English
NovelToon NovelToon

Legend of Abyssal God [Filipino/Tagalog]

Chapter 1.1

Isang maaliwalas na umaga na naman ang bumungad sa isang malaking bayan na tinatawag na Altania. Masasabing ang bayan na ito ay kakikitaan ng luntiang kapaligiran habang amoy na amoy ng sinuman ang sariwang hangin na humahalik sa mga kabahayan na nakatayo sa luaping tila ka'y taba rin dulot ng naturang magandang klima na nararanasan ng nasabing bayan.

Altania, isang bayang ipinangalan kasunod ng malawak na digmaang naganap sa pagitan ng pitong naglalaking mga kontinente at pitong naglalakihang mga karagatang nahahati sa nasabing anyong tubig at lupang nakagisna ng lahat. Bayang inalipin ng masaklap na nakaraan na nadamay dahil sa kapalaluan ng mga naglalakasang mga indibidwal na ginawang alipin ng kayamanan ang mga ordinaryong mga mamamayang gustong yakapin ang kumakalansing na tawag ng karangyaan.

Labanan, digmaan at kasakiman. Ito ang mga bagay na nagdulot ng malawak na kaguluhan sa pitong naglalaking mga kontinente at pito ring naglalawakang mga karagatang nagbubuklod sa bawat isang kontinenteng tila ba'y sumasakop sa uhaw na mananakop.

Isa lamang ang bayan ng Altania sa  ilan pang mga bayang masasabing malawak man ang lugar ngunit walang senyales ng kasaganaan. Sa ilang mga dekadang nakalipas ay ganon na ganon pa rin ang kalagayan ng mga ito habang hindi nila pansin ang tila patuloy na paglipas ng panahon matapos ang masalimuot na insidenteng pilit na kinakalimutan ng lahat.

Altanian, ito ang tawag sa mga mamamayan ng bayan ng Altania. Isinunod sa apelyido ng magiting na mandirigmang naging tanyag dahil sa kabayanihang ginawa nito sa nasabing pangalan ng bayan sa kasalukuyan na si Cronus Altania.

Ibinuwis nito ang buhay nito upang iligtas ang bayang sinilangan nito mula sa kamay ng mga mananakop na galing pa sa ibang mga kontinente.

Maraming pasalin-salin na kwento ang mga matatandang mga tagakwento sa mga maliliit na eskinitang matatagpuan dito sa bayan na madalas ikwento ang kagitingang ginawa ni Cronus Altania na gustong-gusto ring pakinggan ng mga maliliit na mga batang kalyeng salat din sa materyal na mga bagay.

...

Naglalakad si Zedd Kleon sa isang malawak na daan sa bayan ng Sora habang makikitang hindi kakikitaan ng emosyon ang sariling mukha nito.

Sino ba naman kasi ang  gugustuhing maglakad sa lugar na hindi mo gugustuhing puntahan dahil lamang sa isang selection na mandatory requirements upang makapasa at makapasok sa isang malaking guild na tinatawag na Golden Star Guild.

Dalawang naglalakihang bayan ang nilakad niya upang makapunta sa mismong lugar dito upang masubukan ang kakayahan ng sinuman kung saan o anong klaseng lebel ka nabibilang.

Isang one time opportunity lamang ang nasabing tsansang makakagamit ka ng ancient boulder dito sa bayan ng Sora ngunit walang pakialam si Zedd Kleon sa magiging resulta niya dahil ang tanging gusto niya lamang ay makauwi siya mamaya ng ligtas at payapa.

Wala siyang maaaring problemahin kung mapili man siya o hindi dahil wala naman siyang pakialam. Isa lamang siyang binatang walang pamilya at tumakas lamang siya noon sa bahay-ampunang nagbigay ng masalimuot na nakaraan sa kaniyang buhay.

