English
NovelToon NovelToon

As The Light Lies (TAGALOG) Light Series

Disclaimer

REMINDER: This is my first-ever story so in

advance, I am sorry for the grammatical errors,

typographical errors, and whatsoever errors

you may notice. This is UNPLANNED. No proper

outline. I only wrote this story to alleviate my

boredom during quarantine era so please, don't

expect too much.

If you don't like this story, DROP IT. Basic and

simple. Those who mention other character

or story that is not created by the author shall

be MUTED right away. Unang story ko po ito. I

wrote it when I was a minor. No heavy scenes.

No bed scenes. Super light lang talaga nito, I

swear.

There are also lots of cringy jokes and lines.

Maraming kalandian at kakornihan ang mga

bida which you may find irritating. So if you are

looking for something dark, sexy, and heavy,

you shall not continue. The story is not for you.

You've been informed.

Thank you.

This is a work of fiction. Unless otherwise

indicated, all the names, characters, businesses,

schools, places, artists, bands, events and

incidents in this book are either the product of

the author's imagination or used in a fictitious

manner. Any resemblance to actual persons,

living or dead, or actual events is purely

coincidental.

My characters commit sins. Reflect do not

imitate.

Prologue

Yesterday, in the morning when I woke up, and even up until now, I could still hear those words left by my previous employer over and over again.

His voice keeps on deafening my ear drums as if it's a shrill sound coming from an EKG monitor that is painful to hear. Irritating loud noise, especially, when it beeps only to form a straight horizontal line.

Natulala ako sa kinatatayuan ko, hindi pa rin naipo-process ang lahat. I can't honestly find the reason why they'd fired me?

Did I just do something they don't want?

Did I just piss them? Did I disappoint them?

Because ... all I could think at this moment is, I

did everything for them.

I continued walking on the street's sidewalk, approaching the waiting shed. I faced myself on its glass wall.

I smiled sweetly despite the hardship I've been experiencing. Today, I was wearing a woman's corporate attire. A black corporate coat with a pair of black pants, having maroon pointed toe heels attached on my feet.

Noong nakaraang linggo, nag-submit na ako ng application form ko sa iba't-ibang kompanya pero ni isa sa kanila, walang gustong i-dial ang number ko.

This is the very first time after a long time I felt so thirsty for phone calls.

Ilang kompanya na nga ba ang sinubukan ko? One? Two? Three? Uh! no, it was more than that.

Naubos ko na nga yata lahat ng business establishments dito sa North and South ng City na ito, e. But then until now, no one accepts me. No one trusted me.

"Annoying..." Inis na bulong ko sa sarili at umirap.

Napahilamos ako sa aking mukha sa pagkapikon. I tilted my head slowly until my eyes viewed the adorable blue shaded sky. Ngumiti ako. Hindi masyadong ma-ulap kaya kitang-kita ang pagka-asul ng kalangitan.

Whenever I get annoyed, irritated, sad or whatever sorrowful moment it is ... I just look up above the breath-taking image of sky. Sky really comforts me. It tamed the raging waves I felt inside me.

Banayad akong pumikit sa sandaling dumampi ang malamig na hangin sa aking mukha. Nang matapos, nagmulat din ako agad. Sandali akong naupo para makapag-isip-isip.

And the minute I was sitting here, an idea crossed my mind. I took my phone out of my bag then dial Zy's number. She's my best friend, we've known each other since we're in highschool.

Tinapat ko sa tainga ang phone sa sandaling nag-ring iyon. I sighed in relief when she answered it. She seemed to have someone with her there because she's not responding yet.

"Zy..." Kasabay ng pagbigkas ko sa pangalan nya ay ang pag nguso ng labi ko.

"Natanggal ka sa trabaho because?" Bungad niya.

She's even laughing and was enough to tease me but I tried calming myself because I really need her now. I know this isn't the best thing to do but I don't have a choice. I have no other choice.

"Uh, do you know someone looking for a hard worker?" Ngumiti ako ng alanganin kahit na alam kong hindi niya iyon makikita.

"Who's that hard worker? Ikaw?"

"Ang sama mo sa 'kin! Tulungan mo na lang ako!"

Nang magtinginan ang mga taong dumadaan, naitikom kong bigla ang bibig ko. Shit. Nakakahiya.

"Biro lang, gaga! Actually, hiring ang apparel today. Hindi ko lang in-offer sa'yo kasi alam ko namang tatanggi ka. Ano? Okay lang ba sa'yo na dito ka magtrabaho?"

Bakas ko ang pag-iingat sa bawat bitiw niya ng salita.

"Oo ... Mukhang wala na akong pagpipilian." I almost whispered then chortled, acting unbothered but in fact, nilalamon na ako ng kaba.

