THE
WORLD
BEYOND
BY MVMANALO
PERKS COPYRIGHT
COVERPBO
***********************************************************************************
What do you think of having a garden in front of your porch? I love sunflowers, roses and orchids but not much of daffodils, gumamelas and bongavillas. Ayyy!, anu bay an? Punyeta ka, di ka ksi tumitingin sa dinadaanan mo!, Hoy, ikaw, oo ikaw!, sigaw sa akin ng isang ale na nabangga ko dangan kasi’y masyado ako’ng naaliw sa mga magagandang bulaklak na animo’ng nakaparada sa Dangwa. Sorry po, manang!, sabi ko humihingi ng pasensiya at napatingin na parang sasabunutan ako ng ale. Anu’ng manang ka diyan, miss pa po ako no!, hay naku, mahuhuli ako sa trabaho ng dahil sa’yo, galit na sabi ng ale na dali-dali’ns sumakay sa jeepney at may pahabol pang matalim na titig na para bang napatay na niya ako kung di lang ako umilag. Haha!, joke lang!, Marami talaga dito’ng mainit ang ulo sa Manila, kapag namali ka lang ng galaw o kaya tatanga tang aka, gud lak!, sampal or sabunot ang mapapala mo. Well, ‘di pa naman ako nasabunutan pero sa pagtitinda ng bulaklak dito ng sampung taon, sa palagay ko marami ang makaka relate sa akin.
Ngayon ay taong 2030. Buti nga may Dangwa pa kasi dapat ay tatanggalin na ito dahil marami na ang nagsitayong mall, shops at mga condominium dito. Pero, marami kasi ang nakiusap na mahalaga ang lugar na ito sa mga tao lalo na ang Divisoria. Grabe!, kung dati ay di mahulugang karayom ang tao dito, nang dumating ang pandemya’ng Covid, unti-unting humina ang mga tindahan at stalls na nagtitinda at kahit ang malls ay nawalan ng customers. Nakakalungkot lang talaga pero, anu’ng magagawa natin, iyon talaga ang resulta ng global warming at climate change. Nga pala, ako si Trudy Sangalang, 18 years old at nakatapos ng abogasya sa University of the Philippines. At alam ko na kung bakit kayo andito, ay para marinig ang aking kuwento tungkol sa bayan ko at mundo. Oo, may ari ng flower shop ang aking itay na si Mang Terio at Aling Pasing. Nagpaalam ako kay Amang na ako muna ang magbabantay ng shop dahil masama daw ang kaniyang pakiramdam. Si Inang naman ay nag luluto sa isang Cafeteria na ngayon ay restaurant na.
Tubong Bulacan ang aking ama at taga Bacolod naman ang aking ina. Kaya minsan sa madalas nasa Paombong kami kapag weekends at kung bakasyon sa eskwela. Okay, pano nga ba ako napunta sa pagiging abogado at ngayon flower shop keeper na. Eh, kasi, hinihintay ko pa ang bar examination result na magme-message daw sa aking cellphone tungkol sa resulta. Kung hindi nama daw ay sa email malalaman kung pasado o hindi. So, habang naghihintay ako, di gamitin ko muna ang aking oras sa pagtulong kina amang at inang, naaawa na rin ako sa kinila. Ang buhay sa Pilipinas a hindi madali, kahit ngayo’ng taong 2030, marami pa ring mahihirap ang buhay. At kamakailan nga lang tumulong ako sa isang kapit bahay na nagkaroon ng isyu na drunk driving. Tinawagan ako ni Mang Tano na sa gilid ng bahay lang namin nakatira.
Year 2030 Flowershop
Totoo nama’ng lasing siya ng araw na iyon pero giniit niya na hindi raw siya ang nakasagasa sa isang fishball vendor na malapit lang sa may barangay nakapuwesto. Nahuli siya at humihingi ng danyos ang mama na animo’y nasagasaan daw niya. So, pinuntahan ko at naisip ko na isa rin itong magandang experience sa akin para mka-pagparactice ng aking totoong propesiyon, ang pagiging abogado. Civil rights lawyer ako kung makakapasa sa bar exams. Okay, so, ayun, nga, pinaliwanag ko sa barangay na hindi puwedeng kasuhan ang isang tao hangga’t hindi ma-prove na guilty siya sa kasalanang ginawa. Tinanong ko si Manong magfi-fishball kung anu ba talaga ang nangyari, oo nga at nasagi siya ni Mang Tano ng kaunti at nahagip pero dahil sa nakikigitgit siya na dumaan sa kalsada kahit alam naman niyang masikip ang daraanan. Bumusina si Mang Tano pero hindi narinig ni Manong na naging dahilan na masagi ang kaniyang paninda at nsagasaan siya. Eh, mahina na pala ang pandinig ng fishball vendor, so, nakaligtas sa pagkakakulong si Mang Tano.
