English
NovelToon NovelToon

Reborn As Royalty: I Got Reincarnated As A Rude Princess

When the Journey Begins

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla nalang itong sumakit.Ramdam ko rin ang hapdi sa bandang balikat ko ganun din sa hita at tagiliran ko.Kaya bumangon ako at napangiwi dahil may palaso pala sa balikat,hita at tagiliran ko kaya pala sobrang sakit, tapos may saksak pa ako sa tiyan.Pambihira,paano ako nabuhay sa ganitong sitwasyon?

Gosh don't tell me, isa na akong zombie?!!

Madilim ang paligid kaya di ko alam kung asan ako pero isa lang ang nasisiguro ko.Na nasa gubat ako dahil puro puno at huni ng mga guniguni.Nakapikit ako ng maalala na may gustong pumatay sa babae na ito pero the rest memory nya ay wala na di manlang ako binigyan ng clue.

"Hmp!"_napangiwi ako dahil sa hapdi matapos kong bunutin ang mga palaso.Naluluha ako at saka ko sinira ang gown ko para ipangtali sa sugat ko.

Ika-ika akong lumakad at napangiti ng makakita ng magandang lawa kaya kahit mahirap maglakad ay pinilit ko na makapunta doon.Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko alisin ang lahat ng saplot ko sa katawan para linisan ang mga sugat ko.Naging kulay pula ang parte ng tubig kung saan ako nakapwesto.

Nilinisan ko na rin ang katawan ko at napangiwi dahil may sugat din yung ulo ko.Aahon na sana ako ng tubig ng may marinig akong kaluskos,napalublob ako ng makita ang isang pares ng mga pulang mata na nakatingin sa akin na nagbigay ng takot sakin.

Lumakad ito papalapit sakin kaya natanlawan sya ng liwanag ng buwan.Napasinghap ako dahil lalaki ito na may pulang mata at matulis na pangil,nakamaskara sya kaya di ko makita ang kabuoan ng mukha nya.May hanggang balikat syang puting buhok,matangkad sya siguro nasa 6'3 ang height nya,maputla kaya isa syang...

B-bampira!!!

Tatakbo na sana ako palayo ng marealize ko na nasa ibang mundo na ako,malayo sa modernong mundo sa una kong buhay,natigilan ako ng maalala ko na wala akong saplot kahit isa at napasigaw ako ng madulas ako kaya napangiwi ako sa sakit ng pang-upo ko.Mas lalo akong binalot ng takot ng sumulpot sya sa harapan ko.Susuntukin ko na sana sya ng mahawakan nya ang kamay ko at saka ako hinila palapit sa kanya.Nakita ko ang pagkurba ng labi nya habang nakatingin sa akin.

"Nice body, baby!"_kinilabutan ako dahil sa sinabi nya kaya napaluha ako,naramdaman ko ang kamay nya na pinahiran ang luha ko kaya napamulat ako.

"Hmmpp~!"_nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong halikan sa labi.Napatulala ako ng lumayo sya at hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.Gusto ko syang labanan pero natatakot ako at mahina ang katawan ng babae na ito kumpara sa lakas ko sa dati kong katawan.Dinilaan nya ang labi ko saka inamoy ang leeg ko,napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagbaon ng pangil nya sa leeg ko.

"Sleep well my baby,your mine now!"_naramdaman ko pa ang paghalik nya sa noo at labi ko bago ako mawalan ng malay.

"WHAAAAAAA!!!"_napabangon ako at nagtatakang napatingin sa katawan ko saka napataas ng kilay nakasuot na sakin ang gown ko,magaling narin ang mga sugat ko at walang peklat. Andito parin ako sa gubat malapit sa lawa kung saan ako naligo kagabi.Pero sino ang nagbihis sakin?Sino yung bampira na yun?

Napakunot ako ng noo ng mapansin ang pares ng hikaw na may palapit na buwan na kulay ginto at may maliit na dyamante na kulay puti.Tapos isang itim na cloak ang hinihigaan ko.

