English
NovelToon NovelToon

REWRITE (Tagalog)

IF ONLY I COULD TURN BACK TIME

Naniniwala ka ba sa Time travel?

Noong una hindi rin ako naniniwala sa ganyang bagay, hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang pangayayari na nagpabago nang aking buhay.

Sinasabi nilang Time is Gold, wag mong sayangin ang bawat segundo na nabubuhay ka dito sa mundo dahil ang buhay ay maikli lang kaya't palagi kang ngumiti.

Tsk, kahangalan, para sa akin ang buhay ay walang kwenta, puno nang problemang walang lunas.

Yun ang paniniwala ko nung una ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari nagbago ang takbo nang buhay ko.

Isang babaeng highschool student ang nagalalakad patungo sa isang upuang walang tao.

Walang tao ang paligid at tanging mga huni ng mga ibon lamang ang iyong maririnig.

Lumakad sya papunta sa upuan at nakita ang isang librong sa tingin nya ay naiwan.

Umupo sya rito at kinuha ang libro sa kanyang gilid, tumingin-tingin sya sa paligid at nakitang wala namang tao kaya't sigurado syang naka alis na ang may ari nang libro.

Habang hawak-hawak ang libro sa kanyang palad pinagmasdan nya ito at binasa ang nakasulat sa cover nang libro.

"Rewrite"?? bigkas nang babae habang nagtataka sa title nang libro.

Binuksan nya ang libro at sinimulan itong basahin, habang sya ay nakaupo sa malapad na upuan na sa likod ay malaking kahoy, na syang dahilan kung bakit ang init nang araw sa kanya ay hindi tumatama.

CHAPTER 1

"Hoi! Vance ano namang kapalpakan ang ginawa mo!" sigaw nang kalbo kong manager sa loob nang opisina.

Para sa kanila, puro nalang mali ang aking nagagawa.

Lintik na buhay to! sa inis at sa aking galit nasagot ko ang aking manager.

"Ikaw kaya ang gumawa, tignan natin ang kung hindi ka mahihirapan!" sigaw ko sa kanya at kitang kita ang galit sa aking muka.

Nagtinginan nalang ang aking mga kasamahan sa akin dahil sa ginawa ko.

"Ang lakas nang loob mong sumagot!" sigaw nya pabalik sa akin na kitang kita ang pagkainis sa kanyang muka.

"Wag mong isiping palalampasin ko lang ito Vance!" bigkas nya sabay talikod

"Alam kong hindi mo ito palalampasin." bigkas ko habang kinukuha ang papel sa aking bag

"Tsk, sige kung hihingi ka nang tawad, at sisiguradohing hindi na mauulit ang mga bagay na ito, ay patatawarin kita at iisiping walang nangyari sa araw na ito." bigkas nya habang nakatalikod na nakaupo sa kanyang upuan habang sya ay nakaharap sa bintana na kitang kita ang mga ibong lumilipad.

"Anong patawad? dami mong sinasabi!" bigkas ko sabay lapag nang resignation letter sa kanyang table.

Matagal ko nang iniisip ang bagay na ito, sawa na ako sa ganitong buhay.

"Tapos na ako sa kompanyang to" bigkas ko sabay talikod at labas sa kanyang opisina.

nakita ko pang nagbubulungan ang aking mga katrabaho na akalain mo'y perpekto.

Mga siraulo, sumakay ako sa elevator at pagkatapos ay bumaba na, lumakad ako papuntang pintoan na sana'y lalabas na sa malaking building na ito.

Pagbukas nang automatic door ay akmang tatapak na sana ako sa labas, ngunit may tumawag sa akin sa likoran at nakita si Mara na kinakaway ang kanyang mga kamay.

"Vance" bigkas nya habang kinakaway ang mga kamay, hindi ko alam kung bakit nasa loob sya nang building na ito.

Nilapitan ko sya at sinabing, " O, bakit ka nandito Mara" sabi ko sa kanya habang dahan-dahang lumalakad palapit sa kanya.

"Halika" bigkas nya sabay hablot nang aking kanang kamay, at sabay kaming tumakbo palabas nang malaking building .

"Mara? saan ba tayo papunta?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak nya ang aking kamay at nakatingin lang ako sa kanya na tumatakbo.