Sinong mag-aakalang pinapalaki lamang ang mga bata sa bahay ampunang kinaroroonan niya upang ipakain lamang sa mga lahi ng mga Warmonger? Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangyayari noon na nagsilbing bangungot sa buhay niya moong musmos pa lamang siya dahil napakasakit isiping sa lahat ng mga batang nasa bahay-ampunang kinalakihan niya ay siya lamang ang nakaligtas at ang iba ay kinain ng buhay ng mga Warmongers na nasa oras noong panahong iyon ay siya lamang ang nakatakas.

Ayaw niyang balikan ang nakaraang tila sakal siya sa leeg ng mga walang puso at walang kasingsamang nilalang na katulad ng Warmonger.

Gaya ng lahi ng mga tao ay merong mga mabubuting lahi ng mga warmongers at mga masasamang warmongers.

Ang mga mabubuting warmongers ay lumalakad sa righteous path ng cultivation. They are capable of cultivating in the way possible kaysa sa mga lahi ng mga tao. Natural na mabibilis ang pagcucultivate ng mga ito dahil na rin sa ipinanganak ang mga itong may iba't-ibang mga abilidad na di gaya ng mga taong pili lamang ang biniyayaan ng talento lalo na ng matataas na lebel ng talento.

Kaya nga mayroong Ancient Boulder Examination upang mapili ang mga karapat-dapat na mga kabinataan o mga kadalagahan na dapat bigyan ng nararapat na atensyon upang magsimula ng magcultivate upang isang malakas na eksperto sa hinaharap.

Ang mga walang talentong mga nilalang na karamihan ay nabibilang sa lahi ng mga tao. Warmongers are natural born talented ngunit hindi nila minamaliit ang kakayahan na meron ang iilan sa mga nilalang na nagmula sa lahi ng mga tao dahil kayang-kaya din silang labanan ng mga ito na kapantay o higit na malakas sa kanila.

Masasabing ang mga pangyayaring ito ang nagbukas sa isipan ni Zedd Kleon na wag ng mangarap na maging isa sa mga martial arts expert dahil malayong-malayo ang pangangatawan at katangian ng may potensyal na martial artists sa kaniya. Parang unang tingin palang kasi sa payat na payat na pangangatawan niya ay baka mapagkamalan pa siyang sakitin kaysa sa grupo ng mga mapapalad mamaya na martial arts experts.

Rinig na rinig at kitang-kita niya ang mga bibong-bigong mga batang madudungis na ang saya-saya ng mga itong nakikinig sa kwento ng mga matatandang mahilig magkwento sa bangketang ito. Mabilis na lumihis ang tingin niya dahil nakikita niya naman ang ekspresyon ng mga ito na kagayang-kagaya niya noong bata pa siya.

Noong bata pa siya ay masaya siyang nakikinig ng mga kwentong katulad nito. Ang pinagmulan ng Altania, ang magiting na bayani ng Altania at iba pang kamangha-manghang mga indibidwal na tumatak sa kasaysayan ng nasabing bayan ng Altania.

Mabilis na napalitan at nabalutan ng lungkot ang mga kulay gintong mga mata ni Zedd habang mabilis nitong ibinalik ang tingin niya sa daan.

Hindi niya maaatim tingnan ang mukha ng mga batang lansangan na kalahi niya na tao rin habang makikitang iniisip niyang balang araw ay magiging katulad din niya ang mga ito, pagkakaitan ng kabataan at magiging biktima ng reyalidad maging ng hatid na kasamaan ng mundong ginagalawan nila. Masakit man isipin ngunit hindi nila matatakasan ang kapalaran nilang lahat. Mabuti lamang kung may talento ang bawat isa sa mga ito ngunit alam niyang mayroong maiiwan at maiiwan sa mga ito na nakasalampak sa lusak ng karalitaan at kasamaan.

Ipinagpatuloy niya na lamang ang kaniyang sariling paglalakad habang hindi na pinagtutuunan ng pansin ang mga nakikita niyang mga pangyayari sa kaniyang dinaraanan.

Chapter 1.2

Zedd Kleon!