"He took BS Biology before, right? Ilang taon na ang nakalipas Thalia! For sure doktor na 'yon. Malabong makita mo siya dito." Zy assured me.

"You sure?"

He took Biology so he might still be in Med School! Or maybe he's helping in managing their company? Or he might have been working in a hospital? Or I don't know and why am I guessing? Matagal na akong walang pake sakanya.

Matagal na dapat, hindi ba?

"Sure ako. Mga 85 over 100 ganoon." Napa-irap ako sa sagot niya.

"Kailan ba ako pupunta diyan? Open pa ba sa ganitong oras?" Sinulyapan ko ang relo ko, alas-tres na pala ng hapon.

"Yes. Um, wait. As far as I remember, three years ka pa lang sa Juarquez Corporation, hindi ba?"

"Yeah."

"Five years contract mo doon, therefore, you should be working there up until now because you still have two years before your contract ends,"

"Ahuh?" I muttered waiting for her next words. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

She sighed on the other line.

"Then why not file a wrongful dismissal claim against your former employer? They terminated you without cause and failed to provide you with the proper amount of working notice." She asked in a serious tone.

My lips automatically rose up. Mabuti na lang at napaghandaan ko ang speech ko para sa mga atanong sa akin ng ganito.

"I already thought of that though, naisip ko na rin kung ano ang pupuwede mangyari kapag ginawa ko 'yan. Maaari lang naman akong abutin ng ilang taon at gumastos ng malaking halaga para sa pag-hire ng Corporate Lawyer." I stated.

I owe Mr. Elvis Juarquez a huge thing. They paid me during my on-the-job training before at kahit na dalawang taon akong nagpahinga sa US matapos kong grumaduate ay mabilis pa rin akong natanggap sa kompanya niya.

Bukod doon, marami pang mabuting naidulot ang kompanya nya sa sarili ko, sa buhay ko. Kaya kung ipadadaan ko pa ito sa batas, para ko na ring kinalaban ang mga magulang kong nagluwal at bumuhay sa akin. Kahit na ganito, marunong pa rin akong tumanaw ng utang na loob.

I rode a bus and waited until it stopped in front of the well-known clothing company, the VLSQZ Apparel.

I was sitting near the window so I could see the places and establishments we passed by. When the bus finally stopped, I went straight to VLSQZ Apparel's Interview room.

Sa gilid ng silid na ito ako naghintay, iyon kasi ang sinabi sa akin ng babae.

Nilibot ko ang paningin, the interior design looks so professional and neat. I've never been here before. Napakalapit ko sa may-ari nito noon pero ... kahit isang beses, hindi ko pa ito napasok.

"Ma'am, kayo na po ang susunod." Nabalik ako sa huwisyo nang may magsalita sa gilid ko. Nagkatinginan kami kaya naman nginitian ko sya. She's the woman who had told me to wait until the previous applicant finished.

Kaagad akong tumayo at huminga muna ng malalim bago pasukin ang interview room.

Hinarap ko rin saglit ang salamin sa gilid ko para siguruhing maganda pa rin ako. It's important, right? Para kung sakaling lalaki ang interviewer hindi niya ako aayawan kasi maganda ako!

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang lalaki. Nakatalikod ito at prenteng nakaupo sa swivel chair habang pinaglalaruan ang ballpen sa kanan niyang kamay.

"Why should we hire you?

I was in shock when the man in front of me asked.

Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. Mabuti na lang at nakatalikod ang lalaki dahil kung hindi, sa tindig ko pa lamang, hindi na ako tinanggap.

Grabe naman kasi 'to! Wala lang naman intro-intro? Why should we hire you agad?!

"Hmm," I murmured, "A pleasant afternoon to you, Sir. I'm Thalia Aviatrix Martinez, 28 years old. I'm a college graduate with a Bachelor's Degree in Finance from East Edison University. I worked at the Financial Department of Juarquez' Corporation for three years. During my three years working in the Business Industry. I am confident to say that I'm well-prepared to apply my skills and knowledge here in VLSQZ Apparel." I introduced.

Napa-isip pa tuloy ako. Tama ba ang pinagsasabi ko?

"East Edison..." I heard him whisper. "Okay ... then, you're hired. You may start working tomorrow."

I got chills with that sexy voice. I clenched my fists in too much happiness. For the first time in a long time! Finally! A company accepted me! Makakapagtrabaho na ako!

"All you have to do is to sign this contract, come here. Take this." he commanded.

Maingat at mabagal kong nilakad ang daan papalapit sa kanya. I am currently hearing the sound of my heels clicking on the floor. And in every step I did, the pump of my heart began to feel heavy.

Trabaho na ito, Thalia. Trabaho. Tanga na lang ang tatanggi.

