mo,"
Speaking of mama, ibinigay niya sa akin 'yong isang maleta. Nasa kwarto ako at... huwag mong sabihing,
"Ma, napag-usapan na natin to 'di ba?"
"Oo nga, kaya nga ayusin mo na ang gamit mo at aalis ka na." Tiningnan niya ako at nginitian.
Saan naman ako pupunta?
Mali kayo kung iniisip niyo na pinapalayas ako ni mama. Bukod sa simpleng babae lang ako ay mabait din naman akong anak. Walang dahilan para itakwil ng isang magulang.
Ibebenta na kasi itong bahay at titira na kami roon sa bago naming bahay na malapit sa office ni papa, para na rin magkakasama na kami palagi. Kaya lang ay hindi ako pumayag at ang sabi ko ay tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko.
3rd year naman na ako sa college, at isang taon na lang ay makakatapos na ako.
Pero hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ni mama nang sinabi ko iyon sa kanya kaya wala rin akong idea sa ginagawa niya ngayon.
Binuksan niya 'yong cabinet at drawer ko, tapos ay kinuha niya lahat ng gamit ko at inilagay sa maleta ko. Ako naman ito at pinagmamasdan lang siya.
"May nakabili na ng bahay, kaya kailangan mo na ring umalis." sabi ni mama.
"Bakit ako lang?"
"'Di ba ang sabi mo ay tatapusin mo muna pag-aaral mo rito? Ayaw mo naman kasing lumipat eh."
"Pero ma, one year na lang naman, eh."
"Ang gusto kasi ng papa mo ay roon na tayo tumira sa bago nating bahay, ayos na iyon kaya bakit pa tayo titira rito?" patuloy naman siya sa pag-aayos ng gamit ko.
"Wala naman din akong magagawa... pero ma, saan naman po ako titira?"
Bigla naman siyang tumingin sa akin at saka ako nginitian.
"Nakausap ko kasi ang Tita Anne mo,"
Tita Anne? sino 'yon?
"Nakiusap ako kung pwede kang mag-stay roon sa kanila."
"Sino ba 'yon ma? Pinsan mo? Kapatid mo?" Sambit ko habang tinutulungan na rin si mama sa pagaayos ng gamit sa maleta ko.
"Kaibigan ko noong college. Huwag kang mag-alala, mabait naman siya at for sure ay magkakasundo kayo ng anak niya." Tumingin siya sa akin at bahagyang nginitian.
Dahil hindi naman ako mareklamo, hindi na lang din ako nagtanong ng kahit na ano. May tiwala naman ako sa mama ko.
"May susundo sa 'yo rito mamaya kaya hindi na kita mai-hahatid doon. Isa pa, hinihintay ko rin kasi 'yong bibili nitong bahay."
Nang maayos na 'yong mga gamit ko ay bumaba na kami ni mama at hinintay sa sala 'yong susundo raw sa akin. Tinanong ko si mama kung sinong maghahatid sa akin at ang sabi niya ay 'yong driver daw nila tita Anne ang maghahatid sa akin sa bahay nila.
Kaya ito, naghintay naman ako.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin 'yong maghahatid sa akin. Lumabas ako bitbit ang maleta ko, sii mama naman ay hindi ko alam kung iiyak ba o kung anumang expression ang nasa mukha niya ngayon. Hindi ko maexplain, eh.
"Hazel, huwag kang gagawa ng kalokohan, ah! tatawagan ko lagi ang tita Anne mo para kumustahin ka. At kung inaakala mong malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo, nagkakamali ka. Tatawag ako lagi, at saka... pwede rin akong bumisita paminsan-minsan," sambit niya.
"Alam ko po iyon ma. Kailan ba ako gumawa ng kalokohan?" saka ako ngumiti. "Sige na po,alis na po ako." Sambit ko.
"Sige na, umalis ka na bago pa magbago ang isip ko."
Sumakay ako sa kotse at muling sumulyap kay mama sa bintana, pagkatapos ay unti-unti na ring umandar ang kotse.
