English
NovelToon NovelToon

44 Days In Hell

Prologue

Sa isang madilim na silid may isang babaeng nakagapos at puno ng putik ang kaniyang napaka-gara ngunit simpleng bistida na nahahaluan ng dugo. Napakadilim ng silid na iyon, napakasan-sang ng amoy, at tila ba ay may nabubulok na kung ano sa silid na kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naroon sa silid simula nang dukutin siya ng mga hindi kilalang mga kalalakihan.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang bulto ng isang babae, pilit niyang inaaninag ang mukha nito ngunit nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa likod nito.

"Tulungan mo ako paki-usap," pagmamakaawa niya sa babae.

Ngunit hindi ito sumagot, bagkus lumapit ang babae sa kaniya at dahil sa paglapit ng babae ay nakikita na niya ang mukha nito, salamat na rin sa liwanag na nanggagaling mula sa labas.

"Kamusta? Nagustuhan mo ba ang paraan namin ng pagsurpresa sayo? Btw. Belated happy birthday!" nakangising wika ng babae sa kaniya na may.

Nakakakilabot ang ngising iyon, at ang mga mata nito ay tila nag-aapoy dahil sa galit. Bigla siyang binalot ng takot at kaba. Hindi niya maintindihan kung bakit dinala siya dito ng babae, ni hindi nga niya kilala ito. Maski ang boses nito ay hindi pamilyar sa kaniya. Kaya ano ang kailangan nito sa kaniya? Ano ang ginawa niya upang magalit ito ng ganito sa kaniya?

"Sino ka? Nasaan ako?" puno ng pagtatakang tanong niya sa babae.

"You may not know me but I know you, "nakangiting wika nito sabay mahigpit na hinawakam ang kaniyang panga na halos bumaon na ang mahahaba nitong mga kuko sa kaniyang balat. "You're inside our territory. We just want to give you our gift, hindi kasi kami nakapunta noong birthday mo kaya ngayon lang namin maibibigay ito. I just hope that you would like our gift for you." saad nito na hindi naaalis ang  nakakakilabot nitong  na ngisi sa labi.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?Ano bang kailangan mo?" takot at takang tanong nito.

"Hmmm.... Wala naman akong masyadong kailangan mula sayo. Pero sila meron, and like i said just now, we just want to give you, your gift." wika nito na may inosenteng ngiti.

"Ano ang ibig mong sabihin? Sinong sila? At anong regalo ang pinag-sasabi mo? " nagtatakang tanong nito.

"Hindi ko sasabihin sayo kung ano ang regalong tinutukoy ko. I don't want to spoil the surprise, but I think, you really need to know the one of the reasons why you're here."

Lumapit ang babae sa kaniya at may ibinulong sa kaniya. Lumaki ang kaniyang mga mata at halos mahulog ang panga dahil sa sinabi ng babae. Hindi siya maka-paniwala sa nalaman.

Hindi maaari.

Paano nila nagawa iyon?

Hindi pwedeng isa siya sa kanila.

Hinding-hindi niya magagawa iyon.

Paano niya ako nagawang traydorin ?

Hindi parin siya makapaniwala sa nalaman. Hindi makapaniwalang umangat ang kaniyang tingin sa babae  at nakita niya na nakangiting nakatingin  ito sa kaniya.

"Ngayong alam mo na ang totoo, siguro alam muna rin kung anong klaseng regalo ang inihanda namin para sayo,"may mala-demonyong ngiting wika ng babae sa kaniya.

Kahit na natatakot ay pilit niya itong nilalabanan. Hindi pwedeng magpatalo siya sa takot. Kailangan niyang makatakas sa lugar na ito,kailangan niyang alamin kung totoo nga ba ang sinabi ng babae sa kaniya o hindi. Binuksan nito ang ilaw sa silid at napapikit dahil sa liwanag na nagmumula rito sa ilaw. Nang kaya niya ng makakita ng maayos ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa kuwarto. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa kaniyang nakita. Puno ng dugo ang silid na iyon, may mga ilan pang nagliliparang mga bangaw.

