English
NovelToon NovelToon

TRANSMIGRATION: In Another Life

CHAPTER 1

...Chapter 1...

...Del Pierre Family~...

"Suri Celeste Shyla....what a lovely name. You're just so unlucky to be born in this blood line, you'll die right away."

"Don't you dare, Greer."

"I'm just taking orders from my master."

"I know. We already talked about this. Now, go and leave my daughter alone."

"Brother, where's mommy? Why is she not here this past few days?"

"Mom is just busy, don't worry."

"I miss her already..."

"This is all her fault."

"Are you saying something, brother?"

"Nothing, go to sleep now."

"Ok. Goodnight, big bro."

"Goodnight."

"Suri Celeste Shyla....I will never accept you as my sister. I wish it's you who died and not our mom."

"Please f--father, Suri has nothing to do with this, it's my fault....please don't punish her..."

"Five more whips."

"N--no...no father! Please don't do that to her! She's still a baby! Father! Have mercy!"

"I'm so sorry baby sis....I'm a useless big brother, I can't do anything to protect you. \*sniffs\* But I promise, kapag lumakas na ako, hinding-hindi ko hahayaang may manakit pa sa'yo. Not even our father. I promise. \*kisses her forehead\*"

"Lablab blooo~\*spreads her arms\*"

"Owww....you love me? My baby princess is so sweet. Let big bro hug you..."

"How 'bout me lil' sis? You don't love me? \*pouts\*"

"Tss, come here and stop pouting. You look like an ugly sea lion.\*grinn teasingly\*"

"Hmmp! Porket sinabihan ka ni baby Suri na love ka niya! Ang sama mo!"

"\*chuckles\* Come here and join us."

"We love you baby sis/lil' sis."

I sighed heavily for the upteenth times. Those we're memories I saw in my dream, probably the memories of this child. Up until now, hindi parin ako makapaniwala na dininig ang kalahati ng hiling ko.

Oo kalahati lang. Kasi naman, humiling ako na mabuhay ulit at magkaroon ng mapayapang buhay na may mapagmahal na pamilya. Binuhay nga ulit ako, para lang bigyan ng problema ulit. Tsk. Tangina naman oh.

Isa lamang ang mga 'yun sa alaalang nakita ko sa panaginip ko, marami pang iba. At hindi ko alam na bukod sa'kin, may tao 'rin palang nagdudusa.

Kung tutuusin, maswerte ako. Lumaki akong may nag-alaga sa'kin at trinato akong mabuti. Pero nang magka-isip, pinili 'kong iwan ang buhay na'yon at tumayo sa sariling mga paa na nagdala sa'kin sa kadiliman na alam 'kong kailanman ay hindi ako lulubayan.

Ang batang ito naman, napakamalas. Tama nga ang sinabi ng lalaking 'yun sa panaginip ko o sabihin na nating sa alaala ng batang ito na napakamalas niya at ipinanganak siyang kasapi ng pamilyang ito.

Base sa mga alaalang nakita ko, ayaw na ayaw ng ama nilang si Orpheus sa anak na babae. Ayaw niyang magkaroon ng anak na babae. Lahat ng mga anak nitong babae, pinapatay niya, 'yung iba nga hindi pa nailuluwal pinapalaglag na. Patay narin dapat ang batang ito pero inalay ng ina niya ang buhay niya kapalit ng buhay ng batang ito kaya hanggang ngayon ay buhay parin—I mean umabot ng tatlong-taong gulang. May taning na nga lang.

Nakidnap din pala ang batang ito at wala man lang ginawa ang hinayupak niyang ama para iligtas siya. Tanging ang dalawang kapatid na lalaki lang niya ang gumawa ng paraan para hanapin siya at iligtas. At 'yun na nga, nagising nalang akong nasa katawan na niya. Kaya pala bugbog sarado ang katawan niya, kakagaling niya lang pala sa pagkaka-kidnapped.

Aminado akong demonyo ako, pero ako lang ata ang demonyong may puso. Hindi ko kayang manakit ng mga bata 'no kahit nakakabwisit sila minsan. Isipin mo nga, 3-years old palang ang batang ito pero ang dami nang pinagdaanan sa buhay. Ang kapal naman ng mukha 'kong magbigti eh mas malala pa nga ang buhay na nararanasan ng batang 'to pero go parin ng go.

