Secret admirer 1
Unang araw sa school, at bagong school. Hi ako nga pala si cristine. Tine for short. Napaka saya ko ngayong araw na'to dahil makikita ko na yung mga kaibigan ko. Kasi ilang months din kaming di nag-kita dahil sa pandemic. Ngayon magkikita na talaga kami. Pagpasok ko palang sa school may nakabangga ako na lalaki. Yung tipong walang emosyon. Lumakad lang. Hindi ko na nakita yung mukha kasi kinukuha ko yung mga gamit ko sa sahig. Naiinis talaga ako kasi hindi manlang ako tinulungan. Nakakainis talaga! "Oy tine ginagawa mo diyan" tanong ng kaibigan ko. "May nakabangga kasi sakin e" galit kong sabi. "Sino?" Tanong ng kaibigan. "Wala hindi ko nakita yung muka" sabi ko nmn. Pagkatapos nun. Parehas na kaming pumasok sa room namin. Buti nalang dumating siya dahil hindi ko pa alam kung saan room ko. At makalipas ang ilang minuto. Nag introduce your self na kami isa-isa. Ang saya kasi puro tawanan kami kasi yung iba nagkakahiyaan pa. Hanggang hindi namin namamalayan na nag bell na. "My God recess na agad" ang sabi ko. "Tara na tine" nagmamadaling sabi. "Wait lang, inaayos ko lang yung mga gamit ko" ani ko agad. Pagkatapos nun. Sabay kaming nag recess dalawa. Ng biglang may kumalabit saaking lalaki. "Miss para sayu. May nag papabigay" sabay alis. "Huy wait lang" sigaw kong sabi. "Kanino yan" tanong ng kaibigan ko. (WAIT! NAKALIMUTAN KONG PAKILALA SAINYO ANG KAIBIGAN KO. SIYA SI ALEXA. SOBRANG GANDA, MATALINO, AT SOBRANG BAIT.) "Kanino kaya to'?" Tanong ko sa sarili ko. Pero diko talaga alam kung kanino galing yung pagkain na yun. Sabi ko pa sa sarili ko. Sinong tangang magbibigay sakin ng pagkain? "Oy may nakasulat" sabi ni alexa. "Huh saan?" Agad kong hinanap kong saan. Nang makita ko yung sulat. Nagulat ako dahil ang sabi sa sulat "SORRY" omg baka yung nakabangga ko kanina. Hala sayang diko nakita yung muka pano ko makikilala yun. "Umalis nga kayo sa daanan!" Sigang sabi ni axel.
( SI AXEL ANG PINAKA MAYABANG, PINAKA SIKAT DAHIL NAGBABASKET BALL SIYA. HALOS LAHAT NG BABAE KILALA SIYA. MASAKIT MAN' SABIHIN MAY ITSURA SIYA PO SIYA. HAYST OO NA GWAPO SIYA. PERO MAHANGIN TO' KALA MO KUNG SINO!).
"Omg si axel" sigaw ng mga babae. "Mga bungol ba kayo?!!!" Sigaw na sabi ni axel. "Ang yabang mo nmng hayop ka!" Galit kong sabi. "Tama na yan tine. Wag mo ng patulan" sagot ni alexa. "Tama yang kaibigan mong maganda. Ikaw kasi panget na nga masungit pa!" Payabang na sabi. ( WAIT LANG F.Y.I LANG PO DIPO AKO PANGET SADYANG MAYABANG LANG YAN. MAGANDA DIN NMM PO AKO. KASO MAS MAGANDA SI ALEXA. PERO MAGANDA DIN NMN AKO GUYS). "Wait lang tine wag mo ng patulan. Ako nalang papatol. HOY! Kala mo kung sino kang hayop ka!" Sigaw ni alexa. " kala ko ba wag patulan alexa" bulong kong sabi. "Nanggigil ako e. Panget ka daw!" Gigil na sabi. "Sige sigaw mo pa yung panget be. Tara na nga!" Sabay alis. Hayst nakakagigil talaga yung lalaking yun. Nakakairita. Nakakabanas. Alam nyo kinikilig na ako e tapos biglang sumingit yang hayop na yan. Pagkatapos ng pangyayaring yun. Bigla namin narinig yung bell kaya agad agad kaming pumasok sa room namin. So yun na nga. Nalate kami. Kaya di kami pinapasok. Hay nakoo! Ng dahil sa lalaking yun. Di sana kami malalate. So