Nang dumapo ang kaniyang tingin sa kabilang bahagi ng silid ay parang gusto niyang masuka, dahil sa parteng iyon ng silid ay may mga ilang parte ng katawan ng tao at inu-uod na ang mga ito.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwan nito ang anim na kalalakihan. Hindi na siya nagulat nang makita ang taong tinuring niyang parang kapatid na kasama ang mga dumukot sa kaniya.

"Ano nang balak mo sa kaniya?" tanong ng isa sa mga kalalakihan sa babaeng nasa kaniyang harapan, habang malagkit na nakatingin sa kaniya.

"Kayo na ang bahala sa kaniya, wala naman akong paki-alam diyan eh," nakangising wika nito. "Just don't kill her......yet. Don't spoil the fun boys."

"Katulad din ba ng dati?" tanong ng isa sa kasama nito.

"Kayong bahala," nagkibit-balikat lang ito sabay alis sa lugar na iyon.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang mga taong nasa kaniyang harapan kung ano ang gagawin nila sa kaniya, na parang wala siya sa kanilang harapan. Nababalot siya ng takot, at hindi niya rin alam ang gagawin sa mga oras na iyon, lalo na't nakagapos ang kaniyang mga kamay.

Lumapit ang isa sa mga ito at marahas na ini-angat ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang buhok. Halos maihiwalay ang kaniyang buhok sa kaniyang anit sa paraan ng pagkakahawak nito.

Iniabot ng katabing lalaki ang isang kandila na sinindihan nito, sa lalaking may hawak sa kaniya.

Pilit siyang nagpupumiglas nang malaman kun ano ang gagawin ng mga ito sa kaniya. Ngunit, sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kaniyang kamay at sa pagkakakawak sa kaniya. Napahinto siya sa pagpupumiglas ng bigla siyang sinampal ng lalaking nasa kaniyang harapan.

At itinapat nito ang kandila sa kaniyang kaliwang mata. Tanging ang kaniyang mga sigaw at hagulhol lamang ang maririnig sa buong silid nang dumapo ang wax ng kandila sa kaniyang mata. Halos hindi siya magkandauga sa kaniyang kinauupuan sa sobrang hapdi ng kaniyang mata dahil sa wax na tumutulo dito.

Nang malapit nang maubos ang kandila ay saka lamang sila tumigil. Puno na rin ng wax ang kaniyang kaliwang mata, sobrang hapdi nito. Ang buong akala niya ay tapos na ang mga ito sa ginagawa ngunit doon siya nagkamali, dahil muli siyang napasigaw ng napakalakas ng biglang tanggalin ng mga ito ang wax na nasa kaniyang kaliwang mata at dahil sa ginawa ng mga ito ay pati ang kaniyang kaliwang mata ay nahugot.

Napupuno ng dugo ang kaniyang damit pati na rin ang kalahati ng kaniyang mukha. Nanlalabo na rin ang kaniyang kanang mata, at nanghihina na siya.

Tanging iyak lamang ang kaniyang magagawa. Tumuon ang ang kaniyang tingin sa 'kaibigan' na nakasandal sa hamba ng pintuan upang humingi ng tulong ngunit, tanging malademonyong ngiti lamang ang ibinigay nito habang nakatingin sa kaniyang naliligo sa sariling dugo. Dahil siguro sa panghihina at sa ginawa nila sa kaniya kaya biglang nandilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.

****

Sa mga nakalipas na araw niya sa lugar na iyon ay walang awa rin siyang pinapahirapan ng mga ito. Araw-araw ay iba't ibang klase ng pagpapahirap ang ibinibigay sa kaniya.