Trudy
Nangako siya na babayaran ang mga paninda ng matanda at humingi ng paumanhin. Binigyan naman niya ako ng isang libo at bumulong ng pasasalamat. Si Kapitana Imee ay lubos na natuwa sa nangyari, at least daw walang makukulong ngayon sa knilang maliit na selda sa barangay. Tumawa ako ng todo kasi simple lang naman ang naging isyu at wala naman talagang seryosong kaso sa dalawa. Plus, walang problema na hindi madadaan sa pag-uusap at pakiusap. Salamat Trudy ha, sana matupad na ang pangarap mo na maging abogado para matulungan mo kami dito sa barangay at malay mo sa munisipyo ng Maynila pa, pagbibida ni Kapitana Imee. Hay kapitana, medyo malayu-layo pa iyon. Kasi makapasa man ako siyempre kailangan ko mag-aaply sa mga law firms sa Maynila o kung saan merong opening na trabaho para sa akin, ang pahabol ko habang palabas sa barangay hall. Naku, huwag ka mag-alala, makakapasa ka, sigurado ako diyan. At maniwala ka sa hindi marami kang matutulungan na tao lalu na ang mga mahihirap dito at kung saan ka man mapadpad, ang siguradong sagot ni Kapitana. Haha!, magdilang anghel po sana kayo, sige po at walang tatao sa shop, ang sabi ko at dali-daling timakbo sa shop. Umaambon na noon at nang malapit na ako sa shop atsaka naman bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Hindi ko napansin na may babae pala na nakasilong sa gilid. Dahil ang bubong ng shop ay nakasagad sa at nakadikit sa mall. Parang aakalain mong parte ang shop ng mismong malaking mall na bagong gawa pa lamang noon.
Mang Tano's Fishballs Kapitana Imee Tano
Hi!, sabi ng babae. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kasi may payong na nakaharang, di ba nga umuulan. Makikisilong lang ako, kung okay lang?, dagdag pa niya at isinara ang payong niyang hawak. Tumalikod ako at inayos ang mga bulaklak na nasa harapan ng shop. Mga apat na ledges ang nasa harap at ang marami ay nasa loob ng mismong tindahan. Humarap ako uli sa kaniya at ngayon nakita ko ang mukha at buhok ng babae. Ah!, okay lang, si…sige!, gusto mo pumasok muna, may upuan sa loob baka mabasa ka diyan?, ang pilit ko na sbi, at hindi ko maubos maisip na makkita ng isang bababe na ubod ng ganda, parang artista. Sinara ko ang aking bibig kasi nakakahiya, para akong tanga na nakatunganga sa kniya. Kahit ako ay 18 na, marami na rin naman akong naririnig o napapanuod tungkol sa fashion, artista at mga sikat na tao sa Instagram at marami pang iba.
Sanya Wilkins
Ngayon ko lang siya nakita dito sa Dangwa at ngayon lang ako nakakita ng maganda na wala nang gaganda pa kahit mga artista ay walang panama sa itsura niya. Ah, bago k aba ditto, pasensiya na ha, kasi ngayon kang kita nakita dito sa lugar namin, sabi ko ksi gusto ko siya makilala. Pumasok siya sa shop, at nakita ko ang kaniyang suot, hapit na pantaas o lady long sleeves na pink ang kulay at tight skirt na hanggang tuhod. Mahaba ang kaniyang buhok at maputi siya parang labanos. Makinis ang kaniyang balat at sexy siya kung titingnan.
Teka, okay, di naman ako tibo pero, kung ako ay ganun, liligawan ko siya hehe!. Nahiya tuloy ako sa suot kong maluwag na dress parang daster. Kasi ang bahay naming ay sa likod lang ng shop, so, bibihira akong magayos or magsuot ng magandang damit. Pero siya ay tumawa at umupo sa mesa. Maliit lang kasi ang mga upuan at mesa na tigalawa. Ay, mesa yan bala malaglag ka, ah, dito ka umupo, ang sabi ko at tinuro ang maiit na upuan, na para siyang batang paslit nang naupuan. Kasi ang height ata niya ay 5’8”. Ako naman ay 5’4”, so para kaming mag-ina kung titingnan. Ako pala si Sanya, 21 years old at nakatira sa New Divisoria Condominium sa may Ermita. Napadaan lang ksi ako sa mall dahil binisita ko ang father ko ditto. Ikaw, ano ang pangalan mo?
Ako si Trudy, pero ang complete name ko ay Trudence Sangalang, 18 at single pa rin hanggang ngayon, ay bakit ko ba nasabi iyon, hay, nakakahiya ka Trudy. Hihi!, ah, okay, well, ako naman, may boyfriend na three years at ako ay isang lawyer. Ang father ko ang may ari ng mall sa gilid niyo, dagdag ni Sanya sa akin at ngumiti ng kay ganda.
Ah, patay, kayo pala ang may-ari ng mall na iyan, wow, ang yaman mo pala!, sabi ko na hindi makapaniwala sa narinig. Baka gusto mo ng maiinum, juice or softdrinks, may coke mismo kami dito.