Sigh. Noon, hinahabol ako ni kamatayan bilang Vrei. Ngayon, ayaw parin talaga akong lubayan, pati sa pagiging Suri Celeste Shyla ay gusto akong sundan. Tsk

Ganito 'rin kaya ang nangyayari sa mga taong namatay tulad ko? Oh, let me rephrase it. Tulad 'kong nagpakamatay. 'Yun!

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagpapanic na parang baliw, pinanganak po akong kalmado. Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'panic' dahil wala 'yang mai-aambag sa buhay ko.

Total nandito narin naman ako sa katawang 'to, might as well lubusin na ang pagkakataong ibinigay sa'kin para mabuhay at makipag-patintero na naman kay kamatayan.

Hindi narin masama, sobrang yaman ng pamilyang napuntahan ko na pati kisame ginawang ginto. 'Yung akala 'kong hospital, sariling kwarto ko pala. Edi kayo na ang mayaman.

Ngayon, ang gagawin ko nalang ay sumabay sa agos ng alon. Marami akong makakasagupang hayop minu-minuto kaya dapat mag-ingat. Lalo pa't hindi lang ang ama ng batang ito—na ngayo'y ama ko narin ang gustong pumatay sa'kin. Pati narin ang mga nakatatandang kapatid ng batang ito ay gusto akong patayin, maliban sa dalawa sa kanila, 'yung dalawang bata sa kwarto pagkagising ko.

Hay buhay, parang life.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok rito. Iniluwa no'n ang nanny ng batang ito na si Fei. Mabait siya at napakamaalaga. Nakagaanan ko narin ito ng loob sa loob ng isang linggong pamamalagi ko rito simula no'ng magising ako.

"Young lady, you're father is asking for your presence in the dining hall." magalang nitong saad. Napaarko naman ang isang kilay ko.

He wants me to go there? For what? Well, I don't care about his agenda anymore. Gusto ko 'rin naman nang makita ang mga walang'yang pagmumukha nilang mag-aama. Sa loob ng isang linggo, hindi ako kailanman nagtangkang tumapak sa labas ng pinto ng kwarto ko, kaya ngayon ay chance ko na.

Bumaba na ako sa kama at hinarap ang salaming mas malaki pa sa'kin. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa angking kagandahan ng batang ito. Hindi ko 'rin maiwasang maalala ang itsura ko bilang si Vrei. Kuhang-kuha kasi ng batang 'to ang kulay ng buhok ko.

Presintable naman na akong tingnan kaya napagdesisyunan ko nang lumabas. Kabisado ko naman ang mga pasikot-sikot sa mansyon nato dahil sa tulong ng mga alaala ni Suri. Nakasunod lang sa'kin ang nanny ko na akma pa akong alalayan.

Mahina kasi ang pangangatawan ni Suri kaya alagang-alaga niya ito. Pero dahil ako na ang nagmamay-ari sa katawan niya, unti-unti ko 'rin itong napapalakas. 'Yun lang ang ginawa ko sa loob ng isang linggong pagkukulong sa kwarto niya. Thankful din ako dahil sobrang lambot ng katawan niya, hindi ako nahirapan sa pag-eensayo. Gumaling narin naman agad ang mga sugat at pasa niya sa tulong ng mga gamot na binigay no'ng doktor na napag-alaman 'kong bunsong kapatid ng hinayupak 'kong ama. Oo ama ko na siya.

"Young lady..."

Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Fei. May pag-aalanganin sa mukha nito.

"What is it, nanny?" biglang nanlaki ang mata niya at 'di makapaniwalang tumitig sa'kin. Napakunot naman ang noo ko nagtataka siyang tinignan.

Problema niya?

"Yo--young lady....y--you can speak now without stuttering?!" namamanghang usal nito at lumuhod para pumantay sa laki ko. "Oh my god, young lady! I'm sure that young master Rhenium and Yttrium will be surprised! I'm so proud of you!" mangiyak-ngiyak na saad nito at may payakap-yakap pang nalalaman.

Kung 'di lang siya naging mabait kay Suri, pinilipit ko na ang leeg niya sa pagyakap niya sa'kin.

Nakalimutan ko 'rin kasing bulol nga pala magsalita si Suri dahil 3-years old pa lang ito.

Eh sa hindi ako si Suri eh, alangan namang magbulol-bululan ako? Bahala silang ma-weirduhan sa'kin. Tsk

Buti na lang humiwalay narin siya at may papunas-punas ng luha pa siyang nalalaman. Psh

"Pumasok ka na, young lady. I'll pray for your safety." madamdaming saad nito na ikinataas ng kilay ko.