"Bwesit na lalaki na yun,anong akala nya mapapatawad ko sya sa pagnanakaw ng halik sakin?Saka arghh nakita nya ang katawan ko huhuhu!"_napaiyak ako sa inis ng maalala ang boses nya nung sinabi yung..

'Nice body,baby!'

Baby amp!Yawa.Hindi ko nga sya kilala pero nakita nya na ang buong katawan ko tapos hinalikan nya pa ako tapos binawasan ng dugo.

Bwesit na bampira na yun sisiguraduhin ko na mata nya lang ang walang latay kapag nakita ko sya.Bwesit bwesit.

Tumayo ako at sinuot ang cloak dahil kita yung cleavage ko sa suot ko.Padabog akong naglalakad.Bahala na kung saan pa ako mapunta bwesit talaga.

*Kruuuu (tunog po yan ng tiyan ha)

Nanghihina akong napaupo dahil sa gutom,dalawang araw na akong walang kain kaya sobrang gutom na ako.Sobrang lakas na ng pagkulo ng tiyan ko.

"Gutom na ako!"_nanghihinang sambit ko at saka hinaplos ang walang laman kong tiyan dahil sa sobrang gutom.Hindi ko alam kung saan ako pupunta para makahanap ng pagkain,wala akong alam tungkol sa mundo na ito.

"Prinsesa! Prinsesa pakiusap sumagot ka huhuhu! Prinsesa!!"_napatayo ako ng may marinig na sigaw kaya mabilis akong tumakbo papunta don at napangiti ng may makitang tao.

May dalawang babae na parang maid at dalawang lalaki na parang kawal.Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila.Baka may alam sila kung saan ako makakakuha ng pagkain.Nagugutom talaga ako.

"Oyyyy!!"_sigaw ko kaya napatingin sila sa akin at nanlaki ang mata.

"Mahal na Prinsesa!!"_sigaw nila kaya inosente ko silang tinignan.

"Buhay ka mahal na Prinsesa!"

"Eh?Ako Prinsesa?Tsk di ako yun..may pagkain ba kayo dyan?Pahingi nagugutom na ako eh!"_kaswal na sabi ko dahilan para mapanganga sila lalo na at parang siga sa kanto ang pamamaraan ko ng pagsasalita.

"Teka kilala nyo ko?"_takang tanong ko kaya mas lalo silang napanganga.

"Kung ganun anong pangalan ko?"_tanong ko kaya nagkatinginan silang apat.

"Ikaw po ang ika-apat na prinsesa ng Britannia Kingdom,Ikaw po si Prinsesa Avery Irene Dimitri La Britannia!"_sagot nung maid na may maiksing buhok, bhie anong name mo, ang cutie mo kasi, baka pwede manligaw?!Ehehehe

"Ang haba naman pala ng pangalan ko,eh kayo anong pangalan nyo?"_tanong ko kaya napayuko sila.

"Wala po kaming pangalan!"_sagot nung babae na may mahabang buhok.

"Kayo din?"_tanong ko sa dalawang kawal kaya tumango sila.

"Bakit?"_tanong ko.

"Ang mga alipin po ay hindi pwedeng bigyan ng pangalan ng magulang namin na katulad din namin na alipin din...!"_paliwanag ng kawal na may maiksing kahel na buhok.

"Eh kung di pwede kayong bigyan ng pangalan ng magulang nyo,sino ang may karapatan na magbigay ng pangalan sa inyo?"_tanong ko dahil ang unfair naman nun.

"Ang mga nagmamay-ari po samin na nakipagsundo samin na paglilingkuran namin hanggang kamatàyan!"_sagot naman ng kayumangi na kawal.

"Sino ang nagmamay-ari sa inyo?"_tanong ko kaya tinignan nila ako kaya napaturo ako sa sarili ko kaya tumango sila.

"Ibig sabihin hindi ko kayo binigyan ng pangalan?Kilan pa ba kayo naninilbihan sakin?"_tanong ko, grabe naman itong babae na ito.

"Simula po ng maglimang taon na po kayo mahal na prinsesa!"_sagot nung babae na maiksi buhok na ikinasamid ko, langya?