So without muttering something, I grabbed the contract in his hand and signed it instantly.

I then turned my gaze back to him as soon as I'm done. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

I placed the contract down his desk carefully. Time after time, the feeling of uneasiness becomes even worse.

I held on my chest.

This feeling is the same as what I had felt before.

W-What does this mean?

As I looked back to him, with his swift actions, he stood up and faced me. A smirk slowly formed around his lips. I stared at him with a heavy-pounding-heart. He was wearing a Charcoal Gray Suit. He moved his head

side-ward to fix his black necktie.

There he is.

He maintained eye contact with me but I looked away.

I could now feel the heavy atmosphere.

Was it a laugh that I heard from him?

"It's nice seeing you again, Thalia. Hope to have a good work with you," he said casually. The man I have forgotten for too long.

Did I really?

Why the **** I need to feel this way?

"See you tomorrow." he said as he waved his hand sparingly.

Then our memories together suddenly flashed in my mind like a lightning from a thunderstorm that strikes in the night sky.

It sends pain.

It scares me.

So, I won't.

I won't let ruined things be fixed.

As the moon embraces the sun. Our paths again,

collided.

*******

To be continued.....

Episode 1

THALIA'S POV

"Are you sure you want to try there, Thalia? We can actually send you to the U.S. Ayaw mo bang mag-aral doon? Gusto ka ring makita ng Tita mo."

Nagpatuloy ako sa pagpasok ng mga gamit ko sa pink kong backpack at hindi nilingon si mommy.

"Nandito po 'yong mga kaibigan ko, mommy." Ani ko at saglit na sinulyapan siya at ngumiti ng matamis sa kaniya.

"Edi pag-aaralin rin namin sila sa U.S. para sama-sama pa rin kayo."

"Daddy!" Sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. It's his joke. Studying abroad is so expensive. He laughed heartily.

"You're already a college student, Sweetheart. Hindi na sa lahat ng oras, kasama mo ang mga kaibigan mo." sambit niya.

"Alam ko naman po 'yon, dad." Ngumuso ako at sinaklay ang backpack ko.

I stood in front of the mirror and stared at my reflection. I'm currently wearing a simple light pink shirt tucked-in to my sky blue pants, with a white belt on my waist, fixing the Rolex on my wrist.

"Should I send you to the University?" Daddy asked me.

"Please, dad?"

"Of course, darling."

"Tara na po."

"Sure." sagot sa akin ni daddy. Pero bago

kami maglakad palabas ay may pahabol pa si

mommy.

"Ihatid mo lang si Thalia sa school then go home

again, ha?! You had promised me something!" Sigaw niya.

Pakinig ko ang pagtawa ni daddy.

"Oh sure, honey. Kahit magsayaw pa tayo araw-araw."

With those words, I know exactly what my mom wants.

Today is their monthsary. Another monthsary.

Whenever the 12th day of the Month comes, their monthsary, they dance in the living room, imagining they are both still eighteen, having a sweet night in a prom.

Despite the cheatings, annulments, and divorce that spread all throughout the world ... I still believe in the power of marriage. Because here my parents are. They're the proof of forever. My mom is kind. Dad is loving. And I wished someday, I'll find someone like him too.

The one who can take care of marriage. The someone who'll love me the way dad loves my mom.

"Bye, dad!" sabi ko at kumaway kay daddy matapos siyang halikan sa pisngi at bumaba na sa sasakyan.

Tumayo ako sa gilid habang nakatakip ng bahagya sa aking mga mata dahil sa sikat ng araw.

As soon as he finally drove away from the University, napangiti ako. Lumiko ako at hindi muna pumasok sa East Edison. Nilakad ko ang mainit na kalsadang patungo sa subdivision na tinitirhan nina Zy, bestfriend ko.

It really wasn't very far kaya nakarating rin ako agad. Pagkatapat ko sa gate nila ay gulat na gulat siya.

"Nandito ka agad?! Gagi, hindi pa 'ko nakakapag-asikaso!"

Natawa ako habang tinutulak ang gate nilang hindi naka-lock saka diretsong pumasok.

"Okay lang. Maaga lang siguro akong dumating."

"Wait! Magmamadali na ako." nag-aatubiling sabi niya sa akin at kumaripas na ng takbo papasok.

Ngayon niya lang naisipang magmadali, ha? at kunwari akong nagkamot ng ulo.

"Ang tagal naman!"

"Ay wow! Sino ba kasing nagsabi sa'yonghintayin mo 'ko?" Nakataas pa talaga ang mga kilay nya! Parang gusto ko syang isubsob sa chat niya kanina at ipamukha sa kanyang inabala niya talaga ako!

Sinarado nya ang gate sa oras na makalabas kami.