Medyo nakaramdam naman ako ng kaba. Naisip ko lang na kahit kaibigan 'yon ni mama... paano kung tratuhin niya ako ng iba?
Tiningnan ko naman 'yong driver.
"Mabait po ba ang amo niyo?" tanong ko.
"Syempre naman po, ma'am. Excited na rin po silang makita kayo." sagot niya.
"Hindi naman po siguro nila ako aalipinin 'di ba? o kaya naman ay mamaltratuhin? 'Yong parang sa movies...?"
"Nako ma'am, wala pong mangyayaring gano'n."
Iba kasi 'yong feeling ko eh.
Hanggang sa makarating na kami roon sa bahay nila tita Anne. Mas malaki ito kesa sa bahay namin, may malaking fountain sa bandang garden nila na tanaw mo mula sa labas ng bahay.
Paghinto ng sasakyan ay agad naman din akong bumaba. Kinuha naman ng driver 'yong maleta ko sa likod ng kotse.
"Sige po ma'am, pasok na po kayo sa loob. Ako na po ang magpapasok ng gamit ni'yo." nag-thank you naman ako at pumasok na rin sa bahay.
Pagpasok ko pa lang ay kitang-kita na 'yong ganda ng bahay nila; mga furnitures at designs ng mga wall. Parang mansyon sa paningin ko.
Nang makarating ako sa bandang hagdan— Muntik ko nang bawiin 'yong pagkamangha ko,
May babae kasing biglang lumitaw sa ilalim ng hagdan. May hawak siyang banner na may nakalagay na "Welcome Ate Hazel".
Akala ko ay may third eye na ako, tao pala 'yong nakita ko.
"Ikaw si Ate Hazel 'di ba?" nakangiti niyang tanong.
"Ha? aah, ako nga." napilitan naman akong ngumiti. Hindi pa rin kasi ako nakaka-move on sa pagkagulat ko kanina.
"Oh you're here." sabi ng isang babae at saka niya ako niyakap.
Siya siguro 'yong kaibigan ni mama.
"I'm Anne, your mom's friend, tita na lang ang itawag mo sa'kin." Ngumiti naman siya.
Ngumiti lang din naman ako. Naisip ko naman 'yong mga nasa isipan ko kanina, tingin ko naman ay mabait sila.
"Hi Ate, I'm Thrian." Sabi ng babaeng ikinagulat kong makita kanina.
"Aah, hi," saad ko.
Niyaya naman nila akong magtungo sa living room. kinausap nila ako tungkol sa mga bagay-bagay at nagkuwento naman sila ng kaunti tungkol sa kanila.
"May pupuntahan pa pala ako. Thrian, ikaw muna bahala kay ate Hazel mo. Maiwan ko muna kayo." sambit ni tita saka naman sya umalis.
"Okay mom." sagot ni Thrian.
Saglit naman kaming natahimik habang pinagmamasdan ko 'yong interior ng bahay nila. Nagagandahan kasi ako, eh. Nakakarelax 'yong ambiance.
"Ate saan ka nag-aaral?" tanong niya.
"Sa Saint Kings Univ—"
"Talaga? doon din nag-aaral 'yomg kuya ko. Nakikita mo ba siya?" Masayang saad niya.
"Ha?"
"Maaga kasing umalis si kuya. Sayang hindi kayo nagkita."
"Aah, magkikita naman siguro kami mamaya." ngumiti ako.
Ano namang meron sa kuya niya?
"Pogi 'yong kuya ko! mabait 'yon... well, kung minsan medyo may topak din siya, pero mabait talaga 'yon." Ngumiti naman siya.
Matapos kong pakinggan ang compliment ni Thrian sa kuya niya, ito at inilibot niya naman ako sa buong bahay.
"Ate, dito 'yong kwarto mo. Nand'yan na nga pala 'yong gamit mo, Iniakyat na ng driver namin. Kapag may kailangan ka, pwede mong katukin 'yong magkabilang pinto; 'yong sa kaliwa ay kwarto ko, at 'yong sa kanan naman ay kwarto ni kuya."
