Isang maaliwas na umaga na naman ang bumungad sa buong Song Empire. Ang lahat ay maaga pang nagising at tila kumakayod na naman habang maiingay ang bawat pook lalo na sa mismong mga pamilihang malapit lamang sa teritoryo ng Doren Family.
Ang mga bata ay masayang naghahabulan habang mayroong mga nagliliparang mga makukulay na ibon sa himpapawid na siyang masayang umaawit sa ere.
Napakasaya ng mga bata ngunit taliwas naman iyon sa reyalidad sapagkat ang tila malawak na lugar na ito ay nabibilang lamang sa lugar ng mga alipin. Kay lawak man ng lugar ngunit nabibilang lamang ito sa mga Working Class habang makikitang ang lugar na ito ay delikadong lugar rin sapagkat laganap ang krimen dito kahit pa sabihing pareho-pareho lamang ang estado ng mga ito sa buhay.
Hindi literal na alipin ang kahahantungan ng lahat ngunit nakadepende pa rin iyon sa kakayahan ng mga ito na mamuhay bilang ordinaryong nilalang ngunit karamihan sa kanila ay nauuwi sa pagiging working class at iilan sa mga ito ay magiging mga bayarang alipin, tau-tauhan o namamalimos ng salapi sa mga daanan.
Habang nakatunghay sa daang tila puno ng mga siksikang mga tao ay naroroon ang isang dalagang babad sa trabaho. Siya ay si Sylvestria Doren, isa sa libo-libong miyembro ng Doren Family. Ang damit nito ay katulad sa karamihan na naririto na nagtatrabaho ng marangal sa pamamagitan ng pottery o pagpapalayok gamit ang mga putik o clay na siyang hinuhulma gamit ang kanilang kamay ng mano-mano.
Isa ito sa trabahong masasabing nababagay sa mga kababaihan, ordinaryo ngunit masasabing isa sa mga pinagkakakitaan nilang nasa working class.
Masuwerte kung maituturing ni Sylvestria ang sarili niya dahil nandito siya inilagay ngunit mapait ang sinasapit ng mga kalalakihan sa pamilyang kinabibilangan niya maging ng iba pang nasa Working Class sapagkat babad ang mga ito sa init at mabibigat na mga trabahong kinakailangan ng "workforce" o bilang ng mga malalakas magtrabaho.
They are destined to work for the rest of their lives. Iyon ang karamihan na katagang naririnig niya sa lugar na kinabibilangan niya at masasabing ito nga ang mapait na reyalidad sa mundong ginagalawan niya.
Natapos na ang kaarawan niya habang tumatagal at lumilipas ang mga araw ay nawawalan na rin siya ng pag-asang makakaahon din sila sa lusak lalo na ang pamilyang meron siya.
Tama nga ang mga sinasabi ng karamihan, hindi na nga sila makakaalis sa kung anumang hirap ng buhay na dinadanas nila sa pang-araw-araw at ang kanilang kapalaran ay nakatali lamang sa pamilyang kinabibilangan nila.
Naiisip ng dalagang si Sylvestria na nasa maling pamilya siya nabibilang ngunit kapag naiisip niya kung paano sila itinaguyod ng mga magulang niya kasama ang mga dalawa pa niyang mga nakababatang kapatid ay hindi niya magawang kamuhian o husgahan ang mga ito lalo pa't wala siyang may maipagmamalaki. Kung titingnang maigi ay mukhang walang nangyayari sa buhay niya.
Sanay na si Sylvestria sa pang-araw-araw na trabahong meron siya sa kasalukuyan habang nag kaniyang sarili ay tila nangangarap pa rin na sana ay may dumating na magandang pangyayaring aahon sa kaniya sa lusak at sa pamilya niya.
Hindi namalayan ni Sylvestria Doren na ang gawain niya sa araw na ito ay natapos na at oras na para umuwi sa kanya-kanya nilang mga tahanan.
Tahimik silang dumating at tahimik rin silang uuwi. Ito ang natural na takbo ng buhay niya araw-araw.
Maituturing na literal na working class sila at kahit ang simpleng pag-uusap o pag-iingay habang nagtatrabaho ay bawal. Ganoon naman kasi ang kanilang kalagayan at kapalaran, walang karapatan magreklamo at walang karapatang pumili ng mga bagay na labag sa kanilang sariling kagustuhan.