Ah, salamat na lang, pero need ko na rin umuwi, so, nice to meet you Trudy at salamat sa hospitality. Alam mo ang gaan ng loob ko sa iyo, minsan, pasyal ka naman sa condo ko ha!, Eto ang address ko at tawag ka muna bago ka pumunta. Nga pla, ito ba ang trabaho mo, nagbabantay ng flower shop?
Hindi, sa tatay ko ito, isa rin akong abogado, actually kakagraduate ko lang at naghihintay ng result sa bar exams.
Kinakabahan nga ako eh!, sabi ko habang naktungo ang ulo, di ako mkatingin ng diretso sa kaniya, ang ganda kasi niya, nakakahiya.
Alam mo, makakapasa ka rin at huwag ka mag-alala, okay!, So see you ha!, may kompiyansang sagot ni Sanya habang hinawakan ang aking baba at itinaas ito papalapit sa kaniyang mukha. Alam mo kung iniisip mo’ng maganda ako, since nakikita ko kung paano mo ko’ng tingnan, mas maganda ka kesa sa akin lalo na kung maayusan ka, dagdag niya pa at hinipo ang dulo ng aking ilong. Ang cute ng ilong mo!, Bye, okay. Andyan na ang sundo ko, sabi ni Sanya na nakangiti at sabay takbo papalabas sa shop. Wow, jaguar, ang mahal ng tsekot niya!, My gad!, ibang level na ang babaeng ito, ang giit ko na di makapaniwala sa bago kong kaibigan na sing yaman ata nila Ayala o Villar. At dito nagsimula ang mabuti naming pagkakaibigan ni Sanya.
Hindi naman ako katangkaran and balingkinitan lang ang aking pangangatawan. Di naman ako kaputian pero kung ikukumpara kay Sanya, lamang lang siya ng mga apat na ligo, hehe!. Pero mas mahaba ang buhok niya sa akin at ang akin ay nangungolt sa may parten ng aking bangs at dulo ng buhok. Madalas akong nakasalamin, dahil nga sa kahiligan kong magbasa lumabo ito, kaya may grado na ang aking salamin, bata pa lang ako. Niregaluhan ako ng aking pinsan na nagtatrabaho sa Japan ng contact lences pero natakot ako na suutin. Sa isip ko kasi baka ako mabulag kapag namali ng lagay eh minsan pa naman napaka-careless ko kumilos. Ang pruweba nito ay ang napakarami kong pasa sa tuhod at binti.
Pero sa ngayon iniiwasan ko nang makabangga ng lamesa o ng handle ng sofa, kasi kailangan kong mag pustura o mag suot ng bestida o skirt sa trabaho. Ngayon na may law firm na tumanggap sa akin, kailangan akong magpakitang gilas. Sabi ni Sanya ninang raw niya ang may-ari ng aking papasukan at ibinida niya na magaling daw ako at mapapagkatiwalaan. Talaga naman oo, isang lingo pa lang kami nagkakilala magkakilala na agad kami. Ganyan ata talaga ang mga mayayaman, madaling magtiwala at maboka. Biro mo, natanggap agad ako kahit di pa ako nakikita ng pobre. Anyway, pagkakataon ko na ito na magkatrabaho at para matulunga sina amang at inang. Maayos na naman ang lagay ni amang at bumalik na uli sa pagbabantay sa shop. Sa isang buwan kong pagbabantay doon marami din akong nakilala at natutunan.
Masungit man o mabait ang customer, matututo kang makibagay at makibiruan. Minsan hindi lang natin napapansin na may mga taong kailangan lamang ng ngiti at konting pasensya kasi di naman natin alam kung anu ang pinagdadaanan nila, di ba. Minsan mas mabigat pa ang problema na dala nila kaya sila nakasimangot o masungit sa araw na iyon.
Simula nang nagkakilala kami ni Sanya sa flower shop, naging close na kami. Lagi niya akong tinatawagan at kinakamusta. May boyfriend siya at ang guwapo parang si Alden Richards ang mukha noong bata pa ito. Mukha naman mabait kasi pati ako kasama sa chocolates or flowers kapag may pasalubong kay Sanya. At kapag ayaw ni Sanya ang mga regalo galing kay Sam, (yup, Sam ang pangalan ng guwapong bf ni bestfriend ko) sa akin niya lahat binibigay. Lagi niya sinasabi na marami siya noon o nakakain na siya noon. Gusto niya raw na makain at maranasan ko ang lahat lahat para maging masaya ako at aking pamily. Hindi ko alam bakit niya ginagawa sa akin ang mga ito pero lubos akong nagpapasalamat kasi naging magkaibigan kami. Pero hindi ko siya mainitindihan. Si Sanya parang tanga lang na madalas pa ay bumubuntot sa akin kahit saan ako magpunta at parang guwardya lang kung magbantay.
Ano kaya ang nakain niya at gusting gusto akong kasama. Siguro kasi wala siyang kapatid na babae, siguro yon nga ang dahilan. Hmmm!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play