CHAPTER 1
Clyde’s P.O.V
“Welcome to our family and just feel at home, okay? Just let us know if you need something”
Hindi ko maintindihan yung sinasabi nang ginang na’to pero sya kasi yung unang tao na nag pakita sakin ng totoong nararamdaman nya dahil sa mga nakaraang tao na balak na ampunin ako noon ay hindi pumayag dahil narin sa matanda na ako, ang tanging alam ko lang ay ang araw ng kaarawan ko at ang mga tao sa bahay ampunan ang nag pangalan sakin ngunit kahit papano ay nag iwan ng apelyido ang nag pa ampon sakin.
Nag lalakad ako papasok habang inaalalayan ako ng isang katulong sa bahay, nang makarating ako sa kwarto agad ko na inayos ang mga dala na gamit, yung kwarto ko ay sa pinaka taas ng bahay at tila ba ito ay isang tambakan ngunit napaka linis rito at may kama din na kasya ang dalawang tao, gagawin ko ang lahat upang tumagal ako dito mag papaka bait ako at gagawin ang lahat ng gusto nila.
Pagkatapos ko na mag ayos at mag pahinga may tumatawag sakin sa labas ng pinto at kumakatok rin ito
“Uhh Sir clyde handa na ang hapunan pinapatawag ka na sa baba”
Sambit ng lalaking katulong dito agad naman akong nag ayos ng sarili at bumaba mula sa ika-4 na palapag patungo kung saan sila kumakain, ng makarating ako ay nakita ko na isang bakante nalang ng upuan ang natitira kaya umupo ako dahil inaya ako ng ginang
“Eat well clyde, you can eat what ever you want”
Pagka sambit nito ngunit hindi ko talaga sya maintindihan
“Paumanhin na po ginang nag a-aral pa po ako kasi mag salita ng inyong winiwika kaya patawad po kung hindi ko po kayo maintindihan”
“Ohh, so- pasensya na nasanay na kasi kami dito sa bahay, kumain kana at piliin kung ano ang gusto mo”
Dahil sa sobrang hiya hindi ako kumuha at nakatitig lang saaking baba at maya maya may isang lalaki na sumabat sa pag kakatantya ko medyo matanda lang siya ng konti saakin
“What do you want?, ugh forget it”
Nag umpisa sya na mag lagay saaking plato ng mga pagkain at sabay pahawak saaking kamay ng kutsara
“Now eat, I don’t like shy people around me”
Hindi ko alam kung ano nananakot sya o nagpapakabait, nag start narin ako kumain at sa kalagitnaan ng kainan biglang nag salita ang ginang
“Sya nga pala clyde, let me introduce to you my son’s. Denver Lim, my panganay. Stanley Lim sumunod sakanya. Kian Lim. And lastly Gian Lim”
“And also you can call me mom from now on and also my husband you can call him dad”
Yung lalaki na nag lagay ng pagkain ko sakin ay si stanley, pagkatapos kumain pinaakyat na kami ng mga kwarto namin at pag ka punta ko sa kwarto ko ay naligo na ako at mag linis ng sarili.
Pagkatapos ko na maligo at makapag bihis hihiga na sana ako upang matulog ng may kumatok ng mahina sa pinto ko agad ko naman ito binuksan at ang iniluwa nito ay si Gian?
“Ah hi hehe, can i sleep here kuya clyde? I’m scared po kasi sa room ko”
“Hmm?”
“Ah yeah right sorry you’re still learning, uhh ano kasi ah tulog ako dyan? Takot in my kwarto like this oh”
Natatawa ako kasi ang weirdo ng kinikilos nya pero naintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin
“Sige.”
Diretso naman sya sa kwarto ko at higa sa kama ko may dala din syang kumot
“Uhh....”
“Ay hehe tabi tayo”
Dahan dahan naman akong humiga at tumalikod sakanya. kinabukasan nagising ako ngunit hindi ko minumulat ang aking mga mata at may naririnig ako na gumigising kay Gian.
“Hey wake up, you dare to bother clyde in his room last night huh you even slept beside him”
Pag kakasabi ni Stanley habang sinusubukan gisingin si Gian, tumayo agad ako na ikina-gulat nila sabay upo ako sa upuan, maya maya nagising narin si Gian at pinagalitan naman ito ni Denver.
“We’re sor- uhh, pasensya na medyo makulit talaga si Gian”
“Okay lang po, sabi po kasi nya na natatakot sya kagabi kaya po sya tumabi at baka din po dahil sa wala syang kasama sa kwarto nya”
“Uhhh... okay, kung ready kana bumaba kana maya maya may sasabihin kasi si mom”
“Sige po...”
After ko mag ayos sa sarili ko bumaba na ako sa sala at nakita na naka pwesto na ang mag k-kapatid sa sala
“I gather all of you here to tell na malapit na ang school year, and I’m planning to enroll clyde at the same school so i want you to have an eye for him or support him cause it will be his first time being in a school like that”
Sa dami daming sinabi ni Ms. Lim ang naintindihan ko lang na mag a-aral daw ako sa parehong paaralan .
“Clyde was late in studies so it means na Clyde and Gian was in a same grade level”
“Don’t worry about it mom ako po na ang bahala kay Gian”
“And also I’ll be in states for a while with your father so yeah take care”
Lumipas ang maraming araw wala naman masyadong ganap paulit-ulit lang hanggang sa dumating na ang araw ng pasukan...
Download NovelToon APP on App Store and Google Play