"Kung maaga kang natapos edi sana kanina pa tayo nakahanap ng pogi." Pinakita ko sa kanya ang oras sa relo ko. "Ilang minuto na lang, oh!"

"Pake ko sa pogi." sagot nya.

"Wow." I shook my head. Bago?

"Out na 'ko sa pogi hunting. Iwas tayo sa tukso." She's smiling at me proudly, as if that was the best decision she's ever did.

"Walang tukso sa pogi."

"A survey said that girls who experienced early pregnancy were mostly found in college."

"Bukod sa rasong malabo naman nila tayong i-crushback, maghahanap lang naman tayo ng pogi hindi magpapabuntis." kontra ko.

Totoo ang sinabi nya dahil ika nga nila, sa edad na 'to active ang hormones of both gender. Pero fan-girling lang naman ang pakay ko, 'no!

Hanggang dito lang, si Zy kasi, aral na aral.

"Sandali nga!" Hinila niya ako siya at pinagsingkitan ng mata.

"At kailan ka pa nagka-interes sa pogi, ha? Kami lang ni Jaile ang tandem noon pagdatingdiyan, ah? Sa pagkakaalala ko ... Ako pa ang naghahanap ng magiging crush mo noon?"

I pursed my lips, hindering my smile. Humilig ako sa kaniya. Ano ba naman 'to! Pinuna pa talaga!

"Omg!" Zy covered her mouth. "Dalaga na ba ang bebe ko?"

Siniko ko siya.

"Tumigil ka nga!" I yelled and no matter how hard I tried to execute a big voice. I can't. Damn.

We finally reached the University and I amcurrently having goosebumps. Seeing the intimidating view of East Edison University and the sight of the terrifying huge buildings makes me even more nervous. I took a deep breath, thinking it would lessen the unusual feeling I felt.

"Bumibilis 'yong tibok ng puso ko, Zy! Look, pakiramdam mo," Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa dibdib ko.

Napahinto kami sa paglalakad para lang maramdaman niya ng maayos ang mabibigat at mabibilis na pintig ng puso ko.

"Sobrang bilis, 'di ba?" My eyes were rounded. Inirapan n'ya ako. "Huwag mo kasi masyadong isipin."

"Paanong hindi ko iisipin? E, ayan na oh!"

Tinuro ko ang napakalaking gusali ng East Edison.

Nasa kalsada pa lamang kami ay kitang-kita kona ang Unibersidad. Damang-dama ko na rin ang kaba na bumabalot sa buo kong pagkatao.

Matagal rin kaming nakatayo sa labas atnaghintay. Ilang minuto pa, dumating na rin si Akali, sinundan ni Jaile at Tyron.

We've been stuck inside a hot crowd whilewaiting for the examination to start. May kaunting gulo pa ang nangyari kanina pero na wala rin naman. Natatawa ako dahil kanina ay nakatagpo agad ng kaaway si Zy. Kaaway nga ba?

Inabot kami ng tanghali sa kahihintay kaya minabuti muna naming kumain ng lunch. After that, we searched for a school supply store dahil wala pa rin palang lapis si Jaile.

Muli tuloy kaming nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao para lang bumili na pencil.

Nakahanap naman kami agad ng mabibilhan dahil demand ang pencil, maraming nagtitinda. Paulit-ulit ko ring tinutusok si Zy dahil cute ang tindero ng lapis!

I think he could be my first college crush!

"Bente pesos nga po itong lapis. Hindi ko kayo niloloko." Napakamot si kuyang tindero ng pencil sa ulo niya.

Napanguso ako, ini-i-stress nyo si kuyang cute.

"Paano kasi ako maniniwala? Tag-otso lang 'yan samin, e!" protesta ni Jaile.

"Ito po ang inutos sa amin. Sumusunod lang ako. Kahit tanungin nyo pa ang kasama ko." sagot ni kuya.

"Sige nga, asan? Porque tasado mahal?!" si Jaile ulit.

Nakakahiya dahil naglilingunan na ang mga tao sa amin. Pero dahil makapal ang mukha ni Jaile, wala siyang pakealam. Ang importante, makatawad siya.

Huli ko ang pagbuntong-hininga ni kuyang commissioner bago ito bumaling ng tingin sa loob ng tent.

Kuyang commissioner dahil alam kong pinatungan niya ang presyo ng lapis. Kahit siguro may pera ako ay hindi ko rin bibilhin iyon, 'no!

"Bro, Andrius! Lapit ka, patunayan mo na totoo ang pinagsasabi ko." May tinawag siya mula sa loob.

Pinanood ko iyon hanggang sa lumabas at naglakad palapit sa amin ang lalaking kasama nya, napakurot ako sa sarili ko. Gwapo! Hindi pa nakatakas sa mga mata ko ang suot niyang Blancpain.

