English
NovelToon NovelToon

Flashbacks

Prologue

"AT PAGKATAPOS... pagkataos," nilukot na lamang ni Leo ang mga papel sa sobrang inis. Halos dalawang oras na siyang nakatunganha sa lamesa at hawak hawak ang ballpen pero wala pa rin siyang maisulat.

Tumingin siya sa bintana, mataas na ang araw at walang masyadong hangin. Tuyot na tuyot ang paligid ng lugar kung nasaan siya ngayon. Sa totoo lang, bored na bored na siya kanina pa. Kung hindi lang sa may sakit niyang Lolo ay hindi siya sasama na umuwi sa lugar na ito kasama ang buong pamilya.

Binuksan niya ang cabinet at kinuha ang isang stick ng sigarilyo na naroon. Meron pa pala siyang natatago. Sisindihan na niya itodapat nang bigla namang may humablot nito sa kanyang kamay.

"What the ****"

"Hep, hep. Bawal ang sigarilyo dito. May sakit ang lolo mo, remember?" sabi ng lalaking nasa edad na sitenta'y otso.

"Yeah." Umirap na lang siya bilang sagot.

Napatingin naman ang matandang lalaki sa basurahan na punong-puno na ngayon ng mga lukot na papel. "Ano bang ginagawa mo?" tanong niya kay Leo.

"Wala lang." sagot ni Leo na medyo naiinis dahil hindi siya makapag-sigarilyo sa loob ng sariling kwarto. Ano bang ginagawa ng matandang lalaki na iyon sa kuwarto niya? "Ano nga po palang ginagawa niyo rito?" tanong ni Leo.

Ngunit hindi sumagot ang lalaki. Nagtungo ito malapit sa basurahan at kumuha ng isa sa napakaraming papel na nagkalat sa lapag. "Nagsusulat ka? Para saan naman?" tanong ng matanda.

Tumingin na si Leo sa kausap. "Lo, ano ba'ng ginagawa niyo rito?" tanong niya ulit.

Pero hindi pa rin nito sinagot ang tanong niya. Napangiti na lamang ito habang binabasa ang nilalaman ng papel. "Noon niya nalaman na pag-ibig na pala ang kaniyang nararamdaman..." at pagkataposbasahin ay tumingin siya kay Leo na nakakunot na ang noo. "Sumusulat ka ng isang love story?"

Umirap si Leo sa kanyang lolo. Badtrio naman kasi, naisip niya, sa lahat ng napunta sa kanyang genre, love story pa! Napakabaduy. "Lo, ano ba kasing

---"

"Hindi ka makabuo?"

Hindi sumagot si Leo sa tanong ng matanda. Hindi pa ba halata? Naisip niya. Kaya nga kanina pa siya banas na banas ay dahil wala siyang maisulat na matino. Lumapit sa kanya ang kanyang lolo at naupo sa upuan na nasa kanyang tabi. "Gusto mo bang makarinig ng isang kuwentong tungkol sa pag-ibig?" tanong nito.

Natawa si Leo "Seryoso ba kayo?" hindi siya makapaniwala na nasabi iyon ng kanyang lolo. "Ang alam ko eh... hindi kayo nag-asawa, 'di ba? So paano kayo makakapagkuwento ng tungkol sa pag-ibig kung kayo mismo walang karanasan?" natatawa niyang tanong pabalik.

Pero tanong niya rin ito sa kanyang sarili. Paano siya makakagawa ng isang love story kung siya mismo'y wala nito? Ngunit gaya kanina, hindi na naman ito sumagot. Ngumiti lang ito at tumingin sa kanya na pang may malalim na iniisip.

"Hindi naman dahil sa nag-iisa ako ngayon ay wala na akong nalalaman sa pag-ibig." Biglang sabi ng matanda. Napawi naman ang ngiti ni Leo. "Alam mo, noong bata pa siya."Tumayo ang matanda at saka tumingin sa bintana ng kwarto ni Leo.

"Meron akong kilala, apo. Isang babaeng sobrang tapang, sobrang tatag, at sobrang hinahangaan ko sa larangan ng pag-ibig. Siya yung babaeng kayang ibigay ang lahat ng mayroon siya maski sarili niyang kaligayahan para sa kaligayahan ng iba." Sandaling tumigil ito sa pagsasalita at tumingin ang matanda kay Leo. "Kaedad mo lang siya nung makilala ko siya dati." Napangiti pa ito habang inaalala ang nakaraan.

