English
NovelToon NovelToon

Maria Clara At Fidel Sa 21st Century

Prologo

Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Si Crisostomo na sinasabi mong buhay pa, kung gayon ay nasaan s'ya, Klay?
Naluluhang tanong ni Maria Clara sa kanyang katukayong si Klay.
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Alam mo ba kung nasaan s'ya?
Dagdag pa nitong tanong sa kaibigan bagama't nauubusan na rin s'ya ng pag asang muling makita ang kanyang kasintahan, si Crisostomo Ibarra.
Binibining Klay
Binibining Klay
Uhmm..
Bahagyang natigilan si Klay sa tanong ni Maria. Tila nasasamid na sagutin ang tanong nito. Bahagya n'ya ring nilingon ang kasamang si Fidel na matalik na kaibigan ni Crisostomo upang kahit papaano ay lumakas ang kanyang loob na sagutin ang tanong ng dalaga.
Binibining Klay
Binibining Klay
Hinahanap namin. Pangako hahanapin namin. Hindi pa lang namin s'ya nakikita ngayon.
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Ngunit kung totoo ngang buhay si Crisostomo, babalikan n'ya ako. Magpapakita s'ya o susulat s'ya. Lalo na't batid n'ya ang mga bali-balita na patay na s'ya
Wika nito na may mahihinang hikbi habang binabanggit ang mga salita
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
At alam ko na alam n'ya na hindi ko kakayanin.
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Ano na namang biro ito, Klay?
Hindi na rin alam ni Klay ang dapat n'yang gawin upang magkita ang magkasintahan bago s'ya umalis sa libro ng Noli Me Tangere. Hindi pa rin nila mahanap si Crisostomo matapos itong patakasin mag isa ni Elias sa gubat. Napakarami n'ya pang gustong gawin at malaman subalit mayroon na lamang s'yang isang araw para manatili sa libro ng Noli.
Bukod pa rito, sa kasamaang palad ay napabilang din sila ni Fidel sa mga puganteng napagbintangang filibustero ng bayan kaya't hindi sila maaring maglibot sa mataong lugar. Ang tanging alam n'yang magagawa n'ya sa mga oras na iyon ay ang palakasin ang loob ni Maria Clara at bigyan pa ng pag asang magkikita silang muli ni Crisostomo Ibarra.
Binibining Klay
Binibining Klay
Hindi ko alam..
Naluluhang sagot ni Klay, humugot ng isang malalim na buntong hininga bago muli magsalita
Binibining Klay
Binibining Klay
Hindi ko alam.. Pero naniniwala ako na babalik s'ya. Babalikan ka n'ya.
Bahagya n'yang hinaplos ang kamay ni Maria upang iparamdam ang pag asa na ibinibigay n'ya
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Hindi na ako umaasa sa mga sinasabi mo, Klay. Nauubos na ako. Ubos na ubos na ako.
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Kaya kailangan ko ng katahimikan. Kailangan ko munang manatili sa kumbento
Wika nito habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Bahala na ang Diyos sa akin.. Baka doon ko na lamang s'ya hintayin.
Isang mahinang paghikbi muna ang kanyang pinakawalan bago muling magsalita
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
O hindi ko alam, marahil ay maghintay ako sa wala..
Binibining Klay
Binibining Klay
G ka na ba talaga sa kumbento?
Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Maria Clara sa tanong ng kaibigan
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Pinili ko ito. Sa wakas wala na ring nakapigil sa akin.
Binibining Klay
Binibining Klay
At wala na rin akong magagawa, kailangan ko na ring umuwi sa amin, katukayo
Bahagyang nilingon ni Maria Clara sa sala ang apat na mga kababata n'yang kaibigan. Agad na bumisita ang mga ito sa kanilang tahanan nang mabalitaan ang kanyang biglaang pag alis sa San Diego at pagpasok sa kumbento.
Batid nito sa sarili ang panghihinayang sa maiksing panahon na nagkakilala at nagkasama sila ni Klay. Gustuhin man n'ya na makasama ang kanyang katukayo gaya ng kanyang mga kababata ay hindi na kailan pa man ito mangyayari.
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Nauubos na ang oras mo, Katukayo. Kung maaari lamang na mas matagal pa ang pagsamahan natin ngunit kailangan nating panindigan ang mga pinili nating landas
Binibining Klay
Binibining Klay
Teka--
Pagputol ni Klay sa sinasabi ni Maria. Umaliwalas ang kanyang mukha sa ideyang naiisip dahil na rin sa mga sinabi ng kaibigan.
Binibining Klay
Binibining Klay
Maria Clara, papa'no kung... Papa'no kung hindi ka na lang tumuloy sa kumbento?
Muling kinuha ni Klay ang mga kamay ni Maria Clara upang kumbinsihin ang dalaga na pumayag sa ideyang naiisip n'ya
Binibining Klay
Binibining Klay
Kung magdedesisyon ka para sa sarili mo at walang makakapigil sa'yo, gugustuhin mo bang sumama sa'kin?
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Saan?
Binibining Klay
Binibining Klay
Sa mundo ko, Maria Clara
Maiksing sagot nito na may pagkasabik na mapapayag ang kaibigan na sumama sa kanyang mundo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
NovelToon
NovelToon
NovelToon
--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang Pagtakas

