"GISING NAAAA!! " Halos mapabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, nakakarindi bwesit na Ciara yun. Hindi ko nga alam kung kaibigan ba talaga ako nun ehh.
"Malelelate na tayo teh, bangon na! " Sigaw nananaman nya, kaya wala akong choice kundi ang bumangon at maligo. First day kasi namin sa Senior High, Year 11 na kami. Hehe konti nalang makaka graduate na ako!
Naligo ako at nag sepilyo, lumabas ako at naamoy ko kaagad ang mabangong niluluto ni alice, well itlog lang naman yun na may corn beef, lampera eh.
"Ohh! Nakakahiya naman sayo, ako pa nag timpla ng kape mo! " Sigaw ni Ciara at natawa naman ako dahil alam kong ganun talaga sya.
Hindi ko sya pinansin at ininom ang binigay nyang kape na kulang nanaman sa asukal, kaya medjo mapait. Sabay kaming nag agahan at sabay na pumasok sa bago naming school, Stanford University pangalan. Masaya ako dahil independent na kami ni Ciara. My Condo kaming binili na dalawa ang kwarto, kami ang nag bayad syempre, Well humingi ako ng konti sa nanay ko.
Nag jeep kami papunta sa bago naming iskwelahan, ngayon lang ako nag jeep, mapilit kasi tong si Ciara mura daw pag sa jeep ehh, sarap nyang murahin, ang sikip kayaaa!
Pustahan late kami sa klase.
Nang makarating kami hindi na ako mag tataka kung malinis na ang buong paligid, nasa mga room na kasi yung mga studyante. Pumunta kami sa office para kunin yung schedule namin. Nag makaawa pa kami dun sa Dean para maging mag kaklase kami.
"Wait muna teh, ihi lang ako" sabi nya habang inaabot saakin yung papel kung saan nakalagay yung schedule namin. "Oh hanapin mo na yung classroom natin, mauna kana" dagdag nya at wala naman akong nagawa.
"Sige, bilisan mo ha baka wala ka ng maupuan!" sigaw ko ngunit nag tatatakbo na si Ciara.
Paano ko ba toh hahanapin hmp! luminga linga ako at may natanaw akong lalaking nag lalakad papunta sa gawi ko, nakatungo sya at may naka lagay na earphone sa tenga nya.
'tanungin ko kaya toh'
Humarang ako sa lalakaran sana nung lalaki kaya natigilan sya at tumingin sakin "Umm hi... " ngumiti naman ako ng pagka laki laki, sheet ang gwapo huhu.
Ngumiti rin sya "Hello, do you need something? " tanong nya ng hindi nawawala yung ngiti sa labi.
"Alam mo ba kung san toh? " sabay pakita ng schedule paper namin.
"Its over there" sabay turo sa may dulong room "knock ka nalang" tapos ngiti ule.
"Ahh sige, byee!" tumalikod na ako sakanya, sayang hindi ko natanong yung name.
Syempre lumingon ako ulit para makita ko ulit yung gwapo niyang mukha, pero di na sya nakatingin sayang naman, nag lalakad na sya papunta sa kung saan.
Anyway natanaw ko na yung room ko, 'sana hindi magalit yung lecturer'
Nasa bungad na ako ng ng pinto, bukas naman na kaya di na ako kumatok, pumasok ako at tumambad saakin ang napaka ingay na mga studyante parang may world war three sa sobrang ingay, "huhuhu eto ba magiging room namin ni Ciara?"
Luminga linga naman ako at nag hanap ng mauupuan, naglakad ako at may Nakita akong bakanteng upuan sa likod katabi nung lalaking parang walang pakealam sa paligid nya. Pinaka titigan ko yung lalaking yun ang weird naman nya, magka krus ang mga braso nya at nakapikit ang mga mata nya na parang natutulog.
'Gwapo naman hayaan mo na'
Halos tumalon ako nung bilang bumukas ang mga mata nung lalaking yun, nag salubong ang mga mata namin, ang ganda ng mata nya
Naka titig lang ako sa gray niyang mga mata at ganun din sya. Ako na ang unang umiwas at ngumiti sakanya ng pagka laki laki. Pero ang damuho nag salubong lang ang kilay at tumingin na sa kung saan.