"Leochrys," sambit bigla ng matanda. Napatingin naman si Leo ng banggitin ng lolo niya ang kaniyang buong pangalan. "Alam mo ba kung bakit iyan ang pinangalan ng lolo Leo mo?"

Nakatingin lamang si Leochrys sa kanyang lolo at naggigintay ng sagot.

"Isang pangalan, pero sa totoo lang, may dalawang tao na nagtatago sa pangalan mo, apo.

"Gusto mo bang ikuwento ng iyong Lolo Aries?" ngumitu ang matanda sa apo niya... at doon niya sinimulan ang kuwento.

Flashback 1

"CAN YOU smile a little wider please? Yes, that's nice." Ginalaw niya ang lense. "In three, two, one!" click. "Very good" Umayos na nanv tayo si Chrys at ngumiti muna matapos makita ang picture na nasa camera bago tumingin sa nasa harapan. "We're done, you can now pack up, guys!"

Naglakad na rin siya papunta sa kanyang mga gamit. Tinignan pa niya ang ibang picture na nasa camera na hawak niya. Bigla lang siyang napatigil sa kanyang ginagawa nang biglang lumapit si Nancy, ang kanyang assistant photographer na una niya ring naging kaibigan sa lugar na kung nasaan man siya ngayon.

"Ms. Chrys?"

"Yep?"

"Someone here wants to see you," sabi ni Nancy na nakangiti.

"Sino?" tanong niya. Pero hindi na siya nito sinagot. Napatingin na lang siya sa isang lalaking matangkad na nakasuot ng brown leather jacket, black jeans at shoes, at mayroong pamilyar na mga titig. Napangiti siya nang biglaan. Hindi niya akalain na magkikita ulit silang dalawa.

"Chrys," pabungad na bati nito sa kanya

"Hey," nakangiting sagot niya rito.

"Long time no see. Kamusta ka na?"

Lumapit na siya sa lalaki. "Yeah." Tatlong hakbang na lang ang layo nila sa isa't isa ngayon. "Long time no see rin... Aries."

"SO HOW'S the feeling of being succesful architect?" tanong ni Chrys sa kausap. Nilapag niya rin ang mug sa lamesa at sumandal sa kanyang upuan. Nasa isang coffee shop sila ni Aries, malapit lang sila sa studio na pinagtatrabahuan at pagmamay-ari ni Chrys. "Paano ka pala napunta rito sa New York?" dagdag niyang tanong.

"Sakto lang. Medyo mahirap lang sa umpisa kasi mahirap maghanap ng client lalo na't fresh graduates yung ilan sa mga kasama ko sa team." Humigop ito sa mug na hawak-hawak niya bago magpatuloy ngpagsasalita. "Last year pa ako nandito. Maybisang project kasi kaming ginagawa ngayon. Medyo patapos narin so i had time to wander around th city. The last day, I met with my client sa coffee shop na ito. And then that's why i saw you together with a girl, yung... babae rin na nagpasok sa akin sa studio."

"Si Nancy," sabi ni Chrys.

"O yeah right. Si Nancy. Nagulat nga ako at Pinay rin siya, hindi halata dahil mukha siyang taga rito talaga."

"Pero bakit hindi mo pa ako nilapitan nun?" tanong ni Chrys.

"I was having a second thought. Baka kasi namamalikmata lang ako so hindi kita agad nalapitan. But nung bumalik ako diro, Isaw you again. Kaso, hindi na naman kita nalapitan kasi... baka magulat ka. So kanina ko lang talaga naisipang magpakitw." Nakangiting paliwanag ni Aries.

"I see, medyo nagulat nga ako. I never thought that of all places, dito pa sa New Yorkkita makita." Nakangiti na naman si Chrys at napangiti na rin si Aries sa nakita niyang reaksiyon sa dalaga.

"Yeah. But... how are you?" biglaan niyang tanong. "Paano ka naging photographer? I thought you always wanted to be a writer?" sunod-sunod niyang sabi. Tandang-tanda niya na sinabi ito sa dalaga sa kanya noong unang beses niyang niyayang lumabas si Chrys, dahil sa pagkasira niya sa cellphone nito.

Agad naman na nagbago ang expression ng mukha ni Chrys matapos marinig ang huling tanong ni Aries, "I am fine." Ngumiti siya, pero hindi buo.

