Notice Me Crush
~Prologue~
Halos Isang minuto't kalahati nakung nagaabang dito sa labas ng Cr ng university ng school pero walang Ash Montenegro ang lumalabas.
Tumatae ba sya? Kung tumatae nga sya aba'y napaka laking tae naman ata nun at napaka tagal, ano bang klaseng pwet ang meron sya?
Bumuntong hininga ako at sumandal sa pader kung saan ako nagaabang dito sa may gilid.
Umm by the way I'm Nic Ashley Flimanco nasa states ang parents ko nagtatrabaho sila dun parehas bilang doctor, si kuya Rage lang ang kasama ko sabay.
At kung nag tatakha kayo kung bakit ako nandito sa labas ng cr ng mga lalaki dahil stalker ako ni Ash crush na crush ko kasi sya kaso di nyako pinapansin.
Dalawang taon ko nasyang sinusundan e pero wala pading talab!
Agad akong napatayo at nagmadaling magtago ng bumukas ang pinto ng cr.
Napatakip ako ng bibig ng makita ko kung papaano halikan ni Ash yung babaeng nakayakap sa bewang nya
Kaya ba matagal sya dun? May ginawa ba sila dun?
Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at tumayo ng maayos at nag flip hair at taas noong lumapit sakanila.
"What?" Maarteng tanong sakin nung kasama ni Ash pero inirapan ko lang siya at bumaling kay Ash na nakangising nakatingin sakin.
Anong nginingisi mo jan?
Inuyukom ko ang aking palad at bumilang ng tatlo.
Pikit mata kung sinampal si Ash na ikinagulat nila parehas. "Alam mo bang ang pangit pangit mong lalaki ka! Ang kapal mong saktan ang puso ko! Siguro ginayuma moko no! Bulag kaba! Jan mo lang ako ipagpapalit sa mukhang unggoy nayan! Wala kapalang taste!" Sabi ko at saka sila iniwan.
Ng makaalis ako ay napatampal nalang ako sa ulo ko, ano ka banaman Nic bat mo sinabi yun? Sabog na ba me? Nakakahiya! Asar!
~Chapter 1~
·Nic Ashley POV
"Oh bat ngayon kalang?" Bungad na tanong sakin ni kuya Rage na kasalukuyang kumakain ng cereals habang prenteng nakaupo sa sofa.
Ibinaba ko sa sahig ang bag ko at patakbong lumapit sakanya na mukhang ikinagulat nya "Tss ano ba" iritang sabi nya at ibinaba sa center table ang hawak nyang hawong.
Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ng madiin ang kanyang pisngi at ihinarap yun sakin. "Kuya, pangit bako? Mabaho ba hininga ko? Sexy naman ako diba? Hindi naman ako mukhang unggoy diba?"
Tumawa sya, dahil dun dahan dahan kung inalis ang pagkakahawak ko sa pisngi nya. "Sino naman ang may sabi nun?" Tanong nya at sumubo ulit kaya napatunghay ulit ako.
"Tanga ata yun e, halata na nga sinabi pa, gusto mo kasuhan natin yun? HAHA" dagdag na aniya kaya walang ano anong pinaghahampas ko sya, apaka sama nyang kapatid.
"Aw! Stop Nic! It hurts HAHA" Natatawang daing nya kaya mas lalo ko paitong hinampas.
Natigil lang kami ng biglang tumunog yung cellphone nya.
Sinensyasan nyakong kumain na bago nyako talikuran.
Bumuntong hininga ako at saka umupo sa sofa. "Tss walanghiyang Ash yun, ayaw nya pa sa seksing katulad ko, di naman nya sinasabing mahilig pala sya sa unggoy di sana inorder ko sya!" Bulong ko sa sarili ko.
Ahh! Nakakainis kasi e akalain mo yun halos mag te 3 years ko nasyang crush tapos babagsak lang sya dun sa mukhang unggoy na babaeng yun!
****
6 am ng umaga ng magising ako umunat ako ng mga sampong beses chos! Dalawa lang. Bago bumangon at walang ano anong dumeristo sa banyo.
Ng matapos ako ay isinuot ko lang ang uniform ko at sinuklay ang floppy kung buhok bago bumaba.
"Kuya, hindi naku kakain sa school na" Mataray na sabi ko ng maabutan ko si kuya Rage na kumakain magisa sa dining.
"At bakit naman aber? Apaka aga pa ah?"
"Basta sa school naku kakain, bye!" Sabi ko at lumabas na ng dining area dahil baka pigilan pa nyako.
Palabas naku ng gate ng makita ko yung lalaking palinga linga sa bahay namin.
Infairness pogi sya.
"May balak kabang nakawan ang bahay namin?" Maarteng tanong ko kaya na agaw ko ang atensyon nya.
Halos malaglag ang panty ko chos orig to no! Ng ngumiti sya sakin, ang lalim ng dimple nya day!
"Hi, I'm Ezikiel Jon Fernandez" pagpapakilala nya sabay abot ng kamay nya.
Pero dahil maganda at sexy ako hindi ko yun tinanggap dahil ang kamay ko ay para lang kay Ash. "Tinatanong ko ba?" Maarteng tanong ko kaya dahan dahan nyang inalis yung kamay nya sa harap ko.