"Ilang taon na ako?Kayo ilang taon na?"_tanong ko ulit.

"Labing limang taon ka na po prinsesa at labing walong taon na po kaming tatlo,at siya naman po ay labing siyam na ngayon!"_sagot nung ikalawang babae saka nya itinuro yung lalaking kayumangi kaya napangiwi ako dahil sa edad nilang yun ay wala silang pangalan, why so unfair in this world? Slaves can't have their own name, that's so unfair!!!

"Ayos lang ba sa inyo na bigyan ko kayo ng pangalan?"_tanong ko kaya kumislap ang mata nila. I feel pity for them, I smile a bit as I saw their priceless reaction.

"I, the fourth princess of Britannia Kingdom, Avery Irene Dimitri La Britannia ay nakikipagkasundo sa aking mga alipin at bibigyan sila ng pangalan kapalit ng kanilang katapatan sa akin at paglilingkod nila sa akin!"_panimula ko at ngumiti pa.

"Ikaw ay binibigyan ko ng pangalan mag mula ngayon ikaw na si Alyanna

,ikaw naman si Arianna,ikaw si Autumn at ikaw naman ay si Auburn!"_sambit ko sa pangalan nila.

Lumuhod sila sa harapan ko at saglit na binalot ng liwanag ang katawan nila at nagkaroon sila ng maliit na marka sa kanilang noo tanda na nakipagkasundo at binigyan na sila ng pangalan o may nagmamay-ari na sa kanila.Dahil doon ay mas lumakas sila ng tatlong beses sa lakas nila.

"Ikinararangal po namin ang mapaglingkuran ka mahal na prinsesa!"_pagbibigay pugay nila sakin.

"Ano tara,gutom na ako eh!"_sambit ko at naunang lumakad.

Isinama nila ako pabalik sa palasyo at saka nila ako binigyan ng pagkain sa kwarto ko na mabilis kong inubos.Nangmabusog ako ay saka ako naligo at nagbihis.

Nagpasama ako sa aklatan para magbasa tungkol sa mundo na ito.Nagbasa tungkol sa mga gamot,saka sa pagmamanage ng business,saka ng sa mahika,di ko na kailangan pa na pag-aralan ang self defense o kahit anong sandata dahil nung nasa dating katawan ko pa ako ay ako ang nagchampion sa taekwondo,sa sword battle at sa shooting range.Isang military ang tatay ko habang si mama naman ay isang businesswomen habang ang kuya ko isang Etiquette professor dahil yung napangasawa nya ay mahilig magbasa ng mga novel story na tungkol sa mga noble,yung ate ko naman ay isang doctor at yung kakambal ko ay gustong maging chef at ako?Marunong ako ng etiquette dahil kay kuya,marunong akong gumamot dahil kay Ate,marunong akong humandle ng business gaya ni mom,marunong din akong magluto gaya ni twin at marunong akong makipaglaban gaya ni dad ang kaso lang napakamalas ko sa buhay.

Akalain mo nung sumali ako ng volleyball nasapol mukha ko partida nung final game pa yun,tapos bumagsak ako sa thesis kasi kinain ng alagang buwaya ng kapatid ko yung ginawa kong thesis tapos lagi akong napapatrouble dahil madalas yung mga tropa ko sinusugod ako ng mga jowa nila dahil ako ang madalas nilang kasama at nag-iisang babae lang ako sa grupo.Tapos nung nagsimplang ako sa motor isang buwan akong nacoma tapos pag-gising ko nasusunog na yung hospital buti nailigtas ako ng isang doctor tapos after nung insedente na yun may nambugbog naman sakin dahil sa kakambal kong siraulo.

Oh diba?! Grabe ilang beses kong naiwasan si kamatayan, tinalo ko pa ang pusa na may siyam na buhay, pero syempre dahil nga malas ako ay na deds ako. Hay buhay nga naman.