Kung makapagsalita kasi parang sasabak ako sa gyera. Ang OA lang ha.

Binuksan niya ang malagintong higanteng pintuan papasok sa kainan ng mga demonyo. She mouthed 'be safe' before I entered the hall. Napailing-iling na lang ako.

Pagkasara ng pinto ay siyang pagkawala ng emosyon ko. Now, they will see the new version of Suri Celeste Shyla....a lovely name with a deadly personality.

I feel like I'm really in a demons lair. The atmosphere, the dark vibe of the place, it's quite comfortable and relaxing in my eyes. Kahit papano may nagawa 'ring tama ang Orpheus na'yon.

Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa makalapit ako sa hapagkainang napapalibutan ng mga may sakit sa pag-iisip.

And there he is, sitting like an emperor, gracefully eating his dinner with no trace of emotions in his perfectly carved face.

Hindi nila ako pinansin maliban sa dalawang kuya ko.

"Sit now, lil' sis. Join us," mala-anghel itong ngumiti na tinanguan ko lang.

Wala ako sa mood ngumiti sa harap ng mga demonyo.

Inalalayan ako ng isang katulong na makaupo sa mataas na upuan. Kung bakit ba naman kasi ang liit-liit ng bubwit na'to. Ako tuloy napupwerwisyo. Tsk

"Serve her the same food I have, manang." malamig na saad ng nag-ngangalang Rhenium base sa alaalang nakita ko.

Nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay agad itong ngumiti ng matamis. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya dahil ang sarap niya sa mata. Ang gwapo.

"You didn't go out in your room this past few days."

Napatigil ang lahat sa pagsubo nang magsalita ang hinayupak. Nanatili parin ang atensyon nito sa kinakain at wala paring pinagbago ang itsura nito, blangko at madilim parin.

Singlamig man ng antarctica ang boses niya, hindi 'yun uobra sa'kin.

The corner of my lips lifted. I crossed my arms as I lean my back in the chair.

Nanatiling tahimik ang mga bata at nag-aabang sa susunod na mangyayari.

Tingnan natin kung anong gagawin mo.

"Oww, you noticed that? Does that mean...you're watching over me?" my lips form into a smirk when he frozed in his seat, leaving his hands on the air that's about to bite the piece of meat in his fork.

I even heard their gasps.

"Lil' sis....you can talk straight without stuttering?" katulad ng reaksyon ni Fei kanina ay ganon 'din ang reaksyon ni Yttrium.

I turned my gaze to him and gave him a mysterious smirk. I really love it when I do something that makes people shock. So satisfying.

"Talking back at me?" madilim ang mukhang tanong nito at mas lalong lumamig ang boses nito.

Napataas naman ang isang kilay ko. May plema ba utak niya? Tatanong-tanungin niya ako 'tas kapag sinagot, sasabihing sinasagot-sagot ko na siya? Humihithit ata 'to eh.

Palihim 'kong inikot ang mata ko. Hindi talaga normal ang pamilyang 'to.

"You asked me a question, it would be rude if I don't answer. What's wrong with it?" Malamig 'kong saad at nilabanan ang titig niyang para bang tinatanggalan niya ako ng kaluluwa.

"Sharp tongue." naging matalim ang mga mata nitong nakatingin sa'kin. Nginisihan ko lang siya.

Bakit ba ang tagal ng pagkain?! Gutom na ako!

"My father has a sharp and deadly tongue, where do you think I inherited it?" mapaglaro ko itong nginisihan.

"Here's your food, young lady."

Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang dumating na ang hapunan ko. Agad tumayo sa likod ko ang katulong matapos mailagay ang pagkain ko.

Salamat naman at makakakain na ako, kanina pa ako nagugutom.

Sinimulan ko nang sumubo at napapatango na lang ako dahil sa sarap. Patuloy lang ako sa pagsubo nang mapansing ako lang pala ang gumagalaw at lahat sila'y nakatutok sa'kin na kanina pa walang imik.

Alam 'kong parang patay gutom ako sa paningin nila pero kailangan pa ba talaga akong titigan?

"Excuse me....staring is rude, you know?" Malamig 'kong usal na ikinabalik nila sa wisyo at inabala ang sarili sa pagkain.

Hindi na ako nag-abalang tingnan ang suraulo 'kong tatay dahil mawawalan lang ako ng gana. Ang sarap-sarap pa naman ng pagkain.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play