English
NovelToon NovelToon

Our Why's ( Tagalog )

First day of college life

Khatleen POV

Napaka tirik naman ng araw, ang init init ani ni Khatleen sa kanyang Pinsan na si Mary na kasama niyang mag lakad papunta sa sakayan ng jeep sa patungo sa trabaho nito. at siya naman ay sa kanyang paaralan . ang hill valley college. na matatagpuan sa hillwood main City ngunit si Khatleen ay hindi taga rito siya ay taga El dorado province Nakikitira siya sa bahay ng kanyang pinsan mas matanda ito sa kanya ng 9 years mag isa ito sa bahay.

"Puro ka reklamo bilisan mo na mag lakad at baka mahuli ka pa sa unang araw mo" aniya ni Mary

"Opo eto na po" sagot ni Khatleen

ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na sila sa sakayan.

"Ate mary kinakabahan ako at natatakot" aniya ni Khatleen sa kanyang pinsan

"Wag kang kabahan isipin mo nalang na para lang tong high school pag unang klase." Pag aalo ni Mary sa kanya

"Manong bayad po isang Golden Horizon Bank. at isang hill valley college" aniya ni Mary at iniabot ang bayad nito sa kundoktor

ilang sandali pa ay huminto ang jeep sa paaralan ni Khatleen

"Ate mauna na kong bumaba ingat ka ate" aniya nito at nag paalam na sa kay Mary

"Mag iingat ka good luck sayo ah" Paalam naman nito sa kanya.

Harap si Khatleen sa tapat ng kanyang bagong paaralan nag hahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman .

ni isa ay wala siyang kilala sa paaralan na iyon Bagong bago ang lahat sa kanya. at nang siya ay pumasok na sa. pag tingin tingin nya sa matataas na gusali sa kanyang paaralan di niya napansin na bubungo na sya sa isang kapwa niya studyante

"What the heck Di kapa tumitingin sa nilalakaran mo ? naliliitan kaba sakin.?" aniya nito na mababakas ang pag ka inis.

" sorry po sorry po di ko po kayo napansin sorry po" aniya ni Khatleen sa Lalaki

" sa susunod miss please tumingin ka sa dinadaanan mo" Saad nito at tumalikod at umalis

" Ang sungit naman nito. Sayang ka Pogi ka pa naman nako Khatleen . nakakahiya ka unang araw mo palang Bad vibes na nako bad vibes umalis ka sa katawan ko" sa isip isip ni Khatleen at nag lakad na siya patungo sa kanyang class room

"ohh asan na ba ko di ko maintindihan tong Mapa na to" saad niya sa kanyang sarili sa kanyang pag ka ligaw nakira niya ang isang matandang janitress agad siyang lumapit at nag tanong

"Manang pwede po mag tanong saan po kaya itong class room na ito" tanong ni Khatleen sa matanda.

"malapit kana lumiko ka lang don sa unang kanto nitong building at makikita mo na" sagot nito sa kanya

"Salamat po manang" aniya at umalis na siya

"nako late na ko" saad niya sa kanyang sarili at dali daling tumakbo patungo sa kanyang class room at nang makita na niya ito kumatok muna siya at nang siya ay pumasok nag a attendance na ang kanyang Professor

"Good morning po Sir sorry po late ako." aniya ni Khatleen

"Ok find your seat i hope this is the last time" sagot nito sa kanya.

was tahimik lang ang buong class room at tila wala siyang makitang bakante upuan at ilang segundo lang ay nakakita siya ng bakante ngunit ikinabigla niya ang iba pa niyang nakita .

"jusko Bakit naman sa lahat pa bakit si Mr. Sungit pa yata ang makakatabi ko Lord Why !? " sigaw niya sa kanyang isip

seriously ?

Agad silang nag katinginan nang lalaki. sa tabi nalang nito ang my bakanteng upuan. tinignan siya nito na biglang sumimangot tila sa kanyang pakiramdam ay gusto nalang nyang kainin sya ng lupa. habang papalapit siya sa tabi nito ay. yumuko nalang siya

"Jusko bakit ba to nang yayari sakin sa dinami dami naman nang tao sa mundo bakit sya pa ag makakatabi ko" aniya ni Khatleen sa kanyang isip.

"Mukhang minamalas ako ah" bulong ng lalaki

napaka hina nang pag kakasabi nito pero rinig na rinig niya.

"mukhang mas ako ang minamalas" bulong din nya at tumingin na sa white board

Tinitigan siya ng lalaki at tinignan din niya ito nag titigan sila na parehas sumimangot tinaasan ito ng kilay ni Khatleen

ilang sandali pa ay nag attendance na ang kanilang prof.

Megan garcia ?

Present!

Jonel dela rosa ?

present !

Anne Narissa ?

Present !

Gian Mendez ?

Present !

"ohh Gian papa pangalan ng mokong na to" saad ni Khatleen sa kanyang isip

ilang pangalan pa ang nabanggit at tinawag na din ang pangalan ni Khatleen

Khatleen Silva ?

"Present po" saad ni Khatleen at nag itinaas niya ang kaniyang kanang kamay

natapos na mag attendance ang kanilang Prof. nag simula ang kanilang klase

Naging maayos ang kanyang unang araw sa Klase sa araw na iyon. maliban nalang sa nakatabi niya si Gian

"napaka sungit nag sorry naman ako ganto ba ang ugali ng mga lalaki sa main city Ahhh !! nagugutom na ko san ba ang Canteen dito " sa isip isip ni Khatleen

Sa kanyang pag hahanap nakita na din nya ang Canteen

"Ang dami namang tao. " saad niya sa kanyang isip

Pumila si Khatleen at nang siya na ang susunod .