Nagising siya na hindi na siya nakagapos, nakabukas din ng kaunti ang pintuan. Kahit na nanghihina ay pinilit parin niyang tumayo at silipin kung may tao ba sa labas, mayroon siyang nakita na dalawang bulto ng tao hindi kalayuan sa kaniya. Nag-uusap ang mga ito, at dahil medyo malapit ang kinaroroonan ng mga ito sa kaniya ay naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Ano ng gagawin natin sa kaniya?" tanong ng isa sa kasama.

"Ilagay nalang kaya natin siya sa isang malaking drum," wika nito.

"Hindi ko alam pero parang naaawa ako sa kaniya," sabi ng isa.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Nagpapatawa ka ba? Ikaw na nga itong pumatay eh," sabi ng kasama.

"Oo nga pala, hahaha...."natatawang sabi nito," sayang nga eh napakaganda pa naman niya. Kaso kailangang mawala na siya."

Ako ba ang tinutukoy nila?

Pero buhay pa naman ako ah?

May iba pa ba silang biktima bukod sa akin?

Tanong niya sa kaniyang isip.

Patuloy parin sa pag-uusap ang dalawa nang biglang napadako ang kaniyang tingin sa ilalim ng kamang naroon sa loob ng silid. May kung anong kumikinang roon, lumapit siya upang alamin kung ano iyon. Napaatras siya sa nakita ng silipin niya ang ilalim ng kama, may isang bangkay ng isang babae sa ilalim ng kama at bigla siyang kinilabutan sa kaniyang nasaksihan. Pinapalibutan narin ito ng mga nagliliparang mga bangaw at inuuod narin ito. Napakabrutal ng sinapit ng dalaga, tila ba ay hindi mga tao ang gumawa nito. May napansin siya na nakaipit sa kamay nito, isang kwintas at isang papel.

Pilit niyang nilalabanan ang kaniyang takot upang makuha ang kwintas at papel mula sa kamay ng babae.

Binuklat niya ang papel at binasa ang nakasulat dito.

"Hoc autem non est finis. Faciam ut certus, ut et ego faciam in me contra Et ego vado vos et ipsi trahunt omnia in inferno liberavit aliquos de inferno."

Kinilabutan siya sa kaniyang nabasa at sa ginamit na panulat dito. Purong dugo ang ginamit sa pagsulat ng salitang iyon. Nang mapatingin siya sa kwintas na hawak ay bigla siyang nanlamig nang maalala kung kanino ito. Hindi makapaniwalang dumako ang kaniyang paningin sa bangkay.

Napatakip siya ng bibig sa sobrang gulat ng mapagtanto kung sino ang babae.

"Hindi maaari. Imposible."bulong niya.

 

Hi guys... I hope you like my story. Ahm.. Actually first time ko pong gumawa ng story so, sana magustuhan niyo po.☺️

 

Chapter 1

Herschel's POV

*Akala ko magiging maayos lang ang lahat, 'yong tipong walang mangyayaring hindi maganda.

Akala ko makikita at makakasama ko pa sila. Mag-bobonding. Magkukulitan. Kakain ng mag-kakasama.

Akala ko ay makakauwi pa ako.

Pero hanggang 'akala' lang pala ang lahat ng mga iyon.

Dahil ang mundong ginagalawan natin, ay hindi lamang puro saya at pagpapaka-sarap sa buhay, kundi ang mundong ginagalawan nating lahat ay puno rin ng  kasakiman*.

Nandito ako ngayon sa pinakadulo ng room namin, sa tabi ng bintana at nakaupo habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng pakalat-kalat sa baba.

It's been two and a half years since my parents died in a car accident. Nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan nila at dahil doon ay nahulog ito sa bangin. The rescuers tried to save my parents but the fire coming from the car seemed to be burning and they were having a hard time catching the fire. 

I was devastated that time when i heard the news about my parents, i don't know what to do.

My friends tried to talk to me but i just shut them out. Even my aunt.

Ang  nag-iisang kapatid nalang ni mommy ang natitirang kasama ko ngayon, si Tita Lency. Masakit pero kinaya namin ni Tita.