Malakas na umalingawngaw ang boses ng nasabing tagatawag ng pangalan sa gitna ng malaking field kung saan naroroon ang mga kilalang mga eksperto.

Mabilis namang tumayo si Zedd Kleon at naglakad patungo sa malawak na field.

Normal lamang na tingnan siya ng mga taong nanonood at karamihan sa mga ito ay ang mga kapwa niya kalahok sa nasabing mandatory requirement sa pagsubok sa lebel ng talentong meron ang mga bayang sakop ng buong kontinenteng ito.

Nakatakip ang mga mata ni Zedd Kleon ng mumunting maskara. Ayaw niyang ipakita ang mukha niya lalo na at karamihan sa mga ito ay nakatakip lamang talaga. Hindi naman ito bawal sapagkat nagdodoble ingat lamang ang nga mga kalahok sa banta mula sa kung sinumang masamang nilalang.

Ang ganitong okasyon ay naging tradisyon na ng mga lahi ng mga tao at masasabing hindi na kailangan ng lahi ng mga warmongers ito ngunit iba ang pamamaraan ng mga ito at mas kumplikado.

Tap! Tap! Tap!

Hindi na napansin ni Zedd Kleon na nakaharap na siya sa mismong Giant Boulder na sobrang dambuhala ang laki nito. Hindi maipagkakailang namangha siya sa sukat ng nasabing giant Boulder na masasabing isa itong pinakasinaunang bagay na nag-eexist na ilang beses na mas matanda ito sa kaniya o kahit na sinumang naririto.

Kitang-kita ni Zedd Kleon ang napakaraming mga manonood ang naghihintay ng mga susunod na pangyayari sa loob ng lugar na ito na animo'y nagagalak at nagtataka din sila sa maaaring maging resulta ng bawat kalahok na sasalang sa nasabing talent examination na ito.

Bawat paghakbang ng binatang ito ay rinig na rinig ng lahat ang nasabing tunog habang papalapit ito ng papalapit sa mismong Giant boulder.

Hindi na namalayan ni Zedd Kleon na nasa harap na siya ng Giant boulder at walang pag-aalinlangan nitong itinapat ang kaniyang sariling kamay habang nakapikit ito.

Walang hangad ang binatang si Zedd Kleon kundi ang matapos ang nasabing eksaminasyon ito para makauwi na siya. Wala siyang inaasahan sa sarili niya dahil una pa lamang ay alam niyang normal lamang siyang tao, isang ordinaryong nilalang na nabuhay at mamamatay rin naman sa maikling panahong pananatili niya sa mundong ibabaw.

Nakita na lamang ni Zedd Kleon ang sarili niyang nasa isang kakaibang lugar. Nag-iisang lamang siyang nakatayo sa lugar na ito habang wala siyang nakikitang anumang bagay liban na lamang sa madilim na lugar na ito habang mayroong mga ginintuang mga lumulutang na mga buhanging tila ba sumasayaw sa hangin. Nakakamangha isiping tila nagliliwanag ang madilim na lugar na ito dahil sa kakaibang enerhiyang nagmumula sa mga mumunting dots sa ere na mala-buhangin itong nakakakalat lamang sa kung saan-saang bahagi lamang.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Zedd Kleon nang mapansin niyang mabilis na nagtipon-tipon ang mumunting ginintuang mga mala-buhanging bagay na nagiging anyo ng isang kakaibang nilalang.

Sa huli ay nakita ni Zedd Kleon ang kabuuang anyo ng nagliliwanag na isang nilalang sa harap niya. Hindi isang tao at mas lalong hindi isang uri ng hayop o anumang halimaw.

"Hindi ko aakalaing ilang siglong mahimbing akong natutulog ay mayroong isang nilalang ang nagtataglay ng kakaibang nilalang. Nilalang na maaaring makapagpabago sa mundong ito. Mundong kayang baguhin ng natural na enerhiyang naging isang malakas na anyo ng nilalang." Sambit ng malakas na boses mula sa hindi malamang direksyon.