...
Naglalakad si Sylvestria Doren pauwi sa kanila ngunit marami pa siyang madadaanang lugar patungo sa kanilang bahay. Sa lawak at dami ng bilang ng miyembro ng Doren Family ay siguradong malawak din ang lugar na kinatitirikan ng mga kabahayan ng mga ito.
Marami ang mga nadadaanan niyang mga nagbebenta sa bawat bangketa at karamihan din sa mga ito ay nagpapakitang gilas upang maka-attract ng mga mamimili.
Kanya-kanyang istilo ng gimik ang naiisip at ginagawa ng mga ito at nagpalakasan ang mga ito upang makuha ang atensyon ng madla.
Ang isa sa mga nagbebenta ay isang mahikero, kaya nitong mag-magic ng mga bagay-bagay gamit ang sumbrero nitong tila hindi nauubusan ng laman ang loob nito.
Inilagay nito ang isang kapirasong na papel na may guhit ng isang kuneho at bigla nitong ipinasok sa loob ng pahabang kulay itim na sumbrero nito. Maya-maya pa ay lumabas ang isang totoong kulay puting kuneho rito katulad mismo ng iginuhit nito.
Tuwang-tuwa naman ang mga batang nakapaligid rito na siya ring naghatid ng saya sa puso nito.
Ngunit alam ni Sylvestria Doren na ang ginawa ng isang mahikero ay isang false magic. Ang false Magic ay isang ilusyon na nalilikha ng isang mahinang mahikero upang linlangin ang nakikita ng karamihan lalo na ng mga batang paslit. Hindi kasi aware ang mga ito sa totoong anyo ng mga bagay-bagay. Ilang minuto lamang ang itatagal ng nasabing False Magic nito at babalik ang totoong anyo ng bagay na hawak nito.
Sa isang katulad niya ay hindi siya malilinlang ng
ganoong mga bagay-bagay katulad ng simpleng mahika. She is aware of the existence of magic in this world.
Mula ng natapos ang kaarawan niya ay tila tumalas ang senses niya na normal naman iyon dahil ang mahikero ay malalaman ang presensya ng kapwa nito mahikero.
Everyone wants a strong magic ngunit hindi lahat ay biniyayaan nito lalo na ang mga katulad nilang nasa working class at karamihan ay nagiging mga alipin, alipin ng salapi't kayamanan sa mundong ito upang mabuhay.
Marami pa siyang nakitang mga nagbebenta na nagpapakitang gilas ngunit nawalan na siya ng gana. Naaawa siya sa mga ito kung tutuusin, this world is so cruel to the point na kailangang lokohin ng karamihan ang mga musmos na batang ito upang kumita lamang.
Bakit ganito karahas ang mundo sa kanila? Bakit andaming tanong hindi masagot-sagot sa isipan ng isang Sylvestria Doren. Nakikita ni Sylvestria na ang hinaharap na bukas niya ay magiging ganito rin, alipin sa salapi at magiging sakim sa mga materyal na bagay na kayang ibigay ng mundong ito.
Ngayon pa lamang ay naiisip niyang walang patutunguhan ang buhay niya. Being born in a working class means living the same as working class.
Tahimik na binaybay ni Sylvestria Doren ang daan pauwi sa bahay nila. Sanay na siya ganitong routine ng buhay niya araw-araw.
...
Matapos niyang makauwi sa kanilang bahay na hindi kalakihan at halatang gawa lamang sa pinagtagpi-tagping mga pawid at mga kahoy upang matakpan lamang ang mga butas-butas sa nasabing bahay nila.
Magkagayon pa man ay nabibigyang kulay naman ito sapagkat marami silang naninirahan dito at karamihan ay nag-aaral pa rin sila kahit papaano.
Maging ang ibang mga bata mula sa Slave Class ay nag-aaral rin ngunit sa murang edad pa lamang ay kinakailangan na nilang magbanat ng buto upang makatulong sa kanilang mga magulang o pamilyang kinabibilangan nila. Yun lang ay kapag lumaki na sila at sasalang sa selection ng mga prestirhiyosong mga akademya ay malabo pa sa malabo ang tsansang makapasok sila. Nasa close to zero kasi ang pagkakataong makapasok sila at mas lalong walang ibang makakasalba sa kanila sa lusak kung sakaling salapi ang batayan ng pagkakapasok nila sa Akademya.
