Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng biglang may tumawag sa akin.
"Hello?--hik" haha lasing na ata akooo~~~
("Tsk! Nasaan ka?") tanong nito.
"Hehe... hulaan mo~~~"
("Hindi ako nakikipag-laruan sayo, Bri. Sabihin mo kung nasaan ka. Susunduin kita.") mahinahong ani nito ngunit nadadama ko ang kaniyang pagbabanta. Ooh goosebumbs, hahaha!
"Haha! I don't care kung magalit ka sakin. I just want to be happy right now! Gusto ko namang maging masaya!" nasayaw-sayaw pang ani ko. Nakita kong natatawa pa yung bartender sa inaasta ko. Kanina pa ito sumusulyap sa akin. Siguro may gusto si kuya sa akin! Hahaha, ang ganda ko talaga! Hahaha.
("Bri, listen to me. Hindi solu---")
"Your so KJ, you know? Hanapin mo nalang ako, hahaha! Ba-bye" putol ko sa sinasabi niya at binabaan na siya ng tawag. Alam nyo napaka-kj niya. Sino ba siya sa buhay ko? Ahh, right! Siya lang naman ang matino kong pinsan na may perpektong buhay! Haha, oo siya nga!
"Whoooh! King-ina! Hahaha! King-inang buhay to!" napahawak nalang ako sa ulo ko ng maramdaman kong medyo nahihilo na ako. "Ey---hik! Isa pa nga nung ibinigay mo sa akin!" ani ko sa bartender.
"Yes ma'am!" ani nito na may ngiting aso sa kaniyang bibig. Sabi na may gusto ito sa akin eh! Tamo! May pakindat-kindat pa si kuya. Hahaha!
May kinuha siya sa bulsa niyang kulay puting papel tas nilagay niya sa drinks ko. Siguro doctor si kuya bartender. Baka mawawala yung sakit na nararamdaman ko kaya niya nilagay yun. "Here's your drink, ma'am." I smile to him and say my thank you.
"Can I ask you something?" he just nod. "Why does the world is so unfair?" I ask. "It is a perfect round but it is so unfair! God is also unfair. He let my father die. He let our company being bankrupt and my scholarship... And He gave my mother a very serious type of disease..." He was soooo unfair. "Why does this shit happens to me?... Am I a bad person to be punish like this?... Why?..." and then everything went black.
...~***~...
"All troups, stand by. Nagpakita na ng motibo ang subject. Alam niyo na ang gagawin ninyo." ani ng isang lalaki. Nang makita niya ang suspect na kaniyang binabantayan ay papalabas na ay tsaka siya lumabas ng bar at inintay na lumabas sa lungga ang kaniyang subject. Nagtago siya sa madilim na parte ng bar ngunit malapit sa pintuan kung saan lalabas ang kaniyang subject.
"Saan mo dadalhin ang babae?" ani nito. Tila naalerto naman ang bartender na kaniyang subject.
"Iuuwi ko lamang siya. May tama na kasi. Ibinilin pa man din siya sa akin nung kaibigan ko... Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing ito?" ani ng bartender.
"Iuuwi? O hahalayin?"
"Hayst! Bakit ba kasi hindi ako nag-ingat eh. May nakakita tuloy. Bahala na nga!" bulong ng bartender sa sarili. "Pre, ano bang gusto mong mangyari? Pwede naman nating paghatian itong babae eh. You know, share-share?"
"Ay tarant*do pala to eh." bulong ng lalaki.
"Clarkson, Alyas 'Buboy', Samonte. Arestado ka sa kasong panghahalay sa mga kababaihan at sa pagtutulak ng pinagbabawal na gamot." ani ng isang pulis na nasa likuran ng bartender.
"Tsk! Nabulilyaso pa nga!" inis na sabi ng bartender at dumukot ng balisong sa bulsa. "Sige! Subukan ninyong lumapit! Tutuluyan ko itong babae!" pagbabanta nito sa mga kaharap niyang pulis.
"Tsk! Nalimutan mo atang nandito ako." ani naman ng lalaki at inagaw ang balisong at hinablot ang babaeng biktima sa bewang. Tinulungan naman siya ng mga pulisya na mapaghiwalay ang babaeng biktima na walang malay at ang bartender na suspect.
Nang mahuli ang suspect ay agad itong dinala sa police station. Naiwan naman sa lugar ang dalawang magkaibigang lalaki at ang biktimang babae. "Hey, miss." pag-gising ng isang lalaki sa kaniya.
"Hmm!" pag-ungol nito at tinabig ang kamay ng lalaki ngunit hindi parin gumugising ang babae.
"Tsk! Robert, search her identity." ani ng lalaki at binuhat na ang babae sa kaniyang bisig.
"How many times did I told you not to call me Robert? By the way, saan mo siya dadalhin?" ani naman ng isang lalaki.
"Just do what I told to you. Go to my place tommorow morning." ani niya.
""Just do what I told to you. Go to my place tommorow morning." Tsk! Nautusan pa nga." panggagaya at pagreklamo nito nang makalayo na ang kasama niya.
...~***~...
Nang maihiga na ng lalaki ang babae ay kinumutan niya muna ito bago tumayo. Akmang lalabas na siya ng hawakan ng babae ang kaniyang palapulsuhan. "Mabuti naman at gising ka na---." hindi natapos ng lalaki ang kaniyang sinasabi ng hilahin ito ng babae at hinalikan. Nagulat ang lalaki sa inasta ng lalaki ngunit...
'D*mn! Bakit ba napadami ang inom ko?'
Download NovelToon APP on App Store and Google Play