Hindi naman masasabi ni Zedd Kleon na ito ay nanggagaling sa mismong kakaibang nilalang sa harapan niya kundi isang tinig na hindi niya matunton.

"Sino ka? Nasaan ako? At ano'ng klaseng nilalang ang nasa harapan ko?!" Sambit ng binatang si Zedd Kleon sa nilalang na hindi niya nakikita na tanging boses lamang nito ang kaniyang naririnig.

"Ako ay isang espirito ng sinaunang boulder na ito. Tanging ang boses ko lamang ang maaari mong marinig. Matagal na kong naghihintay sa mga karapat-dapat na mga nilalang dito. Naghahanap ng pag-asang maaari pang mangyari sa hinaharap, baguhin ang mundo patungo sa kapayapaan at kasaganaan maging sa pangangalaga ng mga may buhay." Sambit ng kakaibang boses mula sa paligid na siyang umalingawngaw dahilan upang matuod si Zedd Kleon sa kinatatayuan nito.

"Hindi ko maintindihan ang iyong nais ngunit tama ka sa iyong sinasabi. Walang maidudulot ang kasamaan dito sa mundong ito kundi kaguluhan at kamatayan. Ngunit malabong may pagbabago sa mundong ito, isa lamang akong ordinaryong nilalang." Seryosong saad ni Zedd Kleon habang kitang-kita ang labis na pagtataka sa tono ng pananalita nito. Wala siyang maisip na eksplenasyon sa bagay na hinahanap niya.

"Ako ay ikaw. Tayo ay iisa. Buksan mo ang iyong mga mata kasabay ng iyong puso't isipan, kapangyarihang ating taglay, unti-unting magigising na." Wika ng malakas na boses sa ere habang umalingawngaw ito sa buong kapaligiran.

Maya-maya pa ay unti-unting nawala ang hulma ng isang kakaibang nilalang sa harap ni Zedd Kleon at naramdaman ng binata ang paghigop ng kakaibang pwersa patungo sa reyalidad kung saan ay kitang-kita ni Zedd Kleon ang sarili niyang nakahawak sa malaking boulder.

Unti-unting nagliwanag ang pabilog na bagay sa katawan ng nasabing giant Boulder at kitang-kita ni Zedd Kleon ang unti-unting pagliwanag ng mga ito na animo'y senyales na lumalabas na nag resulta ng kaniyang sariling eksaminasyon sa kaniyang cultivation talent.

Nagtataka naman ang lahat ng isang nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang nagpapikit sa mga mata ng lahat nang biglang umabot sa pinakatuktok ang tila pabilog na liwanag sa duluhan ng nasabing Giant boulder. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mayroong kakaibang mangyayari sa nasabing oras na ito.

Maya-maya lamang ay nawala ang nasabing nakakasilaw na liwanag at nakita lamang ni Zedd Kleon na nakatingin ang lahat sa kaniya habang punong-puno ng pagtataka.

Nagkaroon ng malakas na bulong-bulungan sa pagitan ng mga manonood maging sa mga kalahok na  matiim na nakatingin sa kinaroroonan ni Zedd Kleon.

Sino ba naman kasi ang may ideya sa pangyayaring eh kahit sino naman ay hindi alam kung anong klaseng senaryo ang nasaksihan nila na ni sa hinagap ay hindi niya alam kung ano ba talaga ito.

Whooosh! Whoosh! Whoosh!

Kitang-kita ni Zedd Kleon maging ng iba pang mga saksing mga manonood ang paglitaw ng limang eksperto sa ere. Hindi maipagkakailang nakakapagtaka ang mabilis na paglitaw ng mga ito na animo'y mabilis pa sa kidlat.

Ang mas nakakagulat pa ay bawat isa sa limang mga nilalang na ito ay mayroong kakaibang kasuotan ngunit kapansin-pansin ang parehong simbolong nakaukit sa mga suot ng mga ito. Simbolong inidolo at pinapangarap ng lahat na magkaroon, ang simbolo ng  Golden Star Guild.