ayun tunganga kami sa hagdan ni alexa. Tapos nagulat ako ng may nag abot sakin ng papel. "Para sayu, abot ko daw sayu. Basahin mo" sabay takbo ung lalaki. Jusko ano nanamn to' binukasan ko yung papel at may nakasulat. "Diko mabasa" ani ko. "Alangan nakabaliktad. Wait nga lang ayusin ko. Oh! Ayan na" tawang sabi. "Ay kaya pala" sabi ko nmn. Nung nabasa ko yung sulat. Kinilig ako kasi ang sabi sa sulat "SANA OK KALANG. KYUT MO PAG NAGAGALIT HEHEHE" OMG nakita nya ako sa canteen, bat diko siya nakita. Anubayan nakakahiya, di manlang ako nag pulbo. Ano ba yan. Nakakahiya talaga. Sana gwapo siya Hahahha. *BELL* omg nag bell na next subject na. Agad kaming pumasok sa room at nag sorry sa teacher namin. At ang sabi niya nmn wag nalang daw namin ulitin. Hayst buti nalang mabait yung titser namin. Nag usap kami ni alexa tungkol dun sa "secret adimrer ko". Ganda ka ghorl Hahahaha may pa secret admirer. Nagtataka ako kung bakit diko siya nakita. Tapos nakita nya namn ako. My ghad lilinawan ko na talaga yung mata ko para makita ko siya.
Makalipas ang ilang oras. Pauwi na ako. Diko kasabay si alexa kasi sinundo siya ng papa niya kaya ako lang magisa umuwe. Nang nagulat ako nung may tumawag sakin. "Hoy panget!" Sigaw na sabi ni axel. Hay nako bigla akong nabad trip. Uuwe na nga akong mag isa may asongot pang dumating. "Oh! Bakit mag isa ka lang uuwe" tanong niya sakin. "Wala kang paki" taray kong sabi. "Sungit nmn nitong panget na to' Hahaha" birong sabi. "Hoy di ako nakikipag biruan sayo ha!" Galet kong sabi. "Ha? Hakdog!" Pilosopong sabi. Hay nakooooooo nang gigil na talaga ako nyang that time. Pinipigilan ko lang kasi nasa kalasada kami e. Kung ako lang dimonyo tinulak ko na yan sa dumadaang truck. Nako talaga ayaw pa niyang tumigil. Ang ginawa ko nalang sumakay nalang ako ng jeep. Kahit jan lang yung bahay ko. Para tumahimik na yung hayop na yun. Hayst. "Hoy san ka pupunta?" Tanong niyang sabi. "Alangan uuwe tanga lang" gigil na sabi.
"Sige ingat ka. Bye panget HAHAHAHAHAHA". Hay nako nakakairita talaga. Nabwibwiset na ako talaga jan kay axel e. Bawat araw wala siyang ginawa kundi batukan ako. Sabihan ako ng panget nakaka gag* lang. Diko alam kung magaaral pa ako. Jusko dahil sa pilosopong lalaking yan. Pero alam nyo guys sa araw araw na pambwibwiset sakin ni axel.
Ang nagpapasaya sakin yung secret admirer ko. Kasi tuwing mag rerecess pinapadalhan nya ako ng pagkain. Tapos may nakalagay pang eatwell. Hay nako sulit lahat Hahahah chour. Isang araw. May sinabi saakin si axel. "Sana ol may secret admirer" sabi niya. "Pano mo nalaman na may secret admirer ako?" Nagulat ako nung sinabi niya na. " kilala ko yung nag papadala sayu ay hindi pala yung nag bibigay lang hindi yung secret admirer ha" seryosong sagot. Alam nyo ito ang pinaka magandang dulot ni axel sa buhay ko. "Oh kilala mo. Yes! Kung ganun bigay mo sa kaniya to' wag mong bubuksan ha!" Sabi ko. "Ah sige. Bakit ano ba to'?" Tanong niya. "Basta abot mo nalang" ani ko. Actually ang nakalagay sa sulat ay. "MAGKITA TAYO SA COURT NG UWIAN" "osige bigay ko na to', kaw ha. May nagkakagusto pala sayu HAHAHA" asar na sabi. "TSE! Basta bigay mo na yan. Now na. Bilis!" Excited na ako para mamaya.
