English
NovelToon NovelToon

Tell Me Your Name (Filipino)

LIFE OVER DEATH

AIKKA's POINT OF VIEW...

(Sa Forest Park ng --Santos Academy, where she is studying)

Nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa kung saan.

Napahinto ako saglit at pinagmasdan ang pagsayaw ng mga damo at pagsabay ng dahon ng mga puno sa pagihip nito. Nagdidilim na rin ang langit at naririnig ko na ang dagundong mula sa kalangitan.

Hindi ko alam ang aking gagawin.

Ako'y hinang-hina na at tila baga nabasa na ang aking damit dahil sa dugong nagmumula sa napuruhan kong braso. Tila baga naghahabulan ang aking paghinga at pintig ng puso habang aking pinipilit na lumaban at huwag sumuko sa pagbabasakaling may makatulong sa akin. Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili na kaya ko ito....kaya ko ito...kaya ko ito. Hindi ko na pala namamalayan na nababasa na rin pala ng luha ang aking mga mata. Kusa itong tumulo at hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Wala nang tutulong sa akin.

Nobody really cared for me.

It seems like I don't exist in this world.

I feel like I'm.....

I'm fainting....

"Aikka" someone called my name.

"Aikka!"

Hindi ko matandaan kung kaninong boses iyon kaya minabuti kong kilalanin ang mukha n'ya but I failed. Nagblurred na ang aking paningin hanggang sa nagdilim ito.

"Aikka....." that voice again. It keeps from echoing on my mind.

"Aikka....."

At nagising ako sa aking panaginip ng imulat ko dahan-dahan ang aking mga mata.

"She's awake!" sabi nang babae na pamilyar sa akin ang boses.

Wait, where am I? Bakit parang nasa heaven na ako?

Inilibot ko pa lalo ang aking paningin. Nagulat ako nang mamukhaan ko si daddy.

"Dad?" nasambit ko.

Lumapit siya at niyakap ako.

But how?

"Are you alright?" he ask in a so worried voice.

"Anak, buti na lang at gising ka na. We're so worried about you." Elena acting like she really cared.

Then...I just realized na buhay pa pala ako.

(sighed)

I don't know but part of me seems disappointed.

Well, maybe because I'm so tired of my life. Even if dad is always here for me, I feel that its not enough. Part of me still feels empty.

Maybe, you're asking about my mom. Well, the one that I mentioned earlier, Elena, she's not my real mom. My real mom passed away giving birth to me. I don't actually consider Elena as my mom since kilala ko na siya. I know her personality, character and her real motive why he married my dad. This time, alam kong nagpapanggap lang siyang worried but I know, matagal na niyang gustong may mangyaring hindi maganda sa akin para mabura na ako sa buhay niya at ni dad. Tss. kung hindi dahil kay dad, matagal na akong lumayas sa mansion. Nagiging mabait lang kasi siya kapag andyan si dad at ibang tao. Pero kapag kaming dalawa lang, hindi niya ako kinakausap, ni tingnan nga sa mata, di nya magawa. Mas prefer pa niyang kausapin 'yung aso namin kaysa sa akin.

"Pinag-alala mo kami ng mommy mo. Buti na lang nadala ka agad dito ni Nathan"

Wait. Sino naman iyon?

"Nathan?" me.

"Kaklase mo ata eh. Basketball player ng school n'yo. Nakauniform kasi sya ng dalhin ka dito."

Really?

Nathan huh.

"ano ba kasing nangyari sa iyo anak? nakilala mo ba ang gumawa nito sa iyo?" Elena.

"No, but malalaman ko rin iyon sa tamang panahon." I said while looking on the corner. Ayoko kasing makipagplastikan sa kanya. Not this time.

"Don't worry anak, pinapahanap na namin ang mga walang hiyang iyon. Hinding-hindi ko sila mapapatawad for causing harm to you" dad

Because of what dad said, medyo gumaan ang aking pakiramdam.

"Kailan daw po ako pwedeng lumabas dito?"

"Sabi ng doktor, makakalabas ka na dito bukas. Reresetahan ka na lang niya ng gamot then you can stay at home na" dad while gently patting my head.

"President" his secretary gave him the phone.

I think may problema na naman sa company ni dad. Wala talagang pinipiling oras 'yang company problems na iyan eh.

Kinuha ni dad ang phone and talk to someone for how many minutes. Then, he suddenly came near me after ng conversation nila.

"bakit daw honey?" Elena.

"something came up, I need to fix some mess. Ikaw na muna bahala kay Aikka, emergency lang"

"ah okay, don't worry. Hindi mo na kailangang sabihin iyon, its my responsibility as a mom to take care of our daughter honey. Pumunta ka na doon para maayos mo na ang problem."