Tumakbo lang kami nang tumakbo, hanggang sa umabot kami sa lugar na pamilyar sa aking paningin.

Isang kalsadang walang kahit isang sasakyang dumadaan, at walang ingay na maririnig, ang gilid ay malalaking kahoy na syang pumipigil sa pagpasok nang sikat nang araw.

"Mara? asan na tayo?" tanong ko sa kanya habang nakayuko at humihingal, na ang aking dalawang kamay ay nakapatong sa aking dalawang tuhod.

Lumingon ako sa kanya dahil wala akong narinig na sagot sa aking mga tanong.

Pagtingin ko, nakita ko si Mara na naka upo sa lupa, habang ang kanyang ulo ay nakayuko.

Naririnig ko nalang ang malakas na hagulgol ni Mara, na syang dahilan nang aking pagtataka kung bakit sya umiiyak.

"Mara? bakit ka umiiyak? may nang yari ba sayo?" tanong ko sa kanya na halata sa aking tono ang pagtataka, at once again wala na naman akong narinig na sagot.

"Mara? Bakit? at syaka nasaan naba tayo?" Ulit kong tanong sa kanya na umaasa na marinig ang kanyang tinig, kahit manlang isang salita.

Habang akoy nakatitig sa kanya, mga ilang segundo rin ang lumipas nang dahan-dahan nyang iniangat ang kanyang ulo.

Nakita ko pa ang kanyang mga luhang panay tulo sa kanyang mga mata.

Akoy nalungkot nang aking masilayan ang kanyang mukang puno nang kalungkotan,

At sya'y tinanong ulit kung bakit, sya umiiyak at kung bakit nandito kami sa lugar na sa aking isipan ay pamilyar, ngunit bakit hindi ko matandaan.

Sa aking mga tanong narinig ko rin ang kanyang sagot.

"hindi mo alam kung nasaan tayo?" Tanong nya sa akin habang ang mga luha sa kanyang mga mata ay tumutulo nang walang tigil.

"ah, nasaan na ba tayo?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses para hindi na lumala ang kanyang pag-iyak.

"Hindi mo na matandaan?" Wika ni Mara sa patanong na boses.

"pasensya na, maaari mo bang sabihin kung nasaan na tayo? Mara" bigkas ko habang nakatingin sa nakakaawang muka ni Mara at mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.

"Ang lugar na ito" Bigkas nya sa mahinang boses habang dahan-dahan syang tumitingin sa aking mga mata.

"Ay ang lugar kung saan ako namatay" Wika ni Mara sa mahinang boses, kasabay nang kanyang pagbigkas ay ang malakas na ihip na hangin na sa akin ay humahampas.

Tumingin ako sa kanya at dun ko lang napansin na ang kanyang muka ay napupuno pala nang dugo.

Wala akong masabi, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayoan, dun ko lang naalala ang nangyari.

Gumising ako sa aking pagkakatulog, at umupo sa aking kama, habang ako ay humihingal dahil sa bangongot na iyon.

Hindi ako pinapatulog nang bangongot na yon, kitang-kita na sa aking muka ang puyat at malalaking eye bags.

Sa tuwing binabangongot ako nang ganon, naaalala ko ang trahedyang, isang buwan na ang nakalipas.

"Nag resigned ka raw sa trabaho?" Tanong ni Mara sa akin, na nakatayo sa aking harapan.

"O, ano ngayon? Tumabi ka nga dyan! hindi ko makita ang pinapanood ko" Bigkas ko habang nakahiga sa malambot na sofa at nanonood nang telebesyon.

"Ganyan ba ang gusto mong buhay? Yung humihilata na lang?" tanong ni Mara sa akin.

"Oo, bakit ano bang gusto mo? tumabi ka nga!" malakas na sigaw ko sa tahimik na gabi

"Nagbago ka na Vance, hindi na ikaw yung dating nakilala kong Vance na nakangiti." Wika ni Mara sa mahinang boses habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ano bang gusto mo? Mara?" maghiwalay nalang kaya tayo? bigkas ko sa kanya habang nakahilata sa malalambot na sofa, na kitang kita sa aking muka ang galit at inis.

"Kung yan ang gusto mo" bigkas nya sa mahinang boses kasabay nito ang malakas na kulog sa tahimik na gabi.

Isa-isa nyang kinuha ang kanyang mga gamit, at hindi katagalan ay lumakad na sya palabas nang bahay.