Princess Return

Andito ako sa library habang abala sa pagbabasa ng isang libro tungkol sa panggagamot.Para in case na napalaban ako at walang healer sa paligid ay may alam parin ako sa paggamot.Natigilan ako ng may kumatok kasunod ay ang pagpasok ni Aly (Alyanna).

"Prinsesa ipinapatawag ka po ng iyong magulang!"_tumango ako at itiniklop ang libro saka pumunta sa throne room.

Nagpadala kasi ako ng liham tungkol sa pagbabalak kong maging isang merchant o businesswomen sa kapital.Lalo na at mahilig din akong magluto kaya gusto kung magkaroon ng isang Restaurant saka sabay naman ako maghandle ng business dahil nga sa mommy ko in my past life at para na rin may mapaglibangan ako.Ang boring kasi dito sa palasyo.

"Anong kalukuhan ito Avery?Hindi ka pa nga nakakatapos ng pag-aaral tapos gusto mo na agad maging isang merchant?Kailangan mo munang mag-aral sa Academia kung saan naroon ang mga kapatid mo...baka nakakalimutan mo na kaya ka lang umuwi rito dahil suspended ka sa kalukuhan mo pero hindi ka na bumalik...blah blah blah blah!"_natahimik ako dahil sa sermon ng Nanay ni Avery.Wews isa ba talaga itong Archangel? Grabe manermon, tinalo pa yung machine gun ni Dad at si Glock 9 sa bilis magsalita at sa katatalak nya.

Bakit ganun halos lahat yata ng nanay magaling mag-rap?Paturo kaya ako sa kanila gusto ko rin kasing matuto mag-rap eh.

"Pasensya na po kung nakaabala pa ako,aalis na po ako at babalik sa Academia!"_paalam ko kaya napanganga sila kaya umalis na ako.

Forda magalang yarn?Ano nganga kayo kasi akala nyo puro kalukuhan lang alam ko at mayabang ako?Tsk Tsk...Napangisi ako ng lihim dahil sa reaksiyon nila.

"Alyanna, Arianna ihanda nyo ang aking mga gamit, Autumn ihanda ang karwahe babalik na tayo sa Academia!"_utos ko sa kanilang tatlo.

"Auburn ikuha mo ako ng pagkain ko!"_utos ko na agad nyang sinunod.

Pumunta ako kay Heneral Alfred na kapatid ng aking ina na syang nagsisilbing Investigator o detective.

Sa loob ng dalawang taon ay marami na akong naitulong kay General Alfred dahil sumasama ako sa kanya minsan.Binansagan nila akong  'Knight Princess' dahil daw mahusay akong makipaglaban at mahusay.

"Uncle babalik na po ako sa Academia!"_sabi ko kaya natigilan ito sa pagbabasa ng mga kaso at ngumiti sakin.

"Ganun ba?Binigyan ka na ba ng magulang mo ng Allowance?"_tanong nya kaya umiling ako.

Napangiti ako ng bigyan nya ako ng 100 Aurum coin na halos kasing laki ng palad ng isang taong gulang at ng isang gintong medal at apat na golden pin. Nanlaki ang mata ko dahil doon.Napasaludo ako bago tanggapin yun.

"Lieutenant General Avery!"_sambit nya kaya napangiti ako at tinanggap yun.

"Mag-iingat ka Lieutenant!"_sabi nito kaya tumango ako at saka tumalikod.

»»»

Binigay ko yung pin sa apat kong alipin na ikinatuwa nila dahil isang karangalan yun.Kapag may pin ang isang kawal ay pwede syang mamuno ng isang squad dahil nga pagmamay-ari ko sila ay may mataas na sila sa iba pang alipin dito sa palasyo dahil ang pin ang sumisimbolo bilang pagkilala ng mga master o owner sa kanilang alipin bilang mahusay at dapat na tagapaglingkod.

Binigyan ako ng maliit na allowance ng magulang ko like 100 Moonshard Coin at 50 Lumina Coin.Grabe mas malaki pa ang ibinigay ni General sakin eh.

Syempre may currency din dito sa mundong ito sisimulan ko sa pinakamababang presyo.