*MAKALIPAS ANG ILANG ORAS*
So ito na nga magkikita na kami. Hayst kinakabahan ako. Alam nyo nagpaganda pa ako neto. Nag pulbo ako nag makeup ako nag lipstick ako. Naghanda na ako ngayon. Para pag nakita nya ako. Maganda namn ang lola nyo HAHAHHA. CHAROT masyadong maharot. Makalipas ang ilang minuto. Di pa din siya na dating. Ang tagal ko na sa court. Inisip ko baka di na siya dumating kasi baka niloloko lang ako ni axel. Hanggang sa nawalan nalang ako ng pag asa. Malungkot ako habang naglalakad. Ng may nag salita na. "Sorry late ako".
Secret admirer 2
"Sorry late ako" sabi ni christian.
( DI NIYO NATATANONG SI CHRISTIAN ANG ISA SA MGA GWAPONG LALAKI SA BUONG SCHOOL. ACTUALLY CRUSH KO TALAGA YAN MATAGAL NA.)
diko alam kung bakit siya nandun that time. "Bakit ka nandito?" Di makapag salita. Agad nitong sabi na "Diba sabi mo magkita tayo". Diko alam kung kikiligin ako or mag dadalagang pilipina muna ako HAHHAH. Pero akalain nyo guys. Yung crush ko pala yung secret admirer ko. Tamang sana ol lang HAHAHAHHA. OMG ang saya ko ngayon. Habang naglalakad kami nag uusap kami. Nagkwekwetuhan nag tatawanan hayst ang saya
Christian: sorry pinag hintay kita
Me: okay lang
Christian: sure ka? Para makabawe ako sayu mag milktea tayo.
Me: hala sure ka. Nakakahiya
Christian: Para makabawe lang ako sayu kasi di ako nag papakilala sayu e.
Me: Ah ok lang nmn un
Christian: alam kung bakit?
Me: huh bakit?
Christian: ah kasi natotorpe ako sayu.
Me: okay lang. Lagi mo nmn ako pinapadalhan ng pagkain.
Christian: Pagkain?
Me: oo
Christian: ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Kasi ayaw kong nakikita kang nagugutom.
Me: ah ganun HAHAHA.
christian: oy ito na yung MILKTEA
*kinikilig ako ng sobra sa bawat usap namin. Sa bawat buka ng bibig ni christian. Naiinlove ako kasi sobrang gwapo nya. Makalipas nag ilang oras ang dami naming napagkwentuhan ni christian tawa ako ng tawa dahil may sense of humor pala siya. Hayst diko makakalimutan ang araw na yun.
*kinabukasan*
Me: oy axel.
Axel: bakit?
Me: salamat pala kahapon
Axel: ah wala yun
Me: o bakit matamlay ka
Axel: ah wala di pa kasi ako nakain.
Me: ah ganun sige mamaya nalang.
Axel: sige
Nung nagkita na kami ni christian. As in araw araw na kaming nag kikita. Araw araw na kaming nag uusap kahit sa chat nag uusap kami. Tipong hanggang madaling araw naguusap pa din kami. Hayst ang sarap palang umibig. Tapos biglang may nag bigay sakin ng sulat. Siya nanamn. Sinulatan nanamn ako ni christian HAHHAAHA pede namng ichat nalang hayst. Ang nakalagay sa sulat ay. " 13 1 8 1 12 14 1 13 1 8 1 14 11 9 20 1 " nagtaka ako kasi puro lang nmn numbers. Kaya chinat ko si axel kung bakit ganto binigay ng lalaki saakin kasi diko maintindihan. O baka nmn sa lotto to' Hahahha
Chat*
Tine: axel
Axel: batit?
Tine: batit batit batit batit batit
Axel: hoy panget na typo lang.
Tine: lagi ka nalang typo alam mo yun
Axel: wala kang paki panget
Tine: tse! May tatanong lang ako
Axel: ano?
Tine: ay wag na nga. Nvm nalang
Axel: ano nga yun??? Niloko ka ni christian? HAHA
TINE: di noh! Basta!
Makalipas ang ilang oras. Uwian na ng nagulat ako nung nakaabang saakin si christian. Sabi niya kasi hahatid nya ako. Yieeee omg nakakakilig. Kaya yun. Tinanong ko siya kung bakit nag sulat siya ng number sakin.
Tine: bakit nag padala ka sakin ng letter na ang laman puro numbers
Christian: ah wala yun para maalala mo lang ako HAHAHAHHAHA.