Mahal!

I laughed mentally.

Noon naman, hindi ako ganito. Wala talaga akong pake sa mga lalaking nakakasalubong ko, kahit na gwapo pa iyan.

But today ... I can't stop staring at this guy. His bewitching sleepy eyes are scaring me, it damn makes him more like an unapproachable human being.

Kaya para sakin, higit itong kasama nya dahil kaaya-aya. Yes, they both looked pleasant, but the other one seemed friendly compared to this guy who has just came out.

"Hindi ba 20 pesos each 'to?" tanong ni kuyang commissioner sa lalaking may mapupungay na mga mata.

"Yeah. Elizzer is right."

Awtomatikong napataas ang mga kilay ko dahil sa narinig. Savior! Elizzer. Elizzer ang pangalan ni kuyang commissioner!

Nangalay na lang lahat ang mga binti ko, hindi pa rin tapos sa pakikipag diskursohan si Jaile! I took a deep breath, bored and tired of waiting.

"Uy! Tara na. Pipila pa tayo." Hindi ko napigilang sumingit.

Nagawi tuloy ang atensyon nilang lahat sa akin. Pati ang dalawang lalaki ay napalingon rin.

Kumurap-kurap ako. Lalo pa nang magtama ang mga mata namin noong lalaking kasama ni kuyang commissioner.

His eyes darted at my clothes. Niyuyurakan siguro ang pagkatao ko!

Nagtago ako sa likod ni Zy dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa ring nakatingin siya sa akin.

Oo na! Halata namang rich siya! Baka iniisip niyang kaya niya akong bilhin dahil ang relo niya ay katumbas ng buhay ko!

Ngumuso ako at napa-irap.

Siguro kung hindi lang siya nakasuot ng org shirt ng EEU ay branded ang pantaas niya ngayon because his pants is!

Nang matapos sila, saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Hinanap namin ang pila ng second batch ng examinees na siyang magta-take ngayong 1 P.M. Katabi ko si Akali habang naglalakad at nasa likuran naman namin si Jaile at Zy.

"Bet ko si kuya. Si kuyang commissioner," napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang inaalala ang mukha niya.

"Talaga, Thalia?" Nag-react agad si Jaile sabay hila sa akin at iniharap sa kanya.

"Oo?" tipid na sagot ko.

Patanong dahil hindi ko pa sigurado kung crush ko talaga siya, 'no!

Her mouth rounded as if she was so shock of it.

"Naks! Akin iyong isa. 'Yong isa niyang kasama!" Oh. It's the guy with sleepy eyes. Iyong... Iyong Andrius.

Matapos ang entrance exam ay dumiretso na ako sa pag-uwi. Naligo ulit ako at excited na bumagsak sa kama.

Today is the day!

Oras na para sa contact tracing!

I tapped the facebook app and immediately pressed the search tab and typed the guy's name lately.

Ang daming pangalan na 'Elizzer' ang lumabas. Nagdo-doubt pa ako kung tama ba pero ... Iyon na iyon ang narinig ko, e. Hindi ako pwedeng magkamali.

Common ang pangalan niya kaya hindi na ako nagulat pa. I have many mutuals in each accounts. Inisa-isa ko iyon at halos mapunit na lamang ang labi ko nang makita ang mukha ng lalaking hinahanap ko.

Mukhang kakapalit lamang niya ng display picture dahil suot niya pa ang blue shirt kanina.

I tapped his display photo to have a clear view of it. Kaagad akong nag-react ng heart at kinikilig pa.

"Oh my gosh!"

Napatakip ako sa bibig.

Nakalimutan ko! Hindi ko nga pala siya friend!

Nag-panicked agad ako at mabilis na in-un-heart iyon.

Shit. Bakit kasi naka-public 'yong picture niya?! Ano na lang ang sasabihin nito kapag nakita niyang nag-react ako nang hindi ko pa siya friend? Malalaman niya tuloy na ini-stalk ko siya! Ang tanga naman kasi Aviatrix!

Few minutes, he accepted my friend request. Tuwang-tuwa ako kaya naman agad kong tinignan ang story niya.

Napangiti ako, picture niya iyon kasama si Andrius na siyang nakablue-shirt rin. Hawak ni Elizzer ang lapis rito habang may caption na "I hate selling pencil from now on! Naka-away ko pa tuloy 'yung babaeng type ko kanina "

Parang pinisil ang dibdib ko sa nabasa.

What? Babaeng type?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya in-unfriend ko siya agad.

Ang malas, Thalia! Unang crush sa college may ibang babaeng type?

Tinignan ko na lang tuloy ang kasama niya. Ito si Andrius. Alam ko iyan.

