True Love Vs First Love
Episode 1
Matagal ng magkasintahan sila Jake at Kenji simula palang nung grade 9 silang dalawa. Masayang masaya sila sa isat isa kahit na parehas silang lalaki at marami pang nanghuhusga sa kanilang dalawa. Matagal nanaman sila, Ano pa bang pwedeng masamang mangyare diba?
Kenji
Kaya mong gawin yun?
Kenji
Sa lalaking pinaka mamahal mo?
Jake
Gusto mo ba talagang makatanggap na limpak limpak na sermon sa Tita ni Joshua?
Kenji
Hindi! Dahil ayukong makarinig ng sumisigaw na balyena!
Jake
Ang sama mo naman sa balyena!
Jake
Hindi ka talaga babangon? Sige maghahanap ako ng iba!
Kenji
Ito napo! Alam mo naman na ayaw kitang mawala saakin diba? *smirk*
Jake
Halika na nga! *Hinila ang boyfriend sa banyo*
Iniwanan ni Kenji ang kanyang mana para kay Jake at nag live in partner silang dalawa. Si Jake itinakwil ng parents niya nung malaman nila na bakla ang anak nila.
Kaya naman para masuportahan ang kanilang pag aaral nag tratrabaho sila bilang working student sa isang coffee shop na pagmamay ari ng Tita ni Joshua.
Si Joshua na matalik nilang kaibigan na ang jowa ay si Amber.
PAGDATING NILA SA COFFEE SHOP
Amber
Hay! Ang sarap talaga ng kape niyo dito babe!
Joshua
Pero mas masarap ka! rawr!
Kenji
*Binatukan si Joshua*
Kenji
Ang aga aga naglalandi kananaman!
Joshua
Jake pagsabihan mo nga yang jowa mo!
Kenji
Sorry na babe! Ikaw kasi eh!
Kenji
*Nagbihis sa locker room*
Jake
*Denedma at umupo sa tabi nila Joshua at Amber*
Joshua
Pasalamat kayo wala pa si Tita!
Joshua
Kung hindi sigurado ako mabibingi nanaman ang tenga ko sa boses nun!
Tita Jenny
*Kakadating lang sa coffee shop*
Tita Jenny
Anong sabi mo?!
Joshua
Tita nagkakamali ka!
Amber
Tita tama napo! Nasasaktan napo ang Bebe love ko!
Jake
Sige mauna na ako papalit pa kasi ako ng damit.
Jake
*Nagpalit ng damit sa locker room*
Kenji
*Niyakap si Jake mula sa likuran*
Kenji
Ang bango talaga ng babe ko
Jake
Baby cologne gamit ko eh
Kenji
Baby rin naman kita eh
Jake
*Kinurot sa singit si Kenji*
Jake
Sige na magtratrabaho pa tayo!
Jake
*Umalis ng locker room*
Ilang oras pa ang lumipas at break time na nga nilang dalawa sa work. Nang mapansin ni Jake na wala si Kenji sa paligid.
Jake
Nasaan nanaman kaya yun?
Amber
Hinahanap mo ba boyfriend mo?
Jake
Oo, nakita mo si Kenji?
Amber
Tumingin ka sa labas
Amber
*Tinuro si Kenji at yung babaeng kausap nito*
Amber
Mukhang may kalandian boyfriend mo.
Jake
Baka kaibigan lang niya.
Pinuntahan ni Jake ang dalawa sa labas nagulat naman si Kenji ng makita sila ni Jake.
Jewel
Ikaw siguro yung boyfriend ni Kenji.
Jake
Hello Jewel! Ako si Jake.
Jake
Ano ngapalang relasyon niyong dalawa ng boyfriend ko?
Kenji
Wala babe ano lang siya
Jewel
Sigurado kaba na ayaw mong sabihin ko sakanya ang nakaraan natin?
Jake
Ano? Hindi ko maintindihan!
Jewel
Ako lang naman ang ex girlfriend ni Kenji.
Episode 2
Galit na galit si Jake pag uwi nilang dalawa sa bahay.
Kenji
BABE LET ME EXPLAIN!
Jake
Ano pa bang eexplain mo?
Jake
Magsama kayo ng ex girlfriend mo!
Kenji
Ikaw na jowa ko ngayon!
Jake
*Binato ng tsinelas si Kenji*
Kenji
Sorry na promise hindi nakami magkikita
Kenji
Hindi ko na siya kakausapin
Jake
Bakit ka ba niya binisita?
Kenji
Hindi ko nga din alam kung bakit nagpakita yun eh!