TINE: lagi ka nmn nasa isipan ko. Wag ka mag aalala
Christian: sabi mo yan Ha! hahahahaha
Tine: oo nmn HAHAHHAA
Isang araw. Biglang may nag text saakin ng gabi na. Si christian. Gabi na nagtext pa sakin. Sabi niya puntahan mo'ko dito please. Dito sa bacoor. Edi ako nmn pupuntahan siya. Kasi baka napaaway o baka nabugbog siya. Dali dali akong tumakas kila mama at papa ng makapunta na ako sa bacoor. Nakita ko si christian.
Tine: christian anong nangyare sayu.
Chriatian: ah wala pinapunta lang kita dito kasi gusto kita makita
Tine: naglasing kaba!
Christian: hinde ah
Tine: amoy alak ka. Tara na
Christian: tine. Mahal mo ba ako?
Tine: oo nmn.
Pagkatapos kung sabihin na oo nmn means mahal ko din siya bigla nya akong hinalikan. Di ako makawala sa kaniya. Dahil sa sobrang higpit ng pagkakahwak niya sa kamay ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero wala. Sinbukan kong humingi ng tulong pero pagpatuloy pa din siya sa pag halik saakin umiiyak na ako sa ginagawa ni christian saakin at biglang may humila sakin at biglang sinapak si christian nagulat ako nung si axel ang sumapak kay christian. Nagtaka ako kung bakit nandito siya. Diko alam kung maawa ako o maainis ako dahil pagkatapos nya akong baboyin. Inawat ko si axel. Ang mas kinagulat ko sa sinabi ni axel
Axel: Hayop ka. Pinaubaya ko sayu si tine tapos ganto gagawin mo.
Christian: diko namn talaga gusto yan si tine e. Ang gusto ko lang sa kaniya ang yung katawan niya
Axel: hayop ka pala e!
Tine: tama na yan axel. Tara na!
Dinala ko si axel malapit sa bahay namin. At sinabi ko na bakit sinabi niya na pinaubaya niya ako kay christian. Sabi niya nmn
Axel: alam mo tine. Naalala mo yung unang araw sa school tapos may nakabangga ka. Ako yun. Kasi nung araw na yun tinititigan kita diko namalayan na nabangga na pala kita kaya nahiya ako tapos daridaritso lang ako ng lakad. Gusto kitang tulungan pero nahihiya ako. Yung sa sulat nmn na pinabigay mo sakin. Binasa ko yun at nakalagay "magkita tayo sa court" ng mabasa ko yun diko alam kung pano ako haharap sayu. Kasi natotorpe ako sayu. Ang ginawa ko sa papel tinapon ko. Tapos nakita ko napulot ni christian. Kaya siya yung nakita mo sa court. Ewan ko ba kung pano ka naniwala sa mga sinasabi niya.
Tine: huh? It means ikaw ang nag bigay sakin ng letter na may numbers.
Axel: oo dimo ba naintindihan yun? Ang nakalagay dun. " 13 1 8 1 12 14 1 13 1 8 1 14 11 9 20 1 " kung ilalagay mo sa alphabet. Ang ibig sabihin nyan mahal na mahan kita.
Tine: mahan?
Axel: minali ko talaga yun kasi diba lagi akong typo. At alam mo ba sa tuwing may lakad kayo ni christian lagi ako nakasunod sainyo. Kasi alam ko ang balak ni christian. Masakit na nakikita kita na masaya ka sa kaniya. Nasasaktan ako. Pero mas masakit yung nakikita kitang masaya pero di ako ang dahilan.
Nagulat ako sa confession ni axel. Diko alam kung ano ang mga magiging reaksyon ko. At narealize ko na simula pala una niloloko lang ako ni christian at ang tunay na nagmamahal sakin ay si axel. Naguguluhan ako. Sa mga pangyayare. Diko alam kung ano yung gagawin ko.
Axel: tine. Narinig kita na kinikilig ka pag binigyan kita ng mga letters at staka pagkain
Tine: ahh oo
Axel: may tanong ako sayu
Tine: ah ano yun
Axel: mahal mo ba yung Secret admirer mo?
* sa mga pangyayaring to' natuon ko yung pagmamahal ko sa maling tao. Diko alam kung sino pa pagkakatiwalaan ko sa pagmamahal ko. Kasi sobrang nadurog yung puso ko pero nalaman ko nmn yung totoo. Diko alam kung ano yung isasagot ko sa tanong ni axel. Narealize ko lang na may mga tanong talaga na di natin kayang sagutin pero kaya nating gawin. Kaya habang may nagmamahal sainyo ng tunay wag kayong mag alinlangan na mahalin din sila. At may mga taong iniwan natin para sa maling tao kaya ito ang masasabi ko "Ipinagpalit ko lahat para lang sayo. Iniwan ko sila dahil lang sayu, kase mahal kita. Pero iniwan mo din ako. Ngayun, Alam mo ba sino ang kasama at kadamay ko. Siya na iniwan ko. Siya na iniwan ko dahil lang sayu". Kaya ang sagot ko sa tanong ni axel ay.