Tumango lang naman ako at nagpatuloy sa pag tingin-tingin sa paligid.
"Dito 'yong theater room, every sunday ay nandito si dad tapos si kuya naman ay bawal umalis ng bahay, kasi pag sunday dapat kumpleto kami, tapos manunuod lang kami, bonding namin 'yon, eh."
Patuloy namin kami sa paglalakad...
"Doon naman 'yong study room, madalas d'yan si kuya kapag may homework or minsan pag trip niyang matulog. At doon naman 'yong kitchen. Ate, marunong ka bang magluto?"
"Oo naman, iyon lang ang maipagmamalaki ko sa ngayon." mahinang sambit ko.
"Talaga? Gusto 'yon ni kuya." sambit niya habang nakangiti.
Ano daw?
Hanggang sa makarating kami sa labas...
"At dito naman 'yong garden, maganda rito sa gabi kasi merong mga fireflies." saka naman siya ngumiti.
Pagkatapos naming libutin ang buong bahay nila ay umupo muna kami sa upuan sa garden.
"May boyfriend ka na ba ate?" Tanong ni Thrian.
Tumango naman ako.
Bakit? nakapagtataka ba? hindi ba pwedeng magkaroon ng boyfriend ang isang simpleng babae na ang talent lang ay ang magluto ng masarap na pagkain?
"Mag wa-one year na kami, pero,"
Bigla namang nag-iba 'yong mood ko...
"...ilang araw na kaming hindi nagkikita, eh." sambit ko.
"Nag-away kayo?" Tanong ni Thrian habang nakatingin sa akin.
"Hindi ko alam, basta mga isang linggo na rin siguro kaming hindi nag-uusap." saad1ko na lang.
Tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply, tinatawagan pero hindi sumasagot. Hindi ko rin siya nakikita sa school, ayokong isipin na may iba na siya, tulad ng sabi nila. Pero baka kasi may problema lang...
Nangyari na rin kasi sa amin ito dati, dalawang linggo nga kaming hindi nag-usap eh, hindi rin kami nagkikita. Tapos isang araw bigla na lang siya nagpakita. Sabi niya, family problem lang daw. Kaya naisip ko na baka gano'n din ang nangyayari ngayon.
"Alam mo ate. Sa totoo lang, ayoko sa girlfriend ni kuya ngayon," Malungkot na sambit ni Thrian.
"Para kasi siyang hindi mapagkakatiwalaan, eh. Para siyang may tinatago," sabi niya pa.
"Talaga?" tanong ko naman.
"Kahit si Ate Zoey ay ayaw rin sa kanya. At kapag si Ate Zoey ang nakaramdam ng mali sa isang tao, gagawa siya ng paraan para malaman ang buong pagkatao nito. And according to her, nag iisang anak lang siya; mayaman at president ang dad niya sa isang malaking company."
"Mukha namang walang problema," sambit ko.
"Wala nga, sana... pero siya kasi talaga ang problema,"
"ano bang problema?" tanong ko naman.
"Marami na siyang naging boyfriend. Sabi pa ni ate Zoey, ang ilan sa naging boyfriend nito ay ilang araw lang ang tinatagal. May mga nagsasabi pa na pinagsasabay niya raw ang iba at madalas fame lang ang habol niya sa mga ito,"
Saan niya naman kaya nakuha ang mga information na 'yon?
"Pero hindi iyon alam ni kuya. Sabi rin kasi ni ate Zoey, huwag na lang daw makialam. Baka raw kasi mag-away-away kami. Pero ayokong masaktan si kuya, gusto ko na ngang sabihin sa kanya, eh."
Ang hirap naman, kahit ako rin naman siguro sasabihin ko 'yong totoo. Masakit kayang malaman na matagal ka na palang niloloko ng taong mahal mo...
Ako na lang kaya magsabi sa kuya niya?
.........
...Vote.Comment.Share...
Download NovelToon APP on App Store and Google Play