"Aalis na ako Vance" wika nya sa mahinang boses na halata sa tono na sya'y umiiyak parin.

"Umalis kana, wag kanang magpapakita sa akin at wag kanang babalik" wika ko habang nanonood nang telebesyon

Narinig ko ang mahinang pagsarado nya nang pinto nang bahay, pagkatapos sya ay lumabas.

Habang tumatakbo si Mara palabas, ang mga luha sa kanyang mga mata, ay patuloy parin sa pag-agos.

Mga ilang minuto rin ang lumipas isang malakas na tunog ang narinig ko sa hindi kalayoan.

Bumangon ako at lumabas nang bahay, at tiningnan ang madilim na kalsadang hinding kalayoan sa aming bahay.

Nakita ko pang isang malaking truck ang mabilis na humarurot pa alis.

At aking nakita ang isang taong nakahiga sa kalsada, agad akong lumapit papunta rito.

At aking nasilayan ang muka ni Mara na puno nang dugo.

Hindi ako makagalaw, puno nang takot ang aking muka.

Ilang minuto rin siguro ang lumipas, pagkatapos sya'y aking nilapitan at niyakap.

Pagsisi at lumbay ang naramdaman ko nung gabing iyon, umiyak ako nang umiyak habang yakap-yakap ang bangkay ni Mara, tumingin ako sa kanyang dugoang muka at nakita ang luha na tumutulo parin sa kanyang mata.

Hindi ko alam ang aking gagawin.

Napansin kong meron syang yakap-yakap na bagay, dahan-dahan ko itong kinuha sa kanyang mga kamay, at nakita ang litrato naming dalawa na magkasama at nakangiti.

Umiyak ako habang iniisip, na kahit sa huling sandali nang kanyang buhay, hindi nya parin binitawan ang aming larawan.

Kasabay nito ang malakas na ulan, na parang nakikiramay sa aking nararamdaman.

Humagolgol ako nang malakas nang gabing iyon at talagang akoy nagsisi sa aking nagawa.

Hindi ko kayang kalimutan ang trahedyang yun, habang ako ay nakaupo sa aking malambot na kama.

Nagsisi at iniisip na sana'y bigyan pa ako nang isang pagkakataong makita si Mara, para humingi nang sorry sa aking nagawa.

Hindi pala totoong walang kwenta ang buhay, ako lang siguro ang walang kwenta.

Tanging kapakanan ko lang ang iniisip ko.

Hindi ko nakikita ang halaga nang isang tao.

Nabatid ko lang ito, pag-katapos nitong maglaho.

Ako'y nagsisi sa aking nagawa, habang akoy nakatulala sa magulo at madilim kong kwarto.

Akoy nakatitig sa kisame at hinihiling na sana'y bumalik ako sa oras nung hindi pa nangyari ang trahedya.

Habang ang aking mga luha ay tumutulo sa aking mga mata.

Sa aking isipan ang muka lang ni Mara ang tanging tinitingala.

Kung maibabalik ko lang ang oras sisiguradohin kong hindi kana iiyak pa Mara.

Kung maibabalik ko lang ang oras sisiguradohin kong mamahalin kita nang sobra.

Wika nang aking isipan habang dahan-dahang pinipikit ang aking mga mata, at iniisip na kung "MAIBABALIK KO LANG ANG ORAS" babagohin ko ang nakatakdang mangyari.

At ang aking mga mata ay akin nang isinara, kasabay nito ang pagtulo nang aking luha at ako'y humiga na ulit sa luma at malambot kong kama.

THE LOST PRINCESS

"Vance?! Vance?! natutulog kana naman!"

pamilyar na tinig ang aking naririnig, iminulat ko ang aking mga mata at aking nakita, ang matanda at kalbo kong guro nung ako'y nasa koleheyo pa lamang, kitang-kita ko ang galit sa kanyang muka.

Tumingin ako sa paligid at nakita, ang mga pamilyar na muka na nakatingin sa akin.

Doon ko lang nabatid na mga kaklase ko pala ito noong akoy nasa kolehiyo, anong klaseng panaginip ito, parang totoo.