Chapter 1.3

Halos magkagulo ang mga manonood na siyang mga buhay ma saksi sa kaganapang ito. Hindi alam ng lahat kung bakit pumunta ang limang nilalang na ito na siyang mga pambihirang mga ekspertong nabibilang sa iba't-ibang mga naglalakihang guild.

Rinig na rinig naman ni Zedd Kleon ang iba't-ibang impormasyon mula sa bibig ng mga manonood maging sa kapwa nito mga kalahok sa hindi kalayuan.

Siya naman ay nasa tapat pa rin ng Giant Boulder habang ang limang nilalang ay nasa ere, lumulutang habang nagtatakang nakatingin sa kaniyang gawi.

Narinig pa ni Zedd Kleon ang biglang pagsalita ng mga ito sa bawat isa na animo'y hindi makapaniwala o may malalim pang dahilan.

"Siya na ba yan?! Ang kaisa-isang nilalang na nagpalabas ng kakaibang penomena sa misteryosong Giant Boulder na ito?!"

"Sa tingin ko palang sa binatang iyan ay napakaordinaryo nito at wala akong nakikitang espesyal rito kagaya ng huling nilalang na nakapagpalabas ng kakaibang penomena!"

"Sa tingin ko ay sinuwerte lamang siya. Baka natrigger niya lamang ang giant Boulder dahil sa dami ng gumagamit rito!"

"Kaya nga, pero hindi pa rin tayo nakakasigurong ganon nga. Dapat ay maging patas tayo kahit di natin ginusto ang kakaibang kaganapang ito!"

Ilan lamang ito sa naririnig na usapan ng limang nilalang sa ere. Agaw atensyon kasi ang limang nilalang na ito na bagong dating lamang habang ang suot ng mga ito ay agaw atensyon dahil hindi ordinaryong mga tela ang gamit ng mga ito at napakagarang tingnan.

Kung tutuusin ay hindi niya na dapat pang pagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng mga ito dahil alam na alam niyang wala naman talagang espesyal sa kaniya. He is just an ordinary human being na tinadhanang mabuhay ng simple at mamamatay because of old age kaya wala siyang panghihinayang o galit kung sabihan man siya ng iba ng harap-harapan na isa lamang siyang ordinaryong nilalang.

Maya-maya pa ay mabilis na bumalik sa reyalidad si Zedd Kleon nang mapansin niyang lumapag sa lupa ang limang nilalang na ngayon lamang niya nakita ng malapitan. Talagang nakakakaba at nakaka-intimidate ang presensya ng mga ito. Seeing this kind of martial arts experts in personal really make him feel very ordinary.

Mula ulo hanggang talampakan ay wala siyang binatbat sa mga ito lalo na sa uri ng pamumuhay at kasuotan at wala siyang tanong sa kung gaano kalakas ang mga ito.

Talagang sa unang tingin pa lamang ay wala siya sa liga ng mga ito habang mayroong awkward na atmospera sa pagitan ng mga ito.

"Ikaw ba talaga ang nakapagpalabas ng nakakasilaw na liwanag mula sa malayo?! Nilakbay ko pa ang tatlong bayan mula rito upang malaman kung sino ang nagtrigger ng pambihirang liwanag ma iyon." Sambit ng isang matabang lalaki habang mayroon pa itong hawak na malaking tinapay sa kamay. Hindi naman kasi halatang hindi ito mahilig sa pagkain dahil sa pangangatawan nito at kung paano ito lumamon.

Gayunpaman ay natutuwa si Zedd Kleon dahil hindi naman basehan ito upang hamakin niya ito. Sa mundong ito ay unang pinapahalagahan ang lakas at abilidad na meron ka sa pakikipaglaban kumpara sa panlabas na anyo. Aanhin mo ang sobrang kagandahan o kagwapuhan kung wala ka namang maibubuga sa pagtanggol ng sarili mo at ng iba pa?! Ito ang itinatak niya sa isip niya.