Hindi ko maipagkakaila ang ganda ng kaniyang mukha. Habang tinititigan siya, hindi ko na napansing nakangiti na pala ako.

Damn.

No way.

Hindi siya pwedeng maging alternative. Crush siya ni Jaile at isa pa ... Masungit at for sure, masama ang ugali nito!

Pero...

Crush lang naman, hindi ba?

Sayang naman ang gandang lalaki niya kung walang iibig.

Without having second thought, I pressed the add friend button. Habang nag-i-iscroll sa newsfeed ko. May nag-popped-up na notification.

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. I clicked it right away.

The screen swiftly switched to something I didn't expect.

Dion Andrius Velasquez accepted your friend request.

Kinagat ko ang daliri ko sa hindi malamang dahilan.

Pinuntahan ko agad ang profile niya. Binasa ko ang bio niya at natawa na lang ako nang wala akong mabasa dahil ang nakalagay lang doon ay isang 'stethoscope' na emoticon.

I tapped his display picture to view his image clearly. My eyes were slowly narrowed, observing his physiques.

Napakapungay talaga ng mga mata nito. He was wearing a plain blue loose shirt. Nasa loob siya ng isang coffee shop. Stolen photo niya iyon habang hawak-hawak ang phone niya.

Ilang linggo matapos ang EEUCET, napadalaw si Zy sa bahay. Nakaupo siya sa couch sa loob ng kwarto ko, kumakain ng popcorn.

*******

"Akala ko ba iyong Elizzer ang type mo?"

Mapanuring tanong niya.

Inikot ko ang straw sa milkshake ko at naupo sa tabi niya, slightly leaning on the backrest.

"May ibang babaeng type." sagot ko. Humalakhak siya.

"Kaya doon ka sa Andrius na'yon ngayon?!"

Nakakahiya man pero tumango ako.

"Lagot ka kay Jaile!"

"Edi..." Ngumuso ako na halos sumimangot.

"Ano ba! Huwag mo na lang sabihin!"

Nabalot ng tawa niya ang kabuuan ng kwarto ko.

"Charot lang! May ibang hinaharot 'yon si Jaile! Hingiin mo, ibibigay niya iyon sa 'yo!"

I gave her nods.

Jaile has a lot of male friends. Balita ko ay isa doon ang talagang gusto niya. Dinagdag niya lang si Andrius sa listahan niya kaya ililipat ko na lang ang lalaking iyon sa listahan ko.

I spent my whole highschool life without having boyfriends. Kahit na pwede naman ako ay wala pa talaga sa isip ko iyon noon. Pero ngayon... I wanted to try.

I wanted to know how it feels to be cared by someone. I wanted to know the feeling of romantic jealousy. I wanted to explore the world I haven't been into.

Three weeks had passed and they all went well. I never saw the guys I met during the college admission again.

Naupo ako sa sulok at binasa ang nakapaskil na tarpaulin sa loob ng silid.

"Scholars tutorial Club."

"Halika doon tayo!" Tinawag ako ni Zareal, blockmate ko at hinila sa kumpulan ng mga estudyanteng clubmates namin.

Marami pa akong nakilala't nakausap sa loob ng isang oras.

Hanggang sa ... makatapat ko ang isang pamilyar na imahe ng lalaki. Bumilis agad ang tibok ng dibdib ko habang tinitignan siya athindi alam kung paano isisingit ang sarili sa atensyon nya.

"Andrius?"

With one call, nilingon niya ako.

Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. This is so unexpected. Paano nangyari na pareho pala kaming member ng iisang org? Mukha siyang matalino at hindi ko inakala na pareho kaming dito mapupunta.

Nagkatitig ako sa mukha niya kaya huli ko ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay niya. Hindi yata ako naaalala.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Damn, Thalia.

Hindi ka niya kilala okay.

Shit. Hindi ko na dapat siya pinansin!

Nakakahiya!

"Thalia?"

Halos magwala ang puso ko nang marinig ko mismo ang pangalan ko sa bibig niya! Kumurap-kurap ako.

"S-Sandali, paano mo nalaman?" tanong ko. I never introduced myself to him that's why I'm wondering. Where did he get my name? It took him a while before he could finally answered me.

"I recognized you by your photo." he smiled. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Recognized by my photo? Was he referring to my display picture? So naaalala niya na ako ang nag-add sa kaniya sa facebook?

"Naks! Sana ako din may matagal nang kakilala!" Tinusok ni Zareal ang tagiliran ko at hinihila ako patungo sa kung saan, saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Wala na ako sa harap ni Andrius, makakatakas ako sa kahihiyan.

"Shuta, beh! Ano 'yon?! Sino 'yon? Bakit hindi ko siya nakausap?! Bakit ikaw lang?!" There's a demand in Zareal's voice.