"Hoi! Vance!" sigaw nang aking guro habang nakatingin lang sa akin at kitang kita ko ang galit sa kanyang muka

"Bro! Nangyayari sayo?" bigkas nang kaklase ko sa aking likuran

Nilingon ko ito at nakita ang muka ni Mark, kaibigan ko nung kolehiyo.

"Ahahahahahahaha! anong klaseng panaginip ito napaka detalyado" bigkas ko nang malakas sabay tawa

"Hoi! sumisigaw kapa?!" Bigkas nang kalbo naming guro sa harapan, nakita ko pa ang mga kaklase ko sa akin ay nagtitinginan

"Bro! anong ginagawa mo?" tanong ni Mark sa aking likuran sa mahinang boses kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang muka

"Vance! sumunod ka sakin!" pasigaw na bigkas nang kalbo naming guro, at sya'y naunang lumakad palabas nang classroom.

Wala akong idea sa nangyayari, tumayo ako at sumunod nalang.

Lumabas na ako nang aming silid-aralan, at nakita ang aking guro na pumasok sa opisina nang principal.

Sumunod ako sa kanya, bago paman ako makapasok nakita ko ang principal at ang kalbo kong guro na nag-uusap.

Pumasok ako at sinarado ang pinto.

"O, bakit ka naman sumigaw sa gitna nang klase?, Vance." tanong nang principal sa akin habang ang kanyang kamay ay nakapatong sa lamisa.

Hindi ako sumagot, wala namang dapat sagutin sapagkat isa lang naman itong panaginip.

"O, sige palalampasin ko ito, pero pag nangyari pa ito ulit, alam mo na." wika nang principal sa hindi kalakasang boses

Matapos yun, ako'y bumalik na sa classroom, pagpasok ko nakita ko pa ang mga kaklase kong nag-titinginan.

Lumakad ako papunta sa aking upuan at umupo.

"Bro?! nyari sayo?" tanong ni Mark sa aking likuran at sya'y tumayo at umupo sa aking tabi.

Tiningnan ako ni Mark at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang muka.

"Bro?! ba't ang tahimik mo ngayon?" tanong ni Mark sa akin habang naka-upo at ang kanyang siko ay nakapatong sa lamisa at ang kanyang ulo sa kanyang palad nakasandal.

Hindi ko na ulit ito pinansin, dahil para sa akin para akong baliw na nagpapatansya.

At gumagawa nang himala sa panaginip, ako'y nakatingin lang sa labas nang bintana nang classroom at tinatanaw ang madalim na mga ulap.

"Bro" bigkas ni Mark sabay hampas sa aking ulo

"Aray" wika ko dahil sa sakit nang kanyang ginawa.

"Kanina ka pa ah" Wika ni Mark na kitang kita ang inis sa kanyang muka dahil kanina ko pa ito hindi sinasagot.

Lumaki ang aking mga mata, nang aking mabatid kung bakit pati sa panaginip ang salitang "sakit" sa akin ay hindi parin umaalis.

Pwera nalng kung hindi ito panaginip, imposebleng panaginip ito!?

Agad akong humarap kay Mark, at sya'y agad na tumakbo na akalain mo'y nakakita nang multo.

"Hoi, halika ka dito!" bigkas ko sa kanya habang sya'y patuloy na lumalayo sa akin.

"gaganti ka lang sa akin, eh" wika nya na nag-aakalang gaganti ako sa ginawa nya.

"May-itatanong lang ako!" Wika ko sa malakas na boses dahil wala naman nang mga tao dito sa Classroom dahil nagsikainan na.

Lumapit si Mark sa akin at tinanong ko sya kung anong taon na ba ngayon.

Umupo sya sa aking harapan, at sinagot nya ang tanong ko na kitang kita ang pagtataka sa kanyang muka, " Ano kaba Bro! 2013 na tayo ngayon" bigkas nya kasabay nito ang kanyang pagtayo at sinabing "Kain nalang tayo, baka gutom lang yan" sabay labas nang pintoan nang room.

Ako'y nababalisa parin, nagtataka sa mga nangyayari, totoo bang nasa 2013 pa ako?

papano nang-yari to? ang dami kong tanong na hindi ko alam ang sagot.

Ang aking ulo ay aking inilabas sa bintana nang room at tiningnan ang ibaba,

nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad at ngumingiti.