Tine: oo namn mahal na mahal ko
Secret admirer 3
Makalipas ang 3 years. College na kami. Parehas yung school na pinili namin para nmn di kami magkakalayo sa isa't isa para nasusubaybayan pa rin namin yung pang araw araw naming ginagawa at sabay din kaming nag GRADUATE at yung araw na yun dun ko siya sinagot. At yung araw na rin yun sobrang saya niya. Di niya alam mas masaya ako. At naging kami na nga ni axel. Masaya ako dahil na kahit na nangyare yun. Nalaman ko nmn ang totoo. At nalaman ko na mahal ko din si axel. Alam nyo guys ganun pa den siya. Lagi niya pa din akong sinusulatan at tinatawagan kung ok na ako. Lagi niya akong pinapadalhan ng pagkain. Kasi lagi siyang nasa training ng basketball. Kahit ganun lagi nya akong sinusundo kapag uwian na. Masaya ako dahil mahal nya ako. Pero mas masaya siya kasi Mas mahal niya ako. Oh tamang sanaol ka nanamn HAHAHA CHOUR. masarap pala sa feeling na MAS MAHAL KA NG MAHAL mo. Kasi tipong araw-araw nya pa rin akong nililigawan kahit na sinagot ko na siya Haha. Isang araw nagkita kami sa court.
*court
"Myla. Ang saya ko" kilig na sabi. "Huh? Bakit namn?" Tanong na sabi. *MYLA MEANS MYLABS* "kasi nakilala kita" sabi ko. "Sus! Swerte ka kasi.." ani ni axel. "Kasi ano?" Tanong kong sabi. "Kasi pogi yung Myla mo" sabay ngiti. "Tse! Pogi ka jan" pabirong sabi. "Bakit dika napopogian sakin?" Sabay paawa effect. "Nako wag mo akong bigyan ng ganyan muka mo axel" sabi ko sa kaniya. "Bakit nmn? Dimo na ako love? Ha?" Paawa na sabi. "Tse! Mas lalo kasi akong naiinlove sayu e. Sa bawat ngiti mo. Sa bawat pag sasalita mo. Naiinlove ako. Dito ko masasabi na Swerte talaga ako sayu" ani ko sa kaniya. "Ayieee kaya Mahal na mahal kita e. Love you myla" sweet na sabi. *sabay kiss sa pisngi* "anubayan! Hahaha puro ka pawis e" galet na sabi. "Bakit ayaw mo ng kinikiss kita?" Paawa effect nanamn. "Hoy anong sabi mo na ayaw ko! Gusto ko nga e. Pa kiss nga! HAHAHHAA, punasan nga natin yang pawis mo. Baka mag kasakit kapa" ani ko *sabay lapit saakin* "labyo myla," sweet na sabi. *sabay yakap*.
Kaya mas lalo akong naiinlove kay Axel kasi sweet siya. Di lang halata pero sobrang sweet niya. Mas sweet pa nga siya sakin e. hahahaha natatawa ako, naiinlove ako at higit sa lahat mas minamahal ko pa siya. Diko alam kung mangyayari sakin pag nawala siya sakin. Hayst pero alam ko matatagal pa kaming dalawa dahil alam ko at alam niyang mahal namin ang isat isa.
