English
NovelToon NovelToon

Second Chance

The Bet

| The Bet |

   “LEBAAAYY!” MALAKAS NA SIGAW NIYA para makuha ang atensyon ng isang kaibigan.

   “Oy, Nang!”

   “I miss you na!” saad niya nang mapansin siya nito. Matagal-tagal na rin simula nang huli silang magkita ng kaibigan niya, kaya sobra niya talaga itong namiss.

   “Ako, ’di mo man lang ba ako namiss?” nakangusong tanong niya rito nang makalapit ito ng tuluyan sa kanya.

   “Nope, ba’t naman kita mamimiss?”

   “Meanie!” kunwari’y nagtatampong aniya pero sanay na talaga siya sa ugaling pinapakita nito.

   “I-libre mo na lang kaya ako Nang.”

   “Sigeee!” masiglang aniya at dinala agad ang kaibigan sa isang ice cream parlor.

———

   “Salamat dito ah.”

   “Ikaw talaga, masyado kang mahilig sa libre.” sita niya sa kaibigan pero ’di siya nito pinansin dahil ang buong atensyon nito ay nasa ice cream na kinakain.

   “Ako pa lang ba nakita mo?” maya-maya’y biglang tanong ng kaibigan niya. Tinutukoy nito ang iba pa nilang mga kasama sa squad nila.

   “Hmm... Oo, for this week ay ikaw pa lang.” sagot niya bago sumubo ng ice cream.

   “What about last week?”

   “Last week...” aniya at inalala kung sino sa mga kaibigan nila ang nakita niya noong nakaraang linggo. “Mah Darling, tas si Methus.”

   “Oh, masyado na rin kasi tayong busy ngayon eh.”

   “Sabagay.” pagsang-ayon niya rito. “Hindi ko pa pala nakikita si No Buss.”

   “Madalas kaming magkita. Kahapon lang ang huling kita namin, sa isang fast food restaurant. Magkasama sila ni Marian.”

   “Pwede ba akong sumama sa ’yo ngayon?” nabo-boring na kasi siya sa bahay, puro nalang mga tela ang kaharap niya para sa mga gagawing designs. Pwede rin naman sigurong maglibang siya, kahit isang buong araw lang.

  “Mauubos pera mo sa ’kin, sige ka.”

   “Ehh... Mas marami pa nga pera mo kaysa sa akin, kuripot ka nga lang. Teka nga, wala ka bang gagawin ngayon?”

   “Hmm... Wala. Schedule ko sa gala ngayon eh. Haha. Ba’t ba?”

   “So, ano pa ginagawa mo riyan? Tara na, magmo-mall tayo!” aniya at hinila ang kaibigan paalis ng kinaroroonan nila.

   “’YAN NA YUNG BET, ANO na? Game?” may nakakalokong ngiting ani ng kaibigan ni Genesis na si Telius.

   “Magkano ba?” usisa naman ng isa pa niyang kaibigan na si Zircon.

   “Hmm... Let me think of it.” sagot ni Lutetia, kakambal ni Telius. “Well, medyo mahirap siya. Mga 50k? Okay na siguro yun?”

   “Ilang araw?” si Zircon ulit.

   “Masyadong malaki ang 50k sa araw lang.” ani Telius. “Make it two months bud.”

   “50k for two months, with one of the most famous and beautiful fashion designer. Game na si Genesis d’yan!” ani Zircon na nakapagpatigil sa kanya sa pagce-cellphone.

   “Are you kidding me? I’m earning more than 50k in just a week, wala pa akong ginagawa niyan. Now tell me, why would I waste my two months for a cheap price?” ngising aniya at napaisip naman ang mga kaibigan niya.

   “So smart, how about 500k for two months then? Game?” napaisip naman siya sa ideya ni Lutetia. Kung 50k ang isang linggo niya, masyado na ngang malaki ang 500k sa dalawang buwan lang.

   “Such a good offer, I’ll deal with it.” sagot niya na nagpangisi naman sa mga loko-loko niyang kaibigan.

   “He’s really not listening, yeah?”

   “I guess? It’s not easy to approach a fashion designer, specially when you really need nothing from them. And oh, not just a common fashion designer but well, a famous one.” ani Zircon na nakakuha ng atensyon niya.

   “Do you have any basic info about her?” tanong niya.

   “I thought you wouldn't ask about that.” ani Lutetia at may inabot sa kaniyang maliit na papel.

Name: Krishna Jane Capin

Age: 21

Birthdate: October 25, 1994

Civil Status: Single

   “Her address?” tanong niya nang hindi niya ito nabasa sa papel.

   “Hmm... Current address, somewhere in Cebu.”

   “Current address?” kunot-noong aniya.

   “Yup! Palipat-lipat siya ng bahay kasi trip niya lang. That’s how rich she is.”

   “Interesting huh?” pabulong aniya.

      Krishna. Krishna Jane Capin, just her name makes Genesis smile. Money, that's the only thing he thought the deal with his friends; to make the innocent woman fall in love with him.

   “Ngiting tagumpay ka na ’ata Genesis.” si Telius.

   “Masyadong kampante ang loko.” pailing-iling na asik ni Zircon na ’di na lang niya binigyan ng pansin.

   The bet. It's not hard, he's already used to it, making ladies fall in love with him and will be left broken-hearted afterwards. He's so confident that this bet will not harm him at any cost, for he was raised as a stone-hearted man after all.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play