Ako'y tumingin-tingin sa paligid at aking nasilayan, ang magandang dalagang nagbabasa nang libro sa ilalim nang puno nang kahoy at yun si Mara.

bumilis ang tibok nang aking puso nang mga oras na iyon.

Wala na akong pake kung panaginip ba ito o reyalidad agad akong lumabas at bumaba nang malaking eskwelahan na ito.

Tumakbo ako papunta sa kanya, habang ako'y palapit binagalan ko ang aking paglakad.

"Mara!" Sigaw ko sa kanya at sya'y aking nilapitan at niyakap.

"ah, anong ginagawa mo?" tanong nya sa akin habang sya'y walang idea kung ano ang aking ginagawa, dun ko lang natandaan na hindi pa pala ako kilala ni Mara, nung kami ay nasa kolehiyo pa lamang.

Binitawan ko sya at ang aking kaliwang tuhod ay aking iniluhod at sinabi " Bini-bini hayaan mong ako'y magpakilala, ako si Vance estudyanteng walang gana sa eskwela"

"Ako'y namangha sa angkin mong ganda, Ngayon ko lang nalaman na may isang kolehiyala na ang alindog ay maihahambing sa dyosa."

sabi ko sa kanya habang dahan-dahang ini-angat ang aking ulo, na seryuso ang muka.

"Ah, s-salamat pero bakit kaba nandito?" tanong ni Mara sa akin sa pautal-utal na pagsasalita, kitang-kita ko pa ang pagpula nang kanyang muka.

"Ako'y naparito, para sabihin sa iyo na humihighi ako nang patawad sa nagawa ko." wika ko at nakita ko sa kanyang muka ang pagtataka

"A-ano bang pinagsasabi mo?" tanong nya sa akin sa pautal-utal nyang bigkas

Nakalimutan kong hindi pa pala alam ni Mara ang nangyari, nasayang lang yung magandang linya ko.

Akoy nag-salita muli at sinabi ang gustong sabihin nang aking puso.

"Mara, walang oras na hindi kita maalala"

"Sa gabi ako'y natutulala, iniisip ang maganda at malalambot mong mga labi"

"At ako'y..................." hindi paman ako nakatapos nang pagsasalita, ay sinampal ako ni Mara at kanyang sinabi "Manyak" at syaka sya'y umalis at kinuha ang kanyang librong nahulog sa lupa.

Aking hinawakan ang aking pisngi na namumula.

May mali ba sa sinabi ko? tanong ko sa aking sarili habang nakatulala at nakaharap sa malaking puno nang kahoy.

Hindi bali na, ang kanyang sampal ay hindi pa sapat sa mga pasakit na aking nagawa sa kanya.

Hindi ako susuko, at kung totoo ngang bumalik ako sa nakaraan, ibig sabihin lang nyan mababago ko pa ang nakatakdang mangyari.

Ako'y tumayo na at si Mara ay aking sinundan, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong sya'y akin muling nasilayan.

KNIGHT WHO WANT TO BE A PRINCE

Akin nang sinundan si Mara, at kitang-kita ko pang lumilingon sya sa likuran.

Tinatawag ko sya nang tinatawag.

"Mara! Mara!" sa pagsunod ko sa kanya nakarating kami sa loob nang paaralan.

Kasabay nito ang pag-tunog nang bell, hudyat na magsisimula nang muli ang klase.

Huli ko syang nasilayan na papasok na sa kanyang silid-aralan.

Nakita ko pa na lumingon sya sa akin,

Ako'y huminto na sa pagsunod, hindi ko pa nasasabi pero si Mara ay isang matalinong estudyante.

Palagi siyang top 1 sa klase, ewan ko ba kung bakit nahulog sya sa katulad kong lalaki.

Pero iibahin ko na ngayon, akoy magsisikap at bibigyan ko nang magandang buhay si Mara.

Ako'y naglakad na papunta sa aking silid-aralan, nakita ko pa na wala pang guro ang nagtuturo.

Pumasok na ako at nakita ang mga kaklase kong busy sa pagbabasa nang libro.

Ako'y umupo na at kinuha ang librong sa aking bag.

Akin itong binuksan, dahil ang mga nakasulat rito ay gusto kong matutunan.

"Bro, himala nagbabasa kana ngayon nang libro" bigkas ni Mark sa aking likuran habang sya ay nagbabasa rin nang libro.