Naalala ni Sylvestria Doren kung paano'ng nagising ang abilidad niya noong nakaraang buwan lamang. Iyon ay dahil sa isang pangyayaring hindi niya makakalimutan.
__________________________________________________
Flashback
***Nasa kasagsagan sila ng paggawa ng palayok noong panahong may nanggulo sa kanilang pinagtatrabahuan.
"Domeng, wag naman po dito, pangako magbabayad ako." Sambit ng isang aliping matandang si Aling Rosa.
Kilalang nagpapautang ang matandang si Domeng sa lugar. Isa itong kilalang nagpapautang sa kanilang lugar (ng mga Slave Class). Nabibilang ito sa ordinaryong pamilya ngunit dahil sinasabing marami itong koneksyon sa itaas kung kaya't malaya itong makipagnegosasyon o makipagtransaksyon sa kanilang mga nabibilang sa Slave Class.
Yun nga lang ay napakalaki ng kaniyang interes sa mga salaping pinapahiram nito habang ang mga nangungutang rito ay nalulugmok sa utang dahil sa hindi makatarungang tubo nito sa orihinal na perang hinihiram ng mga taong gipit rin o walang-wala talaga.
Mabilis na dinampot ng tau-tauhan ni Mang Domeng ang mahabang buhok ni Aling Rosa at pinaharap ito sa mismong harapan nito.
"Pangako, magbabayad ako Domeng, pangako!" Paniniguradong saad ni Aling Rosa habang makikitang nahintatakutan itong nakatingin kay Mang Domeng.
"Siguraduhin mo lamang Rosa na makakabayad ka dahil hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa'yo kung sakaling di ka tutupad sa ipinangako mo!" Wika ni Mang Domeng habang nagpipigil ito ng kaniyang inis. Likas na mainitin ang ulo nito kung kaya't hindi na ito iba lalong-lalo na sa umuutang rito.
Tumalikod na si Mang Domeng habang hindi pa humuhupa ang nasabing inis nito palayo sa lugar na ito.
Walang pag-iingat na binitawan ng tau-tauhan ni Mang Domeng si Aling Rosa dahilan upang mapasalampak ito sa lupa.
Bakas ang takot maging ang pag-aalala sa mga mata nito. Alam rin ni Sylvestria na mahirap lamang sila ni Aling Rosa at salat ito sa mga materyal na bagay.
Saan kaya ito kukuha ng pera? Isa lamang ordinaryong ina si Aling Rosa at ang dalawang maliliit na mga anak nito ang tanging kayamanan nito sa mundo kaya normal lamang na mag-aalala ito.
Bakas ang pagsisisi sa mga mata nito kung bakit ito umutang kay Mang Domeng.
Ilang araw lamang ang nakalilipas ay nabalitaan na lamang na nabaliw si Aling Rosa at ang mga anak nito ay hindi na matagpuan pa dahilan upang mabilis na lumaganap ang nasabing balitang kinuha ni Mang Domeng ang mga anak nito o di kaya ay namatay ang mga anak nito sa kung saan man.
Hanggang sa lumipas ang mga araw at tanging ang nga alaalang nagdaan ay mananatili na lamang alaala.
Alam ni Sylvestria Doren na malaki ang naging papel ni Mang Domeng sa pagkasira ng kaisipan ni Aling Rosa at tuluyan na itong nabaliw dahil sa pagkakalugmok nito sa utang.
Nakakatakot ang ganitong pangyayari at aaminin ni Sylvestria Doren na minsan ay naisipan niya rin kung sana ay ipinanganak lamang siyang mayaman o di kaya ay may malaki siyang salapi. Edi sana hindi namomroblema ang butihing mga magulang niya sa pagkakayod maging sila.
END OF FLASHBACK
Lumipas ang ilan pang mga araw....
Simula ng pangyayaring iyon ay gabi-gabi ng napapanaginipan ni Sylvestria Doren ang nasabing pangyayaring iyon.