Ferrum Coin made from Iron at katumbas nya is 50 pesos.Rustleaf Coin made from Cooper at 100 pesos ang katumbas.Lumina Coin made from Silver and 500 pesos katumbas. Moonshard Coin made from Silver-Gold and 1000 pesos katumbas. Aurum coin made from Gold and 10 thousand Pesos. Prismite Coin made from Quartz and 50 thousand Ametrine Coin made from Amethyst and Citrine and 100 thousand Pesos.Azure Coin made from Sapphire Gemstone and 500 thousand pesos.Crimson Coin made from Ruby and it's 1 million pesos.Aeutherium Coin made from Mithril Stone and it's 5 million pesos.Onyxite Coin made from Obsidian stone and it's 50 million. And lastly Celestium o Royale Coin that is made from Platinum and katumbas nya ay 500 million pesos.

Bale ang allowance ko na galing sa magulang ko ay nasa 125 thousand Pesos habang yung binigay ni General ay nasa 1 million.

Bukod pa yung sarili kong allowance na inipon ko.May 10 thousand Ferrum at Rustleaf coin, 2 thousand Lumina Coin, 1 thousand Moonshard coins, 5 hundred Aurum and Prismite coins, 1 hundred Ametrine Coins, 10 Azure Coins and 5 Crimson Coins. Total of 58,500,000 pesos or 1,170,000 USD.

Bukod kasi sa pagsama ko sa mga kaso na inaasikaso ni General ay palihim rin akong sumali sa isang Hunter Guild at tanging yung apat lang ang may alam saka yung pinsan ko.May mga rare item akong nakukulekta mula sa Dungeon yung iba ibinebenta namin sa auction kaya may malaki akong ipon.Syempre yung iba ay ipinambili ko na ng dress,basta yung mga komportableng suotin,saka ng mga boots,sapatos,cloak,space bag,sword,guns,dagger at ng pagkain ko.

Lihim ko ring binili yung lote sa gubat na may lawa.Basta yung place kung saan ko na meet yung bampira.Saka nag bibigay rin ako ng donasyon sa orphanage para naman may matino akong record dito,yung ibang damit ko ay pinamigay ko na kasi hindi ko type yung fashion ni Avery.Masyado syang girly and I hate it.

At the Academy

"Sometimes, the most unexpected encounters lead to the greatest discoveries and the wildest adventures."

Pagkarating namin sa Academia ay pinapasok agad kami.Dumiretso Kami ng dorm ko at karoom mate ko yung apat.Para itong apartment na may dalawang floor ito na kita yung ceiling at parang modern design. Solo ko ang buong second floor.May apat kwarto sa ibaba,may kusina,may dinning area at living room saka veranda.Sa second floor naman ay yung kwarto ko at isang library o study room.Sila Aly at Aria ay magkasama sa iisang kwarto,ganun din sila Autumn at Auburn sabi nila ay may banyo naman daw sila doon at komportable sila.

Nangpahinga lang kami pagkarating namin dahil apat na oras ang byahe.Kaya nakakapagod,umorder nalang kami ng dinner sa cafeteria para sa dinner namin dahil alam kong pagod din sila Aly at Aria.Gabi narin kasi nung dumating kami dito.Pagkakain namin ay hinungasan muna nung dalawa yung pinagkainan namin bago kami magpahinga sa mga kwarto namin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maligo at saka unang araw namin dito sa Academia.Saka mag e-enroll pa kami kasi nga tumigil kami sa pag-aaral sa loob ng dalawang taon.Isinuot ko na yung uniporme ko,color black uniform means Royalty with a family Crest.Habang yung sa sila Aly at Aria ay kulay brown means Maid with a brooch na may family crest namin na ibig sabihin ay doon sila nag-tatatrabaho o naninilbihan,habang kila Austin at Autumn ay kulay gray means Knight gaya nila Aly at Aria ay may brooch din sila.

My uniform has long sleeve with long collar blouse and black ribbon,black blazer,black above the knee skirt and black cape.With a pair of black boots and black pàntyhose.