*makalipas ang isang araw*
"Miss may nagpapabigay sayu oh" sabi ng bata. "Ah kanino galeng?" Tanong ko sa bata. "Ayun po oh kay kuya pogi" sabay turo. *sabay alis* "ito talagang taong to' ano ba nakalagay dito. *nood ka mamaya ng laro ko*" bulong kong sabi. "Nood ka mamaya ha!" Sigaw na sabi. "Oo nmn!" Sigaw kong sabi. "Ano be nood tayo ha!" Sabi sakin ni alexa. (BTW PAREHAS DIN ANG KINUHA NAMIN NI ALEXA. KAYA MAG KASAMA PA DIN KAMI). Makalipas ang ilang oras. "Be tara na. Ngayon na yun nukaba" bulong ni alexa. "Ay oo nga pala. Tara na!" Pagmamadaling sabi. Habang tumatakbo kami at sobrang pagmamdali nabangga ko yung lalaki. At si talsikan lahat ng hawak ko. "Ay sorry miss" sabi ng lalaki. "Hala yung pagkain ko" panghihinayang na sabi. "Hala sorry talaga miss. Bibili nalang kita ng bago. Gusto mo?" Mahinahon na sabi. "Ay wag na nag mamadali kasi kami e. Mag sisimula na kasi yung game"pagmamadaling sabi. "Hinde tara bibili kita bago" papilit na sabi. "ay hindi na nga. Nag mamadali na nga ako" sabi ko namn sa kaniya. Pinipilit nya pa din talaga akong sumama sa kaniya kasi naguguilty siya sa ginawa niya. Habang pinipilit nya ako. Biglang dumating si axel. "Hoy ano ginagawa mo sa girlfriend ko" galit na sabi. "Sorry pre! Diko alam na girlfriend mo yan btw miss ako nga pala si ethan" mahinahon na sabi. (TRIVIA NANAMAN SI ETHAN ANG PINAKAGWAPONG LALAKI SA PUP MABAIT TO' GUYS DI TULAD NI CHRISTIAN, MATANGKAD AT MATALINO DIN ITO LAGI SIYANG SUMASALI SA MGA DEBATE SA SCHOOL NAMIN AT LAGING SIYANG NANANALO. AT ACTUALLY MAGALING DIN SIYANG MAG BASKET BALL ACTUALLY SIYA ANG KALABAN NILA AXEL). "Oh sige na tara na myla" pagmamadaling sabi ko. "Wag kana ulit lalapit sa lalaking yun ha." Bulong na sabi ni axel. "Oo na, selos ka agad e" bulong kong sabi habang naglalakad palayo kay ethan. "Di ako nag seselos no" sabi niya. "Sus! Tara na nga!" Kilig na sabi.
makalipas ang ilang oras na panonood sa laban nila axel. Masaya kami sa unang game dahil ang laki ng lamang ng team ni axel at dumating ang 3rd quarter ng mag seryoso na ang team nila ethan. Hanggang maging 4th quarter di naka bawi sila axel. Sa di naasahan natalo sila kaya sobrang lungkot kasi natalo sila at biglang lumapit sakin si axel at sabing "sorry myla" at sabi ko nmn sa kaniya na wag siya mag sorry dahil may susunod namn na laro kaya ok lang bawi nalang siya sa next game. Sobrang na down talaga siya sa sarili niya. Kaya ginawa ko para di siya malungkot hinalikan ko siya sa ulo, pisnge, at sa leeg. "Tama na myla HAHAHAHA nakakakiliti" sabi niya habang tumatawa. "Ano ok kana?" Tanong ko sa kaniya. "Di pa ako ok. Dito din sa lips masakit e oh!" Lambing nasabi. "Hay nako wala na akong time tara naaaaaa" sabay alis na tumatawa. "Tine! Parang tanga nmn isa lang e" paawang sabi. "Manigas ka bleh HAHAHAHHAA." tawang sabi.
Habang naglalakad kami sabi ko kay axel kung may girlfriend na ba syang na minahal niya ng sobra. Ang sa ang sabi niya oo. Nagulat ako nung sinabi niya na. "Minahal ko siya kaso di katulad ng pagmamahal ko sayu. Kasi siya iniwan nya ako ng mag isa. Diko alam kung bakit. Kaya diko alam kung anong mangyayare sakin nun. Ilang buwan akong di nakangiti ng dahil sa kaniya, pero nung nakita kita. Parang bumalik yung sigla ko. Kaya ang tanga ko kung pakakawalan pa kita". Napagtanto ko na mas mamahalin ko pa siya ng mamahalin. Isang araw ng nasa labas kami ng school ang saya namin ni alexa kasi nakain kami ng street food at nasa tabi ko lang si axel, ng may tumakbo papalapit kay axel. Ang biglang sabi na "Axel! Namiss kita ng sobra, sabi ko nmn sayu babalik ako. Sabi ko sayu hintayin mo ako galing sa amerika diba? Nangako ka sakin na hihintayin mo ako. Miss na kita ng sobra. Mahal na mahal kita love. Sino nga pala yung kinukwento mong friend mo?". "Friend?" Gulat kong sabi. "Oo sabi niya kahapon" sabi niya. "Kahapon? nag usap kayo ng diko alam?" paiyak na sabi.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play