"Hey Mica, I told you to wake up!" -mom knocking at my door's room
"yes, 5 more minutes please" -Pag mamakaawa ko kay mommy dahil sa sobrang antok ko
"I told you to stop playing online games kasi back to school na!" -pasigaw nitong sabi habang binubuksan ang kurtina ng kwarto ko
Nong tamaan ako ng sinag ng araw ay agad naman akong bumangon at kinusot ang mata ko at tumingin sa notification sa phone ko. Sunod ay bumaba na ako sa kusina at nakita ko ang kambal ko na kumakain na
"goodmorning kuya ko kong panget" -pang aasar ko dito habang nag sasandok ng kanin
"oww you forgot that you're my twin huh" -pabalik naman nitong asar saakin, inirapan ko lang to at nag patuloy na sa pag kain
Yes I have a twin brother, his name is Mico Shan Zandi. Matangkad, maputi, bandalista, malambing, matalino at higit sa lahat ay my mom favs.
Binuksan na ng driver ang pinto ng sasakyan.
As usual ay nasa front seat ako at si kuya nmn ay nasa back seat kasama niya doon si Anthony, simula noon pa ay lagi na namin itong kasabay sa service namin
Habang nasa biyahe kami ay pinag uusapan nila si Rina. I dont know her pero base sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko alam kong sikat talaga siya sa campus. Maganda, maputi, straight at bagsak ang buhok at pang model talaga ang atake. Hindi ko man siya nakikita pa sa personal ay sigurado naman na akong maganda to kasi hindi naman pag uusapan ng dalawanb tukmol na to si Rina if she's nobody diba?
-At school-
"hey Mica" bati saakin ni jehan sabay yakap nito
" nandito na ang prinsesa" pabirong sabi ni kris na agad namang nag si tawanan ang dalawa
"tatawa tawa kapa dyan" sabay hampas ko kay Lyn
These three are my best best friend since elementary
Mae Jehan Sanchez is a sweet girl and a campus crush but a girl who focus on her study and want to be a nurse
Kristian Santiago the one who really like arts and also a campus crush kasi pogi talaga sya
Lyn Zolidad the palaban slash introvert kong friend, shes an only child and maganda, medyo maputi and she likes arts too
Nang naglalakad kami papunta sa building nmin ay may nabangga akong babae..
"uhm sorry ms" -habang dinadampot ko ang mga papel nito na nahuloh ko
"oh my gosh girl!" -pag susungit nito saakin
"oww Rina right?" patanong na singit ni Kris
"ahh siya pala si Rina ang ganda niya ah pero maldita tsk" -bulong ko sa sarili ko
"uhm yes I am Rina Zanilla Marquez the daughter of this school owner" -namumula nitong inabot ang kamay nya kay kris
Si kris naman ay tinignan lang ito at sabay na tumingin saakin
"are you okay Mica?" -tanong ni kris dito habang tinulungan akong mag dampot ng mga papel
"uhm ye-" -napatigil ako sa pag sagot ng biglang pinutol ni Rina ang sinasabi ko
"wait a minute!, ako ang nabunggo rito ah?" -pamalditang sabi nito
"sino ka ba girl?" -dagdag pa nito
Grabe naman tong babaeng to halatang gusto nya si kris ah
" Hi Rina, I am Mica Shean-" -napahinyo ako ng bigla nya na nmn sinabatan ang sinasabi ko
" you know shut up" -pag mamaldita nito saakin
"alam mo girl kanina mo pa pinuputol mga sinasabi nitong kaibigan namin e" -sabi ni Lyn dito na para bang nag hahamon sya ng away
"so what? hindi naman kasi ako interesadong makilala siya" - pataray nyang sambit kasj Lyn nito at tumingin saakin na para bang gusto akong sakmalin
"ahh ganon!" -ng akmang susugurin na to ni Lyn ay bigla naman pumagitna si Jehan
"thats enough!, oh papel mo" -pag katapos nyang ibigay ang papel kay Rina ay agad naman kaming nag lakad papalayo sa babaeng yon
"Alam mo Jehan kung di kalang umawat, makakatikim saakin yung babaeng yon!" -inis na sabi ni Lyn
"hayaan niyo na yun" -sabat ko naman dito
"Haha ako lang ba parang gusto nya si kris, mukha ba namang kamatis pag abot nya ng kamay e" -sabi ni Lyn habang tumatawa to at inaasar si Kris
"oo nga e tapos dinedma lang" -dagdag pa ni Jehan dito
"pogi mo teh" -patawang sabi komkay Kris sabay hampas dito
"ewan ko sainyong tatlo, oh dito na room ko kita nalang mamaya"-patawang sabi ni Kris at nag paalam na pumasok sa room nila
Nag tatawanan kaming nag lakad paakyat sa third floor habang hindi maalis sa isip ko kung bakit biglang ipinasok ni Anthony sa usapan nila si Rina kanina... What if gusto niya si Rina?...