"Ate isa pong fried egg hotdog and fried rice at maja na din po. at Lemon soft drinks din po pala mag kano po lahat ? " ani ni Khatleen sa tindera

" ummh fried egg hotdog and fried rice maja at Lemon soft drinks. 85 pesos lahat."sagot ng tindera Kay khatleen

nag hanap si Khatleen ng bakante upuan sa canteen

"napaka laki ng canteen dito di katulad sa dati kong school" saad ni Khatleen sa kanyang isipan

Tinignan niya ang kaniyang cellphone

habang siya ay sumusubo tinignan niya ang oras

"3:30 pm na pala ang aga pa pala pupunta muna ako sa computer lab tatapusin ko na assignment ko don para wala na kong gagawin pag uwi ko Ay di pala ako nakakuha nang tubig makakuha na nga muna para makainom na din ako ng gamot." sa isip isip ni Khatleen

Sa kanyang pag tayo ay hindi niya napansin na may padaan sa kanyang likuran.

at hindi na niya namalayan na mababangga niya ang isang matangkad na lalaki. tumapon ang tray ng pag kain nito sa damit nito

"What the f**k bulag kaba !?" pag taas boses nito sa kanya.

"Sorry sorry di kita napansin bigla kag sumulpot." saad ni Khatleen

at tinignan ang lalaki

IKAW NANAMAN !

saad ni Gian at Khatleen sa isat isa.

Nag katitigan ang dalawa hindi nila mapaniwalaan.kung bakit tila lagi sila pinag tatagpo ng pag kakataon

Gian's POV

Habang papalabas si Gian sa kanyang Kwarto narinig nyang nag tatalo ag kanyang mga magulang

"Mommy, Daddy ? bakit ang aaway kayo ang aga aga ? " tanong ni Gian sa Kaniyang mga magulang.

"Baby wala to maliit na bagay lang ihahanda ko na ang almusal mo maligo kana at maaga pa ang pasok mo" ani ni Mildred ang mommy di Gian

"Papasok na ko sa trabaho honey lets talk again pag ka uwi ko." ani ni Alfred at humalik sa pisngi ng kanyang asawa.

"anak good luck sa first day of school mo" saad ng kanyang daddy at tinapik ang kanyang balikat.

"thanks dad" sagot naman ni Gian sa kanyang Daddy.

lately napapansin niyang laging nag tatalo ang kanyang mga magulang pero pag tinatanong naman niya ang mga ito ay hindi nito sinasagot

lumipas ang ilang mga sandali at papasok na si Gian sa kanyang bagong paaralan ang Hill Valley College nandito ang mga kaybigan nya ngunit hind sila pare parehas ng course

sumakay si Gian sa kanyang motor at agad nitong pinaandar.

ilang minuto ang lumipas at nakarating na sya sa paaralan.

nag hanap siya ng pwede niyang mapag parkingan at nakahanap sya.

ngunit sa di inaasahan ng nang siya ang mag pa park na may biglang tumakbo na pusa at dagli dagli siyang nag preno.

buti nalang at hindi sya napahamak nasagi lang ng side mirror niya ang pader at ito ay nabasag.

"oh sh*t" ani ni Gian at tinignan ang kanyang side mirror mababakas sa kanyang mukha abg pag ka dismaya sa nangyari.

pag ka park niya ay nag tungo na siya sa gate. ng kanyang school

habang siya ay nag lalakad

ay bigla nalang tila may bumungo sa kaniya

"What the heck Di kaba tumitingin sa nilalakaran mo ? naliliitan kaba sakin.?" ani ni Gian sa babae at tinitigan niya ang babae na

"oh sh*t ang cute naman nito" saad ni Gian sa kanyang isip

" sorry po sorry po di ko po kayo napansin sorry po" aniya ng babae sa kanya

" Gian wag ka mag pahalata kalma kalma" saad ni Gian sa kanyang isip

" sa susunod miss please tumingin ka sa dinadaanan mo" Saad niya at umalis na.

ang lakas ng kabog ng dibdib niya eto ata ang unang beses na kumabog ng ganito ang kanyang puso hiniling niya na sana ay mag kita pa sila.

ngunit naisip niya na parang sumobra siya sa babae.

habang binabagkas ni Gian ang hallway ng building papaunta sa kanyang class room nakita nya ang kanya mga tropa na sila Miguel, Robin, at Angelo

kaybigan na niya ang mga ito simula palang ng Elementary

"oh Gian bakit ang tagal mo kanina pa kame dito mag uumpisa na ang klase natin" ani ni Robin

si Robin ang kaybigan niya na playboy at. every month nag papalit ng girlfriend

"oo nga di ka manlang nag rereply" ani ni Angelo

Si Angelo kung anong kina anghel ng pangalan nito sya namang kabaliktaran ng personalidad nito napaka pilyo at mahilig mag prank

"ok tama na tara na at baka mahuli pa tayo ayokong mahuli sa unang araw ko as College student" saad ni Miguel

Si Miguel ang nerd sa kanila masipag ito sa pag aaral pero laging mababa ang mga grado nung highschool sila.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play