Siniko niya ako at ngumisi. "Pakilala mo 'ko!" humagikhik siya at naglinga-linga, mukhang hinahanap si Andrius.

Nakanguso na ako.

"Hindi kami close. Nakilala ko lang si Andrius noong admission test, 'no! At isa pa, aagawan mo lang ako kaya huwag na." kontra ko na syang nag-pairap sa kanya.

Paminsan-minsan, nakakasalubong ko 'yung crush ko sa loob ng campus pero hanggang ngitian lang kami. Nakakahiya naman kasi na i-approach siya. Hindi pa naman kami gano'n ka-close.

******

Pumasok kami ni Jaile sa National Bookstore para bumili ng iilang school supplies.

Nagtingin-tingin ako ng mga librong sa palagayko ay maaari kong magamit. Wala naman ako halos mapili dahil ang iba ay pamilyar atkatulad lang rin ng nasa kuwarto ko. Ang dami kong tambak na libro sa bahay, pero 'di ko pa nababasa lahat dahil wala naman akong time, bukod sa tinatamad ako.

I really am not fond of reading books. Unlike Akali.

Sabay kaming nagbayad ni Jaile sa cashier.Matapos kong bayaran iyon, tinalikuran ko na ang cashier woman para lumabas na sana pero laking gulat ko na lamang nang sa pagharap ko, si Andrius, ang semi-crush ko, ang bumungad sa akin.

Hawak niya ang isang makapal na libro. He's looking at me too, and I don't know the reason behind those glitters in his eyes. Binigyan n'ya ako ng matamis na ngiti, na parang kami ay matagal nang magkakilala.

Nilingon ko ang lalaking nasa likuran niya at nakita si Elizzer na siyang kausap na si Jaile.Confusion possessed in me. How could she talked to him that way like they did not just fight before?

"Kanina pa ba kayo rito o kararating niyo lang?" Iniwas ko ang tingin sa kanila at tinanong si Andrius.

Malaki kasi itong bookstore! Kung kanina panga sila narito, napaka-sama naman sa akin nasa National Bookstore! Bakit hindi agad sinabi ng mga libro na nandito siya? Bakit hindi tinuro ng ballpen? Kanina pa ako nandito, 'no!

"Uh, no. We're here I think ... past five minutes."

Nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman.Ngumiti lang ako at tumango. Nanatili rin munaakong nakatayo sa harap niya dahil mukhang may sasabihin pa siya sa akin. Ramdam ko angbilis ng tibok ng dibdib ko matapos mapansin na hindi niya maalis sakin ang pagkakatitig kahit na inaabot niya na sa cashier woman ang librong binili niya.

"Are you planning to go home after this?" tanong niya habang nagtitingin sa wallet n'ya.

Bibigyan yata ako ng pamasahe nito. Charot! Sinubukan kong ibaling sa ibang direksyon ang tingin. Kunwari, hindi napapako sa kaguwapuhan niya.

"Hindi pa, babalik pa kami sa East Edison." Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ba akong lumiwanag ang mukha nya matapos kong sabihin iyon.

"That's good, you can ride with me. Babalik rin ako roon." Andrius offered.

Natigilan ako para mag-isip. I'm not alone when I came here. Kasama ko si Jaile. Kung isasabay namin siya. Sino ang uupo sa amin sa shotgun seat? Hindi pwedeng ako 'yong maupo sa backseat, 'no! Hindi rin naman pwede na pareho kami ni Jaile ang mauupo doon! Magmumukhang driver si Andrius niyon!

"Don't worry, you're safe with me." Andrius muttered. Nagulat ako.

"Yup. I know naman ... May inisip lang ako." I then bit my lower lip.

Iniisip niya bang nagdadalawang isip ako dahil ang tagal kong sumagot?

"Babae!"

Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Jaile.

"Sasabay na ako kay Elizzer, ah?"

Hindi pa man ako tumatango, naglakad na siya palabas ng bookstore kasabay ni Elizzer!

Mukhang ramdam niya na rin talaga na ihahatid at sasama ako sa lalaking 'to! Tinignan ko si Andrius at nahuling nakatingin na rin pala sya sa akin.

"So let's go?"

Pumasok ako sa loob ng dala niyang gray Aston Martin at pinanood siyang inilalagay ang naka-plastic niyang libro sa backseat.

"Ang kapal naman niyan. Nagagawa mo 'yang basahin?" nakangiwing saad ko.

Ngumiti na naman siya. Napataas ang kilay ko, ang cute lang.

"Yeah? That's the thinnest book I think I have." sagot niya na syang ikinaawang ng labi ko. Grabe! 'Yong libro pa nga lang na 'to ang nakikita ko, tinatamad na agad ako! Ano pa kaya kapag 'yong iba? Baka nakatulog na ako niyon?!