"Umm sorry, gusto ko lang sabihin na ako yung bagong lipat jan, inshort ako yung bago nyong kapit bahay"
Tumango tango ako, as in mag kaharapan patalaga ang mga bahay namin.
"Ah,Sige" aniya ko at tinalikuran sya.
Ano namang pakialam ko kung sya yung bagong kapit bahay namin! Peling chixx ka kuya huh!
~Chapter 2~
Ng matapos ang lahat ng subject ko sa umaga ay dumeristo muna ako papunta sa cr bago pumunta sa room nina Ash.
Gusto ko lang humihingi ng sorry dahil nasampal ko sya kahapon. Nagulat din naman ako e
Ng matapos ako ay lumabas na agad ako ng cr. Irita akong napakamot sa ulo ko ng tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko.
Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang cellphone ko habang naglalakad.
Nakakainis napaka epal naman! Si kuya Rage lang naman to e!
Ng sa wakas ay makapa ko na ang cellphone ng maramdaman ko nalang ang sarili ko na malapit ng mapatihaya, kaya agad akong napapikit, juskooo lord ingatan mo ang mukha ko.
Lumipas ang ilang segundo pero diko parin na pe feel yung sahig, my god Am I dead naba?
Dahan dahan akong nagmulat pero halos lumuwa ang dalawang maganda kung mata ng agad na sumalubong saking pagmulat ang napaka lalim nyang dimples.
Agad akong napatayo ng ayos mula sa pagkakasambot nya sakin. "Ikaw! Ikaw na naman!" Ako.
Ngumiti sya kaya nakita na naman yung dimples nya "Oo ako nga Ms sungit," pormal na aniya at lumapit sakin kaya napaatras ako ng bahagya. Talagang peling chixx to ah!
Umatras lang ako hanggang sa napasandal nayung likod ko sa pader kaya wala akong nagawa kung di ang mapalunok ng ilagay nya yung isa nyang kamay sa may pader at tumungo para magkapantay kami.
Jusko lord! Ilayo nyoko sa manyakis nato! Hahalikan nyabako? Jusko para kay Ash lang ang labi ko! Napakapit ako sa uniform ko ng mahigpit at saka pumikit.
"Haha, I just wanna ask Ms, where's the canteen here? " Natatawang tanong nya kaya walang ano anong tinulak ko sya.
Aba gagu to ah! Magtatanong lang may paganun ganun pasyang effect!
"What's your problem? I'm just asking, chill" Sabi nya sabay taas ng dalawang kamay nya.
"Gagu kaba! Hindi ko alam!" Bulyaw ko at saka sya tinalikuran.
Jusko day kinabahan ako dun. Akala ko hahalikan nya talaga ako, may pag ka assuming din ako dun ah.
Literal akong nanigas sa kinakatayuan ko ng makita ko si Ash na nakasandal sa may locker nya at deretsang nakatingin sakin.
Teka! Sakin ba talaga?
Huminga ako ng malalim na malalim bago dahan dahang lumapit sakanya pero yung tingin nya sakin day! Hindi padin nawawala sakin! Jusko kinikilig ako!
Agaran akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa locker ng sugudin nyako at bigyan ng masamang tingin. Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa pagitan nung locker nung sinasandalan ko at saka tumungo. Dahilan para magkatitigan kami.
Ngunit Hindi padin nawawala yung masama nyang tingin sakin na akala mo ay galit na galit sakin at gusto akong kainin.
"Stay away from me" malamig na aniya at saka sinuntok ng malakas yung locker dahilan para magulat ako ng sobra.
Tiningnan nyako ng masama ulit bago ako talikuran.
Pero nawala lahat ng gulat ko ng makita kung dumudugo ang kamay nya.
"Your hand is bleeding, Ash" aniya ko at mabilis syang nilapitan. Para sana gamutin ang sugat nya.
"I said stay away!" Malakas na bulyaw nya at malakas na winaksi ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Wag na wag mokong lalapitan, ng dahil sayo naghiwalay kami ni Athena" galit na sabi nya at iniwan ako.
Agad na lumandas mula sa magagandang mata ko ang luha ko.
Athena? Sya bayong babae kahapon? Girlfriend nya yun? Sa tagal kung inistalk sya bakit Diko man lang alam na may girlfriend pala sya.
Umubob ako gamit ang tuhod ko at saka humagulgol.
Now I realized na kahit anong ganda at yaman mo kung di Ikaw ang gusto ng taong Mahal mo wala kang magagawa kung di ang mag paraya at maging masaya para sakanya. Luhh kala mo naman naging kayo?
Umiyak lang ako ng umiyak. Walang hiya ka Ash antagal mokong istalker tapos wala din akong mapapala, nasayang lahat, nasayang ang almost 3 years na inilaan ko sayo.
"Tumayo kana jan, mukha Kang kinawawa e" napatigil ako sa pag eemote ng marinig ko iyon.
Pati ba naman dito?
Tumunghay ako at agad na sumalubong sakin ang inaabot nyang kulay pink napanyo. Seriously pink? Is he are gay?
Napangiti nalang ako ng bahagya
Download NovelToon APP on App Store and Google Play