Mas pinagbuti ko ang aking pag-aaral, mas pinili ko na magmove on nalang sa nangyari kina mommy at daddy. Gagawin ko nalang ang lahat ng aking makakaya para maging proud sila sa akin pati narin si Tita Len.

"Herschel."

Nilingon ko ang taong tumawag sa akin.

"Schel, tara na?" aya ni Deither sa akin.

Inilibot ko sa buong room ang aking paningin at nakita ko na isa-isang nag-aayos na ng kanilang mga gamit ang aming mga kaklase, palatandaang uwian na namin.

Ganun na ba ako katagal na natulala upang hindi mapansin kung anong oras na?

" Wait lang, aayusin ko lang itong mga gamit ko," saad ko sa kaniya.

"Hintayin nalang kita sa labas. Nandoon na sina Klyde eh." Sabay takbo palabas ng room.

Inayos ko ang aking mga gamit bago lumabas ng room. Naabutan kong nagbabangayan na naman sina Febe at Deither, halos karamohan narin sa mga estudyante ay napapatingin sa dalawa.

Ako nalang ang nahiya para sa kanila. Ang iba naman naming kasamahan ay patay-malisya ang mga ito, umaaktong hindi kilala ang dalawa.

"How dare you to mess my hair?!Do I look like a dog to you?!" Singhal ni Febe kay Deither.

Kunwaring nag-iisip si Deither habang tinitingnan si Feb mula ulo hanggang paa na may mapang-asar na ngiti. "Yah, you definitely look like a dog."

Hindi makapaniwalang napasinghap si Feb. "I'm not a dog! Bwisit ka talaga Deither! Lumayo layo ka nga sakin! Nandidilim paningin ko sayong hayop ka!"

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa aking tabi at kumapit na parang unggoy sa aking braso.

"Hi Schel," nangingiting bati ni Rizza.

"Nalulunod ka na naman ba? Ha?" Kung makakapit parang malulunod eh.

Napanguso nalang ito. "Schel naman eh," reklamo nito. "Libre mo naman ako sa  Aroma Cafe oh."

Mukhang narinig ng iba pa naming mga kasamahan ang sinabi nitong katabi ko kaya napatigil ang dalawa sa pag-babangayan at napatingin ang mga ito sa aming gawi. Gayun na rin sina Klyde, Edreich at Tristan.

Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko na kung anong klase ng tingin ang ibinibigay nila sa akin ngayon. Libre. Yan ang gusto nila.

Lumingon ako kina Edreich upang humingi ng tulong ngunit nagkibit balikat lamang ang mga gago.

Mukhang hindi aabot ang allowance ko ng isang linggo.

Haist. RIP sa wallet ko.

*****

Pagkatapos naming kumain sa Aroma Cafe at maglakwatsa sa Mall saglit ay nagdesisyon na kaming magsi-uwi dahil pasado alas siete narin ng gabi.

Nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas dahil magkakalayo rin naman ang aming mga bahay.

For sure papagalitan na naman ako ni Tita dahil sa ginabi na naman ako ng uwi. Marami-raming sermon na naman ang matatanggap ko mamaya at bukas.

Minsan talaga nakakatakot itong eskinita na nilalakaran ko ngayon. Patay-sindi rin kasi ang ilaw na nagmumula sa poste at karamihan ay hindi na gumagana. Ayoko rin naman na dumaan sa kabila dahil may mga nagkalat na mga aso doon. Kung hindi naman aso ay mga lasing na tambay.

Kahit na natatakot dahil sa  patay-sindi na ilaw ay naglakad parin ako. Pilit na nilalabanan ang takot.

Medyo malapit narin naman na ako sa bahay, kaso ang problema ay kailangan ko pang lagpasan ang masukal na bahagi nito bago ako makauwi. Nakakainis talaga, bakit ba kasi sa pinakadulong bahagi ng bayan ang pinili nina mommy at dadfy na tirhan namin? Kakainis.