"Wag kang maingay, hindi ako maka focus" Wika ko habang titig na titig sa binabasa kong libro

"Wow, Bro, nung dati nga ikaw yung nagdidistract sa akin" wika nya habang takang-taka ang muka

"Ah, Bro! sinong susunod na guro ang papasok" nilingon ko sya at tinanong at pagkatapos itinuloy ko ang pagbabasa nang libro.

"Si Mrs. Andalez" bigkas nya habang ang mga mata ay nasa librong kanyang binabasa.

Si Mrs. Andalez, yung matanda naming guro sa siyensya.

Ako'y napapatanong, bakit karamihan nang guro sa kolehiyo ay matatanda na?

Maka lipas ang ilang minuto nang pagbabasa, isang magandang kolehiyala ang pumasok sa pintoan nang aming silid-aralan.

Siya ay nagwika at sinabing" Hindi makakapasok si Mrs. Andalez ngayon, ngunit inatasan nya akong bantayan kayo, at wag kayong mag-alala dahil meron syang pinadalang gawain para sa inyo." Wika nang mgandang binibini sa harap, at ang babaeng iyon ay si Mara ang iniibig kong dalaga.

Hindi katagalan nagpakilala si Mara sa aming lahat at kanyang isinulat sa pisara ang mga tanong sa librong kanina ay aming binabasa.

"Sinong gustong sumagot sa unang tanong?" Tanong ni Mara habang lumilingon kung meron bang gustong sumagot.

Itinaas ko ang aking kamay at sinabing" Ako! Ako! Bini-bini gusto kong sagutin ang unang tanong" Habang ang aking kamay ay aking itinataas

Nakita nya ang aking muka, at nakita ko ang pagpula nang kanyang pisngi.

"O- o sige ikaw" pautal nyang wika sa harapan habang nahihiyang tumingin sa akin.

"bini-bini maaari mo bang?, basahin para sa akin ang unang katanongan" Wika ko habang nakatayo sa aking pwesto

"O-o, s-sige" pautal nyang wika sa hindi kalakasang boses

"Question 1: What is a natural compound that gives the plant its green color?" pagbasa ni Mara at pagkatapos tumingin sa akin

Agad akong ngumiti at sumagot "Chlorophyll" hayaan mong ipaliwanag ko pa nang mabuti ang functions nito"

" The green pigment called chlorophyll is found in the chloroplasts, which are where photosynthesis takes place. Chlorophyll's job is to absorb solar light energy and transform carbon dioxide and water into glucose and oxygen.” Nakita ko ang pagnganga nang bibig nang mga kakalse ko, dahil for the first time I'd answer it correctly.

Hindi paman ko umuupo, bumigkas ako nang huling salita, "Mara, katulad nang Chlorophyll binigyan mo nang kulay ang madilim kong mundo, ikaw ang nagbigay sakin nang dahilan upang mabuhay sa mundong puno nang problema at lumbay" Wika ko kasabay nito ang pagtinginan nang mga kaklase ko sa akin at kitang-kita ko ang pagpula nang muka ni Mara sobrang cute tingnan parang kamatis.

"T-tama ka, maaari ka nang umupo." Wika nya sa pautal na boses at tumalikod

Ako'y umupo na sa aking upuan.

"Bro, ano yun?" bigkas ni Mark sa aking likuran nilingon ko lang ito at sinabing "Ayos ba?" Tanong ko sa kanya at binalin ulit ang tingin sa magandang dalaga sa harapan

Mga hindi katagalan at ang lahat nang aking mga kaklase ay isa-isa nang nagsiuwian, nakita ko si Mara na nagliligpit nang kanyang gamit.

"Bro! tara uwi na tayo" Bigkas ni Mark habang naghihintay sa akin

"Sige, Bro! mauna kana" Sabi ko sa kanya at agad naman itong naunang lumakad

Ibinalin ko ulit ang aking tingin sa isang, kolehiyalang nagliligpit nang kanyang mga gamit.