Napairap ako sa hangin at naupo sa tabi nung lalaking yun. Ginaya ko kung saan naka pwesto ang bag nya at saka ako tumingin ulit sakanya napatitig ako sa may bandang batok niya. 'Puti naman neto, sana all'
Nagulat ako nung biglang lumingon ito sa gawi ko "Stop it!" parang naiinis na sabi nya.
"Inano kita?!" sigaw ko sakanya ngunit tumitig lang ito saakin atsaka nag iwas. "Hmp pogi pogi mo tapos suplado" bulong ko at nag panggap na may kinukuha sa aking bag.
Luminga ako at nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na ulo, Ulo ni Ciara yun ah! Bakit nandun sya umupo sa bandang gitna! kukutusan ko toh mamaya, kakasimula pa lang ng klase inabando na ako!
Natahinik ang buong klase kaya tumingin ako sa unahan at nakita ko ang teacher ata namin nasa mid 30s na sya pero maganda parin, all black yung hair nya at may mga nag kikinangang alahas. Tindig palang niya alam mo na agad na karespe - respeto.
Ngumiti sya at tumingin sa kabuuan ng classrom "hi everyone im Miss Cunningham, but you can call me Miss C., ako ang magiging teacher nyo sa english lang naman at hindi ako sobrang strikto, konti lang " naglakad sya papunta sa gitna "okay so lets start to introduce yourself, and tell me one fact about your self, start from you." Sabay turo sa kaklase kong nasa unahan.
"Im franceska Gonzalez, and i love to listen to korean music" cute naman nya.
"Im Merryn Cox, i love... " sabay tingin sa lalaking nasa likod nya na wala namang pake sakanya "i love to read books"
At ng yung katabi nya ng lalaki ang mag papakilala nakita ko pa kung paanong paluin ni merryn yung lalaking yun, halos patalon na tumayo at nag pakilala yung medyo may itsura na lalake.
"Hi im Kent hehe" napatingin si miss sa kanya na parang sinasabing 'yun lang? ' "ohh and i love to play basketball" Sabay ngiti ng malupet.
Habang nagpapatuloy yun nararamdaman kong may nakatingin sakin, lumingon ako sa katabi ko at hindi nga ako nagkamali nakatingin sya sakin at nakakunot ang nuo, ngumiti ako sakanya ng sooobrang ganda pero hindi nya yun pinansin! Lumingon sya sa harapan at nakinig ulit.
'psh titingin tingin tapos pag tiningnan iiwas, siguro may gusto sakin toh'
"Im Ciara Santos! I love to cook!" tumingin sa gawi ko si Ciara ngunit nginiwian ko lamang sya.
Nagpatuloy ang introduce yourself hanggang sa umabot na saakin. Tumayo ako at naghanda sa sasabihin ko.
"Hi im Xiana Mendez, I love to cook and to eat sushi!" Sabay ngiti yung labas gilagid hehe, umupo na ako at tumingin sa katabi ko, mukhang tinatamad pa syang tumayo tsk tsk.
"Hi im Kaius... Stanford" Umupo na sya pagkatapos nun, pero laking gulat ko ng hindi sya sinita ni Miss C. tiningnan ko si miss pero parang balewala sakanya yung pagpapakilala ni Kaius na toh.
Dumaan ang dalawang boring kong subjects at my 25 minutes daw kaming recess, hindi na ako nag aksaya pa ng oras, tumayo ako at nagtungo sa table ni Ciara, kinurot ko sya sa tagiliran na dahilan para mapa igtad sya.
"Ano nanaman ba yun!" nanlalaki ang matang sigaw nya.
"Hoy! bakit hindi ka dun umupo! dun sa malapit saken! First day natin tapos nag tatangka ka ng palitan ako!" sigaw ko sakanya, at mas nilakihan pa ang mga mata ko.
"Naka sabay ko kasi si Miss eh! alangan namang mag lakad pa ako! Ang sama nga ng tingin sakin eh, kala mo hindi din sya na late" Sagot ni Ciara habang naka nguso, Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang may marinig kaming sumigaw.
"Babyyy!!!" isang matinis na boses ang narinig namin at sabay kaming napatingin doon ni Ciara.
May magandang babae na papalapit sa table kung saan ako nakaupo kanina, at katabi nun ay si Kaius na nag aayos ng gamit niya.