Elena. Tss. Ang galing talaga niyang magsalita, parang gusto ko nang maniwala sa mga pinagsasabi niya.

"sige. Aikka, anak, pagaling ka ha? May problem lang sa company kaya di muna kita masasamahan ngayon. But don't worry, pag uwi ko, I'll buy you something okay?"

"okay dad"

"that's my girl" ginulu-gulo niya ang buhok ko tapos hinalikan niya ako sa noo before he left.

Then, yun na nga. Pagkalabas na pagkalabas ni dad, back to my usual life na.

Isang tahimik na paligid at tila mag-isang buhay.

THE ONE WHO SAVED MY LIFE

After class.....

Naupo ako sa bench under the Legume tree known as Bani.

Now, gusto ko ulit mapag-isa. I just wanted to watch the clouds this time.

Then suddenly, what really happened to me last time when somebody tried to kill me, just came across my mind.

It was afternoon and being alone in the classroom. I'm making some lists kasi na pwedeng gawin para sa upcoming na acquaintance party. Sabi kasi ni Vice Gov. na 'yung idea ko raw ang pagbabasehan ng magiging concept ng acquaintance party kaya minabuti kong bigyan talaga ng time ang bagay na iyon. I don't want to disappoint him at yung Supreme body.

Minsan ko lang rin kasing maexperience na bigyan ng ganoong klaseng obligation.

Pinalabas na nga ako ng guard eh kasi ilolock na niya ang classrooms. Nasa school policy rin kasi iyon kaya lumabas ako ng school building at naisipan kong doon muna magstay sa Forest park since may table naman doon at may ilaw rin if ever na maabutan ako ng gabi. Actually, kayang-kaya kong magstay ng mag-isa sa isang tahimik na place.

Laking gulat ko na lang nang may biglang humila sa buhok ko at kinaladkad ako sa ground malapit sa mga roses.

Tatlo silang nakabonnet.

May dalang knife yung isang guy habang yung dalawang babae naman na nakaschool uniform pa ay nakatayo lang at naghihintay ng mangyayari. I tried to fight back at ginamit ko ang self defense na itinuro sa akin ni dad but it didn't work since tatlo sila kaya nasugatan ang aking braso.

Luckily, I managed to run away from them at nakapagtago ako sa corner ng school building.

(sighed)

Whoever did it to me? I'll make sure to find them out.

"Ang ganda tingnan noh?"

Nagulat ako coz may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Excuse me?" I said looking at him. Sino naman ang isang ito?

Nakatingala lang siya while nakangiting pinagmamasdan ang bughaw na langit.

dug...dug..

dug dug..dug dug...dug dug..

Then I realized..

Habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel niyang mukha, bumilis bigla ang pintig ng puso ko.

Shocks. Am I palpitating? Hindi naman ako uminom ng coffee kanina ah.

"Sometimes, masaya rin palang pagmasdan ang mga ulap noh?"

Tapos lumingon siya sa akin at nung time na iyon, para bang nagslo mo bigla ang aking mundo.

( Tulad nung nasa mga palabas na akala ko noo'y nage-exaggerate lang.)

So, I asked myself, why?

"ah, pasensya na...ako nga pala si Nathan"

Siguro mga ilang minutes rin bago ako natauhan. Peacock, ano bang nangyayari sa akin?

"s_so, what_ what do you need from me?" I tried to act like usual.

"eto naman, masyado ka namang suplada. Ako 'yung nagdala sa iyo sa hospital, isasauli ko lang sana ito"

Ipinakita niya ang necklace ko. Wait, siya 'yung sinasabi ni dad?

"ayos ka na ba? kumusta ka na?"then tiningnan ko ang napakaperfect na mga mata niya.

Ewan ko kung feeler lang ako or naghahallucinate lang pero he looks so worried for me. 'Yung para bang matagal na niya akong kakilala.

"H_how did you find me?"

"ah yun? may_"

"bro! andito ka lang pala, hinahanap ka na ni coach" sabi nung kaibigan niya na nakauniform nang pangbasketball.

"oy, sino na naman iyan ah? ipakilala mo naman kami"

"tss. dyan lang kayo!" he said while smiling.

(blush because they are teasing him being with me)

"ah, Aikka right? eto na pala ang necklace mo. Pagaling ka huh?" then he winked at me before he left.

dug dug....

dug dug....

dug dug....

My baby heart...

No...

Hindi....

I get my books, mabuti pang magbasa na lang ako.

"yah! huli ka!"

"Elaine?"

"you remembered my name! so it means, bffs na tayo?" then inakbayan niya ako.

Shocks! Again! she's the girl on the storage room kahapon. Hindi ko talaga makakalimutan yung araw na iyon with my friend, Jordan.

"no, wala akong sinabing ganon" sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.

"grabe ka, pagsisihan mo yan." kinuha nya ang libro ko.