Pagtapos ng klase ay sabay sabay kaming tatlo na bumaba para daanan sk Kris. Habang pababa ng hagdan ay nakita ko sila kuya kasama si Anthony na nakikipag usap kay Rina. May inabot na papel si Rina kay Anthony at nakangiti ito sakanya. Kinuha naman ni Anthony ang ang papel at ngumiti ito pabalij kay Rina at agad namang umalis si Rina kasama yung dalawang babaeng friemds nya ata. Pagkaalis ni Rina ay may sinabi si Anthony kay kuya, tinapik niya ito habang tumatawa at nag patuloy sa paglalakad
nakakainis naman yung babaeng yon akala ko ba si kris yung gusto niya? Bakit bigay bigay pa siya ng papel kay anthony? Anong laman ng papel na yon? Goosh nag ooverthink ba ako? Ako? Mag kakagusto sa isang Mark Anthony Mazielli? Ay jusme gusto ko na pala siya since the day he save me at the swimming pool.
Mark Anthony Mazielli he was the son of my mom's bussiness partner and my twin brother childhood friend kaya hindi pwedeng malaman ni kuya na may gusto ako doon, and for sure hindi rin naman ako gusto non noh.
agad naman akong napatigil ng biglang hinawi ni kris ang buhok ko
"huy kanina ka pa ba tulala?" -tanong ni kris
"haha oo kanina pa yan, nakita niya kasi si Rina na-" tinakpan ko agad ang bibig nitong si jehan at ngumiti kay Kristian
"ano tara na? Recess na tayo? Huuh!" -tanong ko sa tatlo
"oo nga naman sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Mazielli? Pogi, matangkad, maputi, singkit, tahimik at matalinong gitarista" pang aasar na sabi ni Lyn saakin
Napatingin naman si kris sa sinabi ni Lyn at tumawa ito
"bakit ako? Pogi naman ako ah" sabay kindat nito kay Lyn
"eww babaeng malabo lang mata mag kakagusto sayo no" pang aasar nito sakanya
Kristian Santiago pogi, matangkad, at mukhang may lahi kahit pure filipino naman ito. Mahaba ang mga pilik mata at makapal ang kilay and also like Lyn he likes arts too ay ito pa campus crush din siya gaya ng banda nila Anthony. I Know Kristian since elementary ay friend na namin siya.
-canteen-
"hey Mica kain marami ha" -sabi ni kuya pagkapatong nito ng kamay sa ulo ko
"mag tigil kana nga mag kasing edad lang tayo" -tinanggal ko ang kamay nito sa ulo ko at inirapan siya
"sungit naman" nakangiting sabi ni Anthony
Nginitian ko lang ito pabalik
shocks ang pogi talaga niya, ang hinahon ng boses tapos kada ngiti niya gusto ko nalang bumaon sa lupa.
Tumabi sa upuan ko si Anthony at kasunod naman nito si kuya at yung dalawa pa nilang kabanda, si Charles at Carlo. Medyo close ko nmn tong mga kabanda ni kuya dahil nag sisimula palang sila ay sa bahay na sila nag pa practice
Habang inaasar ako nila Lyn at Jehan ay pinipigilan ko namang kiligin at nag patuloy sa pagkain ng biglang lumapit si Rina kay Anthony
"ano napag isipan mo na ba?" ani nito kay anthony habang nakangiti
Napatingin naman ako dito ng naka simangot at nag tataka kung ano yung tinutukoy niya
"ang alin?" pasungit kong tanong dito
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kasi kanina pa ako nag ooverthink kung bakit at ano yung papel na iniabot nya kay Anthony . Bumalik lang ako sa katinuan ng magulat ako sa bigla kong sinabi at silang lahat na nakaupo sa table ay nakatingin saakin, including Anthony
"ah may coffee date kasi sila" sabj nung babae sa kanan ni Rina
Napatingin nalang ako kay Anthony na nagtatakang nakatitig saakin sabay tayo ko at umalis doon sa kinauupuan ko.. Ayoong marinig sagot ni Anthony noh.. Agad namng sumunod yung dalawa saakin at dahil tropa ni kuya si Kristian ay nag paiwan naman ito doon.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play