PS: This story is for y'all. I hope everyone can relate. I'll post the part 2 later or tomorrow.
***
“Dylan anak, tumatanda na ang Mama. Kailan niyo ba balak ako bigyan ng apo?” nakangiting tanong ng aking biyenan.
Tinignan ko si Dylan na nasa tabi ko lang, hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya. Nakatingin sa kawalan at parang bored na bored kausapin ‘yung mama niya.
“Soon Ma, magkakaapo din kayo.” Nakangiti kong tugon.
“This is for my future mga apo Faith, keep this ha?” inabot niya sa’kin yung mga milk bottles at gwantes na unisex in color.
“I bought in Japan, nakita ko sa mga stores doon at naalala ko kayo.”
“Nako ma, nag-abala pa ho kayo. Pero maraming salamat po.” Sincere kong pasasalamat nang biglang tumayo si Dylan.
"Ma, I have to go. Got work to do in my office, magpahinga na rin ho kayo. Bye” Hinalikan niya si mama sa pisngi sabay kuha ng coat niya at umalis without giving me a glance.
Nagpaalam na rin after si Mama kaya si Manang na lang at ako ang naiwan dito sa bahay.
Hindi naman kami ganito ni Dylan dati, masaya kami. We both love each other, wala na kaming iba pang hangad kundi magkaroon ng anak.
Yung kukumpleto sa masaya naming family. Nevertheless, ayokong mawalan ng pag-asa, ‘cause God will grant my wish someday.
Nagluto kami ni manang ng mga favourite foods niya for dinner para kahit papaano maiba yung mood niya. So we’ve waited for him until nine pero wala pa siya. I called her secretary kung anong oras siya uuwi pero nagpaalam daw na may business trip sila sa Tagaytay.
Ayokong mag-isip ng kahit na ano kasi nagwowork siya para sa family namin, pero ‘di ko pa rin maiwasang masaktan. I ignored his cold treatments kasi kailangan ko siyang intindihin, but I miss him so damn much. I miss the old Dylan, pero I have to be brave for the both of us.
Tinatawagan ko Secretary niya for almost three days na pero hindi pa raw nagreport si Dylan sa office nila.
“Ghayle, please inform me kung umuwi na siya-“ natigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong mga yabag sa hagdan. Binaba ko ‘yung tawag at tinignan.
Dylan.
“Hon?” tawag ko pero hindi man lang siya lumingon. I rushed towards him para yakapin ngunit bigla siyang umiwas at tinignan ako ng malamig.
Hindi ko pinansin.
“Hon, how’s your business trip? Namiss kita ng sobra.”
Hindi niya pa rin ako pinansin, nagtanggal siya ng necktie niya at umakyat papasok sa kwarto namin kaya hinabol ko siya.
“Kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka ah. Sasabihin ko kay Manang na maghain, sabay na tayo kumain.” Nakaupo siya ngayon sa kama at nagtatanggal ng sapatos.
“Tulungan na kita Hon.” Hahawakan ko na sana paa niya nang bigla niya kong itulak.
“Pwede ba Faith?! Pagod ako. Tapos ang ingay-ingay mo pa! Nakakairita presensiya mo sa totoo lang.”
“I was just t-trying to help you H-hon,” garalgal na boses ko. I can’t help pero nasasaktan talaga ako.
“Well, you’re not helping. You’re annoying. Hindi na ko bata, I can manage myself! Besides, if you really want to help then don’t talk to me.”
“Dylan, a-ano ba yung problema? L-let’s fix this. Ayoko ng ganito” at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha na kanina ko pang pilit na pinipigilan.
“Please, not now. Don’t start.” Naiirita ngunit mahinahon niyang tugon sakin.
“If w-we don’t fix this-“
“We can’t fix everything Faith! Alam mong hindi! Alam mo ba na sa tuwing kasama kita sa bahay na to mas lalo kong pinipilit yung sarili kong mabuhay?! Pilit lahat Faith. Kahit pag-uwi ko pilit! Hindi na ko masaya for Pete’s sake! Hindi na ko masaya sa buhay ko pag kasama kita. Ngayong alam mo na, can you just shut your mouth?!”
Natigilan ako sa mga sinabi niya.
This is not Dylan, yung Dylan na pinakasalan ko three years ago.
Yung Dylan na sumumpa sa harap ng Diyos na mamahalin ko habang-buhay no matter what it takes.
“W-why?” mahina ngunit sapat na yun para marinig niya rin ako.
“C’mon, don’t be naïve. You know the hell why!”
“I d-don’t understand, please-“
“Kasi baog ka Faith! That’s why!”
Natigilan ulit ako at parang pinompyan ang puso ko sa mga salitang binitawan niyang yun.
“Hindi mo ko mabibigyan ng anak Faith, yun lang! Yun lang yung hinihingi ko, anak!” nagsimula na rin magaralgal ang boses at mamula ang mukha niya.
I can see how he was able to stop his tears from falling, I can see the sincerity and tiredness of his eyes. I can see everything.
“That explains everything kung bakit ko rin kailangang gawin to.”
He hand me a brown envelope, I was clueless kung ano ang laman.
Takot akong malaman.
Pero doon nagsimulang mabingi at sumikip ng todo ang aking dibdib ng malaman ko kung ano laman nito.
“No. No D-Dylan please. You can’t leave me. Please honey, mahal na mahal kita. Alam mo yan, we can still be a family kahit wala tayong anak. Please Dylan” pagmamakaawa ko sa kaniya.
“For you Faith, but for me?”
Niyakap ko siya ng mahigpit, humahagulgol at nagmamakaawang ‘wag akong iwan. Ang sikip at ang sakit sa dibdib pero he is my husband. I love him more than anything and anyone in this world, pangalawa sa Maykapal.
“Nabuntis ko si Megan.”
Nanghina ako at kumawala sa yakap niya.
“She’s carrying my baby Faith. I’m sorry I should’ve told you.”
“Megan? My b-bestfriend?!”
“Yes, and you can’t stop us. I’m really sorry. Pirmahan mo na yung annulment, quits na tayo.”
Wala ko sa sariling pinirmahan ang papers at nag-impake ng mga gamit ko. He was just sitting there, hinayaan akong mawala sa buhay niya.
I smiled bitterly, I can feel the warm tears rolling on my cheeks. This time, I can’t hold him. I can’t force him to stay, lalo na’t he’s going to be a father. Yan lang yung pwede kong maibigay sa kaniya, kalayaan kapalit ng hindi ko pagbigay sa kaniya ng anak. Even if it means breaking myself a thousand times, gagawin ko. I made a promise, na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya kahit na hindi na ko ang dahilan non.
Tinignan ko pa saglit ang kabuuan ng bahay bago ko pinaandar ang kotse ko at tuluyang naglaho sa kaniya.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play