Tunog ng baril at sandata ang umalingaw-ngaw sa buong isla ng Mactan. Hagul-gol at sigaw ng mga taong naglalaban lamang ang karaniwang maririnig. “Sugod!! Sigaw ng isang lalaking may matipunong katawan habang binibigyan ng hudyat ang mga kasama nito upang salakayin ang mga nag-ngangahas na sakopin ang kanilang isla. “Boom!! Isang malaking pagsabog ang sumalubong sa mga mandirigma na naglalayong salakayin ang malaking barkong pandigma. “Huwag ninyo silang hayaan makalapit” sigaw namn ng kapitan habang nagpapaputok ng kanyang baril. “Wag kayong matakot, ang mga indiong yan ay walang mga alam sa pakikipag laban. Mas malakas ang ating armas kaya wala tayong dapat ikabahala.” Atras!! Tumakbo pabalik sa isla ang mga indio upang maghanda ng muling pagsalakay.” Nagtawanan naman ang mga dayuhan sa kanilang nasaksihan. Isa-isa silang bumaba sa barko upang lusobin ang mga indio. Ang hindi nila alam ay naghahanda pala ang mga indio ng mga sibat at palaso na may lason. Habang papalapit na sa baybayin ang mga dayuhan ay sinalubong sila ng isang surprisang pag atake ng mga indio. Bagaman makabago ang sandata ng mga dayuhan ay wala silang magawa sa dami ng mga katutobong mandirigma. Naging matindi ang paglalaban ng magkabilang panig. Di mabilang na mga bangkay ang nakalutang sa mga mababawng bahagi ng tubig. Tila kinulayan ng dugo ang maputing buhangin ng isla at ang masangsang na amoy ng dugo ang bumalot sa buong lugar. Pagod at malalim na paghinga ng dalawang pinuno. Kapwa’y nagtamo ng malalalim na sugat sa kanilang mga katawan. Isang palaso ang tumama sa tuhod ni Magellan na naging daan upang magkaroon ng pagkakataon si Lapu-lapu na wakasan ang kanyang buhay. Nang makita ng mga dayuhan ang nangyare sa kanilang pinuno ay nagpasya silang umatras at bumalik sa Espanya. Ilang saglit pa ay dahan-dahang napaluhod si Lapu-lapu at itinurok ang itak sa lupa. Marami ng dugo ang nawala sa kanya kung kaya’t unti-unti na siyang nahihilo at nawawalan ng malay. “ Ama!!! Sigaw ng isang binatilyong patakbong lumalapit sa kanya.
Isang malakas na sigaw ang bumulabog sa mga kasambahay. Nagpuntahan ang lahat sa isang kwarto. “Sir, ano po ang problema?” tanong ng kasambahay sa binata na hindi umiimik at nakatingin lang sa kaniyang mga palad. “Binangugot po yata kayo sir, kukuha muna ako ng malamig na tubig” dagdag pa ng katulong. (Sigh) Panaginip lang ba to? tanong niya sa sarili.
May mga ala-ala na bumabalik sa kanyang isip na naging dahilan ng labis na pagsakit nito. Dali-dali siyang pumunta sa isang malaking salamin at nakita niya ang isang maginoong binatilyo. “Kaya pala! Nauunawaan kona ang lahat. Ako ay sumapi sa katawan ng isang binatilyong nagtangkang magpakamatay (nakatingin sa mesa na puno ng sleeping pills). “Ang saklap ng buhay mo Lauro, mayaman ka nga pero ikaw ay inaapi ng sarili mong kamag-anak.”
Namatay ang ina ni Lauro nang isinilang siya sa sinapupunan nito. Magmula noon ay pinabayaan na siya ng kanyang ama na isang retired General at sinisisi siya ng lahat sa pagkawala ng kanilang ina. Si Lauro ang bunso sa limang magkakapatid, ang tinuturing black sheep ng kanilang pamilya. Lumaki siya na walang kakampi at laging hinahamak ng kanyang mga kapatid. Naawa si Lapu-lapu at nagpasyang mabuhay muli bilang si Lauro. “Mapalad ka Lauro dahil mukhang dininig ng Bathala ang iyong mga hiling. Ako na labis ang kagustuhang mabuhay at ikaw na may kagustuhang mamatay.