Binibining Klay
Binibining Klay
Bilis, Katukayo at baka may makakita pa sa 'ting guardia sibil
Mahinang wika ni Klay sa kaibigan habang inaalalayan ito nila Fidel na makaakyat sa burôl.
Batid sa mukha ni Klay ang kasabikan na marinig ang kampana at lumitaw ang portal upang maisama ang dalawa n'yang kaibigan.
Taliwas naman sa mukha ni Maria Clara na may pag aalinlangan pa rin na sumama sa katukayo subalit bandang huli ay napapayag din ito sa paniniwalang maaaring buhay pa si Crisostomo at maaring mabago n'ya ang kanilang kwento oras na sumama s'ya kay Klay. Nais din ng dalaga masaksihan ang mundo na humubog kay Klay upang maging matapang. Kailangan kong maging matapang para sa pagmamahalan namin ni Crisostomo..
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Sigurado ka ba na tama itong ating gagawin, katukayo?
Binibining Klay
Binibining Klay
Maniwala ka, Maria Clara hindi ko kayo ipapahamak ni Fidel sa gagawin natin.
Bahagyang nakakubli ang tatlo sa malapad na puno ng Nara habang nagpapahinga. Mula sa kanilang pwesto ay tanaw na tanaw ang kapatagan at ang ilog kung saan magkakarugtong ang mga lugar na madalas nila noon puntahan. Malapit sa ipapatayo sanang eskwelahan ni Crisostomo, ang lugar kung saan naganap ang kanilang salo-salo, ang ilog na pinaliliguan noon nila Maria Clara kasama ang kanyang mga kababata, at ang ilog kung saan lumuha si Klay at una n'yang naramdaman ang kabutihan sa kanya ni Fidel. Lahat ng ito ay kapwa may malungkot at masayang alaala sa kanila na kasama si Crisostomo Ibarra.
Ginoong Fidel
Ginoong Fidel
Binibining Klay, batid ko na nais mo kaming tulungan subalit nakasisiguro ka ba na ito ang tamang lugar para sa sinasabi mong..
Ginoong Fidel
Ginoong Fidel
Portal?
Binibining Klay
Binibining Klay
Oo dito lalabas yung portal o kahit na sa'n basta nandun ako at tumunog ang kampana.
Binibining Klay
Binibining Klay
Excited yarn?
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Sandali-
Señorita Maria Clara
Señorita Maria Clara
Tunog ng.. kampana? Katukayo?
Binibining Klay
Binibining Klay
A.. Oo tukayo, basta, mahirap ipaliwanag pero magtiwala ka mamaya may tutunog na kampana na ako lang ang makakarinig.
Sagot naman ni Klay na bahagyang nag aalangan kung s'ya ba'y paniniwalaan pa ni Maria Clara.
---------- ----------