He started the engine so I forced myself to think of a topic so he won't feel bored with me.

"Akala ko senior ka na! Volunteer ka, right? Noong EEUCET? Kayo ni Elizzer?" sunod-sunod na tanong ko, inaalala 'yung araw na nakita ko siyang nagtitinda ng lapis. That was the first day!

He nodded slowly.

"Yeah, nauna kaming mag-take kumpara sa inyo. Kaibigan ko 'yong Presidente ng org natin that's why ... I was there."

Tumango-tango lang ako at lumingon sa labas ng bintana para mag-isip pa ng itatanong sa kaniya. Hindi pwedeng mawalan kami ng topic!

Dapat masanay ko siyang kinakausap ako ng napakadalas para hahanap-hanapin niya ako! Ngumiti ako nang may maisip.

"Saan ka pala nag-high school? Um, Senior High School?"

"Bloomington," sagot niya agad. "And you?" My heart jumped when I heard the interest in his voice. In the way he raises his tone, he seemed like he's happy-interested in me.

"Loriqson High," direktang sagot ko. "So, what's your strand?" natawa ako sa sariling tanong.

"You?"

Gusto kong mainis dahil binalik niya ang tanong ko pero no! Patience is a virtue lalo na kay crush.

"Accountancy, Business and Management." Kompleto dapat para mapahaba ang usapan namin! Nakita kong natawa na naman siya.

See? Kaligayahan niya na talaga ako ngayon!

"ABM," He muttered as if it wasn't his first time knowing it. "Why?" tanong niya ulit. Teacher ko ba ito? Ganito 'yung mga tanong noong first day ko sa shs, e! Why did you choose ABM?

"Naka-align po iyon sa course ko ngayon, Sir.

BSBA Major in Financial Management."

"Sir, huh?" Tumawa siya ng mahina. "Yeah, I know. I mean, why financial management?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Alam mo na Financial Management 'yong kinuha ko?!"

manghang tanong ko. Napaiwas siya ng tingin at pansin kong medyo hindi na komportable ang mukha niya.

Oh my gosh! Does this mean, nag-i-stalk back siya sa facebook? It was written on my bio! 'finance student'. Kinikilig ako! Interesado nga talaga siya sakin simula pa lang! Chos. Ang assuming ko naman!

Assume now, iyak later.

Muli kong hinarap si Andrius nang maramdamang humuhupa na ang kilig, handa nang sagutin ang tanong nya.

"Bukod sa mukha raw akong pera, magaling raw akong mag-budget." pagmamayabang ko.Ngumiti na naman siya! Lord! Bakit naman ang ganda ng ngiti niya?

I gripped onto the seatbelt.

"How about you? Anong strand mo noon?"

Hindi ko muna tinanong 'yong course niya! Mamaya na para may back-up questions pa, mapapahaba ko 'yong discussion namin. Ang hirap kapag hindi ka ma-topic!

"STEM." My mouth rounded in amazement.

Bakit walang ganitong mukha noon sa STEM Strand ng Loriqson High? Dapat pala sa Bloomington ako nag-aral! Malapit lang iyon doon, e!

"Bakit ka pala nag-STEM?"

"I'm taking Biology."

"Ohh. Mag-do-doktor ka?!"

"Yeah." He then chuckled again. Doktor pala 'to! Good shot! May mag-aalaga na sa'kin sa future!

Nang marating ang East Edison, nauna naming napuntahan ang Building ni Andrius dahil iyon ang main building. Ako ang maiiwang mag-isa dahil malayo pa iyong akin.

Kapuwa kaming napahinto sa tapat ng gusali kung saan naroon ang room niya. Humarap pa siya sa akin bago naglakad papasok. Nasa harapan ang mga kamay ko, magkahawak.

"Babye." kumaway ako ng tipid sa kanya.

No. Please. Don't leave me.

Maglalakad na sana siya papasok pero kaagad akong nagsalita nang may maalala.

"Walang ingat?" tanong ko.

Hindi ko na pinansin ang hiya kahit na kitang-kita ko sa mukha nya na nagulat siya at mukhang hindi komportable sa tanong ko. Kahit ako ay nagulat rin sa sarili ko pero bahala na.

"Oh, yeah right." He chortled. Nakahawak sya sa tungki ng kaniyang ilong at nangingiting nakatitig sa akin. "Ingat. Ingat kasi..."

"Kasi ano?" My chest is pounding so loud. I never expected he has reason! Damn.

"Kasi," Nakangiti pa rin sya ng matamis sa akin habang nagniningning ang mga mapupungay na mga mata nya. "Magkikita pa tayo bukas."

***

lethall4dy

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play