Ikinabit ko yung golden medal ko(yung ibinigay ni General) sa collar ng uniform ko.Inayos ko ang long wavy golden hair ko at nilagyan ng flower clip na kulay puti.Napairap ako ng makita ko yung hikaw ko.Well hindi ko papala na d-discribe ang sarili ko.I have long wavy golden hair that cascades down to her knees,with golden hue of my left eye adds a mesmerizing and enchanting quality, while my right eye, a captivating  ocean blue, mirrors the depths of the sea,long and thick eyelashes,small pointed nose,rosy cheek,natural rose lips, pointed elf ears,slim body exudes elegance and sophistication, reflecting my royal upbringing and refined demeanor. My porcelain skin, smooth and flawless, adds to my timeless beauty, akin to a delicate work of art, and standing at a height of 5'5

Alyanna ay may maikling pilak na buhok, matangos na ilong, mapupulang labi, at malalalim na asul na mga mata. She's beautiful and s3xy.She has a big round booby and pouty lips like she's not a maid well I'm proud of it.She's 5'8.

Arianna naman ay may mahabang buhok na kulay lupa na hanggang beywang nya, may kulay rosas na labi at bilog na bilog ang kanyang hazel eyes. Mayroon siyang makinis at maputi na balat na nagbibigay ng kanyang kagandahan.She's cute too.She's 5'3 and she's childish crybaby.My cutie maid.

Autumn ay may kulay kahel at mayroon itong malalim na mga dimples sa kanyang mga pisngi at malalalim na mga abuhing mga mata, may makapal syang bilog na salamin at may piercing din sya na bumagay sa kanya. Kahit na may pagka-feminine ang katawan ay may malakas na pangangatawan na nagpapakita ng kanyang lakas at kakayahan.He's pretty handsome like his a girl.5'9.

Auburn naman ay may matangos na ilong at kayumangi sya. Ang kanyang buhok ay kulay dark brown at pinaresan ng dilaw na mga mata. Mayroon siyang malakas na pangangatawan na nagpapakita ng kanyang lakas at katatagan.6'1.

Pagkalabas naming lima ay na agaw na agad namin ang atensyon ng lahat dahil bago kami sa paningin nila habang kalmado lang kaming lima papunta opisina ng headmaster.Hindi na ako kumatok at pumasok nalang basta dahilan para matigilan sa pagpirma ng mga papeles yung headmaster at napa-angat ng tingin.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"_masungit na sabi nito sabay ayos ng round eye glasses nya.Inirapan ko lang sya at saka umupo sa single couch malapit sa table may.

"I'm Princess Avery from Britannia Kingdom and I'm here with my four aide to enrolled again!"_sabi ko sabay upo.

Bored nya akong tinignan at saka sya kumuha ng limang magic paper kaya isinulat namin don ang pangalan,edad at ang lugar na pinagmulan namin saka ang skill na kaya namin.

"You have a golden medal?"_sabi nya ng makita ang medal ko kaya tumango ako.

"You have a high rank in your kingdom,what is your status then?"_ngiting tanong nya kaya napangiwi ako.His kinda weirdo.

"I'm a Lieutenant General under General Alfred De Challe!"_sagot ko kaya napamangha sya.

"Ow I didn't expect that,nakakamangha ka Prinsesa,na achieve mo ang rank na yun sa loob lang ng dalawang taon?Kaya ba tumigil ka sa pag-aaral dito?"_tanong nya kaya tumango lang ako.

Ngiting ngiti sya habang nakatingin sakin na para bang hindi makapaniwala.May kinuha syang isang Crystal ball at inilapag yun sa harap namin.

"Touch this magic crystal para malaman kung saang class kayo mapapabilang!"_utos nito kaya tumango kami,unang sumubok si Aly.

"Your strong para sa isang maid Ms Alyanna,in that case you will be part of Astral class!"_sambit nito habang nakangiti.Creepy nya kanina pa sya ngiti ng ngiti.

"You have strong acquaintance princess huh!"_sabi nito sakin at pinagtuonan kami ng pansin.