Hanggang sa hindi niya namalayan ng dalaga na kayang-kaya niya maglakbay gamit ang kaniyang panaginip.
Astral Travel Ability ang tawag nila sa kakayahang ito ngunit sa kaniya ay hindi ordinaryong paglalakbay lamang dahil kayang-kaya niyang gamitin ang kakayahang baguhin ang kapalaran ng sinuman mula sa panaginip na iyon. Siya ang naging dahilan kung paano'ng nawawala ang dalawang anak ni Aling Rosa dahil itinakas niya ito gamit ang panaginip niya.
Hindi ordinaryong kakayahan ito kung maituturing at isang sumpa rin kung tutuusin. Ang yumaong si Aling Rosa ay hindi niya nailigtas mula sa pagkakapaslang nito mula sa mga tauhan ni Mang Domeng.
Isa sa kahinaan ng abilidad niya ang hindi mailigtas ang napaslang na sa kasalukuyan.
Mabuti na lamang at nailayo niya ang dalawang bata sa kamay ni Mang Domeng at iniwan sa malayong lugar sa bahay-ampunan ng mga Slave Class.
Hindi man niya hawak ang magiging kapalaran ng mga ito ay alam niyang tama ang naging desisyon niya na iligtas ang mga iyon.
Nakakatakot ang abilidad niyang ito sa una ngunit unti-unting nasanay na si Sylvestria Doren dahil hindi niya matatakasan ang kapalaran niyang ito.
Ngunit natuklasan rin ni Sylvestria Doren noong dalawang araw na kaya niya ring maglakbay sa hinaharap.
Nakita niya kasi ang sariling nasa isang malawak na lugar na purong wasak na gusali maging ang pamilyar na pook na kinatitirikan ng bahay nila na siyang walang natira kundi ang nangatupok na mga pira-pirasong mga pawid at nag-aapoy na mga kahoy ng parte ng mga nasunog na mga kabahayan.
Gabundok na mga sunog na mga bangkay ng mga tao at mga namatay dahil sa mga malalalim na sugat dulot ng iba't ibang mga sandata ang nasaksihan niya.
Mga walang mukha ang mga iyon at alam niyang ang pamilyar na lugar na iyon ay ang mga lugar na ito. Tiyak siyang ang buong Song Empire ay matutupok at matatapos ang emperyo sa kalagim-lagim at karima-rimarim sa hinaharap.
Nasubukan niyang hawakan ang mga tao maging ang kahit na ano'ng mga bagay sa hinaharap ngunit hindi niya nagawa. Isa lamang ang indikasyon iyon na naghihintay ang mapait na kamatayan para sa lahat at may posibilidad na isa rin siya sa mamamatay sa sunog na iyon sa hinaharap.
Gulong-gulo na ang isip ni Sylvestria Doren sa kakaisip niyon na hindi niya namalayan na may naramdaman siyang isang malakas na batok ang natamo niya.
"Oi, tulala ka naman diyan Syl, anong nangyayari sayo?!" Saad ng babaeng katabi niya lamang habang nagapahinga sila sa isang gilid.
"Huh? Ah.. Eh.. Wala" Mabilis na pagtanggi ni Sylvestria habang sapo-sapo nito ang kaniyang noo sa bahaging binatukan siya ng matalik niyang kaibigan na si Karen Olarran.
Sanay na siya rito lalo na kung mambatok ay kala mo ay hindi masakit. Aasarin lang siya nito ng aasarin kung msgrereklamo pa siya.
Tiningnan naman ito ni Karen habang nakataas ng kilay na animo'y sinusuri ang reaksyon ni Sylvestria.
Nitong nakaraang buwan ay tila napansin niya ang pagiging aligaga at balisa ng matalik niyang kaibigan ngunit isinawalang-bahala niya ito kahit na napapansin niyang parang may pinagdadaanan ito dahil palaging mayroong malalim na iniisip.
Nakabusangot naman siyang tiningnan ni Sylvestria ngunit agad na nag-peace sign si Karen. Masyado sigurong malakas ang pagkakabatok niya rito.
Katatapos lamang kasi nila na mananghalian at tila malalim ang iniisip ni Sylvestria. Ewan pero nag-aalala siya rito.