Akmang magsasalita pa sana siya ng bigla na lamang nakisawsaw yung isa sa mga limang dumating na nilalang na siyang ikinalingon naman ni Zedd Kleon at ng matabang lalaking pinaniniwalaan niyang isang malakas na eksperto sa kung saang guild man ito nabibilang.

"Wag mong sabihin taba na naniniwala ka na siya ang nagpalabas ng kakaibang penomena kanina. Hindi natin alam kung may lakas nga ang patpating binatang ito!" Supladang sambit ng babaeng martial arts experts na isa sa limang kakadating pa lamang na nilalang rito. Halatang may iba itong gustong ipunto at iyon ay ang pagdudahan ang nasabing binatang si Zedd Kleon na nasa harapan lamang nilang lima.

"Malamang ay siya ang nagpalabas ng kakaibang penomenang iyon. Kung hindi ay hindi siya ang nasa harap nating lahat." Sambit ng isang pang babaeng eksperto habang makikitang tila ipinapahiwatig nitong itong binatang nasa harapan nila ang nagpalabas ng kakaibang enerhiya at lakas.

"Hmmp! Tinanong ba kita huh?! Hindi ako magsasayang ng laway sa katulad mo!" Malditang wika ng babaeng eksperto na isa sa limang dumating sa lugar na ito.

Halatang mayroong alitan ang dalawang babaeng nakasuot ng magagarang kasuotan. Sadyang mayroong malaking harang sa dalawang kababaihan.

Natahimik naman si Zedd Kleon sa kaniyang pwesto dahil ayaw niyang ma-offend ang sinuman sa limang nilalang na naririto.

"Wag mo silang intindihin binata. Sino ka pala at bakit mo napaliwanag ang misteryosong Giant Boulder na ito? Kahit ako man ay hindi mapailaw ang nasabing bagay na ito kahit gustuhin ko mang mangyari." Puno ng siglang wika ng isang lalaking nakasuot ng kulay asul na kasuotan habang may nakaukit na mga kakaibang disenyo rito.

Sa limang ekspertong nasa harap niya ay ito lamang ang may guts na kausapin siya ng mahinahon at walang pakialam sa dalawang kababaihang tila may malalim na alitan sa isa't-isa.

"Ako si Zedd Kleon at isa lamang akong ordinaryong tao. Nagmula lamang ako sa ordinaryong bayan sa isa sa mga karatig-bayan rito." Tipid na sagot ni Zedd Kleon habang pinipilit nitong wag mautal. Pinanatili niyang mahinahon ang sarili niya sapagkat ayaw niyang magmukhang arogante sa mga ito. Naniniwala siyang hindi na niya makakasalamuha pa ang mga ito dahil ito na ang una't-huling beses na makakausap niya ang naglalakasang mga indibidwal na hindi niya kalebel ng lakas at may mga taglay pa ang mga ito ng kapangyarihan hindi katulad niya na walang maibubuga kahit na ano.

"Zedd Kleon? Interesting, hindi ko aakalaing sa harap naming lima ay nagawa mo pang maging mahinahon.  Mahirap na angkan? Pinaglololoko mo ba kami huh? Kaming lima ay nagmula sa mga aristokratong pamilya ngunit ikaw na nagpalabas ng kakaibang penomena ay mula sa mahirap na bayan?! Iniinsulto mo ba ang kakayahan naming lima?!" Malditang sambit ng babaeng eksperto habang makikitang naniningkit ang mata nitong nakatingin kay Zedd Kleon.

Ramdam ni Zedd Kleon ang unti-unting pag-init ng atmospera sa pagitan niya at ng limang mga nilalang na kadarating lamang. Hindi alam ng nasabing binata  kung ano ang gagawin niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at mas nangingibabaw ang pakiramdam ng pagkatakot rito.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play