"Hi babyyy!" malakas na bati nung babae, halos lahat ng tao doon ay naka tingin sakanya.
Natawa ako ng tingnan lang iyon ni Kaius at nilampasan yung babae. "Baby wait for me!!"
Tumigil si Kaius at humarap, nanlaki ang mga mata ko nung pag harap niya ay naka tingin siya sa saakin! SAAKIN bes!!
Nakatingin siya saakin at biglang ngumisi, inirapan ko sya at humarap kay Ciara na may nanunuksong tingin.
"Ano!?" sigaw ko sakanya.
"Suuuus!!" Pang aasar nya na tumitirik pa ang mata.
"Para kang timang! tara nagugutom nako" sabi ko at sinukbit yung kamay ko sa braso nya
Nakarating kami sa malaking hall, malalaman mo agad na yun yung canteen dahil sa ingay na nag mumula sa loob. Pumasok kami at tumambad saamin ang mga studyanteng sobrang ingay.
"San tayo uupo?" Bulong ko kay Ciara.
"Bili muna tayo ng pagkain natin tapos makiupo nalang tayo" sagot ni Ciara, na nauna ng nag lakad patungo sa counter.
"Oy teh, may cash kaba?" tanong ko.
"Meron baket?"
"Parang iba yung pila nung sa Card ihh"
"Ahh edi pumila ka dyan tapos dito ako"
"Osigi"
Nag tungo ako sa kabilang line. Bahagya akong nagulat ng makita ko si Kaius na nakapila din dun, naka earphone sya na halatang walang pakealam sa paligid nya.
Pumila nalang ako sa likod nya. Luminga linga ako dahil sa mabangong paligid.
'Amoy ulam huhu'
"Nagugutom na ako" nasabi ko nalang, habang hinihimas ang aking tiyan. Naramdaman kong gumalaw yung nasa unahan ko kaya naman tingnan ko iyon.
Nakatingin si Kaius saakin at seryoso ang mukha nya. Napangiwi ako dahil parang galit nanaman sya.
"Ano!?" sigaw ko sakanya, dahilan para lingunin at pagbulungan ako nung mga babae sa gilid namin.
"she's crazy"
"Who's that ba?"
"Well, looks like she's new"
Isa iyon sa mga bulungan na naririnig ko.
"You're so loud" sabi ni Kaius na naka NGITI!
Naglakad siya papunta sa likuran ko ng hindi tinatanggal ang mga kulay gray niyang mga mata saakin. Napanganga ako at sinundan siya ng tingin.
"You can go first" sabi nya!
Nakaramdam naman ako ng hiya huhu, sinigawan ko sya tapos pina una nya parin ako.
"Oyy hindi na, nakakahiya naman ehh" nahihiya talaga ako!
"You said you're hungry"
Pabiro ko siyang hinampas sa balikat na ikinatigil nya at maya maya ay ngumisi "Oyy sure ka ha!?" paninigurado ko at naka ngiti lang siyang tumango.
'Huhu ang pogi nyaaa ekkskkks'
Naka ngiti akong umorder "Hello po! Dalawa pong beef tacos tas coke po yung nasa can" sabay abot nung card ko.
"Eto miss oh" sabi nung lalaking cashier, nginitian ko lang sya at kinuha yung order ko.
Pag harap ko ay nakita ko si Kaius na nakatingin nanaman saken, "Salamat ha! libre kita next time" sabi ko na hindi pinaparamdam na kinakabahan ako huhu. Ngumiti lang sya kaya lumayas na ako dahil baka matumba na ako sa pang hihina ng tuhod ko.
Hinanap ng mga mata ko si Ciara. 'Asan na kaya yung babaeng yun'
"Hey" napabaling ako sa likuran ko ng may marinig akong boses.
"Owemji Hi!" yieee feeling close ako, Sya yung lalaking pogi kanina! yung pinag tanungan ko kaninang ng room!
"Are you alone?" nakangiti niyang tanong.
"Nope! may kasama ako kaso nawawala"
"You can join with us, theres no vacant sit oh" sabi nito habang nililibot ng tingin yung buong canteen.