Nakakamiss din ang maging bata ngunit ramdam din nilang lumipas na ang mga araw na iyon at ngayon ay kailangan nilang kumayod ng kumayod para mabuhay.
Napakahirap ng buhay nila. Ewan ba niya, kahit siya ay alam niyang gustong gusto rin ni Sylvestria na makaalis sa lusak na kinabibilangan nila. Sino ba namang hindi diba? Kahit siya ay ganon din noh.
"Maiba nga tayo, handa ka na ba sa susunod na linggo?!" Curious na tanong ni Karen habang nakatingin kay Sylvestria.
"Ah... Eh... Ano'ng ganap ba?!" Ani ni Sylvestria na animo'y nalito.
"Ang Academy Selection. Kahit kailan ka talaga Syl, napaka-makalilimutin mo!" Saad ni Karen sa pabirong tono ng boses nito.
"Next week na ba yun?! Hala... Bakit ngayon mo lang sinabi edi sana nakapaghanda ako." Saad ni Sylvestria na animo'y nagmamaktol.
"Baliw ka talaga Syl. Bawasan mo yan ng hindi ka nakakalimot. Isa pa wala din akong ideya kung ano gagawin natin dun." Sambit ni Karen na nagpipigil ng tawa. Maloko talaga si Sylvestria, magkaedaran lang sila at wala rin siyang ideya noh.
Sarili lang rin naman ang dadalhin nila at lahat silang nasa Working Class o nasa mababang parte ng piramide ay nangangarap na makapag-aral noh lalo na sa mga naglalakihang mga akademya.
Ang pagpasok sa akademya lalo na sa mga prestihiyosong mga institusyon ay siguradong kapag nakapagtapos ay malaki ang mababago sa buhay nila.
Kaalaman at lakas ay maituturing na biyaya para sa lahat ngunit kung wala kang sapat na abilidad o taglay na mahika ay sa kangkungan ka pa rin babagsak.
Ang makatapak pa lamang sa nasabing akademya ay siguradong karangalan iyon sa iilang mga pamilya lalo na sa mismong mga magulang mo.
Ewan ba ni Sylvestria, natatakot siya na kinakabahan. Ang totoo ay ito din ang isa sa pinangangambahan niya. Ang unang hakbang na dapat niyang masiguro ay kung makakapasok ba siya sa standards ng paaralan na kaniyang papasukan. Kung tatanggapin siya.
Maya-maya pa ay narinig nila ang matinis ngunit malakas na tunog ng nasabing bell hudyat na tapos na ang oras ng kanilang pamamahinga at kailangan nilang magtrabaho.
...
Tiktilaok!! Tiktilaok! Tiktilaok!
Rinig na rinig ni Sylvestria Doren ang maagang pagtilaok ng manok.
Napakadilim pa ng paligid at masasabing kailangan na niyang maghanda para sa nasabing selection.
Agad na bumangon ang nasabing dalaga dahil ang araw na pinakahinihintay nilang lahat ay andito na.
Rinig na rinig niya ang ingay sa labas ng bahay nila. Sa dami ng mga kapamilya niya ay sigurado siyang maging ang mga ito ay naghahanda na rin para sa nasabing selection.
Minabuti na rin niyang maghanda para sa okasyong ito. Kagaya nila ay nangangarap din siyang makapasok roon. Naniniwala siya at ang mga magulang niya na ito ang natatanging paraan upang mabago ang buhay nila.
Matapos ang ilang mga minutong paghahanda ay nakarinig siya ng malakas na katok mula sa mismong pinto nila.
"Syl... Syl... Saan ka? Gising ka na diyan!" Pasigaw na wika ng kaibigan niyang si Karen na animo'y aligaga na rin.
Agad ring binuksan ni Sylvestria ang kanilang pintuan dahilan upang magulat ang kaibigan.
Nakita ni Karen ang kaniyang kaibigan na bihis na bihis.
"Hindi ka din excited Syl noh?!" Nakapameywang na saad ni Karen.
"Hiyang-hiya din ako sa'yo Karen noh. Aba'y istorbo ka!" Mataas na boses ni Sylvestria at sinunod ang postura ng kaibigan.
