English
NovelToon NovelToon

Warm

Chapter 1: Vincent

"Sir..."

I looked up at the female nurse who called me. I smiled at her. I put down, the book that was being read.

"..you're next..." she said.

I nodded. she didn't remove the smile from her lips until i stood up. I followed her.

I don't know, what is the real reason why I am here. Maybe because, to know what oneself really is. To find, where I am now.

My hand spelled the white wall. The female nurse stopped walking, and turned to me. she looked, and let me go first. She looked at me for a moment before leaving.

I just touched the door knob, but i could already feel my heart beating fast. Loud. Noisy. It hurts, but strangely, it feels good.

Tumingin ako, sa magkabilang hallway. Maraming tao, pero parang tahimik. Ako lang ang nakatayo sa harap ng puting pinto na 'to. Ako lang ang nakakaalam sa sariling nararamdaman ko. Magiging, maayos ang lahat...

Binuksan ko, ang pinto at tumingin sa kan'ya. Ramdam ko, ang pakiramdam na naramdaman ko matagal na. Ang totoo sa sandaling 'yon, gusto ko na umalis. Umatras...

"Oh, good afternoon po!" Bati ng doctor.

Nakatayo s'ya sa bintana. Gulat. Tumingin s'ya sa suot na relo, at muling bumalik sa lamesa. Sa sandaling 'yon, tumagal ang larawan n'ya. Sa likod ay ang kahel na langit...

Gusto kong umalis.

Pero, hindi n'ya 'ko nakilala...

Ngumiti s'ya sa akin. Binanggit ang pangalan ko ng nakangiti. Gusto kong umatras, kaya hindi ko alam kung bakit ako pumasok, at ngumiti pabalik.

"Maaga ka." Saad n'ya at muling tumingin sa suot na orasan. Sinara ko ang pinto.

Sinabi n'ya 'yon, kahit parang aalis na s'ya. May pupuntahan at naghahanda na sana...

Kinuha n'ya ang piraso ng papel at binasa. Na halata namang schedule ng mga patient sa araw na 'to. Kumunot ang noo n'ya. Binalik sa'kin ang tingin. umupo, at ngumiti. Naglakad ako, papunta sa kan'ya. Ramdam ko, ang bigat ng bawat hakbang. Naupo ako, sa harap n'ya.

Hindi n'ya 'ko, nakilala...

Binanggit n'ya ulit, ang pangalan 'ko...

"..pwede kang mahiga do'n. Magsisimula na tayo." Sabi n'ya, nakangiti pa din.

Wala akong kahit isang sinabi. Nakangiti lang ako, sa bawat pagtango. Nahiga ako, sa upuan na animo'y isang higaan na. Tinignan ko s'ya, habang sinisindihan ang mga kandila.

Tumingin s'ya sa akin. Nagiwas ako ng tingin. Pinikit ko ang mata. Biglang uminit ang paligid, pero bumango naman ang hangin.

"..handa ka na ba?" Tanong n'ya.

Siguro, may amoy ang mga kandila na 'yon...

Tumango ako ng dahan-dahan, hindi dinilat ang mata. Naramdaman ko, ang pagupo n'ya sa gilid ko. Bumigat ang paghinga ko, at wala akong magawa kundi ang paglunok lang sa sitwasyon na 'to...

"..binasa ko ang letter mo, ah!-ah..."

Dahan-dahan akong dumilat. Tumingin ako sa kan'ya, inaantok ang mata. Alanganin naman s'yang, nakatingin sa akin.

Hindi n'ya ako, nakikilala...

"Hindi ko dapat, binasa 'to. 'di ba?"

Napalunok ako.

"Wala 'kang ibang sinulat. pangalan mo lang at tungkol sa lalaking na 'to..."

Awkward s'ya.

Wala akong ibang magawa, kundi ipikit lang ulit ang mata. Sa gan'to ba, magiging komportable s'ya?

"Pero, wala ka din masyadong na sulat tungkol sa kan'ya. Ah-ah..."

Hindi n'ya alam, ang dapat na sabihin. Nakikilala n'ya ba 'ko?