Kenji
Hindi naman siya multo!
Kenji
Aray ko! Natamaan mo ako sa balls!
Kenji
*Huminga ng malalim*
Jake
Gawin mo kaya assignment mo para may magawa ka!
Jake
Lunes na bukas at may pasok pa tayo! Future Engineer!
Ma'am Reyes
Good morning class!
Ma'am Reyes
Bago ako magpatuloy sa bago nating lesson gusto ko muna ipaalam sainyo na may bago kayong kaklase.
Pagpasok ni Jewel sa classroom nila Jake na ikinagulat nito.
Jake
Anong ginagawa ng babaeng yan dito?
Jake
Una sa coffee shop tapos ngayon! Hindi ako makapaniwala na kaklase ko pa siya!
Jewel
Katulad nga ng sinabi Ma'am Reyes bago akong estudyante dito! At magiging kaklase niyo ako!
Jewel
Let me introduce myself!
Jewel
Ako nga pala si Jewel Montefalco the one and only! Nang galing din ako sa mayamang pamilya model ang Mom ko at ang Dad ko naman ay Businessman.
Chloe
Mukha ba tayong may pake sa sinasabi niya?
Pagsali ni Chloe sa usapan. Kung hindi niyo na itatanong kaibigan din siya ni Jake at isa din siya sa mga nakasubaybay sa love story nilang dalawa ni Kenji.
Jewel
Shut up! Walang may pake sayo!
Shempre hindi talaga yun sinabi ni Jewel pero para sakanya nakakainis ang Chloe na babaeng iyon! Sarap buhusan ng asin!
Ma'am Reyes
Total nakilala niyo naman siya tratuhin niyo siya ng mabuti.
Chloe
Basta ako wala akong pake sa new student nayan.
Jewel
At wala din akong pake sayo!
Ma'am Reyes
Sige umupo kana sa bakanteng upuan para makapag klase natayo.
Umupo si Jewel sa likuran ni Jake.
Jewel
Nice to see you again... Jake.
Hindi alam ni Jake kung maiinis ba siya o hindi. Basta sigurado siya na malaking problema lang ang dala ng babaeng ito.
Episode 3
Jake
At may lakas pa siya ng loob na kausapin ako ah!
Jake
Ex lang naman siya ah!
Chloe
Basta ako wala akong pake sa babaeng iyon!
Amber
Wait naguguluhan ako!
Amber
So, yung babae na kausap ni Kenji nung nakaraan is yung ex girlfriend niya na kaka transfer lang ngayon dito?
Jake
Tapos may lakas pa siya ng loob na kausapin ako!
Jake
Dinedma ko nga kanina!
Dikalaunan ay dumating sila Kenji at Joshua sa table nila.
Kenji
Binili kita ng favourite mo!
Joshua
Mukhang hindi naman masaya jowa mo.
Chloe
Yung ex mo kasi Kenji
Kenji
Anong merun sakanya?
Jake
Nag transfer lang naman siya sa school nato at wala! kaklase ko siya ngayon.
Kenji
Sinabi ko na sakanya na layuan niya na ako!
Iniwanan sila ni Jake at hindi na tinapos pa ang pagkain nito.
Mas lalo pa itong nagalit kay Kenji dahil hindi manlang siya sinundan nito at hinayaan siyang umaalis sa canteen.
Joshua
Hindi mo ba susundan jowa mo?
Amber
Kung mahal mo yung tao susundan mo.
Kenji
Nararamdaman ko na gusto niya mo nang makapag isip isip bigyan natin siya ng time.
Pagbukas ni Kenji sa pintuan at hinubad ang kanyang sapatos.
Wala si Jake sa Sofa kaya naman pumunta siya sa kwarto nilang dalawa.
Nakahiga doon si Jake at nakabalot ang katawan nito ng kumot.
Niyakap niya ito at tumingin sakanya si Jake.
Nagulat si Kenji sa nakita niya. Umiiyak ba si Jake?
Jake
Ako yung may problema
Kenji
At bakit naman satingin mo ikaw ang may kasalanan?
Hawi ni Kenji sa buhok ni Jake.
Kenji
Walang may kasalanan okay?
Jake
Sige kung yaan ang gusto mo.
Jake
Nagseselos lang talaga ako.
Jake
Nagseselos ako na baka agawin ka niya saakin
Jake
Hindi ko yun kakayanin Kenji!
Kenji
Hindi kita ipagpapalit sa ex ko
Kenji
Ikaw na ang buhay ko ngayon
Kenji
Wagna wagkang magseselos kay Jewel.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play