Sabay naman silang napa-apir sa isa't-isa.
"Bago pa man sila magkasigawan o lumikha ng malalakas na ingay pa ay umalis na sila papuntang labasan. Maya-maya lamang kasi ay dadaan na ang susundo sa kanilang transportasyong tren. Sa dami nila ay siguradong hindi sila kakasya sa maliliit na transportasyon.
Hindi nga sila nagkamali dahil marami na silang nakitang mga naghihintay ng pagdating ng tren at makalipas ang tatlumpong minuto ay dumating na rin ang nasabing tren.
Olarran at Doren ang halos kasabayan nila dahil katulad niya ay isa rin sa malalaking pamilya ang Olarran. Hindi kagaya ng mga noble family ay tila nasa palugmok na pamilya sila. Hindi din ibig sabihin na magka-apelyido sila sa mga ito ay malapit sila sa mga ito.
Tahimik at walang imikan ang nangyayari sa loob ng tren. May naglilibot kasi sa tren na sampong bantay at mahigpit na bilin sa lahat na maging tahimik sa buong durasyon ng biyahe. Dadaan kasi sila sa Amarathan, isa sa mga lugar na tinatawag na Death Zone sa Song Empire lalo pa't maraming mga masasamang mga estrangherong may espesyal na abilidad na nambibiktima rito.
May kadiliman ang nasabing lugar ng Amaranthan. Siguro ay dahil magubat ito at isa sa pugad ng mga rebelde ng imperyo.
Maya-maya pa ay tila naramdaman nilang lahat lalo na ng mga bantay ang malakas na pag-uga ng tren at ilang sandali lamang ay tila huminto ito.
Matalim na tiningnan ng mga bantay sa loob ng tren ang mga magkakaedarang mga binata at mga kadalagahan. Pawang alerto sila at parang may hinihintay na panganib sa kanilang kapaligiran.
Mula sa labas ay nakita ni Sylvestria ang mga mabibilis na mga aninong tila tumatalon-talon sa mga puno at ang iba ay lumilipad pa.
Magsasalita pa sana si Sylvestria nang mapansin niyang mabilis siyang pinanlakihan ng mata ng isang bantay tanda na pinipigilan siya nito na magsalita.
Agad ring nakuha ni Sylvestria ang gustong sabihin ng nasabing bantay.
Ang buong akala ni Sylvestria ay magiging okay ang lahat ngunit mabilis niyang naramdaman ang malakas na hampas sa gilid na parte ng leeg niya dahilan upang manghina at manlabo ang mga mata niya. Naramdaman niya ang tila paghawak sa kaniya sa mismong kwelyo niya at kinaladkad siya palayo sa kaibigan niyang si karen na mahinang humihikbi at hindi magawang sumigaw. Sigurado si Sylvestria na takot na takot ang nasabing kaibigan niya na madamay siya na naintindihan niya rin.
Unti-unting lumalabo na ang paningin ni Sylvestria hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Agad na napansin ni Sylvestria ang sarili niyang katawan nasa gilid niya na nakagapos at walang malay-tao.
Hindi mapigilan ni Sylvestria na magngitngit sa galit lalo pa't nagawa ng mga bantay na ito na kaladkarin siya sa hindi malamang dahilan.
Mabuti na lamang at kakaiba ang sariling abilidad niyang kayang humiwalay sa mismong katawan niya.
Agad siyang naglakad sa mismong kinaroroonan ng mga bantay. Mabuti na lamang at walang may nakapansin sa kaniya.
Rinig na rinig niya ng harap-harapan ang mga pinagsasabi ng limang mga bantay na animo'y seryosong-seryoso.
"Ang lalakas ng loob ng mapangahas na mga nilalang na iyon upang guluhin ang nasabing selection. Kung hindi lamang ito naging tradisyon ng ating Song Empire ay hahayaan kong mapaslang ang mga ito sa kamay ng mga rebeldeng nasa lugar na ito!" Ani ng isang bantay na mapapansin sa boses nito ang walang pakialam sa mga batang henerasyon ng mga Slave Class.
"Ahahaha... Tama ka dyan, mga wala silang kwenta. Ang pagiging Slave Class nila ay hindi nila matatakasan mula sa henerasyon nila at sa susunod nilang mga henerasyon!"