Bukod sa maraming nagtataasang mga talahib dito ay ang daan talaga ang problema. Napakaputik nito, lalo na kapag umulan.

Maingat ang bawat galaw ko habang papasok ng bahay, nag-iingat na baka makita ni Tita.

Tangina. Hindi lang ako nagmumukhang ninja dito kundi nagmumukha rin akong magnanakaw dahil dito. Dapat kasi umuwi nalang ako ng maaga.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng may tumawag sa akin mula sa aking likuran.

"At saan ka na naman galing na bata ka ha? Gabi na."

Nilingon ko ito at nakita ko si Tita na nakahilig sa hamba ng pintuan papasok sa sala, habang ang nakataas ang isang kilay nito.

Napangiwi ako sabay kamot sa aking batok. "Eh kasi Tita nagkaaya kaming magkakaibigan na pumuntang Aroma Cafe pagkatapos ng klase tapos pumunta rin kaming Mall. Tita sorry na oh ngayon lang naman kami ulit lumabas ng magkakasama eh."

Napabuntong hininga siya saka pumuntang kusina at sinundan ko siya.

"Kumain kana ba?"

"Tapos na po Tita. Kumain po kami kanina sa restaurant na pagmamay-ari nina Chris."

"Ganun ba? Oh siya sige. Umakyat kana sa kuwarto mo at magpahinga. Maaga ka pa bukas, " ani nito. "Basta huwag na huwag mo nang uulitin iyon ha? Ipaalam mo sakin kung may pupuntahan ka para alam ko kung saan kita hahanapin."

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang pisngi at niyakap.

"Opo Tita, pangako hindi na po mauulit."

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kaniya at nagpaa-alam na matutulog na.

Hindi ko inaakala na ang pangakong binitiwan ko kay Tita ay mapapako nalang basta-basta.

Hindi ko inakala na iyon na pala ang huling pagkakataon na makakasama ko sila.

*****

Nandito ako ngayon sa labas ng aming bahay nakaupo sa may hagdan at hinihintay sina Deither, Klyde, Febe at Rizza. Sabay-sabay raw kasi kaming pupunta doon sa bahay nina Maisey para sa kaniyang kaarawan eh. At susunduin daw nila ako dito sa bahay dahil medyo malayo-layo ang bahay nina Maisey dito sa amin.

"Herschel, mag-iingat ka roon ha? Magtext ka."

Nilingon ko si Tita, ibinaba ko kuna ang hawak kong regalo para kay Maisey at niyakap si siya.

"Opo tita mag-iingat po ako doon. Kasama ko rin naman po ang mga kaibigan ko eh, pati po si Deither at Tristan nandoon din."

"Atleast kasama mo ang dalawang iyon para protektahan ka." Niyakap ako pabalik ni Tita at hinalikan ang aking ulo bago pinakawalan.

"Ang ganda-ganda talaga ng pamangkin ko oh," manghang saad ni Tita Len.

"Of course Tita, nasa lahi eh." Sabay kindat na ikinatawa niya.

"Schel!!"

Nilingon ko kung sino 'yong tumawag sa akin at nakita ko si Rizza na sakay ng isang van, na pagmamay-ari nina Deither, habang kumakaway.

"Tita alis na kami. Babye po. Susubukan ko pong umuwi ng maaga," paalam ko sa kaniya at hinalikan sa pisngi bago tumakbo papunta sa kniroroonan nina Rizza at ng iba pa.

Nang makasakay na ako ay muli akong bumaling kay Tita at kumaway.

Habang tinatahak tinatahak ang madilim na daan papunta sa bahay nina Maisey ay napagpasyahan naming magkakaibigan na magkuwentuhan muna upang pampalipas ng oras.

Habang nagkukulitan at nag-aasaran ang aking mga kasama ay itinuon ko ang aking paningin sa labas ng bintana. Kahit na madilim ay nakatuon parin ang tingin ko sa labas, hanggang sa may nadaanan kaming isang kabitan ng kartelon. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano dahil may nakita akong isang tao sa tabi nito.

