English
NovelToon NovelToon

Breaking The Rule

Prologue

Halos kumaripas na ng takbo si Quirah dahil pagmamadali at kabang nararamdaman. Nasa hospital kasi ang matalik niyang kaibigan na si Dana dahil ang sabi sa kaniya ng nurse na nakausap niya sa telepono kanina ay naaksidente daw ito ng may makabanggaan na sasakyan. Halos lumabas na nga sa sobrang kaba ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib. Nang makarating na sa sinabing numero ng kwarto ng nasa frontdesk ay agad agad niyang pinihit iyon at walang sabing pumasok kaagad.

Nakita niyang naka higa ang kalahating katawan nito sa hospital bed at ang kalahating ay nakasandal sa headboard. Pangiwi itong napatingin sakaniya ng hampasin niya ito sa balikat.

"Aba babaita ka! Madaling madali pa naman akong pumunta dito dahil akala ko napano kana! Tapos yan lang ang maabutan ko sayo ngayon? Todo sabi pa yung babae kanina na nahimatay ka. Anyways okay kalang?" Angil niya dito dahil naabutan niya lang naman itong walang kagalos-galos prenteng nakaupo lang doon at parang wala namang nangyari.

"Rara nahimatay naman talaga ako eh!" Pagpapaawa naman nito sa kaniya at saka pinakita ang daliring may bandage. "Look oh! Madaming dugo diyan kanina eh alam mo namang takot ako sa dugo!" Parang batang nagsusumbong ito sa kaniya na para bang sobra talaga itong nasaktan. Inirapan niya ito.

"EH AKO?! ALAM MONG TAKOT AKO SA HOSPITAL! NI HINDI NGA AKO NAKATUNGTONG DITO NG PINANGANAK AKO NI MAMA TAPOS ITO NANDITO AKO NGAYON SA HARAP MO!" Napangiwi ulit ito at saka parang natataeng tinitignan siya at parang may sinasabi sa kaniya pero hindi nita na ito pinansin at patuloy lang siya sa pagsasalita. " Tapos yung kliyente ko tuloy iniwan ko don. Ang pogi pogi na pa naman non tapos mayaman at malaki ang kontrata buti nalang at mabait yon dahil sinabi kong emergency. Nako talaga ikaw babae ka—" hindi niya na natuloy pa ang kaniyang sinasabi ng may biglang tumikhim sa likuran niya. Awtomatiko naman siyang napaayos ng tayo at tumingin sa pinagmulan noon. At para bang may kakahiya siyang nagawa at gusto niya nalang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon. Paano ba naman kasi ay nakatayo sa kaniyang likuran ang dalawang tao at tinigtignan siya na para bang isa siyang weirdo na tao sa balat na lupa.

Ang isa doon ay nurse na parang napilitan nalang ngumiti sa kaniya at ang isa naman ay para bang napangko siya sa kaniyang kinatatayuan ng magtagpo ang kanilang paningin. Isang doctor. Isang doctor na animo ay lumabas sa isang anime world at naging tao dahil sa pagiging perfect nito. Mula sa kaniyang singkit na mata, matangos na ilong, heart-shaped and kissable lips, ang kaniyang perfect build face at ang matitipuno nitong katawan na hapit sa suot nitong hospital gown.

Awkward siyang tumawa pero hininto niya din dahil para lang siyang tanga.

"So hi, kamusta naman po ang kaibigan ko?" Ani niya sa tono na para bang hindi makabasag pinggan. Narinig niya pa nga ang impit na tawa ni Dana pero sinamaan niya lang ito ng tingin.

"So far wala namang na damage sa kaniya at ayos naman ang mga vital signs niya. Meron lang siyang minor bruises if it is counted bukod doon she's all fine." Parang nabobored na paliwanag nito sa kaniya.

"I thought she got a car accident?" Nagtatakang tanong niya.

"Yeah. She bumped a trashcan but she called the ambulance right away saying she's all injured after seeing a blood." pagkatapos noon ay nagpaalam na ito kasama ang nurse. Habang siya naman ay para bang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. What the hell just she heard?!

"ALAM MO IKAW!!!!" Akma niya pa sana itong hahampasin ngunit pinigil siya kaagad nito at hinarang ang mga braso bago pa dumapo ang mga kamao niya doon. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya dahil sa kaibigan niya kay inis na inis siya.

"Sorry na okay?! Sobrang nag hysterical lang talaga ako kasi nakita ko yung dugo eh. Alam mo naman kung gaano ako katakot don." Para naman siyang naawa dito dahil sa sinabi nito pero biglang itong ngumiti ng nakakaloko. "Tsaka feeling ko nga dapat ka pang magpasalamat sakin eh. Nakita ko yung tingin mo kanina kay doc ha. Ayieee." tukso nito sa kaniya. At para bang nabaliktad ang sitwasyon at naramdaman niyang pinamulahan siya ng pisnge.

"Anong ayie ka diyan?" Pagdadahilan niya sabay iwas ng tingin kaya naman mas lalong lumakas ang tawa nito.

"Sino ba yun?" Pasimpleng tanong niya. Mas lumawak pa ang ngiti nito pero sinagot naman siya nito pagkaraan.

"Dr. Darius Spencer. Pogi no?" anito na para bang batang kinikilig. Pasimple naman siyang napangiti dahil sa narinig.

Darius Spencer. Nice name.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play