"Hindi ko itataya ang buhay ko upang iligtas ang mga ito laban sa mga rebeldeng iyon."
"Ako din, maayos ang buhay ko kahit hindi ako magtrabaho dito. Ano pa ang silbi ng mga abilidad natin kung mga pipitsuging mga batang henerasyon sa Slave Class ang poprotektahan natin hindi ba?! Wala rin namang silbi ang patapon nilang mga buhay!"
Ito lamang ang ilan sa mga narinig ni Sylvestria mula sa limang bantay na ito dahilan upang makaramdam siya ng pagkagalit sa mga ito.
Patapon ang,mga buhay nila?! Isang tradisyon? Masakit palang mismong galing sa mga pamilya ng mga noble class at mga malalayang mga taong ito nanggaling ang mga salitang ito.
Kung hindi nagkakamali si Sylvestria ay halos karamihan sa mga bantay na ito ay galing rin sa mga Slave Class ngunit nagawa nilang mabago ang kapalaran nila dahil sa taglay nilang mga abilidad na lubos na pinahahalagahan ng mga Noble Families lalo na ng mga dugong bughaw.
Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang pagbabago sa kanilang mga pananaw na masyadong negatibo at makasarili.
Kahit nagngingitngit sa galit si Sylvestria ay mas itinuon na lamang nito ang kaniyang atensyon sa nakaambang panganib.
Maraming mga aninong lumulutang ang nakikita niyang aatake sa kanilang kinaroroonan.
BANG! BANG! BANG!
Ngunit labis ang pagkagulat ni Sylvestria nang makitang ang mga atake ng mga aninong lumulutang sa madilim na gabing ito ay sumabog ilang metro lamang mula sa mga ito.
Ang mga ito ay napaatras at Kitang-kita na unti-unting naglaho ang kanilang mga pigura maging ang kanilang mga presensya.
Hindi makapaniwala si Sylvestria ngunit agad siyang napalingon sa isang direksyon kung saan naroroon ang kinaroroonan ng isang lalaking pigura.
Nakasuot ito ng kulay pulang roba na animo'y isang estudyante. Hindi siya makapaniwala, isang hamak na estudyante lamang nagmula ang kakaibang lakas at enerhiyang nagpasabog sa atakeng iyon na muntik na siyang tamaan.
Agad na nagpalinga-linga ang nasabing lalaking estudyante nang tila may napansin siyang may tumitingin sa kaniya na hindi niya mawari.
Nanlalaki ang mata ni Sylvestria na animo'y napapansin ng binata ang presensya niya ngunit bigla na lamang naglaho ito sa kinaroroonan nito kasabay ang presensyang nagmumila sa binata.
Dito ay napahinga ng maluwag ang nasabing dalaga. Hindi niya aakalaing napakalakas ng isang iyon kahit na estudyante pa lamang. Tunay ngang malakas ang isang iyon at ang nakakapagtaka lang rin ay mula ito sa Myriad Academy, ang akademyang patutunguhan nila.
...
Ilang oras ang nagtagal at masasabi ni Sylvestria na umayos ang lahat maging ang pagkakatali sa kanila. Isa lamang daw iyong selection drill ayon sa mga nagbabantay sa kanila patungo sa Myriad Academy.
Nagpatuloy ang nasabing paglalakbay nila gamit ang tren patungo sa lungsod ng Kemet, isang progresibong lugar kung saan naroroon ang prestihiyosong paaralan, ang Myriad Academy.
Kung hindi lamang alam ni Sylvestria ang buong pangyayari ay maniniwala siya sa mga ito ngunit hindi siya tanga upang malinlang ng mga tusong mga bantay na ito. Hindi man lahat ngunit karamihan sa mgabantay ay talagang makasarili. Kung alam lang ng mga estudyanteng naririto na ipapain sila ng mga bantay kung sakaling magpang-abot at magkagulo sa loob ng tren kanina.
Sa buong durasyon ng biyahe nila ay magkatabi sila ni Karen na ngayon ay mahimbing na natutulog. Naawa nga siya sa kaibigan niyang ito at mukhang natakot rin sa nangyari ngunit napanatag ang loob nito ng sabihing drill lamang ang lahat.