"As well as you Ms Arianna!"

"That's great huh!"

"Your aides will be part of the Astral class, Princess, after your magic test,can you guys answer this entrance exam as well?"_mga kumento nya sa mga aide ko.Tumango kami bilang pagsang-ayon sa sinabi nya na sasagutan din namin ang Entrance exam kaya hinawakan ko ang Crystal dahilan para magliwanag ito at nasira.

Napanganga ako ng lipadin ng hangin ang mga papel dahilan para mapasinghap si HM at saka pumalakpak.

"Woah that was amazing!"_sabi nito at inayos ang salamin kaya ngumiti ako at binalik sa dati ang ayos ng silid gamit ang wind magic ko.

Gaya ng sabi nito ay sinagutan din namin yung Entrance exam.Nang makita nya na ang resulta ay binigyan nya kami ng mapa ng buong Academia.

"Anyway it's rud3 if I didn't introduce myself to a honorable princess like you...I'm Cassius Havoc Roswell the new Headmaster of this Academy!"_pakilala nito at nakipag shake hand sakin kaya tinanggap ko yun.

I just shrugged my shoulder ng bigla syang nawala sa harapan namin kaya lumabas na kami ng opisina nya para pumasok sa klase.

»

Kumatok ako sa pinto bago ako pumasok,may teacher sa harapan kaya huminto kami sa pintuan.

"You are?"_tanong nito kaya ngumiti ako ng matamis.

"I'm Princess Avery La Britannia!"_sagot ko dahilan para matigilan sila.

"Your not belong here!"_singhal ng ilang estudyante.

"Hmm am I?"_tanong ko habang nakangiti.

"Shut your mouth and respect our princess!"_malamig na banta ni Autumn kaya ngumiti ako at pinakalma sya.

"And what the h3ll are they doing here?Inihahatid ka?Ano ka bata!?"_taas kilay na tanong ng guro kaya medyo napakilos ang apat dahil sa kagaspangan ng ugali nito.

Ngumisi ako sa kanya kahit pikon na pikon na ako.Nakakairita kasi ugali nya,maganda SANA.

"Well Ms they belong here,kung ayaw mong maniwala edi puntahan mo si Mr Roswell!"_pabalang na sabi ko dahil sa pagka-inis sa kanya.Inis akong tinignan ng guro dahil sa sinabi ko kaya nginisihan ko sya.

"Can you just let us in?"_mataray na tanong ko pero sinamaan nya ako ng tingin.

"Introduce yourself,your rank,age,power and anything you want!"_bored na sabi nito at saka umirap.

"I'm Alyanna,20 years old,one of princess Avery's Aide,I can use Telekinesis Magic!"

"I'm Arianna,19 years old,Princess Avery's Aide and I can manipulate nature!"

"I'm Autumn,20 years old,Princess Avery's Knight,I can use Taming magic!"

"Auburn,21 years old,Princess Avery's Knight,I can use Lightning Magic!"

"It's been a while since I left right,well even if I don't want to came back here,but I don't have choice.Anyway,I'm Avery Irene Dimitri La Britannia the 4th princess of Britannia Kingdom,17 years old,air manipulator!"_pakilala ko pero wala man lang kumibo mukhang hindi sila interesado samin.Pero ako?Interesado sa mga magagandang babae rito.

Nabasag ang katahimikan ng biglang pumasok doon ang tatlong estudyante,isang nakasuot ng Red color uniform means Noble.Habang yung isa ay Brown Uniform at yung isa ay Gray uniform.

"Lieutenant Dimitri!"_bati nung dalawa ng makita ako at sumaludo pa kaya napatawa.

"Wala tayo sa palasyo,Ash,Allen!"_sabi ko kaya napakamot sila ng batok.

"Pero...!"_ngumiti lang ako sa kanila kaya tumango sila.

Kunot noo kong tinignan ang pinsan ko ng lumapit sya sakin sabay abot ng limang pin.Yung isa ay kulay itim habang ginto naman yung apat.Inilapit nya ang bibig nya sa tapat ng tainga ko para bumulong.