Limang taon na ang lumipas mula nang ako ay namatay at muling nabuhay sa katawan ng ibang tao. Ang laki na ng pinagbago. Nabuhay ako sa hinaharap? (Sigh) ito ay isang malaking kalokohan” wika ni Lauro habang nagbabasa sa silid aklatan. Nagpasya siya na maglibot sa kanilang Exclusive School sa kolehiyo. Habang nag lalakad siya ay nadadaanan niya ang ibat-ibang sports club ng kanilang paaralan ngunit ang nag-iisang laro na pumukaw ng kanyang atensiyon ay ang “fencing club”. Nagulat ang lahat dahil bigla nalang pumasok si Lauro sa silid. Naalala pala nito na dating miyebro si Lauro sa fencing club. Dinampot ni Lauro ang isang espadang kahoy at bumalik sa kanya ang mga alaala niya bilang isang mandirigma at pinuno ng kanilang tribu. Habang tahimik na nakatayo si Lauro sa gilid ay biglang may isang bag ang tumama sa ulo ni Lauro. Lumapit ang tatlong lalaki kay Lauro habang tumatawa ng malakas. “ Tingnan mo nga naman, nagkita na naman tayo Lauro” wika ni Alex. Hindi umimik si Lauro at sa halip ay lumakad siya papalayo bitbit ang kahoy na espada. Napahiya si Alex dahil hindi siya pinansin ni Lauro at galit na sumugod. Kumuha ito ng isa pang kahoy na espada upang paluin si Lauro sa likod. Nanlaki ang mga mata ng lahat dahil nasangga ni Lauro ang pag-atake ni Alex gamit ang hinahawakan nitong kahoy na espada. Si Alex ay isang mahusay na manlalaro ng fencing at marami na itong napanalunan na tropiyo mula sa ibat-ibang bansa. Sa kabilang bahagi ay napalingon si Dexie, ang presidente ng naturing club. Lumapit ito sa dalawa at sinabi “ano ang ginagawa mo Alex? Alam mo naman siguro na bawal ang manakit ng sariling ka grupo.” Natigilan si Alex at sinabi niya na gusto niyang hamonin si Lauro sa isang duelo. Hindi sumang-ayon si Dexie dahil alam niya na masasaktan lang si Lauro dahil wala pa itong kasanayan sa pakikipaglaban. “Pumapayag ako.” Mahinang tugon ni Lauro. Nagtaka ang lahat kung bakit pumayag si Lauro. Si Dexie ang pumagitan sa laban, bakas sa mukha ni Alex ang masamang ngiti. Dali-daling sumugod si Alex at nagpakawala ng ilang kombinasyon sa pagsalakay, ilang saglit pa ay bumulagta kaagad ito sa sahig. Tumahimik ang lahat at dahan-dahang lumabas si Lauro sa silid.
“Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap” wika ng isang lalaki na nakangiti sa harap ni Lauro. Matagal na tinitigan ni Lauro ang lalaki at naalala niya na nagkaroon din pala ng kaibigan ang dating si Lauro. Sa likod ng maraming pambubully kay Lauro ay may isang kaibigan parin pala siyang nagtatanggol sa kanya noon. Napangiti na lang siya. “Wag moko titigan ng ganyan Lauro. Tumatayo ang balahibo ko sa katawan hahaha”. Pasensya na Reymond, natutuwa lang ako na makita ka”. Di makapaniwala si Reymond dahil pansin niya ang pagbabago ni Lauro. Nagtanong si Lauro kung paano siya mabilis na nahanap ni Reymond dahil napakalaki ng kanilang paaralan. “Kabisadong- kabisado na kita Lauro noon paman ay ugali mo nang magbasa dito sa library sa halip na gumimik” wka ni Reymond. Matagal na nag-usap ang dalawa. Kakabalik lang pala ni Lauro sa Kolehiyo mula nang natigil siya sa pagpasok dahil sa depresiyon. Naikwento rin ni Reymond kung bakit niya hinahanap si Lauro. Nabalitaan pala nito ang laban nila ni Alex. Habang masayang nag-uusap ang dalawa nabaling ang atensiyon ni Lauro sa isang magandang babae na tahimik na nagbabasa ng aklat. Nahihiwagaan si Lauro sa kanyang nakita, kamukhang-kamukha talaga ang dalaga sa taong minahal niya limang daang(500) taon na ang nakakalipas. Napatingin din ang dalaga kay Lauro at ngumiti. Namumula ang mukha ni Lauro at agad itong tumayo at lumabas ng library. “Hoy Lauro, saan ka pupunta?” ang sabi ni Reymond na dali-daling humabol kay Lauro. Nagtaka si Reymond at tinanong niya kung bakit bigla nalaman lumabas si Lauro. “Yung babae kanina, kilalamo ba siya?” sabi ni Lauro. “Babae? Ahh, baka si Elsa yung tinutukoy mo. Ang ganda no? Hahaha Wag mo na ipagpatuloy kung ano man ang binabalak mo Lauro.” Si Elsa ang Campus Bell ng ating paaralan, at marami narin ang nanligaw sa kanya lahat maginoo at mula sa mayamang pamilya pero ni kahit isa walang sinagot ni Elsa. Hahaha” Habang nagkukwento pa si Reymond ay patuloy sa paglakad si Lauro.
“Lauro, hintayin moko” -Reymond.
Alas 5:00 ng hapon kakatapos lang ng klase. Sumama si Lauro kay Reymond upang bumili ng gamit sa paggawa nila ng proyekto. Di nila alam ang panganib na naghihintay sa kanila sa may kanto. Isang grupo ng kalalakihan ang nag aabang sa kanilang pagdating, armado at naghihintay nalang ng hudyat sa pagdukot.
“Bukas nalang tayo bumili ng materyales na ating gagamitin Reymond.” Wika ni Lauro. Kakaiba ang nararamdaman ni Lauro at malakas ang kutob niya na may masamang mangyayare. Pansin kasi ni Lauro na parang may nagmamanman sa kanila. “Ano kaba Lauro malapit na ang deadline, tara na at baka magsara na ang tindahan.”- Reymond. Tatlong lalaki ang bigalang sumulpot sa likod ng dalawang binata at tinakpan ang kanilang mukhang ng damit na may pampatulog. Sinakay sila sa isang itim na van at dali-daling umalis.
Dumating na ang sundo ni Lauro. Ang driver ay nagngangalang Cardo, isang lalaking matikas at matipuno ang katawan na may piklat sa mukha. Naghintay ito ng tatlong oras ngunit wala parin si Lauro. Nakita niya sa daan ang Cellphone na pagmamay-ari ni Lauro kaya agad siyang kinabahan at nag-alala baka may masamang nangyare sa kanyang amo. Pumunta siya agad sa presinto ng pulisya upang i-check ang mga CCTV sa kalsada. Walang duda, nakita niya ang pagdukot kay Lauro. Mabilis niyang pina-andar ang sasakyan at umalis upang hanapin si Lauro. Dumating ang itim na van sa isang lumang bahay dala ang dalawang tulog na binatilyo. Pina-upo nila ang dalawang binata at itinali ng mahigpit. Sa isang mesa makikita ang ibat-ibang uri ng kutsilyo, pliers, martilyo at ibang pang gamit sa pag- torture. Biglang may tumawag sa grupo ng kidnappers. “Boss, hawak na namin ang biktima. Papatayin ba namin to?” -wika ng lider ng grupo. “Wag, ang gusto kong gawin ninyo ay pahirapan at lumpuhin ninyo si Lauro.” Sagot ng lalaking nasa telepono.
Sa kabilang banda, si Cardo ay dumating sa isang liblib na lugar at tila mayroon siyang hinuhukay sa lupa.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play