Mr. Torres

Ang kaninang dilaw at maaliwalas na kalangitan ay nagiging kahel na. Bahagya na ring lumalabo ang tanawin ng kapatagan dahil sa unti unting paglatag ng dilim.
NovelToon
Binibining Klay
Binibining Klay
Ali!
Mula sa bahagyang madilim na bahagi ng kakahuyan ay lumabas ang alitaptap palapit kay Klay
Binibining Klay
Binibining Klay
Ali, ito na ba yung moment of truth?
Binibining Klay
Binibining Klay
NovelToon
Maya maya pa ay narinig na ni Klay ang tunog ng kampana na batid n'yang s'ya lang ang nakaririnig dahil hindi man lang sumilip ang dalawang kaibigan sa kanyang kinaroroonan. Mula naman sa maliit na mamulamulang liwanag ay nagsimula na ring lumaki ang portal. Hindi s'ya makapaniwala na ito na ang pagwawakas ng kanyang pagsubaybay sa kwento ng Noli.
Naluluha ang mga mata ay akmang babalikan n'ya ang dalawang kaibigan na nakakubli sa puno upang sunduin. Subalit bago pa man s'ya nakahakbang ay natigilan s'ya nang may tumawag sa kanyang pangalan.
Mr. Torres
Mr. Torres
Miss Maria Clara Infates!
Mr. Torres
Mr. Torres
Ano sa tingin mo itong ginagawa mo?
Binibining Klay
Binibining Klay
Mr. Torres buti nandito ka na. Gusto ko sana isama sa mundo natin kahit sila Maria Clara at Fidel na lang.
Binibining Klay
Binibining Klay
Ayokong pati sila ay mapahamak o patayin din ni Rizal sa kwento
Mr. Torres
Mr. Torres
This is off-limits, Miss Infantes. Hindi na maaari 'yang ipinipilit mo!
Binibining Klay
Binibining Klay
Sir, ito na lang po talaga ang naiisip kong paraan para mabago ang kwento at mailigtas sila. Please, Mr. Torres.
Mr. Torres
Mr. Torres
Ang lahat nang ito ay nakasulat na. Wala ka na o tayong magagawa pa sa ending ng kwento, Miss Infantes. Daang taon na itong naisulat ni Rizal.
Tuluyang nagbagsakan ang kanina pang namumuong mga luha sa mata ni Klay dahil sa narinig. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag asa kahit alam n'ya sa sarili na kahit s'ya ay hindi rin sigurado kung buhay pa nga ba si Crisostomo at kung anong mga susunod na mangyayari kay Maria Clara sa kwento. Ang nais n'ya na lamang gawin ay ang maisalba si Maria Clara at Fidel ngayon.
Binibining Klay
Binibining Klay
Wala na ba talagang iba pang paraan, Sir?
Binibining Klay
Binibining Klay
Lahat ba talaga sila mamamatay nang ganun ganun na lang?
Binibining Klay
Binibining Klay
Hanggang ngayon talaga bad trip pa rin ako sa ginawa ni Rizal sa kwento ng Noli.
Binibining Klay
Binibining Klay
Wala ba syang puso? Wala b--
Mr. Torres
Mr. Torres
Miss Infantes! Magdahandahan ka sa'yong pananalita..
Mr. Torres
Mr. Torres
Gaya ng mga tauhan ng kwento, nagiging masalimuot at malungkot ang kahihinatnan kapag puro emosyon at labis na pagmamahal ang iyong pinairal
Mr. Torres
Mr. Torres
Labis na pagmamahal sa pera, posisyon o kapangyarihan, sa mga minamahal sa buhay, at kahit sa labis na pagmamahal sa bayan.
Mr. Torres
Mr. Torres
Hindi mo ba ito natutunan dito, Miss Infantes?
Nagpatiluhod na umiyak si Klay sa narinig salo ang kanyang dibdib na tila sasabog na sa sakit ng kalungkutan. Nasaksihan n'yang lahat ng sinabi ni Mr. Torres. Ang pagmamahalan nila Crisostomo at Maria Clara, ang pagkamalupit ng mga prayle at makapangyarihan sa bayan, ang malupit na sinapit ni Sisa matapos mawalay sa mga anak, ang mga sakripisyo ni Elias at Fidel para sa kaibigan, at ang malupit na mga sinapit ni Crisostomo Ibarra para sa bayan.
Binibining Klay
Binibining Klay
💭 Napakasakit naman palang magmahal sa mundong 'to 💭
Binibining Klay
Binibining Klay
Sir kahit katiting na chance ibigay n'yo na sa akin. Kahit dito na lang sa dulo maipakita ko kay Maria Clara ang kaya n'yang baguhin sa hinaharap kung hindi s'ya susuko ngayon.
Binibining Klay
Binibining Klay
Baka naman po, Mr. Torres?
Mr. Torres
Mr. Torres
Tumayo ka riyan. Huwag kang lumuhod.
Mr. Torres
Mr. Torres
Wala na rin akong magagawa kaya magpaalam ka na sa kanila, Miss Infantes.
Sandaling nag isip si Klay ng ideya
Binibining Klay
Binibining Klay
Hindi, Sir. Alam kong kaya mo silang palabasin sa mundo natin kahit saglit. Nakakapagpabalikbalik ka nga from real world papunta sa Noli 'di ba?
Binibining Klay
Binibining Klay
Karakter na rin ako sa kwento kaya once na lumabas ako sa portal ibig sabihin pwede rin sila! So I doubt kung ipipilit n'yong wala kayong magagawa sa final request kong ito...
Binibining Klay
Binibining Klay
And besides, kayo ang dahilan kung bakit ako nandito at ba't ako nagkakaganito.
Tumayo mula sa pagkakaluhod si Klay at sinusubukang ipakita sa guro ang kanyang pagkadesidido.
Yamot namang napabuntong hininga ang guro at kakamut-kamot ng ulo.
Mr. Torres
Mr. Torres
O s'ya sige isama mo sila pero hanggang Biyernes lamang ang pwede nilang ilagi sa mundo natin
Mr. Torres
Mr. Torres
Napakatigas ng ulo mo
Pahabol pa nito subalit tila hindi na ito napansin pa ni Klay sa labis na kasiyahan.
Napayakap ang dalaga kay Mr. Torres na agad namang ikinagulat ng guro. Bahagya s'ya nitong inawat sa pagkakayakap.
Binibining Klay
Binibining Klay
Ay, sorry, sorry Sir.
Binibining Klay
Binibining Klay
Sobrang saya ko lang talaga.
Binibining Klay
Binibining Klay
Thank you so much, Mr. Torres. You're such an angel.
NovelToon
---------- ----------

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play