"Us? luh nakakahiya naman sa mga kasama mo, wag nalang"
"Its fine, come on" nauna na itong mag lakad kaya wala akong choice kundi sumunod. Humabol ako sa kanya hanggang sa maabutan ko sya.
"Ano pala name mo?" tanong ko
"Call me Hyun nalang"
"Ah geh geh"
Nag tungo kami dun sa table kung saan may tatlo na taong nakaupo, dalawang babae at isang lalaki na may itsura din.
"Hey guys" Bati ni hyun at sabay sabay naman siyang nilingon nung tatlo.
"Oooh whos thaat?" tanong nung lalaking maliit ngunit napaka gwapo naman.
"Shes new" maikling sagot ni hyun.
"Hello im Xiana! Nice to meet you guys!"
"Psh" sabay sabay kaming napalingon ng may marinig kaming pag ngisi sa bandang gilid namin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng beri beri slight at kasabay nun ay kumabog ang dibdib ko.
"Hey Kai!" masiglang bati ni Hyun ngunit hindi siya pinansin ni Kaius dahil nakatitig iyon sakin at ganun din ako sakanya.
'Now this is awkward'
Narinig kong tumikhim si Hyun kaya nilingon ko sya "Tara upo ka" nakangiti niyang sabi, naupo naman ako dun sa upuan na may malawak na space.
"Hi im Chester, Nice to meet you" nakangining bati saakin nung maliit na lalake "Ah hehe nice to meet youu"
Ngumiti sya "This is Caitlyn and Abriana, bree for short" turo niya sa dalawang babae na yung nag ngangalang Caitlyn ay ngumiti saakin ngunit yung Bree naman ay umirap saakin, Mhmm namumukhaan ko toh ahh.
"Ayy wait pala muna, nakalimutan ko yung kaibigan ko eh, balik ako"
"Mmm sure" sagot ni Hyun na ngumunguya ng pagkain niya.
Nagtungo ako sa kung saan naka pila si Ciara kanina. luminga linga ako 'Nasaan naba yung babaeng yun'
"Hoooy!" Napailag ako ng may sumigaw sa mismong tenga ko, sinamaan ko iyon ng tingin dahil halata naman na kung sino iyon.
"Ano ba! Parang gago naman eh!" Asik ko sakanya ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"Kanina pa kaya ako naka tayo doon! Hinintay hintay pa kita bwesit na toh, Saan kaba kasi nag punta!"
"Aba sorry na, may nahanap na akong table natin eh"
"Psh! tara nagugutom na ako!"
Hinila ko sya papunta dun sa table nila Hyun. "Pwede bang makiupo din tong kaibigan ko?" paalam ko sakanila.
"Yea sure, sit here" Sagot ni Hyun habang nakatingin kay Ciara!
Sinundot sundot ko naman ng palihim si Ciara, "Upo kana dun sabi mo gutom kana!" nakangisi kong sabi sakanya at nakinig naman sya.
'Bagay sila!!! Ekkkskks'
Naupo naman ako dun sa katabi ni Caitlyn at kaharap ko si Bree na ang talas ng pag tingin saakin Bale yung itsura namin is ganito
Kaius, Bree, Chester
Chair Table Ciara,Hyun
Caitlyn, Ako
Yan ganyan yung pwesto namin, Gets mo? Bahala ka.
Tahimik kaming kumakain at pareho kaming pasulyap sulyap ni Ciara sa isat isa. Gigisahin nanaman ako nito ng tanong mamaya.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng magsalita si Bree "Baby try this" sabi niya at may nilagay na pagkain sa plato ni Kaius.
Tiningnan lang iyon ni Kaius, at saka bumaling saakin, nagulat pa ako dahil sa paraan niya ng pag kakatitig. Lahat ng mga mata ay natuon sa kanya ng bigla siyang tumayo at maglakad papunta sa katabi kong upuan!!!
Naupo siya dun at nagulat pa ako ng magbangga ang siko namin!! Alam kong sinadya nya yoooon!!
Nagpatuloy lang ito sa pagkain na para bang walang mga matang nakatingin sakanya. Narinig kong sumipol si Chester at nahagip ng mata ko si Ciara na may nanunuksong tingin at si Hyun na banat na banat ang mukha dahil sa pagkakangiti.
'Now this is Interesting....'
Download NovelToon APP on App Store and Google Play