Bu it's been a while since someone asked her about what she feels. Hindi na nga niya matandaan kung kailan nga ba ang huling beses at kung sino ang nagtanong, and she thinks she doesn't know how to answer it anymore.

Dumating siya sa New York nang hindi niya inaasahan. Dapat ay magbabakasyon lamang siya sa siyudad kasama ang kanyang pinsan na si Vincent. Tatlong linggo na siya sa New York nang maisipan niyang bisitahin ang pinsan sa trabaho, at doon nakilala niya ang business partner nito, na isa ring professional photographer na si Janelle. Dahil nakahiligan na rin niya ang kumuha ng larawan, sumama na siya palagi rito. Madalas siya sa studio, at minsan siya na ang kumukuha ng larawan ng mga client. Isang buwan pa ang nakalipas ay napag-isipan ni Chrys na mag-apply bilang isang assistant photographer, at doon niya nalaman na mayroon pala siyang future sa paghawak ng camera.

Flashback 2

"Siguro aksidente lang yung pagiging photographer ko. Sinubukan ko lang naman noong una, but then nung mag-enjoy ako, tinuloy ko na. Kumuha rin ako ng photography class para do'n." Umayos ulit siya nang upo para makuha ang mug na nasa lamesa.

"I see," matipid na reaksiyon ni Aries. Medyo nadismaya siya sa sagot ni Chrys. Hindi naman talaga ito ang gusto niyang itanong. Gusto niyang malaman kung okay na ba talaga ito at kung masaya nga ba talaga si Chrys.

Pero hindi na niya itatanong. Ayaw na niyang itanong. Baka kasi masaya na ito sa panibagong buhay at nalimutan na ang nakaraan -- nalimutan na silang lahat, nalimutan nang nagmahal; o baka naman pinipilit lang nitong maging masaya sa panibagong buhay at nakakulong pa rin sa nakaraan - nakakulong pa rin sa sakit na nararamdaman at patuloy pa rin na nagmamahal kahit na nasasaktan. Hindi siya sigurado kung ano ang kinatatakot niyang malaman, hindi niya gustong alamin kasi parehong masakit.

"And then, after two years, bumukod na ako. Para kasing gusto ko nang maging independent, para kasing gusto kong mapag-isa." Sumandal ulit si Chrys sa kanyang upuan. "And to answer the other question," ngumiti ulit siya kay Aries, napansin niya kasing nagbago ang expression ng mukha nito, halatang may iniisip. "I also thought that i wanted to become a writer. Siguro may mga bagay na akala mo gustong-gusto mo talaga, but when something comes up or happens, that's when you realize na hindi mo talaga iyon gustong-gusto."

Napakagat pa si Chrys sa kanyang labi. "In my case, bigla na lang nawala eh. Pagkagising ko wala na. It feels like, I don't want to write anymore." She smiled, again. "But I am happy." Dagdag niya.

"I am happy kasi may sarili na akong studio, hawak ko ang oras ko, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. I am 24, I am free, I can do whatever I want, at wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko. Nung nakaraan nga lang nandito si Daddy eh. Kaso kinailangan niyang umuwi agad sa Pilipinas kasi aasukasuhin niya yung luoa namin sa probinsya," mahabang paliwanag ni Chrys.

Nakatingin lang naman si Aries sa kanya, hindi nagsasalita, Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Napipi nga siya bigla kahit na marami naman siyang gustong itanong ngayong magkaharap na sila.

Bumuntong hininga si Chrys. "So... ikaw kamusta ka? Sina Rosen, kamusta?" bigla niyang tanong, pagbasag sa katahimikan. "I haven't heard from them since... I... I left."

Kasi hindi ka nagpaparamdam. Gusto sanang sabihin ni Aries. Peri siyempre, hindi na naman niya sinabi.

Simula nang umalis si Chrys, tinanggal na niya ang lahat ng contact niya sa Pilipinas, pwera na lang sa ilang kamag-anak. To forget everything, and there is the only reason kung bakit niya ginawa iyon. But then, she failed. She still remembers everything.

"They're married. Sila ni Jei. And i think manganganak na si Rosen sa first baby nila ngayong taon," nakatinging sabi ni Aries.

Lumiwanag naman ang mukha ni Chrys. "Really?! God, I wish nando'n ako sa kasal nila. Sayang!" At halata naman sa mukha at nises ni Chrys na talagang nanghihinayang siya. "At for sure, ang cute ng magiging baby nila. How i missed them."

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play