Hindi ko mawari kung tao nga ba talaga ang nakita ko o ano dahil medyo madilim ang kinaroroonan nito. Ngunit mas pinili ko nalang balewalain ito at itinuon ang buo kong atensyon sa mga kasama kong nag-aasaran, hanggang sa maka-rating kami sa aming destinasyon.

Nasa labas palang kami ng bahay nina Maisey pero naririnig kona ang malalakas na musika na nanggagaling sa loob.

For sure nandito ang halos kalahati ng estudyante sa school. Well, what can I say, Maisey Mendez is one of the popular student in school. Not to mention, she has this bitchy side of hers at iyon ang nakakainis minsan sa kaniya. She has a crush on Klyde since fifth grade, naging kaibigan lang naman namin siya dahil sa tinulungan namin siya sa isang bagay at iyon ay ang muntikan na siyang ihulog nina Amanda sa rooftop.

Even though she has this bitchy side of hers, still, may pagka-anghel din naman siya hindi katulad ng grupo nina Amanda na kulang nalang ay maging kaharian na nito ang buong eskuwelahan.

"Hey guys. I'm so glad that you guys came." Nakangiting salubong ni Maisey sa amin.

" It's your special day kaya hindi puwedeng wala kami ngayon ano," ani Febe.

"Aba dapat lang na nandito kayo ano? You guys are my special guests kaya hindi kayo puwedeng mawala."

Bumaling siya sa akin at mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti ng makita kung ano ang suot ko. Isa itong white floral dress na hanggang tuhod, na tinernohan ng denim jacket, at isang white sandal upang bumagay sa damit.

" I told you bagay sayo yan," humahagikhik na wika nito. "So tara na sa loob."

Pagkapasok namin sa loob ay agad na sumalubong sa amin ang naglalakasang tugtog na nanggagaling sa speaker at mga iba't ibang kulay. Kung titingnan mo mabuti ang paligid ay para kang nasa loob ng bar, maraming nagiinuman at nagsasayawan.

*****

" Guys saglit lang ha? May tumatawag, sasagutin ko lang ito saglit." Paalam ko sa kanila at pumunta sa labas ng bahay nina Maisey.

Napakunot ang aking noo ng makita kong galing ito sa isang Unknown number.

"Hello?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Herschel.. How are you?" Tanong nito sa akin galing sa kabilang linya.

Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko talaga kilala kung sino ito. Boses ito ng isang lalaki. Hindi kobrin alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Who's this?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya tinanong ko kung sino ito.

"Ah... Mukhang hindi muna ako naaalala. Ganyan kana pala." Natatawang saad nito sa kabilang linya.

"Sino ka ba? Ha? At saan mo nakuha ang number ko?" Nagsisimula na akong mainis sa taong ito.

"Herschel!"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin sa aking lulikuran.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"Wala naman nagpapahangin lang," palusot ko saka pinatay ang tawag.

"Ah ganun ba? Gusto mo bang maglakad-lakad muna?" tanong niya.

"Hindi ba nila tayo hahanapin?" Nag-aalangang tanong ko.

"Itetext nalang natin sila. Tsaka mukhang nagkakasiyahan ang mga 'yon eh."

"Sige, pero saglit lang ha?"

"Haha.. Oo akong bahala sayo." At ginulo ang buhok ko.

Naiinis na tinapik ko ang kaniyang kamay. "Alam mo ba kung gaano kahirap ayusin itong buhok kong ito?!"

"Chill lang Schel. Maganda ka parin naman kahit magulo iyang buhok mo eh. Haha."

"Bolero."

"Uy nagsasabi lang ako ng totoo ah," depensa niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad malapit sa parke. Nagpasya kaming umupo muna sa isang upuan na katabi lamang ng puno ng akasya.

"Napakaputik na naman dito," reklamo ko habang nakatingin sa bandang dulo ng parke.