"hey, wag ka ngang magulo, magrereview ako okay?"

"stop pretending. Alam ko namang hindi ka rin makakapagconcentrate, lalo na't iniisip-isip mo sya" Elaine while teasing me.

Hay naku, kaya ayaw kong makipagclose sa mga girls eh. Yan lang ang mapapala ko.

"ano bang pinagsasabi mo?" kinuha ko sa kanya ang book ko.

"si Nathan, yung star player ng Flying Hawks. Halata namang type mo siya eh. Kitang-kita ko kaya ang reaction mo kanina"

"are you my stalker?" me.

"hindi ah. Mukha bang stalker ang face na ito? Kahit gustong-gusto kitang maging bff, I will never do that girl"

"tss. why so defensive, yes or no lang naman ang sagot doon sa tanong ko ah."

"ay grabe ka talaga, sige ka..kapag ako nagtampo di ko ishe-share sayo ang nalalaman ko about dun kay Nathan"

"bakit, ano ba iyon?" nasambit ko.

Okay, now, I'm interested with that guy lalo na't niligtas niya ako mula sa incident doon sa Forest Park.

"hmp, ayokong sabihin, inaaway mo ako eh"

"eto naman, para ka namang bata. Kung ayaw mo eh di wag." nagsimula na akong magligpit ng gamit ko. I decided na sa coffee shop na lang ako magpalipas ng oras while waiting para sa afternoon class ko.

"sus. Eto na, sasabihin ko na in one condition"

Bah, may pacondition pa siyang nalalaman.

"ano naman iyon?"

"ililibre mo ako sa Aristocrat bukas"

"Fine" tumayo na ako.

"wait saan ka pupunta?"

"sa coffee shop" me.

"okay, sasama na lang ako so habang naglalakad tayo eh masabi ko sa iyo kung ano ang big revelations ko about kay Nathan" pangungulit niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"siguraduhin mong may sense iyang sasabihin mo huh?"

"of course. Ganito kasi iyon, kilala mo ba si Markus?" kwento niya habang naglalakad na kami.

"Nope"

"ano ka ba, yung lalaking number 4 ang jersey, yung tsinito, yung gwapo, mapula ang labi, may tantalizing eyes at may dimples...'yung crush ko?"

"sorry, hindi ako interested sa kanya"

"I know, pero siya 'yung childhood friend ni Nathan na nanliligaw kay Jenna"

"Jenna?"

Bakit naman nasama sa usapan ang witch na iyon?

"Oo, alam kong kilala mo siya kasi anak siya ng may-ari nitong SA. Anyways, si Jenna ay may gusto kay Nathan kaya iniignore niya si Markus and I'm thankful of it dahil hindi napunta sa masamang kamay si Prince Markus ko."

"so...you mean, si Nathan 'yung rumored boyfriend ni Jenna?"

" tumpak ka dyan girl! pero don't worry, walang panama yang si Jenna sa iyo. Kung idedescribe naman kita eh, may itsura ka naman, maputi ka, hindi ka naman maliit, pinagkalooban ka rin naman ng dibdib saka butt_"

"hey stop it, nagiging awkward ka na huh." me.

"Girl, if you wanted to get his attention, you need my help..expert ako dyan, kailangan mo lang ng konting makeover."

"so you mean, I am the one who will make the first move? tss. ang swerte naman niya"

"wow! ang ganda mo teh. Honestly, okay lang naman magkaroon ng self confidence eh but hindi 'yung over. No offense huh, pero aware ka namang, maraming ibang girls dyan na compared to you ay MAS maganda....MAS makinis.....MAS matangkad....MAS malaki_"

"peacock, kailangan mo ba talagang ipamukha sa akin na there's someone better than me? No need to do that. Matagal ko nang tanggap iyon. And kontento na ako sa kung anong meroon ako ngayon."

Natahimik siya bigla. Well, totoo naman eh, okay na ako sa ganito kaya hindi na ako maghahangad pa ng mga bagay na magpapacomplicate sa buhay ko.

THE RUMORS

Math discussion...

Time check: 1:00 pm

"Considering any real number squared, It's square root is the absolute value of that real number.

For example, the square root of an x... "

Shocks, ang boring naman. I tried to focus my attention on Mr. Sanchez but I can't understand him. Something is bothering me.

I looked at the window beside me, napataas ang kilay ko ng makita ko ang grupo ng mga basketball players na nagloloiter lang sa labas .

"Wala ba silang mga pasok?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

"sino?" bulong naman ni Jotham.

"wa_wala" sabi ko. Nakakaamaze naman ang pandinig ng isang ito.