Hindi na rin siya nakatulog sa buong durasyon ng kanilang paglalakbay patungo sa Lungsod ng Kemet.
Ilang oras ang nakalilipas at narating na rin nila ang nasabing lungsod.
Hindi mapigilan ni Sylvestria na mapamangha maging ang kaibigan niyang si Karen nang mapansin ang kakaibang tanawin mula sa labas ng tren kung saan nadadaanan nila ang mga nangyayari sa labas. Napakaraming mga tao lalo na ang kakaibang abilidad na ipinamamalas ng mga ito kagaya na lamang ang paglipad ng iba't mga bagay, mga nilalang na gawa lamang sa usok, pagtayo ng mahabang buhok ng babae sa ere maging ang tila paghaba ng mga binti ng mga payaso.
Maging silang nasa loob ng tren ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Mula sa sulok ay napatingin si Sylvestria sa mga bantay at Kitang-kita niya na halos sa mga ito ay makikita ang pagkadisgusto sa mga mukha ng mga ito.
Narinig niya pa ang ilan sa mga ito na nagtatawanan at tila may nagsabing ignorante.
Para sa kaniya ay kakaiba din ito, hindi naman lahat ng mga malalaking pamilya lalo na nila na biyayaan ng mga abilidad na kakaiba talaga. Kumbaga mga normal lamang na mga abilidad ang meron sa kanila.
Ewan ba niya, porket umangat lang ang mga ito sa buhay at may ipagmamalaki na dahil sa kanilang kakayahan ay halos wala na silang pakialam sa kanila.
Naisip rin ni Sylvestria na masyado rin siyang nagalit sa mga ito na hindi naman dapat. Wala pa siyang napapatunayan at wala siyang kakayahang baguhin ang mga pananaw ng mga ito. Isa lamang siyang hamak na babaeng nagmula sa pamilya ng Slave Class at isang karangalan na mapasama sa Academy Selection.
Agad na itinuon ni Sylvestria ang paningin niya sa labas ng tren at nawili rin siyang manood ng mga lugar at kaganapan sa labas. Tunay ngang malayo ang nasabing lugar na ito sa pinagmulan niya.
Halo-halong emosyon man ang nararamdaman niya ngunit gusto niyang baguhin rin ang kapalaran niya maging ng pamilya niya.
Maya-maya pa ay lumitaw sa isipan niya ang pigura ng lalaking iyon. Kung hindi dahil dito ay malamang sa malamang ay napahamak na silang lahat ng nasa loob sila ng tumatakbong tren kanina.
....
Kasalukuyang nasa loob sila ng isang malaking dome-shaped na lugar na ito at magkahiwa-hiwalay na rin ang bawat estudyante base na rin sa apelyido nila. Sa pagpunta nila sa lugar na ito ay iba na rin ang umasikaso sa kanila pagkababang-pagkababa nila.
Ang mga bantay ay nakakalat sa labas ng napakalaking estraktura na ito upang magbantay sa anumang sakuna o pangyayari na maaaring magdulot ng kaguluhan rito.
Maayos na nakaupo ang lahat at makikitang walang nagbalak na mag-ingay rito. Napakaraming mga kaedaran niya ang naririto ang iba ay medyo bata o medyo matanda sa kaniya ng konti.
Hindi niya inaasahan na ganon karami sila ngayon. Halos ilang tren din ang dumating rito at maraming mga kadagahan at kabinataan ang naparito.
Mukhang binago ang patakaran ngayon ayon na rin sa narinig niya kanina bago pa sila pumasok rito.
Mayroong anim na faction ang Myriad Academy ngunit binubuo talaga ito ng pito. Ewan ba ni Sylvestria ngunit paanong nangyari iyon eh sa pagkakaalam niya ay anim lang naman talaga.
Aetherborn Faction
Tempest Faction
Covenant Faction
Spiremark Faction
Realmshapers Faction
Vanguard Faction
Pero mayroon daw tinatawag na Myriad Faction? Ngayon niya lang talaga nalaman.
Medyo may kaalaman din siya sa mga faction ng akademyang ito. Masyado na siyang mangmang pag wala siyang primaryong impormasyon na meron sa paaralang ito.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play