"Hindi ka pa nasanay. Umulan kanina eh malamang naging maputik na yan, lagi naman kapag umuulan ah? Lalo na ang daan papunta sa bahay niyo," sarkasmong saad niya.

Inirapan ko nalang siya. "Parang sa inyo hindi rin maputik ah?"

"Talagang hindi. Pinaayos na nila papa eh," mayabang na saad niya.

"Yabang." Bulong ko sa sarili.

"Herschel, teka lang ha? Tumatawag kasi si mama eh. Sasagutin ko lang. Diyan ka lang huwag kang aalis babalik rin ako agad." Nagmamadaling saad nito.

Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa inasta niya. Pero pinagsawalang bahala ko nalang ito dahil baka nagkaroon ng emergency sa bahay nila.

Habang nakaupo at dinadama ang malamig na simoy ng hangin ay may naramdaman akong nakamasid sa akin mula sa malayo.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong makita tao rito. Pati siya hindi ko rin makita.

"Saan kaya nagsusuot ang isang 'yon?" tanong ko sa sarili.

Halos magsasampung minuto na simula ng umalis siya at sinagot ang tawag ng mama niya. Kaya nagpasya akong sundan siya.

Habang tinatahak ang daang tinahak niya ay hindi ko napansin na puro putik na pala ito. Hindi ko rin napansin ang isang matulis na bakal na nasa gilid na naging dahilan kung bakit nasugatan ako sa aking hita.

Mukhang naging malalim pa ang sugat na aking natamo dahil ang daming dugo ang lumalabas mula rito. Ininda ko nalang ang sakit at patuloy parin sa paghahanap sa kaniya.

Muli kong naramdaman na may nakamasid sa akin na naging dahilan kung bakit ako biglang kinabahan at binalot ng takot. Bukod sa maoutik ang daang tinatahak ko ngayon ay napakadilim din ng buong paligid, ang tanging nagsisilbing liwanag nalang ay ang liwanag na nanggagaling sa buwan, at mayroon rin akong sugat sa aking hita.

May naaninag akong isnag bulto ng tao hindi kalayuan sa akin,at mukhang sinusundan ako. Kahit na napakasakit ng aking sugat ay pinili ko parin na maglakad o tumakbo upang matakasan lamang ang kung sino man ang taong iyon.

Panay rin ang tawag ko sa pangalan niya, nagbabaka-sakaling marinig niya at tulungan ako. Ngunit kahit anong tawag ko ay wala. Paano kung may nangyaring hindi maganda sa kaniya? Paano kung may ginawa ang taong nakita ko kanina sa kaibigan  ko? Paano kung....

Nakaramdam ako ng takot sa aking naisip. Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos, palakas iyon ng palakas na parang papalapit iyon sa aking kinaroroonan. Dahil sa sobrang takot at taranta ay nagmadali akong naglakad palayo.

Hindi ko napansin ang isang malaking ugat ng puno na siyang dahilan kung bakit ako nadapa. Napadaing nalang ako dahil sa nangyari lalo na't ang unang bumagsak ay ang aking hita na may malaking sugat.

Sobra-sobrang takot ang aking naramdaman ng mga oras na 'yon, lalo na at nakita ko na may papalapit sa akin. Ngayong nakaharap na ako rito ay pansin kong may hawak siyang isang itak, purong itim ang kaniyang suot kaya hindi ko maaninag kung sino ba ito. May isa ring itim na van ang tumigil sa likuran ng taong nasa aking harapan.

Hindi ko napansin na mayroon palang nakatayo sa aking likuran. Bago pa ako makasigaw ay tinakpan ng taong nasa aking likuran ang aking bibig gamit ang panyo.

Nakaramdam ako ng antok dahil sa ginawa nito. At naramdaman ko ring isinakay nila ako sa loob ng van. At unti-unti ng nandidilim ang aking paningin hanggang sa ako'y mawalan ng malay.

Note: Herschel is pronounce as Hershey.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play