Ngayon, sa tingin ko mas maganda kung hindi na dapat. Napalunok ako at dahan-dahan ulit dumilat. Tumingin ako sa kan'ya, hindi na pinikit ang mata. Tumingin s'ya sa akin, at umayos ng upo. Huminga s'ya ng malalim.

"...sinulat mo lang na gusto mo s'ya. Walang iba..."

Hindi pa s'ya nagtatanong. Nakatingin lang sa'kin at nagaantay ng sasabihin. Hindi ko gustong magsalita. Gusto ko lang, tumingin sa kan'ya.

Wala akong masyadong nasulat. Dahil hindi kita masyadong nakilala. Siguro, Sandali lang din ang lahat para sa'yo. pero tumagal sa akin ang bawat segundo ng memorya na 'yon. Sapat, para tumagal ako hanggang dito.

Hindi ko alam, na magiging psychiatrist ka. Gusto kong ngumiti. Tumawa. Sabihin ang gusto kong sabihin sa'yo. Pero, pinigilan ko.

"..kung gano'n.." huminga s'ya ng malalim.

"..pwede mo bang sabihin sa'kin, kung bakit mo s'ya nagustohan?"

sa tanong na 'yon, saglit akong natigil. Bumaling ako, sa puting kisame. Bakit  nga ba kita, gusto?

Sa pamilya na ayaw sa isang katulad ko. Lumaki sa bahay na magisa. Lumaki, na takot at malayo sa lahat. Ano ba ang naging dahilan, kung bakit kita nagustohan?

"Walang dahilan..." Sagot ko.

Binalik ko ang tingin sa kan'ya. Nakita ko, kung pa'no kumunot ang noo n'ya. Mabilis n'ya ding inalis 'yon. Mabilis s'yang bumaling, sa hawak na papel. Umayos s'ya ng tayo. He cleared his throat. Nakita ko, ang marahas n'yang paglunok.

"..sa tingin ko. Nasa parte ka ng identity crisis Ngayon..." Huminto s'ya sa pagsasalita. Tumingin s'ya sa magiging reaksyon ko. Pero...

Wala.

Mali ka. Hindi 'yon gano'n...

Sana, gano'n na nga lang...

Hindi ako sumagot. Sa kabilang banda, parang ayaw n'yang lumayo o pahabain ang oras. Ilang beses s'yang, tumitingin sa oras.

"Kung gano'n, gusto mo bang sabihin ang kahit anong tungkol sa kanya?"

Katahimikan, ang pumagitna sa'min.

"..kahit kaunti." Dugtong n'ya.

Ngayon na iniisip ko, parang marami din. Sa sobrang dami, wala akong mapiling i-sagot kahit isa.

"He was..."

"..Warmed." saad ko.

Nagkatinginan kami. Bumukas ang pinto. Tumingin ako do'n. Pumasok ang isang matandang lalaki, na isang doctor at siguro'y psychiatrist rin katulad n'ya.

"Ah!.."

Tumayo s'ya, at lumapit sa matanda. May sinabi s'ya dito, ngunit mahina. Hindi ko narinig. Binalik n'ya ang tingin sa akin, at muling ngumiti.

"..ito nga pala, si doctor alan

S'ya ang magtutuloy ng session."

Wala s'yang ibang sinabi. Maliban do'n. Umalis s'ya, pagkatapos tapikin sa balikat si doctor alan. Hindi n'ya, nakita ang ginawa kong pagtango.

Bumaling ako, sa matandang lalaki. Lumapit s'ya sa'kin, at kinuha ang papel na nasa gilid.

"Kung gano'n, gusto bang magsimula ulit tayo?" Tanong n'ya.

May katandaan ang lalaking 'to. Puti ang buhok, at may suot na salamin. May dala din s'yang tungkod, ng pumasok. Pero mukha pa s'yang malakas. Gano'n din ang boses n'yang may sigla.

Umiling ako.

Napakurap s'ya.

"Oh, okay--"

"Sa'n s'ya pupunta?" Tanong ko, malumanay ang boses.

"Sino?"

"S'ya."

Binalik ko ang tingin, sa pintuan na sarado na ngayon. Kung sa'n s'ya lumabas.

Hindi gan'to, ang inisip kong pagkikita natin...

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play