Ibinaling ko ulit ang paningin ko sa window. This time, may kasama na silang mga babae. Teka lang, mga cheerleading squads ata yon ah. Popular din kasi ang mga iyon since sila ang face ng SA. Nakadikit kasi ang mga mukha nila sa tarpaulins outside the school campus. Hindi rin naman kasi maidedeny na magaganda sila. Wait lang, parang may bago ah...hindi ko pa siya nakikita ever since dito sa campus. Transferee ba siya?

Natapos ang math discussion sa wakas. I can take a nap now.

Yuyuko na sana ako when somebody came in.

"Ms. Montero, kindly assist her. She's a transferee" sabi ni Miss Quin.

Dali ko namang nilapitan yung transferee. Siya 'yung nakita ko sa baba.

"Ah, introduce yourself" sabi ko after I lead her in the center

"I'm Princess Milky Alvarez and I'm happy to be here" medyo nahihiya pa niyang sabi.

"transferee ka di ba? saang school ka ba galing?" tanong naman nung lalaki malapit sa pinto. Nakakairita talaga pakinggan ang boses niya eh. Nakakabad mood. Umupo ako sa isang vacant chair, katabi ni Mr. Spade Santos, fraternal twin ni Jenna.

"ah, I actually came from New World Academy and its my father's decision why I'm here"

NWA? Naku po, hindi ito maganda.

Marami nang rumors ang naririnig ko about sa school na iyan. Marami na ring incidents ang nangyayari dito sa SA na ang sinisisi ay ang NWA. Kailangan ko muna siyang kausapin this time, I need to warn her.

Tatayo na sana ako when somebody threw crumpled papers at her.

"hey guys!" awat ko...but now, they are throwing things at her. Iba talaga ang mga attitude ng mga classmates ko lalo na't kapag may naisipan silang gawin,, mahirap nang patigilin.

"go back where you came from stupid!" sigaw ni Jenna. Bwiset rin noh, kung makapagsalita eh.

"we don't want you here! booooo!"

"booooo!" nagsisigawan na sila.

Hinila ko si Ms. Alvarez palabas ng classroom. I think she's crying and I need to comfort her.

She's sobbing.

"ahm, Princess...."

Shocks. Paano ba ito? Paano ko ba siya papatahanin?

"Princess, tahan na. I know na hindi maganda ang ginawa nila sa iyo and hindi ko iyon mapapalampas. I can report their misbehavior to Students' Affairs Office (SAO) kaya don't worry."

"why are they so mean to me? did I do something wrong?"

"No. wala kang kasalanan. Its just because of what you've mentioned earlier that's why they're acting like crazy."

"What do you mean?"

"di ba sabi mo galing ka ng NWA?"

Tumango siya in a question mark expression.

"Okay, ganito kasi iyon...did you somehow heard about Mr. Alexander de Veto?"

"why? ano bang kinalaman ng taong iyon sa pambabato ng mga kaklase mo sa akin?" her.

"Actually, transferee din siya dito dati at like you, galing din siya ng NWA. At first, mabait naman siya, saka he's gaining his popularity here since soccer player siya ng school. Lumipas ang three months I think.....bigla na lang siyang naging violent. Tinangka nga niyang gawan ng masama si Lesley na gf ni Spade at dahil sa galit ni Spade, kinick out sa school si Mr. de Veto. Pero hindi pa nagtatapos ang lahat ng iyon kasi after a month, nabalitaan na lang namin na nakulong si Sir Mateo, Teacher namin sa Science, na may history ding nagtuturo sa school nyo noon, dahil sa pagpaslang niya sa kanyang kalive in na student rin ng NWA."

"what? so you all guys believe that I can be violent too, that I can kill somebody because of that hearsays? Come on, those are just suppositions, you don't need to judge me like that!" Princess.

"I know, but what can I do? Yun ang paniniwala nila eh. But don't worry, I have your back. I will help you to prove them wrong"

"thanks_"

"Aikka..my name is Aikka"

"thanks Aikka"

"pwede na tayong pumasok ulit sa loob"

Sumunod siya sa akin.

"You can sit beside Mr. Santos since yan na lang ang vacant seat" me.

"Who are you to say that?" sabi niya habang nakakunot ang kanyang noo.

"I am your class President, kung ayaw mong irespect ako as your class President, then ipapasa ko sa iyo ang responsibility" me.

"tss" kinuha niya yung bag na nakalagay sa bakanteng upuan, tapos sinuot niya yung kanyang paboritong headphone.

Tsk. He's acting cool again and hindi bagay.

Bahala siya d'yan.

"You may now sit here Ms. Alvarez"

Tiningnan niya ako as if na nagtatanong siya if okay lang talaga. Well, hindi okay pero no choice siya. Hindi naman pwedeng tumayo siya buong maghapon dito sa classroom.

Ganoon lang talaga ang mga ugali ng tao dito kaya kailangan na niyang masanay.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play