Sya'y aking nilapitan at sinabing " meron kabang kasama sa pag-uwi Mara?" Tanong ko sa kanya at sya'y tumingin sa akin kitang-kita ko parin ang pula nang kanyang pisngi

"W-wala," bigkas nya habang nagapapsok nang gamit sa kanyang bag

"Ayos! kung ganon, maaari ba kitang maihatid sa iyong palasyo aking kamahalan." wika ko habang nakatayo at nakatitig sa kanyang mga mata

"P-pwede namang wag na, baka may importante kapang gagawin" wika nya sa pautal na boses habang ang mga pisngi nya ay kasing pula nang mga kamatis

Ako'y muling nagsalita at sinabing" Para sa akin, wala nang ibang bagay na mas importante pa kaysa sayo aking prinsesa" wika ko sa maangas na boses habang ang mga kamay ay nasa aking dib-dib at nakayuko ang ulo

"A- sige kung ganon, pwede naman" wika ni Mara sa aking harapan

"Salamat, hayaan mong dalhin ko ang iyong mga kagamitan." bigkas ko sabay kuha nang kanyang bag, bweset hindi ko inaasahang ang bigat pala nito.

Napakurot nalang ang noo ko dahil sa bigat, "Ayos ka lang ba" wika ni Mara habang sabay kaming lumalakad palabas nang paaralan

"Ayos lang ako, aking bini-bini" Wika ko habang nangangalay na sa bigat nang bag,

Paano nya nagagawang buhatin ang mga bagay na ito, sobrang bigat.

Nakalabas na kami sa gate at kaming dalawa ay sabay na naglalakad patungo sa kanila, sobrang tahimik nang gabi may mga ilaw naman ang dinadaanan naming kalsada.

"A-ano nga ulit yung pangalan mo?" tanong ni Mara sa akin sa pautal na bigkas halatang kinakabahan sya sa tuwing kinakausap ako

"Bini-bini ulit kong sasabihin ang aking pangalan, ako si Vance ang kabalyerong gustong maging prinsipe nang buhay mo." wika ko sa kanya habang kaming dalawa ay naglalakad sa madilim at tahimik na gabi

"At aking bini-bini, pwede bang wag kanang mauutal pag nagsasalita ka, ako'y hindi isang multo at hamak lamang na tao." sabi ko sa kanya habang binubuhat ang mabigat na bag

Mga ilang minuto rin siguro ang tumagal, nang makarating kami sa tapat nang kanilang bahay " A, salamat sa paghatid" Wika ni Mara, habang kami ay nakatayo pa sa labas nang kanilang gate ay lumabas ang kanyang ama.

Ang ama nya ang nagbukas nang gate, at ang kanyang ina ay naghihintay lang sa tapat nang kanilang pintoan, malaki ang bahay nila Mara.

"Mara, ang lalaking ito ba ay iyong kasintahan" tanong nang ama ni Mara habang nakatingin sa akin

Inilapag ko ang gamit sa aking kinatatayoan, at ako'y nakipagkamay sa ama ni Mara

"Ako nga po pala si Vance" bigkas ko sabay abot nang aking kamay sa kanyang ama.

Tumingin sa akin ang ama ni Mara syaka kinuha ang aking kamay at nakipagkamay.

"Maaari ko bang malaman kong anong relasyon mo sa anak ko?" Tanong nang ama ni Mara habang nakangiti

Tumingin lang si Mara sa akin at tiningnan ko rin ito tapos ibinalin ulit ang tingin sa kanyang ama

"Ako po ay isang hamak na estudyanteng umiibig sa inyong anak" bigkas ko sabay tingin sa ama ni Mara

Ngumiti ang ama ni Mara at sinabing "gusto ko ang mga katulad mo, ganyang-ganyan ako nung kabataan ko." wika nang ama ni Mara sabay kuha nang gamit na kanina ay aking binubuhat,

Hindi rin katagalan at nakipagkamay ako sa ina ni Mara, ako'y nagpakilala at aking kinatuwa na hindi parin nagbabago ang kanilang ugali, mabait at masayahin.

Nag-paalam na ako sa kanila para umuwi na, dahil siguradong hinihintay na ako nang aking lola

"Salamat po" Wika ko sabay kaway sa kanila at kasabay nito ang pagsarado nila nang kanilang gate, sa wakas nasilayan kong muli ang ngiti ni Mara na matagal ko nang gustong makita.

Sobrang gaan nang pakiramdam ko, ang sarap sa pakiramdam pag nailabas mo yung nararamdaman mo.

Ako'y naglakad na pauwi, sa madilim at tahimik na gabi.

At tanging kuliglig lamang ang iyong maririnig.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play