He's My Boss?
Episode 1
Habang nag-aantay si Solara sa kaniyang kaibigan na nagta-trabaho sa isang kompanya, ay tumambay muna siya sa isang parking lot.
Balak niya kasing mag apply sa tina trabahuan ng kaniyang kaibigan na si Megan.
Habang nakasandal sa isang pulang kotse napansin niya ang pagdating ng isang lalaki.
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa habang nakahawak sa magkabilang bewang. Kaya napakunot ang kaniyang noo.
Medyo nainis siya ng ngumisi lang ito sa kaniyang sinabi.
Solara
Anong nginingiti mo diyan. Sira ulo ka ba?
Solara
Di porket gwapo ka, ganyan ka na kung makatingin saakin.
Hindi ito nagsalita imbis ay lumapit ito sa kaniya.
Jake
I'm in a hurry right now.
Hindi niya agad na gets ang ibig sabihin nito
Imbis na tulakin niya ito siya naman ang hinawi nito dahil nakaharang pala siya sa pinto ng kotse nito.
Muntik pa siyang matumba sa ginawa nito.
Solara
Grabe ha! salamat naman sa paghawi mo.
Jake
Didn't you hear what I said?
Solara
Wag mo akong ini-english diyan, kala mo naman kung sino kang gwapo.
Solara
Manyakis naman kung makatingin.
Jake
Paano mo naman nasabi na manyakis ako?
Solara
Of course, the way you look at me.
Jake
So, everyone's looking at you. You judge them like they are perverts?
Jake
Is that what you mean?
Solara
Akala ko ba nagmamadali ka? Bakit hindi ka pa umaalis?
Solara
Baka pag sinabi ko ipapa-kidnap mo pa ako
Pumasok na ito sa sasakyan at umalis na
Solara
Tss.. Kala mo naman kung sinong gwapo. Yabang, mabangga ka sana.
Hindi napigilan ni Solara ang mainis dahil sa inasal nung lalaki.
Habang nag-aantay si Solara sa parking lot dumating si Megan.
Megan
Huyyy, sorry Sol na busy lang talaga.
Solara
Naku okay lang, ano ka ba.
Megan
Pero kasi, umalis c sir may pupuntahan saglit at babalik din yon.
Solara
Ahh ganun ba? Okay lang maghihintay nalang muna ako dito.
Megan
Hindi na sumama ka na sa loob, tara.
Makalipas ang isang oras na paghihintay sa wakas ay dumating narin ang may-ari ng Pinagtatrabahuan ni Megan.
medyo nakaramdam ng kaba si Solara.
Megan
Sol, nandiyan na si sir pupuntahan ko muna saglit.
Umalis narin ito at iniwan muna siya saglit sa isang couch malapit sa cubicle ni Megan.
Ilang saglit lang ay bumalik kaagad si Megan.
Megan
Sol, ihanda mo na yong sarili mo
napatayo kaagad si Solara sa sinabi ni Megan at mas lalong kinabahan. Kaya sunod sunod ang kaniyang paglunok.
Megan
Yung resume mo, ibigay mo kay sir pagpasok mo sa office niya.
Solara
Sige Meg, pero sandali lang hihinga muna ako ng malalim.
Megan
Naku, kaya mo yan ikaw pa
Megan
Ano tara na? Pero hanggang sa pinto lang ako ha at ikaw na ang papasok sa loob ng office.
Mas lalong nanginig ang mga tuhod ni Solara habang naglalakad sila papunta sa office.
Megan
Oh, dito lang ako ha. kaya mo yan. Fighting!!
Nang nasa harap na siya ng pinto ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play