"Sinira mo yung Crystal lagot ka,palitan mo yun!"_inis ko syang tinignan at saka sya sinuntok.

"A-aray napaka-amazona mong bubwit ka,aray tama na!!!"_sigaw nya habang pinipilipit ko yung kamay nya.

"Hmp..Ang sama mo ah parang wala tayong pinagsamahan ah,tsk bahala ka ikaw na lang magpalit ng sinira mo heh!"_singhal nya at akmang aalis na ng pigilan ko sya.

"San ka pupunta?"_tanong ko.

"Sa cafeteria nagugutom ako,gusto mo sumama?"_tanong nya kaya ngumiti ako at saka tumango.

"Pero para saan itong pin?"

"Sayo yung itim at sa kanilang apat naman yung gold!"_sagot may kaya ibinigay ko yung gold pin sa apat at aalis na sana ng pigilan kami ng guro.

"Baka nakakalimutan nyo na may guro sa tabi nyo at aalis kayo ng walang paalam!"_akmang magsasalita na si Alexei at yung anim na aide ng ngumiti ako at suminyas na ayos lang kaya tumango sila habang si Alexei ay sumandal sa pinto habang nakacross-arm at nakangisi.

"Alam mo miss maganda ka!"_sabi ko sabay hawak sa baba nya at iniangat yun.I lean closer and whisper that made her blush so I chuckled and finch her cheeks.

"Can I take my leave baby?I'm so hungry na kasi and I didn't eat anything kanina!"_I ask using a sweet voice and smiley face then pout that made her blush.

"S-sure!"_sagot nya kaya ngumiti ako at nakipag-apir kay Alexei.

"Saka wala naman daw yung mga kaklase namin sa room kaya pwede kaming magliwaliw habang hinihintay sila at pwede kaming pumasok dito sa class na ito!"_sambit ni Alexei sabay pakita ng black pin nya dahilan para mapasinghap ang lahat ng nandoon except saming mga bagong dating lang.

"Ano bang meron sa black pin na ito Alexei?Royal Elite Class?Anong ibig sabihin nito?Hindi tayo kabilang sa Astral Class kundi sa Royal Elite Class?"_sabi ko sabay tingin sa maliit na pin na kasing nipis ng dalawang credit card at kasing lapad ng dalawang daliri.

"Bakit nakasulat dito yung pangalan ko?Don't tell me ganto ang ginagamit dito sa Academia for identification?"_sabi ko at tinignan ang pin.

"At san naman ito ilalagay?"_tanong ko kaya itinuro ni Alexei ang tainga,braso at leeg nya kaya tumango ako at hinawi ang buhok ko at inipit sa likod ng tainga.

"Cool!"_sabi ko ng kusang kumabit yun at nagkaroon ng style.May palawit na style diamond sa baraha.

"That's suit to you babe!"_ngumiti ako kay Alexei dahil sa sinabi nya.

"Tara na,Allen,Ash sumama muna kayo sa kanilang apat,oy kayo Aly,Aria,Autumn,Auburn ako na bahala sa Prinsesa nyo bye bye!"_bilin nya kila Ash at Allen na syang Aide nya.

Dalawa na yung hikaw ko sa isang tainga,yung moon earing na galing sa gag0ng bampira na yun saka yung piercing na Identification Pin ko na naging hikaw.

★★

SA KANILANG BANDA isang lalaki na nakabusangot habang ngumangata ng isang puting prutas habang naka-upo sa sanga ng isang winter tree habang pinapanood ang isang babae na nakikipag-usap sa babae habang mapang-akit na nakatitig dito.

"Ang hirap pala magkaroon ng boyish na mate,lahat pwede kong pagselosan kainis!"_inis na turan ng lalaki na may suot na maskara.Nililipan ng hangin ang mahaba nitong puting buhok at ang kanyang pang tradisyunal na kasuotan (Japanese Traditional Cloth).

Napabuntong hininga sya at napakamot ng ulo dahil wala syang maisip na plano lalo na at galit sa kanya ang mate nya.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play